Share

CHAPTER 24

Sa halos dalawang oras na byahe nakarating ‘din kami sa bahay niya. Napakalayo nito at siguro araw-araw siyang na la-late sa school niya. Maliban nalang kong maaga siya gumigising at bumabyahe. Hindi ko alam kong ano ang pangalan ng lugar na ‘to. Gusto ko sana itanong sa ‘kaniya pero mukhang ayaw niya naman akong kausapin.

Malalim akong bumuntong hininga at iginala ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang lugar na ito ay malapit pala sa tabi ng dagat at nakakarelax ang huni ng alon at paligid.

“Tara pasok tayo,” sabi niya at nag pangunang naglakad.

Hindi ko maiwasan hindi malungkot habang nakasunod sa ‘kaniya. Ang tono ng pananaalita niya kanina iba sa tono kong paano niya ako kausapin noon at hindi niya na ako ningingitian hindi tulad noon na panay ang ngiti niya sa ‘kin kahit nagsasalita.

Pagkapasok namin ng bahay niya sinenyasan niya lang akong umupo at binigyan ng lemon juice.

Aakyat na sana siya ng tawagin ko siya. “Justin, galit ka ba?” tanong ko.

Hindi niya ako nilingon at huminto lang.  “Bakit naman ako magagalit sa ‘yo?” Malamig ang tono ng pananalita niya.

“Dahil sinabi ko kanina.”

“H‘wag mo na banggitin ang tungkol do‘n. Naguguluhan parin kasi ako.”

“Pero nagsasabi ako—”

“Naguguluhan pa nga ako! Hindi ko alam kong paniniwalaan ba kita! Basta ang gulo. Ni hindi ko alam kong ano ba itatawag ko sa ‘yo. Jeltrod ba o Damania?”

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Nakita kong huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili niya bago nagsalita ulit.

“Sorry…hindi ko sinasadiya,” paumanhin niya habang nakatalikod parin sa ‘kin. “Pero, nakikiusap ako sa ‘yo. Pwede ba munang h‘wag na natin pag-usapan ang tungkol diyan,” sabi niya at dumeretso paakyat.

Naramdaman kong may tumulo ang mga luha ko sa mukha ko at napatulala nalang sa kawalan. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ayaw niya akong nandito at parang naawa lang siya sa ‘kin kong kaya‘t sinama niya nalang ako dito dahil alam niyang wala akong matutuluyan at mapupuntahan.

Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.

Sana pala hindi ko nalang sinabi sa ‘kaniya ang mga bagay na ‘yon. Sana isinarili ko nalang ang mga nalaman at naalala ko. Hindi sana siya ganito ngayon. Alam kong nahihirapan siya paniwalaan ang sinabi ko at ni hindi niya nga ako kayang tingnan.

Hindi ko naman siya masisisi kong ayaw niya maniwala. Wala naman kasi ako mapapatunayan pa lalo na katiti-ting na alaala lang ang meron ako sa nakaraan ko.

Balak ko pa sanang puntahan ang totoo kong mga magulang pero paano ko sasabihin sa ‘kanila ang lahat? Paano ako magpapaliwanag at paano ko mapapatunayan na ako nga si Damania? Kong si Justin palang nga hirap na maniwala sa ‘kin.

Tumayo ako at sinuot ulit ang jacket ko.

Marahan akong lumabas ng bahay ni Justin at pumunta sa tabing dagat para magpahangin.

Kong ano-ano ang ginuhit ko sa buhangin gamit ang mga daliri ko. Nang magsawa ako sa ginagawa ko pinagmasdan ko nalang ang dagat at nilanghap ang hangin hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

Hindi ko alam kong anong oras ako nakatulog basta paggising ko nasa kama na ako at nakahiga.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin ko. Bumangon ako at tumayo. Nahinto ang paningin ko sa picture frame sa harap ko. Naglakad ako papalapit doon at tiningnan ang litrato.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil si Justin pala ang nasa litrato. Bata pa siya dito at naka wacky siya habang ang batang bababe nasa likod niya masama ang tingin sa ‘kaniya.

