Share

CHAPTER FOUR

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng kotse. Medyo umaambon dahil sabi sa balita kanina meron daw paparating na bagyo.

Hanggang ngayon. Hindi mawala sa isip ko ang picture na sinend sa ‘kin through message.

Iyong huli talaga…iyong litrato ng salamin ko sa kwarto ang hindi ko maintindihan kong bakit niya iyon pinadala sa ‘kin.

Sinubukan ko naman tingnan ang salamin ko at nagbabakasakali na kong may anong nilagay siya dito. Para i send niya sa ‘kin ‘yon. Malay kong may bomba o something do‘n.

Pero wala naman akong may nakitang kahit ano. Kaya hindi ko talaga maintindihan ang salamin. Parang pinalabas niya na isang clue iyon para malaman ko kong sino siya.

“Anak, pupunta ako mamaya ng sementeryo. Dadalawin ko iyong lolo mo. At baka ma late ako ng sundo sa ‘yo. Kapag umulan stay kalang sa loob ng school niyo. Huwag kang lumabas, okay?”

Tiningnan ko si papa. “Sasama nalang po ako papa sa sementeryo. Ayo ko po mag stay sa school.” At baka kong ano nanaman ang mangyari mamaya.

Alam kong sinusundan niya ako. Dahil minsan nakakaramdam ako na parang may tumitingin sa ‘kin mula sa malayo. Simula talaga ngayon hindi na talaga ako mag lalakad mag-isa o pumunta kahit saan ng mag-isa.

Kong kailangan kong mag pasama. Mag papasama ako.

“Pero anak—”

“Papa, sige na. Ayo ko po mag stay sa school at para hindi na po kayo pa balik-balik.”

Malalim na bumuntong hininga si papa at napalitang tumango. “Sige.”

Binalik ko ulit ang tingin sa labas ng bintana.

“We are here,” sabi ni papa ng makarating kami ng school.

“Okay po.” Agad ako bumaba.

“Sandali anak!”

Napalingon ako kay papa. “Po?”

“May...” pambibitin niya sa sasabihin.

“...may?”

Ngumiti siya ng pilit. “Nevermind nalang. Ingat, enjoy mo ang school mo.”

Nagtataka ko siyang tiningnan. Parang may gusto siyang sabihin sa ‘kin.

Bumuntong hininga ako. “Sige po.” Ningitian ko lang siya ng pilit at pumasok na ng school.

Grrr… ang ginaw. Sino ba gumalit kay Elsa? Buti nalang may suot akong jacket ngayon.

Umupo ka agad ako at hindi pumansin ng kahit sino pagkarating ko sa classroom. Sinuot ko ka agad ang earphone ko at nag play ng music.

Naramdaman kong napatingin sa ‘kin si Kate na katabi ko lang. Bago pa man siya mag salita. Inalis ko ang buhok kong nakatakip sa tenga ko at pasimpleng pinakita ang earphone ko para hindi niya ako kausapin. Wala ako sa mood ngayon kumausap.

Hindi nag tagal dumating ang adviser namin.

Tinanggal ko ka agad ang earphones ko sa tenga at nakinig sa adviser namin.

“Everyone  sit down!” sigaw ng adviser namin.

Agad naman nag si upo ang lahat at tumahimik.

“We have a new tranfer student. I hope na kaibiganin niyo siya.”

Transfer student nanaman? Dalawa na yata ang nag tranfer dito. Tapos may isa nanaman?

Tumingin ang adviser namin sa may pinto. “Come in!”

May pumasok na lalaki. Napakurap-kurap ako dahil kilala ko siya. Siya iyong lalaking lasing sa party na sinukahan ako!

At talagang naging mag kaklase kami? Ha! Ang liit nga naman ng mundo.

“Wooh! Ang gwapo Cloe!” dinig kong tili ni Charisse sa likod.

Na gwapohan siya diyan? E, mukha naman yang butiki! Pero inaamin ko gwapo naman talaga siya. Iyong mata niya singkit at parang may pagkahawig sila ni Lee Jung Suk. Pero mas gwapo parin si Lee Jung Suk sa ‘kaniya.

“Hello my name is Scart Ville. I hope na maging friends ko kayong lahat,” nakangiting pakilala niya.

“O my...Jel, diba siya iyong sa party?” bulong na tanong ni Kate.

