Share

Chapter 53: First Thing Revealed

“Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon.

"Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito.

Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko.

Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila.

“What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga.

“Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan.

Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status