Share

CHAPTER ONE

Pagkababa ko ng sasakyan. Nahagip ka agad ng dalawang mata ko ang dalawa kong kaibigan na mag jowa.

Mukhang tinotoyo nanaman si Kate.

Obvious naman dahil sa panay ang habol sa'kaniya ni Kyle habang siya binibilisan ang paglalakad papalayo.

Sanay na akong makitang silang dalawang ganiyan tuwing umaga. Kaya minsan ang sakit nilang dalawa sa mata.

"Anak! Ang baon mo makakalimutan mo!"

Napalingon ako kay papa na bumaba ng sasakyan para ibigay sa'kin ang paper bag na may lamang pagkain.

Mabuti nalang hindi pa ako nakakaalis. Pag nagkataon wala siguro akong lunch mamaya.

Ngumiti ako. "Thankyou po."

Kumaway ako bago pumasok ng school.

Medyo maaga pa kaya medyo kaunti palang ang mga estudiyante dito.

Ito na ang last year ko sa eskwelahan na ito. Next year kasi college na ako at hanggang ngayon hindi ko alam kong ano ang kukunin kong courses. Gusto ni mama na maging guro ako katulad niya pero ayaw ko.

Parang hindi ko gusto makita ang sarili ko bilang guro. Isa pa mabilis akong maubusan ng pasensiya.

Meron pa naman akong ilang buwan para mag-isip kong ano kukunin ko. Bahala na kong ano ang magiging course ko sa college.

Paakyat palang ako ng nakasalubong ko na ka agad ang dalawa kong kinaiinisan sa school.

"Hi Jel, good morning," masayang bati nila sa ‘kin.

Mukhang good mood sila. Tsk! Ano nanaman kayang mga kalokohan ang ginawa ng mga 'to?

Hindi ko sila pinansin at dinaanan lang. Sinisira lang nila ang araw ‘kom

Nang makapasok ako ng classroom. Sobrang ingay. Iyong iba nag momobile legends at ang iba nag momovie marathon.

Pagkaupo ko biglang napasigaw si Kate.

"Omy god! Jel!" malakas na sigaw niya.

"O? Bakit?” tanong ko.

"Tingnan mo 'to!"  Tinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang picture ko sa group ng school namin. Pinatong nila ang mukha ko sa babaeng nakasuot ng bikini.

Beware of her. She was a great sucker and grabber.

Humanda sa ‘kin ang nag edit nito.

Hinablot ko kay Kate ang phone niya at hinampas ng malakas ang lamesa kaya sa akin lahat napunta ang atensiyon ng mga kaklase ko.

"Sino gumawa nito?!" galit na tanong ko at pinakita ang litrato.

Tiningnan nila iyon ng mabuti at muntik pa matawa ang mga kaklase kong lalaki pero sinamaan ko ka agad sila ng tingin kaya natahimik.

"Ang sexy mo diyan 'day." Sumingkit ang mata ko sa sinabi ng president namin. "Pero hindi kami gumawa niyan," dagdag niya "Guys. Kayo ba gumawa nito? Kong sino man gumawa nito, umamin na. Malalagot kayo!"

Agad naman umiling ang lahat lalo na ang mga lalaki.

“Hindi kami gumawa niyan.”

“Oo nga hindi kami.”

“Manyak ako pero hindi ko kaya gawin ‘yan kay Jel. Bukod sa hinahangaan ko siya, hindi ako marunong mag edit ‘no.”

"So sino gagawa nito kong hindi kayo?” tanong ko ulit.

"Baka may galit sayo girl ang gumawa niyan," sabi ni Michael. Ang baklang secretary.

"I agree!" Pang sasang-ayon ng lahat.

Napatingin ako kay Allaine ng bigla niyang tinaas ang kamay. Siya ang nerd na mahiyaing kaklase namin.

Sinenyasan ko siyang magsalita.

Nahihiya siyang tumayo at tumingin sa 'kin.

"S-Si Charisse at Cloe," nauutal na sabi niya.