Pinagmasdan ko mabuti ang batang nasa likod niya at ngayon ko lang napansin na ako pala ang batang ‘yon. Meron akong putik sa mukha at basag na itlog sa ulo.

“G-Gising kana pala.”

Agad ako napatingin sa nagsalita at lumayo sa picture frame na tinitingnan ko kanina. Naglakad papalapit sa ‘kin si Justin at kinuha ang picture frame na tinitingnan ko kanina.

Inilagay niya ito sa ibang pwesto.

“Picture namin ‘to ng bestfriend ko,” sabi niya habang ang paningin sa picture frame.

“S-Si Daman—”

“Oo,” pagputol niya sa sasabihin ko.

Hindi na ako umimik at bumuntong hininga.

“Ah, may damit pala akong inilagay sa loob ng bathroom. Iyon nalang ang isuot mo at maligo ka narin. I'll wait for you downstairs for breakfast,” sabi niya at lumabas na ng kuwarto ng hindi man lang ako tinitingnan.

Sinunod ko ang sinabi niya at pagkatapos ko maligo at mag bihis bumaba na ako. Kulay blue ang suot kong over size t-shirt at itim namang jogging pants.

Pagkababa ko agad na hinanap ng mga mata ko si Justin pero wala siya dito.

Ang sabi niya hihintayin niya ako e, nasaan na ‘yon?

Napatingin ako sa lamesa ng may iniwan siyang pagkain, gatas at sticky note sa tabi nito.

Kinuha ko ang sticky note at binasa ang nakasulat.

Lumabas lang ako pero babalik ‘din ako. Kainin mo iyang niluto ko dahil alam kong hindi kapa kumakain mula kahapon.

-Justin

Hindi ko alam pero pakiramdam ko umalis siya dahil ayaw niya akong makita o makasama o makasabay man lang sa pag almusal.

Ibinaba ko ang hawak kong sticky note at malalim na bumuntong hininga. Napapaisip tuloy ako kong dapat pa ba ako manatili dito.

***

Mag gagabi na pero hindi parin umuuwi si Justin. Saan kaya siya nag punta? Sabi niya lalabas lang siya at babalik ‘din ka agad. Pero hanggang ngayon wala parin siya.

Lumabas ako ng bahay niya at hindi pa man ako nakakalayo nakita ko si Justin sa tabing dagat na may kayakap na umiiyak na babae.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko at parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kong bakit parang nasasaktan ako at nagseselos.

Pinagmasdan ko ang mukha ng babaeng kayakap niya at maganda ito. Mas maganda pa sa ‘kin at sexy. Kaya pala hanggang ngayon hindi siya bumabalik dahil busy siya sa babaeng kayakap niya.

Dali-dali kong iniwas ang paningin ko at naglakad pabalik sa bahay ni Justin. Pagkapasok ko sa bahay niya umupo ako sa sofa ta napatakip sa mukha ko. Na curious tuloy ako kong girlfriend niya ang babaeng ‘yon. Kasi kong girlfriend niya nga ‘yon parang hindi ko matanggap.

Kaya ba ganito nalang ang nararamdaman ko dahil may gusto narin ako sa ‘kaniya?

Napapikit ako sa naiisip ko at kumapa sa bulsa ko kong meron ba akong sticky note o ballpen man lang.

Laking pasasalamat ko ng meron akong ballpen. Naghanap ako ng kahit anong papel na pwede sulutan sa paligid. At nang makahanap. Kumuha ako ng isa.

H‘wag mo na ako hanapin at sundan. Umalis ako dahil may emergency nangyari. At naiintindihan ko kong hindi mo ako papansinin o kakausapin o kahit tingnan.

Huwag kang mag-alala hindi ako magagalit alam ko naman na ang mahirap sa ‘yo paniwalaan ako dahil sa mga nangyayari.

