Share

CHAPTER 23

Napalingon ako sa likod ko at napatayo ng marinig ang pamilyar na tawanan. Nakita ko si Justin kasama ang mga kaibigan niya. Si Druce nakaakbay sa 'kaniya habang tinitingnan siya ng nakakatuksong tingin at si Peter naman parang walang pakiealam sa mundo.

"J-Jel," sambit ni Justin sa pangalan ko ng makita ako.

Napatingin sa 'kin ang dalawa. "Hindi naman si Jel-" Hindi natapos ni Druce ang sasabihin at gulat na ibinalik ang tingin sa 'kin. "Oo nga si Jeltrod nandito. Pero sandali bakit ka nandito?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at tumingin kay Justin.

"Ah! Alam ko na. Nandito ka ba for our handsome best friend name Justin Villia?" nakangising tanong niya.

Inalis ni Justin ang braso ni Druce nakaakbay sa 'kaniya at lumapit sa 'kin. "Bakit ka nandito?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at niyakap. Hindi ko man makita ang reksiyon niya alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Naramdaman kong tumulo ulit ang mga luha ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap ko sa 'kaniya.

Kong ako nga talaga si Damania ibig sabihin bestfriend ko siya at malapit ako sa 'kaniya pero hindi ko lang malala. Kaya pala noong ko siyang nakita gano'n ang reaksiyon niya.

Pumunta ako dito dahil siyang lang ngayon ang pwede ko pagkatiwalaan at itanong sa 'kaniya ang gusto kong itanong.

"Sali naman diyan-" Siniko ni Peter si Druce at hinila papalayo.

Kumalas ako sa pagkayakap kay Justin ng napansin kong napatingin sa 'min ang mga tao. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papalayo doon.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya habang hila ko siya.

Huminto kami ng makalayo na kami sa maraming tao. Dito sa hinintuan namin kaunti lang dumadaan dito sa ngayon at mukhang wala naman silang pakiealam sa mga dinadaanan nila.

"Bakit mo 'ko dinala dito at bakit mo 'ko niyakap-"

"Justin pwede ba sa 'yo na muna ako."

"Ha?"

Napatawa ako sa reaksiyon niya. Parang iba yata ang pagkaintindi niya sa sinabi ko. "Ibig ko sabihin kong pwede ba sa 'yo mo na ako. Ayo ko kasi umuwi ng bahay," sagot ko.

Biglang nag seryoso ang mukha niya. "Bakit? Sinasaktan ka ba sa inyo?"

Umiling ako. "Hindi naman nila kayang gawin 'yon," mahinang sabi ko. Alam kong napansin niya ang tono ng pananalita ko na parang hindi sigurado.

Pero kaya nga ba nila ako saktan? Siguro kaya nila hindi naman nila ako tunay na anak at sinasaktan na nga nila ako ngayon dahil sa ginawa nila. Nasasaktan ako dahil sigurado ako na lahat na pagmamahal na ipinakita nila sa 'kin ay hindi totoo tulad ng pangalan ko na hindi rin totoo.

"Bakit gusto mo sa 'kin?"

"Hindi ba pwede?"

"Hindi naman sa gano'n pero-"

"Kong hindi talaga pwede. Sige, okay lang. Hindi naman ako mamamatay kapag tumira ako sa kalsada," sabi ko at kumuha ng karton nasa paanan ko kanina pa. "Ay! Oo nga pala may kaibigan pa ako at si Kyle 'yon. Pwede naman ako tumira sa 'kanila. Tutal mabait naman sa 'kin ang mama niya at mukhang gusto niya pa nga kami magkatuluyan ni Kyle. Kaya okay lang talaga. Sige, alis na ako." Tumalikod na ako at hahakbang palang sana ako ng nasa harap ko na siya.

Ang bilis niya naman.

Inagaw niya sa 'kin ang karton na hawak ko at tinapon sa basurahan. Pinag krus niya ang mga braso niya at bumuntong hininga. "Fine, sa 'kin ka nalang muna."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Pero bago 'yon..."

Dahan-dahan nawala ang ngiti sa labi ko. "Ano? May kondesiyon ba?"

"Tell me, kong bakit ayaw mo umuwi sa inyo."

Sumingkit ang mata ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya at nilagpasan siya at naglakad papalayo. Naramdaman kong humabol siya sa 'kin.

"Sige, kong ayaw mo talaga sabihin hindi na kita pipilitin." Ningitian niya ako.

