Share

CHAPTER 21

Napatayo ako ng makitang si Kyle nakakalabas lang ng room ni Kate dito sa Hospital. Namumula ang mata niya dahil kahapon pa siya iyak ng iyak dahil sa nangyari kay Kate.

Laking pasasalamat ko na buhay pa si Kate matapos na masamang nangyari sa 'kaniya. Hindi lang siya basta sinagasaan nabaril pa siya sa balikat niya.

Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising at sinabi na ng Doctor kanina na posibleng magkaroon siya ng amnesia kapag nagising siya. Pwede daw temporary at pwede rin hindi. Pero sana h‘wag naman dahil alam ko kong gaano kahirap mawalan ng alaala. Siguro nga hindi na talaga babalik itong alaala ko.

"Jel masama ba akong boyfriend?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ka masamang boyfriend. Para sa 'kin boyfriend material ka." Ngumiti ako sa 'kaniya pero nawala rin 'yon ng tiningnan niya ako ng malungkot.

Malalim akong bumuntong hininga. "Sorry kasalanan ko," mahinang sabi ko.

"Hindi mo dapat sinasabi 'yan. Wala kang kasalanan. Dapat sisihin dito ay ang gumawa nito sa 'kaniya," sabi niya at ngumiti sa 'kin ng pilit.

Hindi niya man sabihin alam kong meron sa 'kaniya na sinisisi ako sa nangyari kay Kate ngayon. Galit ako sa gumawa nito sa kaibigan ko. Hanggang ngayon nag iimbestiga parin ang mga pulis at hindi pa tukoy kong sino ang sumagasa o bumaril kay Kate. Nakakainis lang dahil sakto daw na nasira ang CCTV bago ang pangyayari. Halatang pinlano ang lahat.

Kong sino man ang gumawa nito dapat hindi niya na dinamay ang kaibigan ko. Kong may galit siya sa 'kin o kay mama sa 'min nalang sana. H'wag niya idamay ang iba.

"Hindi mo ba dadalawin si Kate?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot at iniwas ang tingin sa 'kaniya. Hindi ko kayang lapitan ngayon si Kate matapos ng nangyari. Kanina nga hindi ko matingnan sa mata ang mama niya dahil kasalanan ko kong bakit nangyari ito kay Kate.

"Jel, h'wag mo sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan," sabi niya.

Hindi ko man sabihin nababasa niya ang naiisip ko ngayon dahil sa tagal na naming naging mag kaibigan. Alam na alam niya kong ano ang mukha ko kapag sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari.

"Pero ako parin ang dahilan kong bakit nangyari sa 'kaniya 'to. May galit sa 'min at dinamay niya si Kate dahil sa 'kin..." mahinang sabi ko. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng mga luha ko sa mga mata ko.

"Hindi dahil sa 'yo, dahil sa mama mo," madiin na sabi niya. "Sa 'kaniya naman may galit ang taong iyon kaya bakit hindi nalang siya ang gantihan nila? Bakit kailangan idamay ka at si Kate?!" naiinis na tanong niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at dahan-dahan nag salubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. "Kyle h'wag mo nga pag salitaan ng ganiyan ang mama ko. Akala ko ba ang dapat sisihin ang gumawa nito kay Kate? Bakit parang ang mama ko ang sinisisi mo?!" Hindi napigilan ng boses ko ang magtaas.

Napatayo siya at umiling. "Jel, buksan mo iyang mga mata mo. Magising ka sa katotohanan ng malaman mo at maintindihan mo kong bakit nangyayari ang lahat ng 'to," sabi niya bago tumayo at naglakad papalayo sa 'kin.

Napalunok ako at kumuyom ang mga kamao ko. Bakit ba ganiyan sila kay mama? Si mama ba sumagasa o bumaril kay Jel? Hindi naman diba—hindi nga ba…

Napatayo ako at lumapit sa pinto ng kwarto ni Kate. Hinawakan ko ang doorknob. Pipihitin ko na sana para pumasok pero parang hindi ko pa kaya. Mula dito tanaw ko ang kalagayan ngayon ni Kate. Maraming nakakabit sa 'kaniya na mga kong ano-ano at tulog parin siya.