Natatandaan mo ba iyong bracelet na ibinigay mo sa ‘kin? Hanggang ngayon suot ko parin ‘yon at hindi ko parin naibabalik sa ‘yo. Pero kapag bumalik na lahat ng alaala ko at kapag napatunayan ko na nag sasabi nga ako ng totoo. Pangakong ibabalik ko ‘yon sa ‘yo na may kasamang isa pang bracelet. At sorry ha…hindi na ako nagpaalam ng maayos sa ‘yo naalis ako. Mukhang ayaw mo naman kasi ako kausapin kong kaya dito nalang ako sa sulat mag papaalam sa ‘yo.

-Da

Dali-dali kong inilukot ang sticky note na sinulatan ko at tinapon. Hindi ko alam kong bakit ko ‘yon nasulat basta nag kusa ang kamay ko na isulat ang mga ‘yon.

Kumuha ulit ako ng isa pang sticky notes at nagsulat.

Aalis lang ako magpapahangin. H‘wag mo na ako hanapin. Babalik ‘din agad ako.

-Dam

Isusulat ko sana ang pangalan na Damania pero agad ko iyon binura at pinalitan ng 'Jeltrod'.

Inidikit ko ang sulat sa pinto bago lumabas. Pagkalabas ko wala na si Justin at ang kayakap niya na babae kanina sa tabing dagat. Pero mabuti naman at wala na sila dahil ang sakit nilang dalawa sa mata. Tsk!

Habang naglalakad ako may nakita akong kuneho sa tabing dagat na tumatalon-talon. Nanlaki ang mata ko ng tinamaan siya ng alon sa tabi ng dagat. Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kuneho bago pa man siya mahampas ulit ng alon sa tabing dagat at maitangay ng alon.

Mahal ko ang mga kuneho kaya ayo ko malunod ‘to.

Saktong pagkahawak ko sa kuneho humampas sa mukha ko ang maliit na alon sa tabing dagat dahil nakadapa ako ngayon sa buhangin habang hawak ang kuneho.

Napapikit ako at napaubo. Malas naman!

Umayos ako at tumayo. Lumayo ako sa tabing dagat kasama ang kuneho na iniligtas ko. Nakangiti ko siyang binuhat dahil sobrang cute niya. Kulay puti na pinag samang  brown ang kulay niya.

Umupo ako sa buhangin at hinubad ang jacket na suot ko. Pinunasan ko ang basang kuneho gamit ang parte ng jacket ko na hindi basa.

Buti nalang talaga hindi siya itinangay at hindi siya nalunod dahil ang lalim ng dagat at maginaw ang tubig. Kong nagkataon natangay itong kuneho…nako ewan ko nalang kong ano mararamdaman ng amo niya pag nalaman na namatay ang kuneho niya. Isa pa masiyadong mahal ang mga kuneho na tulad niya.

“Bakit ka ba kasi tumalon-talon ka roon? Nasaan ba ang amo mo ha? Bakit ka niya pinapabayaan?” Tinanong ko parin ang kuneho kahit alam ko na malabo itong sumagot.

Hindi nagtagal unti-unti narin natuyo ang mga balahibo ng kuneho dahil sa pagpunas ko at idadag mo pa ang hangin na ngayon na medyo malakas.

“O, ayan na medyo tuyo kana.” Muntik pa ulit tumalon ang kuneho pero buti nalang nahawakan ko siya ka agad. “Gusto kita ibalik sa nagmamay-ari sa ‘yo pero hindi ko naman alam kong sino siya at hindi naman kita pwede tanongin dahil hindi ka naman nakakapagsalita,” sabi ko sa kuneho.

Hinimas-himas ko ang balahibo ng kuneho at napangiti. Ang cute niya talaga. Parang ayo ko na siyang ibalik sa nagmamay-ari sa ‘kaniya. Pwede bang akin na lang siya?

“Alam mo gusto kitang amponin kuneho. Gusto mo ba na amponin nalang kita?” Nakangiting tanong ko sa kuneho.

Pakiramdam ko naging magaan at masaya tuloy ang pakiramdam ko dahil sa kunehong ‘to. Pakiramdam ko ngumiti siya sa harap ko at tumango-tango sa sinabi ko. 

Hindi ko alam kong gaano ako katagal na nakaupo sa buhangin at nakatingin sa dagat kasama ang kunehong napulot ko. Pumikit ako at nilanghap ang malamig na hangin.

