Share

CHAPTER 25

"D-Damania...b-buhay ka? P-Pero paano? Patay kana diba?" Napatakip siya sa bibig niya at muntik ng matumba pero buti nalang nahawakan ko siya.

Pagkahawak ko sa 'kaniya agad niya akong tinulak dahilan na matumba ako. "H-Hindi...hindi nagmamalik mata lang ako. Hindi ito totoo!" Napailing-iling pa siya bago tumakbo papalabas.

"Janiel!" tawag pa sa 'kaniya ni Justin.

Hahabulin sana siya ni Justin nang nilingon niya muna ako at akmang tutulongan makatayo pero umiling lang ako at sinenyasan siyang sundan ang kapatid niya.

Huminga siya ng malalim bago ako iwan.

Tumayo ako at napahawak sa siko ko dahil medyo masakit. Tumama kasi sa sahig dahil sa pagtulak niya sa 'kin. Siguradong nagulat siya ng makita ako kaya gano'n nalang ang reaksiyon niya kanina. Pero sobra naman yata 'yon.

Bumaba ako at hinanap ng mga mata ko si Justin at ang kapatid niya pero wala sila dito.

Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas nang saktong pumasok si Justin. Nagulat pa kaming dalawa sa isa't-isa.

"A-Ano? Nakita mo na ang kapatid mo?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. Hindi ko alam kong saan na siya pumunta." Malalim siyang bumuntong hininga.

Hindi na ako umimik at akmang tatalikod ng hinawakan niya ang braso ko. "Teka sandali may sugat ang siko mo."

Tiningnan ko ang siko ko at ngayon ko lang napansin na may sugat pala.

"Sandali gagamotin ko."

Pinaupo niya ako at kumuha siya ng first aid kit. Habang ginagamot niya ang sugat ko, ewan ko ba pero napapangiti ako. Siguro dahil natutuwa ako na masiyado siyang concerned sa 'kin kahit maliit lang naman ang sugat ko sa siko.

Matapos niyang gamutin ang sugat ko. Nilagyan niya ito ng band-aid na may design na heart shape.

Ngumiti ako. "Salamat." Ginantihan niya rin ako ng ngiti.

Matagal kaming nagkatitigang dalawa habang nakangiti hanggang sa ako na rin ang unang nag-iwas ng tingin. Nakakainis kong bakit ako ang unang umiwas ng tingin sa 'kaniya, e kayang-kaya ko makikipagtitigan sa mga tao ng matagal hanggang sila unang mag-iwas ng tingin sa 'kin. At ang bilis 'din ng tibok ng puso ko.

Siguro normal lang 'to dahil gusto ko na siya-oo inaamin ko na na gusto ko rin siya. Pero hindi ko kayang aminin sa 'kaniya at wala akong lakas na loob na aminin iyon sa 'kaniya tulad ng pag-amin niya sa 'kin.

"Ah, ako na ang humihingi ng sorry sa pagtulak ng kapatid ko sa 'yo," mahinang sabi ni Justin.

"Okay lang. Hindi naman masiyadong masakit," sabi ko.

"K-Kuya..."

Sabay kaming napatingin ni Justin sa tumawag sa 'kaniya. Kakapasok lang ng kapatid niya at medyo nanginginig pa ang kamay niya lalo na noong napatingin siya sa 'kin.

"C-Can you explained me what's happening and why she look Damania?" nauutal na sabi niya at napalunok nang sulyapan ako.

Napatingin sa 'kin si Justin at parang humihingi ng permiso kong sasabihin niya ba sa kapatid niya ang mga sinabi ko.

Tumango ako sa 'kaniya at hinayaan siyang sabihin lahat ng sinabi ko sa kapatid niya. Para hindi na rin matakot sa 'kin ang kapatid niya dahil mukhang takot na takot siya sa 'kin lalo na mag katabi kami ngayon.