Bigla ko tuloy naalala ang una ko siyang nakilala at ang pangako ko sa 'kaniya.

Nagsusulat ako sa notebook ko ng biglang pumasok si Charisse at Chloe. Lumapit sila sa transfery at binuhusan ito ng juice nilang hawak. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nilang dalawa.

"Masarap ba?" nakangiting tanong ni Charisse at nag high five pa sila ng kasama niya.

Ang sasama talaga ng ugali ng dalawang 'to. Totoo nga ang sabi ni Kyle na nakakainis ang dalawang 'to. Hindi ko na kaya makita ang mga ginagawa nila sa mga transfery.

Ayo ko man mabully nila pero sumusobra na talaga sila. Kailangan sa 'kanila ay turuan ng leksiyon. Tumayo ako at kinuha ang iniinom na juice ni Kyle at Chunk.

Nanlaki ang mata ni Kyle sa ginawa ko. "Jeltrod bad 'yan. H'wag mo ituloy ang binabalak mo," sabi niya. Mukhang alam niya na ang gagawin ko.

Lumapit ako sa dalawang mukhang bakunawa habang hawak ang dalawang juice. Tinaasan pa nila ako ng kilay. Ningitian ko sila at binuhos ang dalawang juice sa 'kanilang dalawa.

"What the— nababaliw ka na ba babaeng mukhang dora na may bangs?!" sigaw ni Charisse. "Look what you did! Mukha na akong b****a!" malakas na sigaw niya.

"Buti alam mo," nakangiting sabi ko.

"What?!"

"Kong gusto mo itapon sarili mo h'wag na sa basurahan. Tapos mo nalang sarili mo sa bangin para masaya. Enjoyin mo pagbagsak ha." Tinapik ko ang balikat niya at lumapit sa transfery na inaway nila.

Nakayuko lang siya at tahimik. Tiningnan ko ang pangalan niya sa name pin niya. Napag-alaman ko na Kate Mary Porton pala ang pangalan niya.

"Hi, ako pala si Jel," pakilala ko at inilahad ang kamay ko.

Umangat siya ng tingin sa 'kin bago tiningnan ang kamay na nilahad ko sa 'kaniya. Napangiti siya at tinanggap iyon dahilan na mapangiti rin ako.

"Ako si Kate," pakilala niya rin.

"Friend na tayo simula ngayon," nakangiting sabi ko.

Nagulat ako ng may biglang bumuhos sa 'kin na soft drinks. Napapikit ako sa inis dahil ko man tingnan alam kong si Charisse ang may gawa no'n. Inis ko siyang hinarap at sinamaan ng tingin pero malawak lang ang ngiti niya.

"Patas na tayo," sabi niya at bigla nalang ako sinabunutan. Dahil ayo ko mag patalo sinabunutan ko rin siya at sinigurado ko na tatanggalin ko pati anit niya.

Agad na umawat ang mga kaklase namin at pinilit kami na paghiwalayin.

"Bwesit ka! Ang pangit mo pati iyang hair style mo!" sigaw ni Charisse sa 'kin ng tuloyan kaming mapaghiwalay.

"Atleast bagay sa 'kin. E, ‘yan sa ‘yo Maganda nga pero hindi naman bagay sa 'yo," hirit ko at ningisihan siya.

Susugurin niya sana ulit ako ng pumasok bigla na teacher. Agad kami napahilaway sa isa ‘t-isa at napayuko.

“Go to Dean Monyo office. Now!” malakas na utos niya sa ‘min.

Pasimple kaming nagkatinginan ng masama ni Charisse.

Pinagalitan lang kami at pinag sabihan ni Dean noong makarating kami ng Dean Office. Buti na nga lang hindi ipapatawag ni Dean ang mga magulang namin dahil kong nagkataon lagot ako.

"Sana hindi mo na siya pinatulan. Aawayin ka lang niya araw-araw," sabi ni Kate habang nag lalakad kami patungo ng canteen.

"Nakakainis kasi, e. Pero sige, hindi ko na siya papatulan sa susunod." Ngumiti ako at inakbayan siya.