“Ang sarap naman sa balat ang hangin dito. Parang gusto ko tumambay lagi dit—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may yumakap bigla sa ‘kin mula sa gilid ko.

Tiningnan ko kong sino at gano‘n nalang ang paglaki ng mata ko ng si Justin ‘yon.

“Justin? Teka anong ginagawa mo. Ba—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap sa ‘kin.

Narinig ko ang mahinang pag hikbi niya. Bakit siya umiiyak?

“H-Hoy anyare sa ‘yo?” tanong ko.

Naramdaman kong kumalas siya sa pagkayakap sa ‘kin at tumalikod. Kahit tumalikod siya alam kong pinupunasan niya ang mga luha na tumulo sa mga mata niya.

“Hoy…okay ka lang? Bakit ka umiiyak?” tanong ko ulit.

“Hindi ako umiiyak ‘no? Bakit ako iiyak?” Humarap siya sa ‘kin at pinitik ang noo ko. “Hoy! Ano iyong mga sinulat mo ha? Sinong nag sabi sa ‘yong umalis ka?!”

Napahawak ako sa noo ko at masama siyang tiningnan. “Bakit ka namimitik ha?! Ang sakit kaya…” Inirapan ko siya. Niyakap ko ang kuneho at bumuntong hininga. “Ano bang sinasabi mo? Diba sabi ko aalis lang ako para magpahangin.”

”Ha? Mag pahangin? H-Hindi ‘yon ang sinabi mo sa sulat mo. Ang s-sabi mo aalis ka dahil…p-pakiramdam mo ayaw nakita makausap at makita…” mahina ang pag kasabi niya pero rinig ko.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napasapo nalang sa noo ko. Siguro mali ang sulat nabasa niya. Ang nabasa niyang sulat ay iyong nilukot ko. Kasalanan ko naman kong iyon ang binasa niya dahil kong saan ko lang ‘yon tinapon. Ang burara ko talaga kahit kailan.

“Hindi naman ‘yon ang sulat na iniwan ko, e. Hindi naman ako aalis at hindi kita iiwan ‘no. Mali iyong nabasa mo,” sabi ko.

“So hindi ka aalis?”

Umiling-iling ako. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit.

“Hoy! A-Ano ba hindi ako makahinga at ang kuneho maiipit!” inis na sabi ko.

“Ay sorry.” Dali-dali siyang lumayo sa ‘kin.

Pero kahit nakakasakal ang iyong yakap niya kanina. Inaamin kong gusto ko rin.

Napatingin siya sa kuneho at ngumiti. Kinawayan niya pa ito. Pagkatapos inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

Taka ko siyang tiningnan. “Ano?”

“Tumayo kana diyan,” sabi niya.

Napalunok ako at hindi nakapagsalita.

Tiningnan ko ang kamay niyang inilahad sa harap ko. Dahan-dahan gumuhit sa labi ko ang ngiti at tinanggap ang kamay niya na inilahad niya at hinila niya ako patayo.

Ngumiti ako sa ‘kaniya at gumanti rin siya ng ngiti.

Nagulat ako ng inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. “Ang dumi muna. Maligo ka ulit pagkarating natin sa bahay,” sabi niya.

Napatawa ako. “Gano‘n na ba talaga ako ka dumi? Tsk! kaya lang naman ako naging madumi dahil iniligtas ko itong kuneho sa kapahamakan. Marami pa siyang talon na gagawin sa mundo ‘no kaya hindi pa siya pwede mamatay,” sabi ko ng ikinatawa niya.

Nagulat ako ng kunin niya sa ‘kin ang kuneho.

“Salamat sa pagligtas sa kuneho ko ha,” nakangiting sabi niya nang kinalaki ng mata ko.

A-Ano? Siya pala ang may-ari ng kunehong ‘yan? Akala ko wala na nag mamay-ari ng kunehong ‘yan.

“Sayang aangkinin ko na sana,” bulong ko. Pero buti nalang talaga ako ang nakakita sa kuneho at nailigtas ko. Kasi kong nagkataon na nalunod ‘yan at namatay mukhang masasaktan si Justin dahil base sa nakikita ko ngayon mukhang mahal na mahal niya ang alaga niyang kuneho.