Tumango ako. “Yeah, siya nga.”

Nilingon ko sa likod si Chunk. “Psst! Hoy...!”

Hindi niya ako narinig at nanlaki ang matang nakatingin lang kay Scart. Siguro hindi ‘din siya makapaniwala na nag transfer dito ‘yan.

“Mr. Ville, doon ka umupo sa tabi ni Ms. Bonificio.”

Nanlaki ang mata ko at agad na baling ulit ang tingin sa adviser namin. Gusto ko sana tumutol pero baka sabihan akong bastos ng adviser namin. At isumbong pa ako kay mama. Another sermon nanaman pag nagkataon.

Sa dinami dami ng upuan na bakante dito. Bakit sa akin pa siya pinatabi?!

Medyo nagulat pa si Scart ng makita ako. Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko.

Masama ko lang siya tiningnan pero hindi niya ako pinansin.

“Dito ka pa talaga nag tranfer ha...” diin na bulong ko sa ‘kaniya.

Nag simula ang klase namin at naiinis ako dahil iyong siko niya laging nakapatong sa desk ko. Minsan pasimpleng kong inaalis. Pero parang pinaglihi talaga yata siya sa glue ng nanay niya dahil sa lakas ng kapit ng balat niya.

“Pwede ba, ipatong mo iyang siko mo sa desk mo?!” inis na bulong ko sa ‘kaniya.

Hindi niya ako pinansin. Awts gege!

“Okay class that‘s all for today.” Lumabas na ang adviser namin.

Ilang sandali lang pumasok na ang sunod na teacher namin sa next subject.

Laking pasasalamat ko na wala na ang siko niya sa desk ko.

Nakinig ako buong klase at medyo nakakainis parin. Dahil sa tuwing itataas niya ang kamay niya kapag sasagot. Nadadagil niya ang pisngi ko.

Hindi ko alam kong hindi niya ba ‘yon sinasadiya o sinasadiya niya talaga.

“Last week, sinabihan ko kayo na mag review at i read ang book niyo. I hope na naka pag review kayo. Because we have a quiz today. Get your paper and write your name on top with grade and section. And don't forget the date.”

Kumuha ako ng isang pirasong papel sa bag ko. Isang piraso lang at ayo ko ilabas ang buo dahil mahirap na at hingian ako ng mga buraot kong kaklase.

“D*mn i forgot…”

Napatingin ako kay Scart na katabi ko. Nakapikit siya at mukhang naiinis dahil nakalimutan niya ang papel niya. Tsk! Buti nga sa ‘yo.

“Ma‘am.” Bigla siyang nag taas ng kamay.

“Yes?” Sinenyasan siya ni ma‘am tumayo.

“May i go out? I forgot to bring paper. Kaya bibili lang sana ako sa labas. So please wait for me before you start the quiz.”

Wow? Sa oras ng quiz, saka siya lalabas para bumili ng papel? At hihintayin pa siya? Wow talaga! At saan naman siya bibili? E, walang nag bebenta dito ng papel. Saang eskwelahan yata galing ‘to at ang lakas ng loob bumili ng papel sa oras ng quiz.

“I‘m sorry but you can't go out,” diin na sabi ni ma‘am. “Especially when the quiz starts. You can ask your classmates for a paper because they have it. Diba class?” tanong ni ma‘am sa ‘min.

“Wala po kaming papel ma‘am. Hihingi palang sa meron,” sabi ng mga lalaki naming kaklase.

“They said, they don't have paper. So paano po ‘yan?” tanong ni Scart kay ma‘am.

Nakita kong agad nilapitan ni Charisse si Scart. Napairap nalang ako ng magtama ang paningin naming dalawa.

“Uhm. Hi, ako pala si Charisse. Meron akong papel, ito.” Binigyan niya si Scart ng isang bundle.

Kunot noong tiningnan ni Scart ang binigay ni Charisse at maya-maya lang ningitian niya ito. “Thankyou.”

Kinikilig naman na ngumiti si Charisse. Tsk!

“You‘re welcome.” Bumalik siya sa upuan niya ng nakangiti at parang nag iimagine pa.

Mukha siyang baliw!

“Hindi na po pala ako lalabas ma‘am. I have paper na,” nakangiting sabi ni Scart at umupo.