Napansin ko na panay ang tingin niya sa uniporme niya at sa mga taong nadadaanan namin. Napansin ko na panay sulyap sa 'min ng mga school mates namin.

Ngayon ko lang napansin na pareho palang madumi ang damit namin at basa.

"Huwag mo sila pansinin. Hindi lang naman ikaw dito ang basa at madumi ang damit. Tingnan mo 'ko." Turo ko sa sarili ko. "May extra damit pa ako sa locker ipapahiram ko 'yon sa 'yo."

"Pero pano ka?"

"Ano kaba okay lang sa ‘kin ang ganito. Wala naman ako pakiealam sa tingin nila atleast hindi ako nakahubad diba?" Napatawa siya sa sinabi ko.

“At diba sabi ko kanina magkaibigan na tayo?” Napangiti siya sa sinabi ko.

Ningitian ko rin siya bilang ganti. "Simula sa araw na ito wala ng mambubully sa 'yo dahil kasama mo 'ko at proprotektahan kita. Kong kinakailangan na awayin ko sila para 'yo gagawin ko." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

Hindi ko natupad ang pinangako ko sa ‘kaniya na proprotektahan ko siya. Pero ngayon pinapangako ko na mananagot kong sino ang gumawa sa ‘kaniya nito at sisiguraduhin kong makukulong siya sa kalungan habang buhay.

Hindi na ako pumasok sa room niya at  umuwi ng bahay. Kinabukasan pagkapasok ko ng school wala si Kyle siguro nasa Hospital siya ngayon at binabantayan si Kate.

Pagkapasok ko palang ng classroom automatic na sa akin lahat ang paningin ng mga kaklase ko at nilapitan ako.

“Totoo bang na aksidente si Kate? Ano nangyari? Pwede mo ikwento?” tanong ng isa kong kaklase na lalaki at tinuon pa ang microphone sa bibig ko na parang iniinterview ako sa news.

Alam na pala nila ang nangyari kay Kate. Ang bilis naman makarating sa ‘kanila ang balita.

Hindi ko sinagot ang tanong nila at dumeretso sa upuan ko at umupo. Hindi na nila ako kinulit pa dahil alam naman nila ang ugali ko kapag ayaw ko talaga magsalita hindi na talaga ako mapipilit pa.

Hindi nagtagal dumating ‘din si ma‘am at nag klase.

“Explain the phenomenon of 10% energy transfer to trophic levels,” sabi ni ma‘am at tinukso ang isa sa mga kaklase ko.

***

Lnch time na pero mukhang wala akong gana kumain. Nandito lang ako ngayon sa room namin. Nakaupo at nakatulala sa labas ng bintana.

Kumusta na kaya ang kalagayan ni Kate ngayon? Gising na ba siya? Sana naman magising na siya dahil gusto ko pa mag sorry sa ‘kaniya lalo na sa mga nasabi kong hindi magaganda sa ‘kaniya noon. 

Totoo nga ang kasabihan. Sa huli na ang pagsisi.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko man lingonin alam kong si Scart ‘yon.

“Huwag mo ‘ko tanongin,” sabi ko. Hindi niya man sabihin alam kong curious siya at marami siyang itatanong sa ‘kin tungkol kay Kate.

“Manghuhula ka ba? Paano mo nalaman na mag tatatanong ko?” namamanghang tanong niya.

Tumayo ako at iniwan siya sa loob ng classroom. Narinig kong tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon at pinansin pa. Hindi ko alam kong saan ako pupunta ngayon. Hinayaan ko nalang ang mga paa ko kong saan tutungo.

Natigil ako sa paglalakad ng makita si Kyle na hawak ng mama niya sa braso niya habang pinipilit pumasok ng eskwelahan. Nagpupumiglas si Kyle at napatingin narin sa ‘kanila ang ibang estudiyante dito.

Matagal narin noong huli ko nakita ang mama ni Kyle. Medyo tumanda narin si tita at mas lalong naging nakakatakot ang mukha niya. Naalala ko noon na sa tuwing pupunta ako sa bahay nila Kyle lagi talaga ako nag mamadaling umuwi lalo na pag nandoon ang mama ni Kyle dahil kong ano-ano tinanong niya minsan sa ‘min.