“Mahilig ka sa kuneho?” tanong ko ng makapasok sa bahay niya dahil ngayon ko lang napansin na ang daming kuneho na stuff toys dito at meron pa pala siyang isa pang kuneho na mukhang panda ang kulay.

“Hindi naman talaga ako mahilig sa kuneho. Pinapaalagaan lang ito sa ‘kin,” sagot niya.

Pagkatapos niyang linisin ang kuneho na inilgtas ko kanina ibinalik niya ito sa bahay nito kasama ang isa pang kuneho at binigyan ng pagkain.

“E, sino ang may-ari ng mga kunehong ‘yan?” tanong ko.

“Ang mga kuneho na ‘to ay pag-aari ng spoiled brat ko na bestfriend na malaki ang mata, mahilig sa manga, takot makita ang malapad niyang niyang noo at mahilig sa bangs,” nakangiting sabi niya habang ang paningin nasa kuneho parin.

“Gano‘n may bestfriend ka palang gano‘n. Pero teka bakit parang kilala ko ‘yan. Parang ako…” Naging pahina nang pahina ang boses ko at natigilan.

Napalingon si Justin sa ‘kin at lumapit. Napaangat ako ng tingin sa ‘kaniya at lumunok.

“Sa ‘yo ang mga ito. Damania,” sabi niya.

Umawang ang labi ko at natigilan ulit. Naramdaman kong namasa ang mga mata ko hindi dahil ako ang may-ari ng kuneho. Kundi dahil tinawag niya ako sa pangalang Damania. Napakasarap sa pakiramdam na marinig iyon sa ‘kaniya. Ibig sabihin ba nito naniniwala na siya sa mga sinabi ko? Naniniwala na siya na ako nga si Damania.

Napangiti ako at pinigilan maluha. “Ang sama naman ng pagka describe mo sa may-ari,” sabi ko.

“Totoo naman naman spoiled brat ka, malaki ang mata mo, mahilig ka sa manga, takot makita ang malapad mong noo at mahilig mag bangs. Hanggang ngayon nga matibay parin ‘yang bangs mo e. Mas matibay pa sa relasiyon ni Druce sa mga babae niya.” Nguso niya sa bangs ko.

Tama si Justin matibay nga ‘tong bangs ko at parang nagtatampo na itong buhok ko sa ‘kin dahil ang bangs ko hindi na humahaba. Siguro dahil dati tuwing linggo ginugupitan ko para hindi lumagpas sa mata ko.

Napahawak ako sa bangs ko. “Tsk! Atleast bagay naman sa ‘kin

Napatawa siya. “Yeah, right. Cute nga, eh.”

Napangiti ako sa sinabi niya habang nakatitig sa mg mata niya.

“Damania sorry,” biglang sabi niya.

“Sorry para saan?” tanong ko.

“Dahil…” Malalim siyang huminga. “…dahil sa inasta ko kahapon at kanina. Naguguluhan lang talaga ako no‘n at napakahirap kasi paniwalaan ang mga kinuwento mo kanina.” 

“E, ngayon? N-Naniniwala kana?”

“I can't say yes. Meron parin kasi sa side ko na maguguluhan pa.”

Bumuntong hininga ako. “Okay lang naiintindihan ko,” sabi ko.

Nagulat ako ng niyakap niya ako ulit. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil do‘n at may kong anong kuryente na dumaloy bigla sa katawan ko dahil sa yakap niya.

Masaya na sana pero bigla ko naalala ang babaeng kayakap niya kanina. Itanong ko kaya sa ‘kaniya kong sino ‘yon. Pero sana naman hindi niya ‘yon girlfriend.

Lumayo ako sa ‘kaniya bago nagsalita. “May tanong ako.”

“Ano?”

“Sino iyong—”

“Kuya, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nag punta? And who is that girl?”

Napalingon ako sa likod ko nang may nagsalita. Paglingon ko sa likod ko sabay kaming dalawa natigilan.