“Okay. Thanks to Ms. Salvation.” Turo ni ma‘am kay Charisse. “Okay class. Number your paper to fifty.”

“Tss! Pupunta ng eskwelahan.  Walang dalang papel. Nag aral kapa,” bulong ko.

Pero mukhang narinig niya at agad siya napatingin sa ‘kin ng magkasalubong ang kilay. “May problema kaba sa ‘kin?” tanong niya.

“Me? May problema sa ‘yo? Hmm...oo. Dahil may kasalana kapa sa ‘kin.”

Hindi siya nakapag salita at iniwas ang paningin niya sa ‘kin at nag sulat nalang ng numero sa papel, na binigay sa ‘kaniya ni Charisse.

“Psst! Transfery. Pahingi naman isa.”

Sinulyapan ko ang mga lalaki kong kaklase na kinalabit si Scart.

“Sure.” Ningitian sila ni Scart.

Plastic! Alam ko naman na ayaw niya mag bigay. Tsk!

“Number one! James have non current assets of 50,000, current assets of 60,000, current liabilities of P30,000  and long term load of P40,000: as such the owner equity will be?”

Grabi naman si ma‘am. Number one ang hirap agad. Ang hina ko pa naman sa mga numbers.

Napatingin ako kay Kate at tiningnan siya ng makahulugang tingin.

“Nag iisip pa ako ng sagot. Mamaya kana kumopya,” mahinang sabi niya.

Napanguso ako. Hindi pa naman ako nakapag review noong nakaraan. Nakalimutan ko kasi.

Tumingin ako sa isa ko pang katabi. Si Scart.

Napamangha ako ng makita ko kong gaano siya kabilis mag sulat at sumagot. Para siyang google na hindi na pinag-iisapan ang sagot at agad nalang nilalabas. Para isulat ito sa papel niya.

Ang talino niya naman.

Nanlaki ang mata ko ng mapasulyap siya sa ‘kin. Agad ko iniwas ang paningin ko sa ‘kaniya at tumingin sa papel kong wala pang sagot.

“Number two!” sigaw ni ma‘am.

Gusto ko sumigaw ng sandali lang. Wala pa akong sagot!

Natapos ang quiz at pinasa ko na sa harap ko ang papel ko. Si ma‘am na raw ang bahala mag check para walang dayaan na maganap.

“Hoy!”

Napa angat ako ng tingin kay Scart nasa harap ko. Hinamala pinansin niya ako.

“Bakit?” masungit na tanong ko.

Bahala siya diyan. Susungitan ko siya.

“Pwede ba tayo mag-usap?”

“Ha? Bakit—” Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang ako hinila patayo.

Narinig ko pang nag hiyawan ang mga kaklase ko.

“Teka saan mo ba ako dadalhin ha?!” naiinis na sabi ko at pilit na nag pumiglas. Pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko.

Bwesit to ah!

Dinala niya ako sa isang room na hindi na ginagamit at malayo sa mga tao. Tahimik dito at pakiramdam ko nakakatakot dito lalo na pag gabi.

Binitawan niya ang braso ko kaya masama ko siyang tiningnan.

“Ano ba kailangan mo sa ‘kin?!” naiinis na tanong ko.

“Do you know me? Do you remember me?”

“Ano sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Alam mo napaka weird mo!”

Napabuntong hininga siya. May sinabi siya pero hindi ko narinig. Tiningnan niya ako sa mga mata ko kaya taka ko siya tiningnan. Dahan-dahan siyang lumapit sa ‘kin. Bigla akong kinabahan.

“T-Teka...anong ginagawa mo?”

Napaatras ako ng napaatras.

Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa ‘kin. Hindi ko mapaliwanag ang kaba sa dibdib ko. May balak ba siyang masama sa ‘kin?

“Teka lumayo ka nga!” Napaatras pa ako pero wala na akong maatrasan.

Na corner niya na ako. Napalunok akong tumingin sa mga mata niya.

Nag salubong ang kilay ko at pilit na nilalabanan ang tingin niya. “A-Ano gagawin mo?” Pilit kong ginagawang normal ang boses ko pero nauutal talaga ako.

Laking gulat ko ng bigla niya ako hinalikan sa pisngi. Mabilis lang ‘yon pero pakiramdam ko ilang oras na ang tinagal ng labi niya sa pisngi ko.