Madalas na tinatanong niya tungkol sa grado namin sa school at kong kami na ng anak niya. Isa rin ‘yon sa dahilan kong bakit ayo ko tumagal sa bahay nila kapag nandoon ang mama ni Kyle.

“Kapag nalaman kong nakikipag kita ka parin sa babaeng ‘yon. Mapipilitan akong sa states ka paaralin!”

Napahinto ang mama ni Kyle na makita ako. Napalunok ka agad. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng bigla akong tiningnan ni Kyle na parang nanghihingi ng tulong.

Huminga ako ng malalim bago naglakad papalapit sa ‘kanila. Kong hindi ko lang talaga ‘to best friend si Kyle ayo ko talaga lumapit sa mama niya. “Hello po,” bati ko sa mama niya at ngumiti ng pilit. Nakakatakot talaga siya tumingin.

“Ikaw pala Jeltrod. Ang laki mo na at mas lalo kang gumanda. Kumusta ang grades mo?” tanong niya.

Sinasabi ko na nga ba at tatanongin niya ako nito. “Okay naman po at hindi mababa,” sagot ko.

“Mabuti naman kong gano‘n. Pero kailangan mas lalo mo iyon pataasin at h‘wag pababain. H‘wag kang tumulad sa anak ko na nag ka girlfriend lang pinabayaan na ang pag-aaral,” madiin na sabi ni tita sabay tingin kay Kyle.

Nakayuko naman si Kyle at hindi na sumagot pa sa mommy niya. Hindi ko maiwasan hindi maawa kay Kyle dahil ngayon na nandito na ang mommy niya. Paniguradong puro pag-aaral nalang ang gagawin niya at hindi niya na magagawa ang gusto niyang gawin.

“Tita, sabay nalang po kami papasok ni Kyle,” sabi ko at hinila si Kyle papalapit sa ‘kin.

“Sige, siguraduhin niyo na hindi kayo mag cu-cutting classes. Hindi ko gusto ‘yon.”

Tumango ako. Tiningnan ko si Kyle at sinenyasan siyang mag paalam na sa mama niya. “Ah, m-mama…p-papasok na po k-kami,” nauutal na paalam ni Kyle.

Ganito siya lagi sa mama niya pagkaharap niya ito. Lagi siyang nauutal kapag nagsasalita kaharap ang mama niya. Siguro dahil takot siya sa mama niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo kami sa mama niya. Binitawan ko ang braso ni Kyle at pinag krus ang mga braso ko. “Bakit hindi ka pumasok kanina?” tanong ko.

“Masama kasi ang pakiramdam ko,” sagot niya.

Napansin ko ang putla niya at pawis na pawis. Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya. Hinawakan ko ang noo niya at sobrang init niya.

“Sira ulo ka! Bakit pumasok ka parin kong masama ang pakiramdam mo?!”

“Si mama kasi. Sinabi ko na sa ‘kaniya na masama ang pakiramdam ko pero ayaw niya maniwala dahil baka palusot ko lang ‘to para hindi pumasok.”

Nagpapasalamat ako at hindi ko naging ina ang mama niya. Minsan naiinis rin ako sa mama niya dahil gusto niya lang ay makakuha ng mataas na grado si Kyle at laging nangunguna sa klase. Kahit nilalagnat na itong si Kyle pinilit niya parin pumasok ‘to. Ano ba siyang klaseng magulang? Wala ba siyang pakiealam sa anak niya kahit mag ka sakit na?

Bumuntong hininga ako. “Hali ka pupunta tayo ng clinic. Mag pahinga ka mo na do‘n. H‘wag kang mag-alala ako na bahala sa mama mo at sa teacher,” sabi ko.

“Salamat,” ngiti niya.

Hinatid ko lang si Kyle sa clinic at pagkatapos bumalik na ako sa classroom. Noong natapos ang klase namin himalang tinawag ako ni mama at sinama pauwi ng bahay. Gusto ko pa sana puntahan si Kate sa hospital pero hindi siya pumayag.

***

“Ililipat kita ng school.”