Habang sinasabi sa 'kaniya ni Justin ang lahat. Halata sa mukha niyang hindi siya makapaniwala at sinusulyapan niya pa ako at pinagmamasdan ng mabuti.

"T-totoo ba 'yan? S-So...i-ikaw nga si Damania?" tanong niya sa 'kin.

Tumango naman ako.

"P-Pero diba sabi mo wala kang maalala? So hindi mo ako naalala kahit si kuya?" Turo niya sa 'kanilang dalawa ng kuya niya.

Tumango ulit ako at nagsalita. "Oo, pero may mga alaala na rin na unti-unting bumabalik sa 'kin," sagot ko.

Nakita kong para siyang nakahinga ng maluwag.

Maya-maya lang napatakip siya sa bibig niya at matagal natigilan. Nagulat nalang ako ng bigla siyang napaiyak at niyakap ako. Napatingin ako kay Justin at tiningnan siya ng makahulugang tingin. Ngumiti siya at tumango bilang pasabi na hayaan ko lang na yakapin ako ng kapatid niya.

Niyakap ko nalang 'din ang kapatid niya at marahan na tinapik-tapik ang likod nito hanggang sa tumahan. Nang tumahan na sa kakakiyak ang kapatid niya. Kumalas na ito sa pagkayakap sa 'kin at pinunasan ang mga luha niya.

"I'm sorry kong masiyado ako naging overacting kanina. I'm just so happy na buhay ka and i'm still can't believe that you're here in front of me alive," sabi niya at ngumiti.

Ningitian ko rin siya pero pilit nga lang. Parang hindi pa kasi ako masiyadong kumportable sa 'kaniya.

"Damania," tawag ni Justin sa 'kin kaya napatingin ako sa 'kaniya. "Alam mo bang close kayong dalawa noon," sabi ni Justin ng kinatigil ko ibinalik ulit ang tingin sa kapatid niya.

Hinawakan ng kapatid niya ang kamay ko. "Oo totoo iyong sabi ni kuya. Close tayo at parang mag bestfriend na rin. Ako rin lagi ang kasama mo sa mga kalokohan mo dati. I know you didn't remember that. But i hope your memory comes back," sabi niya.

Loko rin pala ako kahit dati at wala parin pinag bago hanggang ngayon.

"Sana nga bumalik na," sabi ko.

"Don't worry, Janiel and I will help you get your memory back," nakangiting sabi ni Justin.

"Yeah, we will help you promise," nakangiti ring sabi ni Janiel.

Kahit hindi sila mag kamukha pareho naman silang palangiti. Buti nalang nalaman kong mag kapatid pala sila dahil muntik ko na isipin na mag jowa silang dalawa dahil sa nasaksihan ko kanina.

"P-Pero Damania...wala ka bang balak bumalik sa totoo mong pamilya?" tanong ni Janiel sa 'kin.

Natigilan ako at matagal na hindi nakasagot.

Gusto ko man puntahan sila kahit hindi ko pa sila naalala at hindi ko pa tukoy ang mga mukha at pangalan nila pero natatakot ako. Hindi ko alam kong paano ko maipapaliwanag ang lahat na mga nangyari. Si Justin nga nahirapan ako paniwalaan kahapon sila pa kaya. Pero buti nalang talaga naniwala si Justin sa 'kin at hindi ko alam kong ano ang dahilan o ginawa ko para mapaniwala ko siyang nagsasabi nga ako ng totoo.

"Oo nga, ayaw mo ba bumalik sa tunay mong pamilya?" tanong rin ni Justin.

Bumuntong hininga ako at umiling. "Hindi muna sa ngayon," sabi ko.

"Mabuti naman..."

Napatingin kaming dalawa ni Justin kay Janiel na may sinabi siya pero hindi namin masiyado narinig.

Nang mapansin niyang nakatingin kami sa 'kaniya dali-dali siyang nagsalita. "Ah, ang sabi ko...Damania was right na hindi muna sa ngayon dahil masiyado pa magulo sa inyo."

