Share

CHAPTER FIVE

JELTROD POV.

"Ano ba sa tingin mo? Ikaw ito o hindi?" tanong niya.

"Hindi." Umiling-iling ako. "Hindi ako 'yan. Pinag tri-tripan mo ba ako ha?!" inis na tanong ko.

Imposible naman kasi na ako 'yan. Isa pa, hindi ako mahilig mag suot ng dress at ng mga pang kikay na damit. Malay ko ba at ginamitan niya 'yan ng pang malakasang edit.

"No! Hindi kita pinag tri-tripan. Tingnan mo!" Mas lalo niya nilapit sa 'kin ang litrato.

Pero inis ko 'yon hinablot sa 'kaniya at pinunit. Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.

Pagkatapos ko punutin sa maliliit na piraso ang litrato. Tinapon ko iyon ka agad sa mukha niya.

"Anong hindi mo ako pinag tritripan?! E, hindi nga kita kilala! Hindi ko alam kong bakit bigla ka nalang sumulpot sa buhay ko at hinalikan ako tapos ngayon pinakita mo pa sa 'kin ang litrato ng mukha ko! Ha! Ang gulo na hindi ko alam kong ano ang nangyayari!"

"Akala mo ikaw lang?! Alam mo bang para akong mababaliw kakaisip makailan ng makita ka. Dahil ang alam ko matagal ka ng patay!"

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Anong sinasabi niyang matagal na akong patay? Nababaliw naba siya?

"Pwede ba tama na! Hindi kana nakakatuwa! Buhay ako at hindi patay! At higit sa lahat hindi kita kilala!"

Tinalikuran ko ka agad siya at nilisan ang kwartong iyon.

Bumalik ako ng classroom at pinagtinginan ka agad ako ng mga kaklase ko. Ang iba may kasamang panunukso ang tingin nila at ang iba naman, wala lang.

"Ikaw, Jel ah. Ang haba ng hair mo," biro ng president namin.

"Putulan natin?" birong tanong ni Kyle sa 'kin.

Sinamaan ko lahat sila ng tingin. Mukhang alam naman nila ang ibig sabihin ng tingin na iyon at hindi na nila ako ginulo pa.

"Hoy! Jel! Papansin ka, e 'no!"

"Tama! Alam mo naman na gusto ni Charisse si Scart. Nag papansin ka parin!"

Napapikit ako sa inis at masamang tiningnan sina Charisse at Cloe.

"Pwede ba...huwag ngayon. Wala ako sa mood makipag-away sa inyo. So please get out of my sight," kalmadong sabi ko.

Magsasalita pa sana sila ng hinila sila ni Kyle at Kate papalayo sa 'kin. At pinaupo sa mga upuan nila.

Napayuko ako sa desk ko.Parang bigla ko narinig ang sinambit niyang pangalan.

Damania...

Teka, parang narinig ko na ang pangalan na 'yan. Saan ko nga ba narinig 'yon?

Laking gulat ko ng may narinig akong nagsalita. Pero hindi ko alam kong saan galing 'yon.

"Damania! Damania! Damania!"

Paulit-ulit lang ang salitang 'yon.

Napaatras ako ng napaatras sa litrato ni Lee Jung Suk dahil pakiramdam ko parang may taong biglang bubulaga sa 'kin mula sa likod niya. Hanggang sa natumba ako kakaatras.

"Damania! Damania! Damania!"

Lalong lumakas ng lumakas ang naririnig kong salita. Dali-dali akong tumayo at tumakbo paalis sa lugar na 'yon.

Tama! Kaya pala parang pamilyar sa 'kin ang pangalan na sinabi ni Scart kanina. Pero...bakit niya iyon sinabi? Sino si Damania?

Sandali. Kong alam ni Scart kong sino si Damania. Posible kaya siya ang misteryosong babae- Hindi! Babae pala iyon at lalaki si Scart.

Hayst! Ano ba 'to? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Teleserye ba 'to? May pa thrill?

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Scart. Nag tama ka agad ang paningin naming dalawa. Pero ako na ka agad ang unang nag-iwas.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa matapos ang lahat ng subject namin this morning. Isa pa wala naman talaga akong balak pansinin siya habang buhay kahit mag katabi kami. Sa ginawa niya kanina. Akala niya papansin ko pa siya?

-

"Jel," tawag sa 'kin ni Kyle sa kalagitnaan ng pagkain ko.