"Ano? Ang dalawang kinulang sa bakuna na ‘yon?”

Tumango siya. "N-Nakita ko kasi sila kanina na nag eedit niyan.”

Kaya pala maganda mood ng dalawa kanina. Humanda sila sa 'kin. Ilang araw na ako nag titimpi sa dalawang 'yon.

Gusto nila ng away? Pwes! Bibigyan ko sila ng away!

"Nasaan sina Charisse at Cloe?" tanong ko.

"Ha? Sila Charrise ba? Nasa canteen sila." Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Chunk ang kaklase naming advance mag recess.

Binulsa ko ang phone ni Kate at lumabas ng classroom.

"Jel! Hintayin mo ‘ko!" Habol ni Kate sa 'kin.

-

Pagkarating ko ng canteen. Saktong nakasalubong ko ang dalawa. Gulat pa silang nakita ako pero maya-maya lang ningitian nila ako.

"Bibili ka?" tanong ni Cloe habang nakangiti.

"Hindi," sagot ko.

"So why are you here?" maarteng tanong naman ni Charrise sa 'kin.

Lalo ako lumapit sa'kanila at ngumiti. "Nandito ako para…isampal sa ‘yo ‘to!" Malakas ko sinampal sa 'kanila ang Iphone na cellphone ni Kate.

Pero sa kasamaang palad naka iwas si Cloe. Kaya si Charisse lang ang natamaan.

"Omy god! My Iphone!" sigaw ni Kate.

Napahawak si Charrise sa pisngi niyang namula. Kita ang hugis ng cellphone na sinampal ko sa 'kaniya.

"Ouch! How dare you to slap that phone to my pretty face!" malakas na sigaw ni Charrise.

Agad namin naagaw ang atensiyon ng lahat. Hindi nag tagal pinalibutan na ka agad kami ng mga school mates namin. Iyong iba kinukunan kami ng litrato at video.

"Masakit, Cha?" tanong ni Cloe sa kaibigan.

"G*ga! Malamang!" sigaw ni Charrise kay Cloe at bumaling ulit ng tingin na napakasama sa 'kin.

Nilabanan ko ang tingin niya.

"Why did you do that to me huh? What do you think to my face?!" inis na tanong niya.

"E, ano rin ang tingin mo sa mukha ko para ilagay ang mukha ko sa gano‘ng litrato?" Pabalik ko sa tanong niya. "Burahin mo ngayon ang post habang mabait pa ako. Alam kong ikaw ang nag post no‘n!"

Napangisi siya. "Nice ka pa sa lagay niyan?" Turo niya sa sarili ko.

“Oo!”

“But i'm sorry i will never delete that post."

"Ano ba problema mo ha?!" Inis ko siyang tinulak. "Para sabihin ko sa 'yo i'm not sucker and grabber at kong meron man ikaw 'yon!" Tinuro ko ang sarili niya.

Kita ko ang pag kuyom ng kamao niya at unti-unting nag salubong ang kilay niya. "Anong sabi mo?!"

"Hindi mo ba narinig? Ang mura ng cotton buds. Gusto mo bilhan kita?"

Hindi siya sumagot at nanatili lang ang masamang tingin sa'kin.

"Subukan mo pang ulitin 'yon. Hindi lang yang cellphone ang isasampal ko sa'yo!" Tinalikuran ko siya.

Pero di paman ako nakalayo bigla niyang hinila ang dulo ng buhok ko.

"Kakalbohin talaga kita!" sigaw niya.

"B-Bitawan mo ko— Ano ba!" sigaw ko.

"Jel!" Nakita kong akma lalapit sa 'kin si Kate para tulongan ako ng sinabunutan siya ni Cloe.

Kiladkad ako ni Charisse gamit ang dulo ng buhok ko papunta sa isang mesa at sinubsob ang mukha ko sa pagkain ng school mate namin.

"Hey!" sigaw ng may ari ng pagkain.

Hindi pa siya nakuntento binuhusan niya pa ako ng malamig na juice.