Muntik ko na malunok ang buto ng baboy sa sinabi ni mama. Nanlaki ang mata ko na tiningnan siya pati si papa nagulat rin sa sinabi ni mama.

“Po? Bakit niyo ako ililipat ng school?” tanong ko.

“Bukod sa dami ng record mo sa guidance office. Gusto ko na lumayo ka dito,” seryosong sabi niya.

“Bakit kailangan lumayo ni Jeltrod dito? Okay na siya sa dito,” sabi ni papa.

Agad naman ako sumang-ayon sa sinabi ni papa. Hindi na nagsalita si mama kaya wala akong nagawa kong hindi magpatuloy nalang sa pagkain at hindi na nag tanong pa dahil baka magalit pa siya.

Malalim na ang gabi at tulog na sila mama at papa pero ako gising pa. Bumangon ako sa kama ko at tiningnan ang oras mag-aalas dose pa lang. Sinuot ko ang tsinelas ko at binuksan ang ilaw. Nag hanap ako ng kulay itim na jacket at cap sa closet ko at sinuot iyon.

Balak ko ngayon pumunta ng Hospital para dalawin si Kate at ang mama niya. Mabilis lang naman ako sa Hospital at babalik rin ako ka agad. Kanina ko pa talaga kasi gustong pumunta sa Hospital at nag hahanap lang ng tiyempo makalabas ng bahay ng hindi nalalaman ni mama.

Marahan lang akong bumaba ng hagdan at nang tuluyan makababa. Para akong si Flash na mabilis lumabas ng bahay. Pagbukas ko ng gate nanlaki ang mata ko ng nakita si Justin na nakaupo at nakatingin sa cellphone. Parang nakikipagtalo siya sa isip niya dahil panay ang iling niya at tango. Ano kaya ginagawa ng lalaking ‘to dito ng ganitong oras? Kanina pa ba siya diyan?

Marahan akong lumapit sa ‘kaniya at sinilip ang tinitingnan niya sa cellphone niya. Nakita kong nagsusulat siya ng message na isesend sa ‘kin pero binubura niya rin at pinapalitan. Mukhang hindi niya alam kong ano ang itetext para lumabas ako.

Bahagya akong yumuko para-maabot siya at nilapit ang bibig ko sa tenga niya. “May aswang!” sigaw ko sa tenga niya.

Napatalon siya sa gulat at naihagis ang cellphone niya. Gulat siyang napatingin sa ‘kin habang ako tawang-tawa. Pero kahit nagulat na siya gwapo parin siya. Sana all gwapo parin kahit nagulat ako kasi kasabay ng paglaki ng mata ko ang ilong ko at kong ano pa nasasabi ko.

Huminga siya ng malalim at pinulot ang cellphone niya. Buti nalang at matibay ang cellphone niya kaya hindi nabasag.

Tumigil ako sa pagtawa at pinag krus ang mga braso ko. “Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ko.

Napakamot siya sa batok niya. “A-Ano… napadaan lang ako. Galing kasi ako do‘n sa nagtitinda ng fish ball at aalis na sana ako ng n-nasiraan ako ng sasakyan. Tapos…ano…saktong dito mismo huminto ang sasakyan ko kaya umupo mo na ako dito para i text ang kaibigan ko na sunduin ako tapos ano. Iyon lang pala wala ng kasunod,” mahabang sabi niya.

Napatango nalang ako. “Okay.” Nilagpasan ko siya at naglakad papalayo. Naramdaman ko na agad siyang humabol sa ‘kin.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Bakit gusto mo malaman?”

“Gusto mo hatid na kita sa pupuntahan mo? May kotse ako,” sabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad at seryoso siyang tiningnan.

“Sabi mo sira diba?” tanong ko.

Napalunok siya at iniwas ang tingin sa ‘kin. Napahawak siya sa batok niya at napipilitang napatawa. “Oo nga pala sira ang kotse ko.”

Pwede niya naman sabihin na gusto niya lang ako makita kaya nandito siya at hindi na magpalusot na nasiraan siya ng sasakyan.

“Pupunta ako ng Hospital may dadalawin ako,” sabi ko.