Nasa canteen kami ngayong tatlo at sabay na nag lunch.

"Hmm?" tugon ko. At sumubo pa ng pagkain.

"Wag ka sana magalit sa tanong ko. Pero gusto ko malaman kong bakit ka pala kanina hinila palabas ng room ni Scart? Nag sorry ba siya sa 'yo dahil sa ginawa niya?"

Natigil ako saglit sa pag nguya ng pagkain at malalim na bumuntong hininga. Nilunok ko mo na lahat ng pagkain sa bibig ko bago nag salita.

"Amin nalang 'yon," sabi ko.

"Sabihin mo na kaibigan mo naman kami, e," pangungulit niya.

"Oo nga." Tumango si Kate.

Umiling ako. "Ayo ko. Kumain na nga lang tayo."

Sabay silang ngumusong dalawa at tumango nalang at hindi na ako pinilit pang mag salita.

Dumaan ang buong hapon at nakapagtaka na hindi nag klase si mama.

Kukunin ko na sana ang bag ko ng hindi ko ito makuha.

Napapikit ako sa inis.

Alam ko na kong bakit hindi ko makuha bag ko. May ginawa nanaman panigurado ang mga loko kong kaklase.

"Kainis naman!"

Napatingin ako kay Scart at nakita ko ang mukha niyang naiinis habang pilit na kinukuha ang bag niya sa upuan. Pero tulad ko hindi niya rin makuha.

Napatingin siya sa 'kin ng mapansin niyang nakatingin ako sa 'kaniya.

"Ano?" pabulong na tanong niya.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay at inis na pumunta sa likod ng upuan namin. Nakita kong pasimpleng tumawa ang dalawang pasaway na lalaki nakaupo sa likod namin.

Hindi nga ako nag kakamali tinali nila iyong bag namin ni Scart. Highschool na sila pero para silang elementary kong mang trip.

Inis kong tinanggal ang pagkatali sa bag namin.

"Madapa sana gumawa nito!" inis na sabi ko at masamang tiningnan ang dalawa.

Agad silang nag-iwas ng tingin at sumipol-sipol.

-

"Bakit pala wala ang mama mo?" tanong ni Kate sa 'kin pagkalabas ng classroom.

"Oo nga, bakit hindi nag turo si tita? May sakit ba siya?" si Kyle.

Ngumiwi ako at nag kibit balikat. "Hindi ko rin alam, e."

Hindi ko alam kong bakit hindi nag klase si mama sa amin. Wala naman siyang sakit at nauna pa nga siya dito sa eskwelahan kanina.

Hindi kasi kami sabay kong pumasok ng eskwelahan ni mama. Ewan, kong bakit hindi siya sumasabay sa 'kin pumasok. May kotse naman si papa at para hindi na siya namamasahe pa.

Pagkalabas ng eskwelahan nakita ko ka agad si papa sa labas at nakasandal sa kotse. Nag paalam agad ako sa mga kaibigan ko at tumakbo papalapit kay papa.

"Pa, kanina ka pa?" tanong ko pag kalapit kay papa.

"Kakarating ko lang. Ano? Tara na?"

Tumango ako at pumasok ng sasakyan. Sa likod ako lagi naka pwesto dahil maluwag at solo ko ang pwesto dito.

"Pa, matanong ko lang. Bakit hindi sumasabay sa atin si mama?" tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe.

Nakita ko sa rear mirror ang pag-iba ng mukha ni papa. Bumuntong hininga siya at matagal bago nagsalita.

"Anak, ano gusto mong ulam mamaya?" Hindi niya sinagot at tanong ko at iniba ang usapan.

"Pa, iyong tanong ko hindi niyo pa nasasagot," reklamo ko.

Hindi siya nagsalita at hindi na ako kinausap pa. Malalim akong bumuntong hininga at nanahimik nalang. Parang nag-iba ang ihip ng hangin kay papa.

Pagkarating namin sa sementeryo. Nag pa iwan ako sa loob ng kotse at hindi na sumama kay papa sa loob. Malakas kasi ang ulan at sabi ni papa dito nalang daw ako.

Kaya ito ako ngayon nag soundtrip sa loob.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng may nag park na sasakyan sa tabi namin.

Bumaba ang isang gwapong lalaki na naka uniporme at parang wala sa sarili. Bumaba siya ng walang payong at nakatulala habang nag lalakad. Parang may problema siya o may iniisip na malalim.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya nakita pa.