"You deserve that. Arrogant!" nakangiting sabi niya.

Kumuyom ang kamao ko at hinablot ang buhok niya at sinabunutan siya.

Ang mga nanonood samin nag si hiyawan at tuwang-tuwa. Pero ang iba nag sisigaw na tumawag ng teacher para awatin kami.

Ang mga nag bebenta sa canteen sinusubukan kaming awatin pero ayaw talaga namin mag pa awat.

"Kakalbohin kita!" sigaw ni Charisse habang nag sasabunutan kami.

"Mauuna ka!" sigaw ko rin sa 'kaniya at mas lalo siyang sinabunutan.

"Itigil niyo 'yang dalawa!"

Napahinto ako sa pagsabunot kay Charisse ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.

Agad ako nag angat ng tingin at gano'n nalang ang pag lunok ko ng makita ko kong sino ang nakatayo at nakatingin saming dalawa ni Charisse ng masama.

Tinulak ko palayo si Charisse sa‘kin  at bumaba ng tingin.

Lagot ako nito.

"Kayong apat! Go to Dean's office now!" sigaw ni mama sa 'min.

-

"Jusko! Mga bata kayo! Bakit sa canteen kayo nag sabunutan?!" malakas na tanong ni Demonyo— este ni Dean Monyo.

Para ng lalabas ang ugat niya sa leeg dahil sa kanina niya pa kami sinisigawan.

Nakayuko lang kaming lahat habang nakikinig sa ‘kaniya.

Palihim kong sinulyapan si Charisse.

May hawak siya na yelo at nilalagay sa mukha niya. Nag karoon kasi siya ng pasa pagkatapos ko siyang sampalin ng cellphone.

At ang cellphone naman ni Kate parang 50/50 nalang ang buhay. Pero ipapaayos nalang daw niya kay daddy niya. Marunong kasi si tito Kevin umayos ng mga sirang gadget.

"Saan ba dapat Dean? Sa gitna ng school? Sa convenient store—"

"Miss Benedicto! Isa ka pa!" pagputol ni Dean sa sasabihin ni Kate.

Napayuko ulit si Kate.

"Hindi na kayo nahiya! Omy god! Mag kakaroon yata ako ng high blood at sakit sa puso dahil sa inyo!" Napahawak si Dean sa puso niya at umupo. Uminom mo na siya ng tubig bago nag salita ulit.

"Since grade eight lagi nalang kayo napupunta dito! Until now is still the same. Hindi parin kayo nag babago! Walang taon na pinalagpas niyo para mag-away! Gra-graduate na kayo!”

Pasimple ko ginaya ang mukha niya habang nagsisigaw.

“College na kayo next year at ganiyan parin ang ugaling ipapakita niyo?! Kapag sa South University kayo papasok sa tingin niyo 'di kayo pagtatawanan sa ugali niyo. Mga matitinong estudiyante lang ang nadoon. You do not belong there!"

Makapag salita siya parang sigurado siya na doon kami mag-aaral.

"At ikaw naman Miss Bonifacio!" Turo sa 'kin ni Dean Monyo kaya natigilan ako sa pang-gagaya ng mukha niya.

"Nanay mo si Mrs. Bonifacio diba? Alam mo ba ang bait ng nanay mo? Pero ikaw parang hindi ka naturuan ng mabuting asal. Bukod sa ang layo ng mukha niyong dalawa, pati ugali ang layo. Parang hindi ka niya anak!"

Palihim kong kinuyom ang kamao ko.

Simula bata ako, lagi ko naririnig sa mga kaibigan ni mama na hindi daw kami mag kamukha at ang layo namin sa isa‘t-isa lalo na sa ugali. Narinig ko na rin na baka ampon lang daw ako.

Napasapo sa noo si Dean Monyo at huminga ng malalim bago nag salita ulit dahil nahingal.

Sa dami pa naman ng sinabi niya hindi siya hihingalin?

"Mag sorry kayo sa isa't-isa!" utos niya.