Natigilan ako dahil siya iyong babaeng kayakap kanina ni Justin. At tama ba ang narinig ko tinawag niyang kuya si Justin? So, ibig sabihin…mali ang iniisip kong girlfriend siya ni Justin dahil magkapatid pala sila.

Nagulat ako ng nabitawan ng kapatid ni Justin ang hawak niyang baso at napalunok habang ang paningin nasa akin.

“D-Damania…b-buhay ka? P-Pero paano? Patay kana diba?” Napatakip siya sa bibig niya at muntik ng matumba pero buti nalang nahawakan ko siya.

ROSSIE‘S POV.

Habang busy ako sa kakatawag sa cellphone ni Jeltrod. Biglang bumukas ang pinto kaya agad ako napalingon doon. Akala ko si Rogelio na pero iba. Isang lalaking nakaitim. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya at hinaharangan ng itim na cap ang mukha niya.

Agad kong nabitawan ang hawak kong cellphone at napalayo. Hindi kaya siya iyong…

“S-Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” natatakot na tanong ko.

Marahan niyang hinubad ang suot niyang cap at ngumiti sa ‘kin. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kong sino siya.

“Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa ‘yo?” nakangiting tanong niya.

“Endren…” madiin na sambit ko sa pangalan niya.

Napatawa siya bigla sa pagbanggit ko ng pangalan niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya at hindi na siya nakasuot ng wig, makapal na glasses at makapal na kilay. Sa ngayon nakikita ko na ang totoo niyang mukha.

Hindi ako makapaniwalang pumasok siya bilang guro at nagpanggap na ibang tao. Noong una nauto niya ako dahil sa ginawa niya sa mukha niya para hindi ko siya makilala. Pero dahil sa mga mata niya nakilala ko rin siya.

Alam kong may isang dahilan kong bakit pumasok siya sa eskwelahan kong nasaan kami ni Jeltrod. Ang dahilan na iyon ay walang iba kundi si Jeltrod.

Pinagmasdan kong umupo si Endren sa sofa habang tumataw. Isinandal niya pa ang dalawang braso sa gilid.

Kong makaupo siya para bang pagmamay-ari niya iyong bahay ko.

“Hayst…grabi ang saya mong paglaruan alam mo ba ‘yon? Alam mo bang sa tuwing nakikita ko ang mukha mong takot na takot habang sinusundan kita natatawa ako? Gano‘n ba talaga ako nakakatakot?” Turo niya sa sarili niya.

Kumuyom ang kamao ko. Ibig sabihin ba nito si Endren at ang taong sumusunod sa ’kin at nagpapadala ng mga death treats sa ‘kin ay iisa? Talagang pinaglalaruan niya ako! Walang hiya siya! Ano ba kasalanan ko sa lalaking ‘to. Dapat nga magpasalamat pa siya sa ‘kin, e.

“Ang kapal mo mag tago sa ibang pangalan at ang kapal ‘din ng mukha mo pumunta dito at padalhan ako ng death treats araw-araw!” galit na sigaw ko.

Napatawa ulit siya sa mga sinabi ko. “Bakit? Natakot ba kita? H‘wag ka mag-alala hindi lang naman ikaw ang nakakatanggap at nakakaranas ng mga no‘n.”

Natigilan ako at napalunok. “A-Anong ibig mong sabihin?”

Tumayo siya at naglakad papalapit sa ‘kin dahilan na mapaatras ako. Ngumisi siya at mukhang masaya siyang nakikitang kinakabahan ako sa maaring gawin niya. Hindi ko maiwasan hindi manibago sa personality niya. Hindi siya ganito noon. Ibang-iba na talaga siya ngayon. At hindi ko akalain na buhay siya. Alam na kaya ito ni Daria na buhay ang asawa niyang akala niyang patay na?

Ano bang binabalak ni Endren? Bakit nagpanggap siyang patay na? Anong dahilan kong bakit niya ito ginagawa?

Napalunok ako nang wala na akong maatrasan. Mas lalong lumawak ang ngiti niya habang pinagmamasdan ako.