Ilang oras na ako sa kotse. Pero wala pa si papa. Kaya napag desisyonan kong pumasok ng sementeryo para sunduin siya. Kumuha ako ng payong at lumabas ng kotse.

Medyo malakas parin ang ulan pero hindi na tulad kanina.

Hindi ko alam kong saan ang puntod ni lolo dito. Hindi naman kasi ako sinasama ni mama at papa kapag dadalaw sila. Lagi nila ako iniiwan sa bahay ng mag-isa. Nakita ko naman ang lolo ko pero hindi sa personal. Sa litrato nga lang.

Napahinto ako sa paglalakad ng naagaw ng atensiyon ko ang lalaki nakita ko kanina. Nakayuko siya at ang kamay niya ay nasa puntod ng isang tao at umiiyak habang nag papaulan.

Parang nagkaramdam ako ng awa sa at pag-aalaga sa 'kaniya. E, sa hindi ko naman siya kilala.

Hindi ko alam pero dahan-dahan ko siya nilapitan at pinayungan.

"Please comeback to me..."

Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya ng hindi ko maintindihan kong bakit. Bakit ko ba 'to nararamdaman?

"Hoy! Pwede ba 'wag kang mag drama sa ulan. Wala ka sa teleserye," sabi ko.

Natigil siya sa pag-iyak at nag-angat ng tingin sa 'kin. Nanlaki ang mata niya ng magtama ang mga mata namin.

Gwapo pala siya sa malapitan. Sobrang puti at ang tangos ng ilong. V-shape siya at ang perfect niya tingnan. Kapag siguro nag audition ito maging artista. Tanggap ka agad siguro siya.

Laking gulat ko ng tumayo siya at bigla ako niyakap. Hindi ko alam pero biglang tumibok ang puso ko ng napakalakas. Parang may bigla ring kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

"Sabi na nga ba at babalik ka sa 'kin," bulong niya at humikbi.

Hindi ako nakapagsalita.

Dahan-dahan siya kumalas sa pagkayakap sa 'kin at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko. Para akong nadadala sa emosiyon niya.

"I am not dreaming right?" tanong niya at lumuluhang nakangiti habang hawak ang mga pisngi ko.

Hindi ulit ako nakapagsalita. Parang tinahi ang bibig ko at hindi ko ito mabuka.

Dahan-dahan niya nilapit ang mukha niya sa 'kin at hinalikan ako sa noo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Na istatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi nakagalaw.

Pero mas nagulat ako ng bigla siyang nahimatay sa harap ko.

Nabitawan ko ang payong ko at agad ko siya tinapik-tapik sa pisngi niya. Ngayon ko lang napagtanto kong gaano siya kainit.

"A-Anong gagawin ko?" Napakagat ako sa kuko ko. "Hoy! Gumising ka..." Inalog-alog ko siya at medyo natataranta narin ako.

Tumingin ako sa paligid at walang ni isang tao ang nandito.

Binaling ko ang tingin sa lalaki. "Dito ka mo na tatawag lang ako ng tulong." Agad ako tumayo at tumakbo para maghanap ng tulong.

Saktong makarating ako sa pinagparkingan namin ng kotse nakita ko si papa na papasok palang sana.

"Pa!" agad ko siya tinawag.

Nanlaki ang mata niyang napalingon sa 'kin. "Anak! Bakit basa ka?! Bakit ka nag paulan?!"

"Pa, mamaya mo na ako pagalitan. Tulongnan mo na ako. May nahimatay kasi at ang taas ng lagnat niya."

"Ha? Saan?"

"Doon pa. Tara bilisan natin!"

Sabay kaming tumakbo ni papa papasok ulit ng sementeryo. Laking pasasalamat ko ng medyo tumila ang ulan.

Nang makarating kami sa kong saan ko iniwan ang lalaki. Agad namin pinagtulongan ni papa buhatin ang lalaki at sinakay sa kotse namin para dalhin sa hospital.

Sobrang taas ng lagnat niya at para kang nakahawak ng apoy kapag hahawakan mo siya. Sino ba naman kasi hindi lalagnatin, e nag paulan siya! Gwapo sana kaso hindi nag-iisip!

-

"Kamusta siya doc?" tanong ni papa sa doktor na nagtingin sa lalaki.

