Share

CHAPTER NINE

Third Person POV.

Nakamasid siya ngayon sa taong matagal niya nang gustong patayin dahil sa galit. Ilang beses niya na itong pinagtangkaan ngunit hindi niya talaga kaya pumatay ng tao.

Sabik narin siyang makitang bumagsak ang taong ito. At kapag nangyari iyon, siguro siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

Hindi niya maiwasan ikuyom ang kaniyang kamao sa inis na makitang tumatawa ang lalaki. Sobra napaka hayop ng taong ‘yon. Wala ba siyang konsensiya? Talagang nakuha niya pang tumawa? Hindi niya ba naiisip ang lahat na masasamang ginawa niya? Wala siyang puso!

Agad siyang nagtago nang mapatingin sa gawi niya ang lalaki.

Nang hindi na nakatingin ang lalaki sa ‘kaniya. Dahan-dahan niya na ito sinilip ulit. Ngunit ganoon nalang ang pagkaramdam niya ng kirot sa ‘kaniyang puso ng makita ang babaeng mahal niya na hinalikan ang lalaking kinamumuhian niya.

Hindi niya maiwasan hindi makaramdam ng selos o galit dahil sa nasasaksihan ngayon. Makikita sa mukha ng babaeng mahal niya ang saya sa piling ng lalaking kinamumuhian niya.

“Totoo pala ang balita…” Bakas ang lungkot at pait sa boses niya ng sabihin iyon.

Matagal ng balita na magkasintahan na raw ang dalawa at matagal niya narin alam na niloloko siya ng babaeng mahal niya. Gusto niya man paghiwalayin ito ngunit hindi niya magawa. Natatakot siyang ilayo ng babaeng mahal niya sa ‘kaniya ang mga anak niya.

Kahit masakit pinilit niya maging manhid at magpakatanga. Makasama lang ang mga anak niya.

“Ewan ko nalang kong tuloyan mo pang mahalin ang lalaking ‘yan, pag nalaman mo ang mga katarataduhan na ginawa niya…” diin na sabi niya habang nakakuyom ang mga kamao.

Hindi niya nakayanan na makita ang dalawa na masaya, kaya lumayo mo na siya sa lugar na iyon at pumasok sa sasakyan niya.

Nang biglang nag ring ang cellphone niya.

“Hello?” sagot niya sa kabilang linya.

“Nailagay ko na po ang letter sa loob ng kwarto niya,” sabi ng babae sa kabilang linya.

“She didn‘t see you?” nag-aalalang tanong niya sa kausap.

Malalim na bumuntong hininga ang babaeng kausap niya sa cellphone. “Muntikan niya na po akong makita. Hindi niyo naman po kasi sinasabi sa ‘kin na anniversary po pala ng school niya ngayon, akala ko pa po naman ay may pasok siya kaya umasa po ako na wala siya sa kwarto niya at mapadali po ang trabaho ko.”

Oo nga pala nakalimutan niyang sabihin kanina. Medyo makakalimutin narin kasi siya at marami rin kasi siyang iniisip sa ngayon.

“Sorry, nakalimutan ko,” agad na paumanhin niya sa kausap.

“Kailangan po ba talaga natin gawin ‘to? Alam ko pong natatakot na ‘yon. Hindi po ba pwedeng sabihin nalang natin sa ‘kaniya ng diretso? Para matapos na po ito.”

Malalim siyang bumuntong hininga.  Kong pwede lang sabihin ng diretso gagawin niya, pero hindi pa talaga pwede dahil posibleng manganib ang buhay ng taong iyon. At ayo niyang mangyari iyon.

“Alam mong nasa plano na ang lahat at kailangan natin sundin kong ano ang nasa plano. Dahil sa oras na hindi masunod ang nasa plano mahihirapan tayong sabihin sa ‘kaniya,” mahinang sabi niya sa kausap.

“Okay po ibaba ko na po.” Bakas ang lungkot sa boses ng kausap niya.

Alam niyang nahihirapan na ito sa mga pinapagawa niya. Kong kaya niya lang talaga gawin ‘tong mag-isa gagawin niya.

“Sige, ingat. Magkita nalang tayo mamaya sa bahay.”

“Opo, kayo rin po.” Binaba na ng kausap niya linya.

Napasandal siya sa upuan ng kotse at pumikit. Pakiramdam niya bumalik sa ‘kaniya ang alaala kong saan masaya at walang iniisip na problema. Kailangan kaya mababalik ang mga masasayang ala-ala na ‘yon?

Napamulat siya ng mata nang may biglang kumatok sa bintana ng kotse niya. Nanlamig ang kamay niya ng malaman kong sino iyon.

Hindi pwedeng makita siya ng babaeng mahal niya.

Mabuti nalang at makapal ang salamin ng kotse niya at hindi siya makikita sa loob.

Patuloy parin sa pagkatok ang taong iyon sa kotse niya, pero hindi niya ito sinagot man lang. May sinasabi ito pero hindi niya maintindihan dahil nga nasa labas ito.