Napakurap-kurap ako at nanlaki ang mga mata ko.

Dahan-dahan gumuhit ang ngiti sa labi niya. Ang cute niya at ang gwapo niya do‘n. Pero hindi niya ako madadala diyan! Hinalikan niya ako sa pisngi! At kahit pisngi lang ‘yon hindi pwede sa ‘kin ‘yon!

Akma ko siyang sasampalin ng sinangga niya ang kamay ko.

“Ano ba! Sasampalin kita! Akala mo ba okay sa ‘kin ang ginawa mo?! Napaka manyak mo!” sigaw ko.

“A-Ano? Hoy! Hindi ako manyak! Hinalikan lang kita hindi hinipuan!”

“Anong hindi ka manyak?! Gano‘n parin ‘yon! E, dinala mo ako dito tapos...tapos...hinalikan— ah basta manyak ka!”

Lumayo siya ng bahagya sa ‘kin at pinag krus ang braso niya. “Tss! May kinumperma lang ako.”

Ano raw? May kinumperma? Kinumperma niya ang isang bagay gamit sa halik niya sa ‘kin?! Ha! Ibang klase siya!

“Gamit ang halik? Anong klaseng kumperma ‘yon ha? Alam mo ba ang mahal ng pisngi ko? Mas mahal pa ito sa buhay mo. Sa sobrang alaga ko dito wala akong ni pimple o kahit ano sa mukha. Kaya kong mag ka pimple man ito bukas. Kasalan mo ‘yon!” Turo ko sa ‘kaniya.

Napangiwi siya. “So ano akala mo sa lips ko may germs?”

“Oo!” malakas na sagot ko.

Napatawa siya. “Ang arte mo ah!”

Naningkit ang mata ko sa inis at sinuntok siya. Napahawak siya sa panga niya, at hinawakan ang parte na sinuntok ko kong saan may dugo ng tumutulo.

Dahan-dahan niya ako tiningnan. NaG salubong ang mga kilay niya.

Ningisihan ko siya. “Bagay ‘yan sayo. Masakit ba? Na surprise kaba? Tsk!” Sinangga ko ang balikat niya.

Pero hindi pa man ako nakakalabas ng classroom nag salita siya.

“It‘s really you. Hindi ako pwede mag kamali.”

Nilingon ko siya at takang tinitingnan. “Anong sinasabi mo?”

“Alam kong ikaw ‘yan. Hindi ako pwede mag kamali.”

Nag salubong ang dalawa kong kilay. Pinag krus ko ang braso ko. “Pwede ba diretsohin mo ‘ko. Ano ba sinasabi mo? Akala mo ba hindi ko napapansin ang masasamang titig mo sa ‘kin makailan? Umamin ka nga may problema kaba sa ‘kin?”

Dahan-dahan siya lumapit sa ‘kin at seryoso akong tiningnan.

May binunot siya sa bulsa niya at agad Tinapat sa mukha ko. “Damania,” sambit niya sa isang pangalan.

Dahan-dahan ko tiningnan ang litratong pinakita niya. Parang lalambot ang tuhod ko ng makita ko ang litrato.

Ako ito, mukha ko ang nasa litrato. Pero paano? Wala akong ma aalala na nag pakuha ako ng litrato na ganiyan ang suot ko.

“A-Ako ba ‘yan?” nauutal na tanong ko. At hindi parin inaalis ang tingin sa litrato.

“Ano ba sa tingin mo? Ikaw ito o hindi?”

SOMEONE'S POV.

Nakangiti kong pinagmasdan mula sa labas sina Scart at Jel na nag-uusap.

Nagkita ‘din sila.

Ang plano ko at nais kong mangyari natupad rin sa wakas. Pero may-iilan pang plano napag-iwanan at kailangan ihabol bago dumating ang pinakahinihintay kong araw. Kong saan ibubunyag ko ang lahat na sikretong nakatago.

Matagal ko rin itong pinag-isapan at pinaghandaan. Ayo kong habang buhay na maniwala si Jel sa mga kasinungalingan ng mga taong nasa paligid niya.

“Malapit na at malalaman mo na ang totoo. Makikilala mo rin sila at pati na rin ako…” bulong ko. At nilisan ang lugar na iyon.

CyLili

Edited Version

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status