“Sino?”

“Kaibigan ko naaksidente kasi siya.”

Biglang nag-iba ang mukha niya. “Iyong babae mo ba na kaibigan na ang pangalan Kate?” Tumango ako sa tanong niya. “Sumusobra na siya…” bulong niya pero narinig ko ‘yon.

“Sinong sumusobra?”

“W-Wala! Pwedeng sumama ako sa ‘yo papuntang Hospital. Gabi narin kasi at baka mapano ka mas mabuting may kasama ka.”

Napangiti ako at tumango. “Sige. Tara,” anyaya ko.

SOMEONE‘S POV.

“Nakakaasar!” sigaw ko at hinagis ang mga gamit ko sa opisina.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok ang kanang kamay ko na si Jason. Masama ko siyang tiningnan at hinawakan sa kwelyo niya. “Hindi ba‘t sinabi ko na takutin mo lang? Bakit mo sinagasaan at pinabaril?!” malakas na sigaw ko sa ‘kaniya.

“Para manahimik na at wala ka ng pro-problemahin,” sagot niya sa ‘kin at tumawa.

Malakas ko siyang sinapak dahil sa sagot niya. Hindi niya kasi alam ang dahilan kong bakit ayo ko saktang ang batang ‘yon.

G*go siya ang sabi ko takutin lang ang batang ‘yon pero ako yata tinakot niya sa ginawa niya.

“G*go ka ba?! Sino ba ang boss dito? Diba ako?!” Turo ko sa sarili ko.

Hinawakan niya ang panga niya at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Napatawa siya ng lalong kinasalubong ng kilay ko. Na bwebwesit na ako sa lalaking ‘to! Lagi nalang siya palpak.

“Ngayon ka lang yata nakita ‘to. Dati ayos lang sa ‘yo kahit patayin ko ang mga taong ayaw mo at makakasagabal sa plano mo.” Tumawa siya at biglang nag seryoso. “Bakit ngayon iba ka na yata?” madiin na tanong niya.

Kumuyom ang kamao ko at hinawakan ang kwelyo niya. Hinila ko siya patayo gamit ang kwelyo niya at sinakal pero nakangiti parin siya. Naaasar na ako sa ngiti niya t*ngina!

“Kong ano ang sinabi ko. Iyon lang gagawin mo. Baka gusto mo mapabilang sa mga listahan ng mga taong pinapatay ko sa ‘yo?” nakangising banta ko.

Nawala ang ngiti sa labi niya. Padabog ko binitawan ang kwelyo niya kaya napaupo siya sa sahig. Binunot ko ang baril ko at tinutokan siya.

“B-Boss kanan kamay niyo ko. Ako lang ang mapagkakatiwalaan mo. Kaya mo ba talaga na patayin ako?” Kahit ngumiti siya alam kong kinabahan siya dahil medyo nanginginig ang boses niya.

Ngumiti ako at pinutok ang baril.

Sinadiya ko na hindi tumama sa ‘kaniya at gilid niya lang. Gusto ko lang siya takutin para magtanda. Nasanay yata siya na lagi akong mabait sa ‘kaniya at binibigyan ng. special treatment kaya kong ano-ano na ang ginagawa.

“Practice lang,” nakangiting sabi ko at binalik ang baril ko sa bulsa ko.

Marahan niya minulat ang mga mata niya at hinawakan ang sarili kong may tama ng baril o wala. “Lumabas kana bago mag bago ang isip ko.” Sinenyasan ko siyang lumabas.

“Salamat boss! Hindi na mauulit!” sabi niya at dali-daling lumabas ng opisina ko.

Umupo ako at nilagyan ng alak ang baso ko. Gusto ko pumunta mamaya sa Hospital. Gusto ko dalawin ang anak ko.

***

A/N: Surprised! Marami pa pong surpresa sa susunod na mga chapter. Kaya abang-abang po. H‘wag po kalimutan mag vote at mag comment. Kinikilig po kapag may nababasang comment galing sa inyo. Hehe

CyLili

This is the new version of I Remember. Para hindi malito sa story i suggest to read it again from the prologue. Thank you ❤️

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status