"Magulo?" tanong ko.

"Oo magulo sa inyo ngayon at madadagdagan mo lang 'yon kapag nagpakita ka sa 'kanila sa ngayon. Kaya tama lang na hindi muna sa ngayon."

"A-Anong gulo ba ang nangyayari sa 'kanila?"

"Ano-" Naputol ang sasabihin niya ng siniko siya ni Justin at tiningnan nang makahulugang tingin. "Kuya, she has a right to know that because she is Damania." Diniinan niya ang pangalan ko.

Ibinalik ulit ni Janiel sa 'kin ang tingin at itinuloy ang sasabihin. "Ang pamilya niyo ngayon may kinakaharap na malaking problema dahil sa mommy."

"Sa mommy ko?" takang tanong ko.

Ngumiti si Janiel at tumango. "Yeah, you heard it right. Dahil sa mommy mo. Because your mom is a mistress of our dad."

"Janiel!" suway ni Justin sa kapatid.

Natigilan ako at napalunok. Tiningnan ko si Justin at dahan-dahan siyang napatingin sa 'kin at mukhang nag-aalala sa mararamdaman ko dahil sa sinabi ng kapatid niya.

"A-Ano? K-Kabit ang mommy ko?"

"Oo tama. She is a mistress. Siya ang naging dahilan kong bakit nasira ang pamilya namin at kong bakit nagtatago ngayon kami ni Kuya sa daddy namin," sagot ni Janiel.

Kumuyom ang kamao ko at hindi ko matanggap ang mga naririnig ko ngayon.

"Janiel tama-"

"Kuya, kailangan ni Damania malaman 'to at isa pa babalik rin ang alaala niya someday at para hindi na siya magulat pa," mahinahon na sabi ni Janiel kay Justin.

Napatayo si Justin at akma akong hihilahin patayo para lumabas pero hinablot ko ang braso ko at diretso lang ang tingin kay Janiel.

"Ano pa? Mag kwento ka pa," utos ko kay Janiel.

Malalim na huminga si Janiel bago nagsalita. "Do you know that your dad died because of your mom?"

"Ano?"

"Oo namatay ang daddy mo dahil sa mommy mo. Iniwan siya ng mommy mo at sumama sa daddy namin ni Justin. Dahil sa ginawa ng mommy mo sa daddy mo na depressed ang daddy mo at nag suicide mismo sa harap ng mommy mo."

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Dahil sa mga sinabi ni Janiel tungkol totoo kong nanay. Ngayon palang nagsisimula na bumuo ang galit ko sa 'kaniya dahil sa ginawa niya. Hindi niya ba naisip na may asawa na siya at nakuha niya pang kumabit?! At ng dahil sa ginawa niya namatay ang totoo kong tatay?

"She's not only a misstress but she also a reason why everyone suffer," sabi ni Janiel dahilan na mapatayo ako at tumakbo papalabas ng bahay ni Justin.

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko habang tumatakbo at gusto ko sumigaw sa inis at galit nararamdaman ko. Nagagalit at naiinis ako sa totoo kong ina dahil sa mga pinagagawa niya.

"Sandali Damania!" Hinabol ako ni Justin at hinawakan sa braso.

Huminto ako. Hinablot ko lang ang braso ko sa 'kaniya at hindi si siya nilingon. Naramdaman kong naglakad siya papunta sa harap ko at tiningnan ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at iniwas ang tingin sa 'kaniya.

"Tumingin ka sa 'kin," sabi ni Justin at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko siya tiningnan at patuloy parin ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Damania makinig ka sa 'kin. Hindi lahat nasabi ni Janiel sa 'yo at lahat ng mga ginawa niya may rason kong bakit niya 'yon ginawa," sabi ni Justin.

Masama kong tiningnan si Justin. "Kahit anong rason niya mali parin na kumabit siya at saktan ang daddy ko! May asawa siya at may asawa narin ang lalaki niya!"