"P-Pero…D-Dean—"

Pinutol ni Dean ang sasabihin ni Cloe at Kate. "Now!" malakas na sigaw niya.

"Sorry!" sabay nilang sabing lahat maliban sa 'kin.

Naramdaman kong tiningnan ako ng matalim ni Dean ng 'di niya narinig na nagsalita ako.

"Miss Bonifacio?" madiin na tawag ni Dean sa apelyido ko.

Umangat ako ng tingin sa 'kaniya.

"Apologize to them!" Turo niya kay Cloe at Charisse na nakayuko.

“Ayo ko nga!" Pasigaw na sabi ko at sinamaan ng tingin ang dalawa.

Kahit mag sorry ako hindi na mababago na kaaway ko ang dalawang 'to habang buhay. At sila dapat ang mag sorry sa akin dahil sa post nila.

"I said apologize now! Kong ayaw mong tawagin ko ang ma—"

"Oo na!" Pagputol ko sa sasabihin ni Dean.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang dalawa na palihim na ngumingiti. Gusto talaga nila na pinapagalitan ako at napapahiya.

"Sorry!" pasigaw na sabi ko. “Ano okay na?”

"Miss Bonifacio hindi sincere. Gawin mo namang sweet pwede?"

“Ano?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Sa ‘kanila nga pasigaw okay lang. Tapos sa ‘kin hindi?!"

"Lower your voice! Baka nakalimutan mong Dean ako?" Oo Demonyo.

Napairap ako. "Okay. Seet pala ha."

Tumayo ako at lumapit sa dalawa. Hinalikan ko sila sa noo. "Sorry…" malambing na sabi ko.

Nanlaki ang mata nilang lahat.

Hindi ko na pinansin ang mga reaction nila at padabog akong lumabas ng Dean Office. Bastos na kong batos. Badtrip!

Nandiri akong huminto sa labas ng pinto.

Agad ako kumuha ng wipes at pinunasan ang labi ko. Kadiri! Hinalikan ko ang mga kinulang sa bakuna na ‘yon.

Napapikit ako sa inis ng ma alala ko si mama.

Kailangan ko ihanda ang sarili ko mamaya pag kauwi ng bahay. Sure akong dalawang oras na sermon ang aabutin ko.

-

Pagkatapos ko kumuha ng extra na damit sa locker ko. Dumerto na ka agad ako ng Restroom para makapag linis at makapag palit.

Walang tao sa loob at tanging ako lang.

Nag hilamos ako at nag punas ng facial tissue.

Sa tuwing na alala ko ang ginawa ko kay Charisse medyo na guilty ako. Cellphone pa naman ang sinampal ko at syempre masakit ‘yon. Pero hindi ko naman 'yon gagawin sa 'kaniya kong 'di niya ako inunahan.

Papasok palang ako ng cubicle ng biglang namatay ang ilaw.

Nag si tayuan ang mga balahibo ko dahil do'n at kasabay no'n ang malakas na kabog ng dibdib ko sa kaba.

Gusto kong lumabas na pero di ko magalaw ang mga paa ko.

Napahigpit ang hawak ko sa damit ko ng may napansin akong taong nakatayo sa likuran ko.

Pero walang tao dito noong pumasok ako. Minumulto ba ako?

"M-May kasama ba ako?" nauutal na tanong ko.

Sobrang kinakabahan na talaga ako.

Parang lalabas ang puso ko sa dibdib sa gulat ng may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod.

Napapikit ako sa kaba at ramdam ko ang malamig na pawis na tumutulo sa noo ko.

Ang lamig-lamig narin ng mga kamay ko.

"S-Sino ka?" Pinilit kong maging matapang ang tono ng pag tanong ko. Ayo kong ipakitang natatakot ako.

Pero wala akong sagot na natanggap.

"Sino ka sabi?!" nilakasan ko ang pag tanong.

Naramdaman ko ang hininga niya na dahan-dahan lumalapit tenga ko. "Do you still remember me?" Bulong niya.

CyLili

Edited Version

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status