Sumimangot lang ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Nagulat ako ng akbayan niya ako habang nakangiti parin. Hindi nawala ang ngiti niya hanggang sa makarating kami sa pinagparkingan niya ng kotse niya.

"Pwede ba h'wag ka na ngumiti. Nakakatakot na," sabi ko.

Nawala ang ngiti niya. "Akala ko pa naman ngingiti ka rin dahil kanina ka pa mukhang malungkot at nakasimangot."

"E, ano naman?"

"I keep the smile at you because I thought I could make you smile. Hindi ba sabi mo nakakahawa ang ngiti ko? Pero mukhang hindi naman totoo ang sinabi mo. Binobola mo yata ako noon," sagot niya.

Napalunok ako at hindi nakapagsalita. Oo nga pala sinabi ko 'yon sa 'kaniya. Naalala niya pa pala 'yon?

"O-Oo nga pala sinabi ko 'yon. Pero hindi kita binobola 'no. Totoo naman kasi nakakahawa," sabi ko.

Magsasalita pa sana ulit ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at meron akong tawag galing kay mama. Binaban ko ang tawag at binulsa ang cellphone ko pero may tumunog ulit.

Akala ko tinatawagan ulit ako ni mama pero text ito galing kay Kyle.

Kyle:

Bakit hindi ka pumasok? Hinahanap ka sa 'kin ng mama mo. Alam mo bang galit na galit siya ngayon sa 'yo?

Me:

Sabihin mo hindi niya na ako makikita kahit kailan at wala na siyang anak.

Kyle:

Anak ng...anong sinasabi mo?!

Napangisi ako dahil alam kong hindi si Kyle ang ka text ko ngayon. Hindi kasi ganito mag text sa 'kin si Kyle at napakajejemon no'n mag type may kasama pang mga emoji para kuno with feelings.

Hindi na ako nag reply pa at pinatay ko na lang ang cellphone ko at binulsa ulit.

"Sino 'yon?" tanong ni Justin.

"Si Rossie Ann," sagot ko.

Simula sa araw na 'to pagkatapos ko malaman ang totoo. Hindi ko na siya tinuturing na mama ko. Ibang tao na siya na may atraso lang para sa 'kin.

"R-Rossie...teka si-"

"Sasakay na ako ha," sabi ko para hindi niya matapos ang sasabihin niya.

Pagkapasok ko sa kotse niya. Sunod rin siyang pumasok at nag sitbelt. Susuotan niya pa sana ako ng sitbelt ng inunahan ko na siya.

Sinimulan niya ng paandarin ang kotse niya habang ako nakatingin lang sa labas ng bintana. Naramdaman ko na panay ang sulyap niya sa 'kin. Para bang may importanteng bagay siya na inaalam o kinukumperma sa 'kin. Napalunok lang ako at pilit na hindi pansinin ang mga sulyap niya dahil ang lakas l ng tibok ng puso ko dahil do'n.

***

"Jel may-" Naputol bigla ang sasabihin niya ng bigla nahinto ang sasakyan namin.

Bumisina ang mga nasa likod namin dahil sa nangyari.

Hindi ko alam pero biglang nanginig ang katawan ko at nakaramdama ng sobrang kaba dahil sa nangyari. Parang bigla namuo ang malalamig na pawis sa noo ko at sumakit bigla ang ulo ko at pakiramdam ko nangyari na sa 'kin 'to.

"Jeltrod, okay ka lang?" nag-alalang tanong ni Justin sa 'kin.

Hindi ko siya sinagot at napatingin sa labas ng kotse ng kumatok ang may-ari ng kotse nabangga ni Justin.

Hindi ko alam pero parang biglang umiba ang itsura ng paligid ko. Ang kaninang kotse na sinasakyan ko biglang naging isang van at nakikita ko ang sarili ko noong bata ko na may kasamang isang lalaki na kasing edad ni papa at matandang lalaki at ang dalawang lalaking 'yon walang mukha.

"Daddy, maganda po ba talaga sa Paris? Mas gusto ko sa Japan nalang mag-aral," sabi ko habang ang paningin nasa tablet ko. "Gusto ko makita ang puno na kulay pink. Ang sabi ng isang kaklase ko mas maganda daw sa Japan. Nakakainis nga siya minsan kasi ang yabang kaya ayon hindi ko na pinapansin. Sarap itapon sa Japan."

Napatawa ang isang matandang lalaki na katabi ko lang. "Brat ka talagang bata ka. H'wag ka naman ganiyan sa mga kaklase mo apo. Be nice to them," sabi ng matandang lalaki na tinawag akong apo.