"Pero-"

"Justin, hindi ka ba nagagalit sa mommy ko?" pagputol ko sasabihin niya.

Matagal bago siya sumagot. "Nagalit syempre pero noon at hindi na ngayon."

"Ano?"

Hinawakan niya ako sa balikat. "Dahil alam ko na ang dahilan kong bakit pinili niya ang daddy ko kesa sa daddy mo."

Napalunok ako at matagal bago nagsalita. "At ano namang dahilan 'yon?"

"Na-"

"Kuya pwede ba h'wag mo nga pagtakpan ang mga ginawa ng mommy niya," pagputol ni Janiel sa sasabihin ng kuya niya. "Damania, listen to me." Lumapit si Janiel sa 'kin. "Lahat ng sinabi ko ay totoo. At maalala mo rin balang araw ang mga ginawa ng mommy mo at kong paano niya kayo pinagpalit at iniwan ng Kuya Kennie mo sa daddy namin."

"Janiel, ano bang pinagsasabi mo?!" inis na tanong ni Justin sa kapatid.

"Ano kuya? Kakampi ka parin sa mommy niya? Kuya, baka nakakalimutan mo na sobrang nasaktan ang mommy natin ng dahil sa pinaggagawa ng mommy niya at ni daddy! Hindi ko alam kong anong pinakain sa 'yo ni tita Daria para ganiyan ka nalang kumampi sa 'kaniya ngayon!"

Tiningnan ko si Justin na masama lang ang tingin sa kapatid at parang kinakausap ito gamit ang mga mata.

Dali-dali ko silang tinalikuran at naglakad ulit papalayo. Ayo ko na marinig ang mga sinasabi nila tungkol sa tunay kong ina. Naiinis at nasasaktan lang ako. Paano pa kaya kong bumalik ang alaala ko at maalala ko ang lahat na mga sinabi ng kapatid ni Justin? Paniguradong mas lalo akong masasaktan at maiinis sa 'kaniya.

Nahinto ako sa paglalakad ng hawakan ulit ni Justin ang braso ko. "Damania sandali-"

"H'wag mo 'ko sundan. Gusto ko mapag-isa," pagputol ko sa sasabihin ni Justin habang hindi siya tinitingnan.

Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko at hinayaan ako maglakad papalayo.

Dinala ulit ako ng mga paa ko sa tabing dagat kong saan walang tao at pwede ako mapag-isa. Umupo ako sa buhangin at napayakap sa mga tuhod ko habang tulala sa mga alon.

Maya-maya lang medyo lumabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko. Naramdaman kong tumulo iyon sa pisngi ko at napiyak ulit ako.

Yumuko ako sa mga tuhod ko at doon tahimik na umiyak.

***

Napatingin ako kay Justin ng umupo siya sa tabi ko at nakangiti akong inabotan ng hot choco. "Naalala ko na favorite mo inomon ito dati sa tuwing bad mood ka. Kaya pinagtimpla kita," sabi niya.

Matagal akong napatitig sa 'kaniya at ngumiti ng pilit. Tinanggap ko ang ibinigay niyang hot choco at ininom. Ibinalik ko ang tingin sa sunrise na pinagmamasdan ko at hindi umimik.

Maya-maya lang dahan-dahan ko isinandal ang ulo ko sa balikat ni Justin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatitig siya sa 'kin. Hindi parin ako umimik at nanatili parin ang tingin sa araw.

Mga ilang minuto rin kaming tahimik at nakatingin lang sa araw at dagat. Hanggang sa ako ang unang nagsalita.

"Bakit pinili ng mommy ko ang daddy mo kesa sa daddy ko? Kong hindi niya naman pala mahal si daddy bakit niya pinakasalan?" tanong ko.