Bahagya kong sinulyapan ang lalaki na wala paring malay.

"Okay na siya at medyo bumaba narin ang lagnat niya. Kayo po ba ang tatay niya?" tanong ng doktor kay papa.

Nabaling ang tingin ko sa doktor.

"Nako po. Hindi po ako ang tatay niya. Nakita lang po siya ng anak ko at dinala namin dito dahil nahimatay po siya at ang taas ng lagnat niya. Nakakaawa kasi," sagot ni papa.

Napatango ang doktor. "Gano'n po ba. Kilala niyo po ba ang mga magulang niya? May sasabihin lang po sana ako sa 'kanila."

"Sorry doc, pero hindi. Nakita nga lang siya namin."

Lumapit ako sa lalaki at hinayaan mo na sina papa at ang doktor mag-usap. Nakita ko ang ID nasa gilid niya.

May ID naman pala 'to. Bakit hindi nila tinawagan ang family niya?

Kinuha ko ang ID at binasa ang pangalan niya.

Justin Villia...iyan ang pangalan niya.

Hinanap ko ang contact number ng family niya at sinubukang tawagan ito. Buti nalang may load ako.

Pero agad ako natigil sa pag dial ng may nag ring na cellphone malapit sa akin. At napagtanto ko cellphone pala ni Justin ang nag ring.

So number niya ang nilagay niya sa contact number ng parents niya? Bakit? Paano ko tuloy masasabi sa parents niya ang nangyari sa 'kaniya?

Dahan-dahan ko kinuha ang cellphone nasa gilid niya at binuksan ito. Baka may load siya at may mga number dito ng kaibigan niya. Iyon nalang ang tatawagan ko gamit itong phone niya.

Ma swerte ako at walang password ang phone niya.

Nag hanap ako sa phone number list niya at may nakita akong mommy at daddy na pangalan. Sinubukan ko iyon tawagan pero cannot be reached.

Nag hanap ulit ako ng pwedeng tawagan. Pero napahinto ako sa isang pangalan na pamilyar sa 'kin.

Scart...

Agad ako napatingin kay Justin na hindi parin nagigising. So magkakilala sila ni Scart? Mag kamag-anak ba sila?

Ayo ko pa naman kausapin 'to. Pero wala akong choice kong hindi siya nalang ang tawagan. Baka kilala naman nito ang parents niya.

Hindi naman siguro makikilala ni Scart ang boses ko.

"Hello, Justin?" Wala pang tatlong ring agad niya sinagot ang tawag.

Sana all, ganito ka bilis kong sumagot ng tawag. Ma swerte magiging jowa nito panigurado.

Huminga ako ng malalim bago nag salita. "Kamag-anak po ba kayo ni Justin Villia?" Medyo nilaliman ko ang boses ko.

"Hindi. Kaibigan niya ako. Bakit nasa iyo ang phone ng kaibigan ko?"

Ah...mag kaibigan...

"Kasi po nasa hospital po ang kaibigan niyo-"

"Ano?! Nasa hospital si Justin?! Ano nangyari sa 'kaniya?!" nag-aalang tanong niya na may pasigaw.

Bahagya ko nilayo ang tenga ko sa phone.

"Sinugod po kasi siya dito dahil mataas po ang lagnat. Pakisabi nalang po sa magulang niya na nandito siya sa South Hospital at pakipuntahan narin po siya. Bye!" Hindi ko na hinintay mag salita siya at agad ko na binaba ang tawag.

Dahan-dahan ko binalik ang phone sa kong saan ko ito kinuha at lumapit kay papa at sa doktor.

"Natawagan ko na po ang kaibigan niya at papunta na po dito," sabi ko.

Napatingin sila sa akin. "Nice. Sige maiwan ko na kayo," paalam ng doktor.

"Anak, uwi na tayo?"

Nabaling ang tingin ko kay papa. "Pero, paano po siya?" sinulyapan ko si Justin.

"Sabi mo papunta na dito ang kaibigan niya diba? Kaya pwede na natin siya iwan. Gabi narin kasi at basa ka. Baka ikaw naman mag kasakit niyan. Sakitin ka panaman."

Bumuntong hininga ako at tumango. "Sige po, uwi na tayo. Baka hinahanap narin tayo ni mama."

Tiningnan ko ulit si Justin. Parang bigla ko narinig ang sinabi niya kanina na please comeback to me...

CyLili

Edited Version

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status