Nang biglang may humarang na kotse sa 'min kaya napahinto ang sinasakyan naming van. Nabitawan ko ang hawak kong tablet at pupulutin ko sana 'yon ng biglang bumukas ang pinto ng van na sinasakyan namin. May dalawang lalaki nakasuot ng maskara at nakaitim ang pumasok at hinila ako palabas ng kotse.

"Daddy! Daddy!" sigaw ko at pilit na nagpupumiglas sa lalaking nakamaskara na hawak ang braso ko.

"Damania! Ano ba bitiwan niyo ko! Ibalik niyo sa 'kin ang anak ko. Damania!" sigaw ni daddy at sinuntok ang isang lalaki at dali-daling lumabas ng sasakyan para kunin ako pero may humampas sa 'kaniya kaya nawalan siya ng malay.

Napatingin ako kay lolo na wala ring malay. Naramdaman kong namasa ang mga mata ko dahil sa kaba. Pilit akong nagpumiglas at masamang tiningnan ang may hawak sa 'kin. Inapakan ko ang paa niya at tatakbo na sana ako ng may bumaril braso ko at hinampas ako sa ulo.

"Okay ka lang? May masakit ba sa 'yo?" Bumalik ang paligid ko sa dati at tumingin kay Justin.

Umiling lang ako at hindi mapakali sa kinauupuan ko.

Unti-unti na bumabalik ang alaala ko at totoo nga ang sinasabi ni Kate sa sulat na ako si Damania.

"Hoy!" Napatingin ako sa may-ari ng kotse na nabangga ni Justin sa labas na kanina pa katok ng katok.

"Sandali lang," paalam ni Justin at lumabas ng kotse at kinausap ang may-ari ng kotse nabangga niya.

Sumandal ako sa upuan ng kotse at pumikit. Nagbabakasakali na may maalala pa ako at maalala ko rin si Justin pero wala na talaga.

Nakakainis! Bakit hindi pa lahat?

Ilang minuto rin ako nakapikit pero wala na talaga ako maalala bukod do'n.

Ang naalala ko siguro kanina ay pangyayari bago ako nagkaroon ng amnesia. Naging dahilan siguro iyong paghampas sa ulo ko kaya wala akong maalala. Pero bakit inakala nilang patay na ako? E, buhay pa ako. Sino ang bangkay na inakala nilang ako?

Tumingin ako sa labas ng sasakyan.

Ngumiti si Justin at nakipagkamayan sa may-ari ng kotse na nabangga niya. Mukhang nagkaayos na sila at nagkasundo. Buti nalang gasgas lang ang natamo ng kotse ng lalaking 'yon. Nabangga kasi ang harap ng kotse ng lalaki sa likod ng isa pang kotse dahil na stack ang kotse ni Justin sa gitna ng kalsada.

Dahil sa nangyari kinakailangan na itulak ang kotse ni Justin para maialis dahil ang gulong pala ng kotse niya napunta sa malaking butas na hanggang ngayon hindi parin naayos. Hindi kasi 'yon nakita kanina ni Justin.

Hindi nagtagal naalis 'din ang gulong ng kotse ni Justin sa butas at salamat sa mga tumulong itulak ang kotse ni Justin.

"Salamat po sa inyo," nakangiting sabi ni Justin bago paandarin ulit ang sasakyan niya papalayo.

"Anong ginawa mo?" wala sa sariling tanong ko.

"Ha?" takang tanong niya.

"I-Ibig kong sabihin ano...ano ang ginawa mo para magkaayos k-kayo ng taong nagasgasan ang kotse niya," sabi ko.

"I paid for the damaged to their car. Mabuti nalang at mabait siya at madadala sa pakikipag-usap," sabi niya habang nag dri-drive.

Tumango lang ako at hindi na umimik. Sinulyapan ko ulit siya at huminga ng malalim bago nag salita.

"J-Justin," tawag ko sa 'kaniya.

"Bakit?" tugon niya ka agad.

"May naalala na ako. Ako si Damania." Pagkasabi niya no'n bigla niyang itinigil ang sasakyan at gulat akong tiningnan.

"A-Ano?" gula na tanong niya. “Nagbibiro ka ba?”

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. “F-Five years ago noong may humarang sa kotse na sinasakyan namin ni daddy at lolo. Pilit akong k-kinukuha ng mga taong nakamaskara pero nagpumiglas ako. Tatakas na sana ako ng binaril ako...at hinampas sa ulo kaya nawalan ako ng malay," panimula ko.

Bakas sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko ngayon. Naiintindihan ko naman kong ganiyan ang reaksiyon niya dahil pati ako hindi makapaniwala sa naalala ko.