“L-Lumayo ka sa ‘kin kong ayaw mong mapilitan ako—”

“Ano? Papatayin mo ‘ko? Tulad ng ginawa mo sa anak ko?!” sigaw niya. Nakikita ko sa mukha niya ang galit habang sinasabi ang mga salitang ‘yon.

“Ano bang pinagsasabi mo? B-Buhay ang—” Nagulat ako ng sakalin niya ako.

“Buhay? Kong buhay ang anak ko nasaan siya ha?! Bakit hindi ko siya kasama?! Alam mo ba kong bakit ganito nalang ang galit ko sa ‘yo ngayon?” galit na madiin na tanong niya.

“A-Ano b-ba! B-Buhay nga ang anak mo…a-at nasaakin siya…” hirap na sabi ko. Kaunti nalang talaga mamatay na ako dahil hindi ako makahinga.

“Hindi siya ang tinutukoy ko!” sigaw niya at binitawan ang leeg ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo sa sahig habang hinahabol ang hininga ko.

“Matagal ko ng alam na buhay iyang si Damania— este Jeltrod na pala siya ngayon. Alam mo bang iyang anak-anakan mo may alam na siya sa lahat ng pinaggagawa mo kaya hindi na siya nagpapakita sa ‘yo ngayon.”

Hindi ako nakapagsalita at masama lang siyang tiningnan. Alam ko naman na mangyayari ito balang araw kaya matagal ko na itong pinaghandaan. Hindi na ako magugulat kong bigla niya nalang ako layasan at bigla nalang siya magalit sa ‘kin. Pero wala akong pakielam kong magagalit sa ‘kin ang anak ko. Importante sa akin ngayon ay mahanap siya at maibalik siya sa puder ko. Dahil kapag na sa akin siya mababantayan ko siya at masisigurado kong ligtas siya.

“Alam mo bang nararanasan niya rin ang mga nararanasan mo?”

Natigilan ako at nanginig ang kamao ko sa galit dahil sa sinabi niya. “A-Anong sabi mo? Pakiulit nga.”

“Nararanasan niya rin ang nararanasan mo ngayon. Tulad mo nakakatanggap ‘din siya ng mga mensahe sa ‘kin at sinusundan ko rin siya para matakot.”

“Hayop ka! Bakit mo ginagawa ‘yon sa anak mo?! Anak mo siya Endren! Siya si Damania! Wala ka bang pakiealam sa anak mo ha?!” malakas na tanong ko.

“Sa tingin mo ba anak ko siya? Sa tingin mo ako ang ama niya?” natatawang tanong niya ng kinataka ko.

B-Bakit siya ganito? Hindi ganito ang Endren nakilala ko.

“E-Endren…ano nangyayari sa ‘yo? Bakit ka ganiyan?” nagtatakang tanong ko.

Biglang nagseryoso ang mukha niya. “Endren? Nakakatawang pangalan. Sino ba siya?” sarkistong sabi niya. “Nakakatawa lang dahil madali kang malinlang at uto-uto rin. Siguro kapag binentahan ka ng piso na ang halaga ay dalawang libo sa tingin ko kakagat ka dahil mukha ka naman talagang pera. Kaya nga tinatago mo si Damania diba?”

“Kaya ko siya tinatago para protektahan! Hindi para sa pera!”

“Ah…talaga? Kong talagang pinoprotektahan mo siya. Hindi mo dapat sinabi sa kapatid mo na sa ‘yo si Damania. Alam mo naman kong sino ang gusto magtangka sa buhay ni Damania diba?”

“Wala ka bang pakielam sa ‘kaniya? Hindi mo na ba mahal ang anak mo?”

“Wala akong pakiealam at pagmamahal sa ‘kaniya dahil hindi ko siya anak,” walang emosiyon na sabi niya.

Naguguluhan na ako sa ‘kaniya. Noong nagkita ulit kami sa eskwelahan gustong-gusto niya ngang kunin sa ‘kin si Jeltrod. Tapos ngayon…ganito siya?

“Pagmasdan mo ‘ko ng mabuti at malalaman mo ang ibig kong sabihin,” seryosong sabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status