Hindi ko matanggap na wala na pala ang totoo tatay ko. Kung kailan alam ko na ang totoo saka ko pa malalaman na wala na ang daddy ko. Hindi ko man lang siya ulit makakasama at mayakap. Bakit ba nangyayari sa buhay ko 'to? Pinaparusahan ba ako dahil ang sama ng ugali ko at selfish minsan?

"D-Damania alam kong galit ka sa mommy mo dahil sa mga nalaman mo. Pero lagi mong tandaan na siya parin ang mommy mo at lahat ng mga ginawa niya may mga dahilan," sabi ni Justin.

"Pwes, a-ano ang dahilan kong bakit niya 'yon ginawa?" tanong ko at tiningnan siya.

Malalim siyang bumuntong hininga at tumingin mo na sa paligid bago nagsalita. "N-Narinig ko na may sinabi si daddy sa mommy mo para sumama ito sa 'kaniya- i mean bin-lackmail niya ang mommy mo para sumama sa 'kaniya."

Natigilan ako. "B-Blackmail? Bakit?"

"Ang alam ko may past ang mommy mo at ang daddy ko," sagot niya.

"May nakaraan silang dalawa? So nagkaroon sila noon ng relasiyon?" Tanong ko at tumango si Justin.

Hindi ako makapaniwal sa mga sinabi ni Justin. Pero kong bin-lackmail niya ang mommy ko para sumama sa 'kaniya at maging kabit niya. Anong klaseng pang bla-blackmail 'yon?

Gusto ko tanongin si Justin kong dati bang g*go na hotdog ang daddy niya para gawin 'yon. Pero h'wag nalang at baka sumama pa ang loob niya sa 'kin dahil daddy niya parin ang kabit ni mommy.

"Ang na ikwento sa 'kin ni mommy bago pa ikasal si tita Daria at ang daddy mo sinubukan na daw magtanan ng mommy mo at ni daddy. Pero dahil ayaw ng lolo mo kay daddy dahil mahirap lang naman noon si daddy at walang maipagmalaki agad na pinaghiwalay ng lolo mo si daddy at ang mommy mo," dagdag ni Justin.

Hindi ako nakapagsalita at hinintay na magpatuloy si Justin sa pagkwento.

"Sabi pa ni mommy, napilitan lang naman ang mommy mo napakasalan ang daddy mo dahil iyon ang gusto ng lolo mo at isa pa takot siya sa lolo mo kaya wala nagawa ang mommy mo kong hindi sundin ang gusto ng lolo mo. At masaklap pa do'n hindi man lang alam ni daddy na...nagpakasal na pala ang mommy mo sa iba."

"Tapos?"

"Habang hindi alam ni daddy na nagpakasal sa iba ang mommy mo at ang akala niya kapag may maipagmamalaki na siya sa lolo mo papayagan na maging sila. Ginawa ni daddy lahat para mapantayan niya ang buhay na meron ang mommy mo. Nag-aral siya ng mabuti at nag sikap. Naging inspirasiyon niya ang mommy mo para makamtam lahat ng pangarap niya at ang maginhawang buhay na meron kami ngayon."

Biglang napangit si Justin ng mapait. "Pero noong nalaman niya na matagal na palang nagpakasal ang mommy mo at may mga anak na. Doon biglang nag bago si daddy. Hindi na siya iyong dating daddy nakilala ko na palangiti, responsable at may respeto sa mga babae. Siguro dahil sobra siyang nasaktan dahil akala niya lahat na mga paghihirap niya magiging worth it."

Nakakalungkot naman ang love story nila. Kong ako nasa sitwasiyon ng daddy ni Justin. Masasaktan talaga ako dahil ginawa mo ang lahat at naghirap ka para sa taong mahal mo pero iyon lang pala ang isusukli sa 'yo.

Huminga ng malalim si Justin at ibinaling ang tingin sa 'kin. "Pagkalipas ng ilang taon nagkita ulit sila kong saan ka level na nila ang isa't-isa. Kaso nga lang pareho na silang may mga asawa."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status