"Tapos nagising nalang ako na sa hospital na ako. Noong mga oras na 'yon akala ko magulang ko nga sina mama at papa...inakala ko na ako talaga si Jeltrod Bonifacio dahil nawalan ako ng aalala," pagpatuloy ko. "Pero ngayon may naalala na ako kahit papaano. Alam ko na ngayon kong sino ba talaga ako."

"A-Ano?"

"Justin, maniwala ka man o hindi. Ako nga si Damania," seryosong sabi ko.

Hindi siya nakapagsalita at napalunok. Iniwas niya ang tingin sa 'kin at napasandal sa kinauupuan niya. "P-Paanong five years ago?" takang tanong niya. "Noong una inakala ko talaga na ikaw si Damania pero sa mga sinabi mo ngayon. Hindi ko alam kong ikaw nga ba talaga si Damania," sabi niya.

Taka ko siyang tiningnan. Ibig sabihin ba nito nagdududa siya sa 'kin? Hindi ba siya naniniwala sa mga sinasabi ko?

"Ibig sabihin ba nito. Hindi ka naniniwala sa 'kin?" tanong ko.

"Hindi naman sa gano'n pero..." Malalim siyang bumuntong hininga. "Yes you are right. Five year ago Damania had an accident pero hindi siya hinampas o binaril at mag-iisang taon palang noong namatay siya," mahina ang pagkasabi niya huli.

Hindi ako nakapagsalita at para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa katawan dahil sa mga sinabi niya.

Kong mag-iisang taon palang na patay si Damania ibig sabihin hindi ako si Damania. So sino ako? Pero ako si Damania at iyon ang naalala ko. Tinawag ako ng daddy ko sa pangalan na 'yon so ibig sabihin ako nga si Damania- sandali hindi kaya noong mga panahon na 'yon may nagpapanggap bilang ako para hindi ako hanapin?

"Sigurado ka ba na ang nakakasama niyo ay ako? At ang namatay ay ako?" seryosong tanong ko.

Biglang nag seryoso ang mukha niya at matagal na hindi sumagot. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan na umiling sa 'kin.

"H-Honestly, after the accident she was changed so much. M-Marami akong napansin na pagbabago sa 'kaniya. Naging sobrang mahinhin siya at ang ugali niya sobrang nag-iba. Para bang nag ibang tao siya. Hindi na siya sumama sa 'kin at hindi narin kami gano'n ka lapit sa isa't-isa tulad noon. Yes i doubt that she might not Damania but I understand if she was changed and maybe because of the accident that happened to her," sagot niya.

"Ang labo naman yata no'n. Aksidente lang pero sobrang nag-iba agad? Justin tatanongin kita. Kung ikaw maaksidente mag babago rin ba ang personality mo?" tanong ko.

"Please Jeltrod h'wag na natin pag-usap ‘yan."

"Hindi pag-uusapan natin,” giit ko. “Justin maniwala ka sa 'kin ako nga si Damania. Sigurado ako na impostor iyong nakasama niyo kaya nga pakiramdam mo ibang tao siya diba?" Hindi siya nakapagsalita. "Kong nadududa ka naiintindihan ko. Gagawin ko ang lahat para bumalik ang lahat ng alaala ko at para maalala rin kita. Dahil iyon lang ang paraan para mapatunayan ko nagsasabi ko nga ako ng totoo."

Malalim siyang bumuntong hininga at tumango. Matagal bago siya nagsalita. "Sorry pero..."

"Pero ano?"

"...mag dri-drive na ulit ako." Iniwas niya ang tingin sa 'kin at pinaandar ulit ang kotse.

Hindi siya naniniwala sa 'kin. Iniwas ko ang tingin sa 'kaniya at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko na hindi ko na malayan na tumulo.

Napatingin ako sa bracelet na suot ko at napatingin ulit kay Justin na seryoso lang ang tingin sa daan. Mukhang malalim ang iniisip niya siguro iniisip niya ang mga sinabi ko sa 'kaniya.

Naalala ko na ibinigay niya ito sa 'kin ang bracelet noon at nangako ako na kapag nakikilala ko na siya at naalala ko siya ibabalik ko 'to sa 'kaniya. Bumalik na nga ang alaala ko pero hindi naman lahat. Ni hindi ko pa nga siya maalala at ang mukha ng lolo at daddy ko.

Paano ko tuloy mapaptunayan sa 'kanila na ako nga si Damania kong si Justin palang nga ayaw na maniwala sa 'kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status