Maya-maya lang lumapit ang lalaking kinamumuhian niya. May sinabi ito dahilan napatango ang babaeng mahal niya at umalis.

Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.

Nang makalayo ang dalawa. Lumabas siya ng kotse at nakita niya ang isang lipstick na kulay pula.

Pinulot niya ang lipstick at bigla niyang na alala sa lipstick na ito ang dahilan kong bakit sila ng nagkita ng babaeng mahal niya.

“Daria! Sandali!”

Napalingon siya sa likod niya ng marinig niya ang pangalan na iyon. Dali-dali niyang binulsa ang pulang lipstick at pumasok ng sasakyan niya.

Pinagmasdan niya ang babaeng mahal niya padabog na pumasok sa loob ng kotse nito at pinaandar ito papalayo.

Hindi niya mapigilan mapangisi ng makita kong paano sobrang nainis ang lalaking matagal niya ng gustong tirisin dahil sa mga kasalanan nito sa ‘kaniya na walang kapatawaran.

Mukhang nag-away sila. Ang bilis naman. Sabi niya sa ‘kaniyang isipan.

Inis na pumasok sa kotse ang lalaki kinamumuhian niya at pinaandar ang sasakyan papalayo. Walang alinlangan na sinundan niya ang sasakyan ng lalaking iyon.

Laking pasasalamat niya at hindi siya nito nahalata. Binansagang tarantado at hayop pero tanga. Sabi nito sa ‘kaniyang isipan.

Huminto ang sasakyan ng lalaki sa isang coffe shop. Pinagmasdan niya mula sa loob ng sasakyan kong paano bumaba ang lalaki at pumasok sa loob.

Sinuot niya ang itim niyang jacket, mask at cap bago bumaba ng sasakyan at sundan ang lalaki sa loob.

Pasimple niyang pinasok ang loob ng coffe shop na parang normal na bibili lang ng kape at wala na iba pang balak pa. Pumwesto siya sa lamesa kong saan medyo malapit ang lalaki.

Hindi naman siya nito napansin dahil mukhang wala naman itong pakielam sa paligid niya, tulad ng mga taong nandito sa loob ng coffee shop.

Kaunti lang ang tao sa coffee shop na ito at halos lahat may sariling mundo.

“What‘s your order sir?”

Napatingin siya sa nagtanong sa ‘kaniya. Kita sa mukha ng waitress na medyong na we-weirdohan ito sa ‘kaniya dahil sa panamamit niya. Ngunit wala siyang pakielam. Kailangan niya suotin ‘to para hindi siya makilala ng sinusundan niya.

Basta nalang siya nag turo ng kong ano sa menu. Nilista naman agad ng waitress ang order niya at pumunta ng counter.

Binalik niya ang tingin sa lalaki at nanlaki ang mata niya ng makita kong sino ang kinamayan nito.

“Kibigan…ano ang dahilan at gusto mo ‘ko makausap?” tanong ng lalaki kay Arton Ville.

Si  Arton Ville ay isang business man na walang inisip kong hindi pera at paano ito mapapanatili at mapapalago ang kaniyang pera. Sa madaling salita importente sa ‘kaniya ang mga pera niya.

Hindi niya alam na mag kaibigan pala ang dalawa.

Ngumiti si Arton Ville at umupo. “Hmm…” Parang nag-iisip na sabi ni Arton Ville. “Nakalimutan mo na yata ang pinag-usapan natin makailan kaibigan?” Ningitian ni Arton Ville ang lalaking kinamumuhian niya.

May pinag-usapan pala ang dalawa? Hindi niya ito alam. At nagtataka siya kong kailan pa ang dalawa naging mag kaibigan? Ayaw niyang isipin na baka mag kasabwat ang dalawa.

“Pinag-usapan? Hmm…i don't remember what we talked about.” Ngumiti ng plastic ang lalaking kinakamuhian niya kay Arton Ville.

Parehong nag plastikan ang dalawang plastic. Sabi niya sa ‘kaniyang isip.

“Makakalimutin ka na kaibigan. Pwes, ipapaalala ko sa ‘yo.” Lumawak ang ngiti ni Arton. “May utang ka lang naman sa ‘kin na isang bilyon na hindi mo pa nababayaran. Ang sabi mo babayaran mo ‘ko next week at ito na iyong next week na sinasabi mo. So asan na ang pera ko?”

Nakita niya kong paano nag-iba ang mukha ng lalaking kinamumuhian niya. “O-Oo nga pala…i forgot. Don‘t worry, i‘ll pay you.

Malakas na tumawa si Arton at nakaasar iyon pakinggan. Pero mukhang wala naman pakielam ang mga tao dito at patuloy parin sa pag kwekwentohan at pag inom ng kape.

“Kaibigan, lagi nalang bukas at nextweek. Kailangan mo ba talaga ako balak bayaran? Dahil inip na inip na ako,” diin na sabi ni Arton. “Henry Villia,” sambit ni Arton sa pangalan ni Henry.

Kumuyom ang kamao niya ng marinig ang pangalan ng lalaking tumarantado sa ‘kaniya at sa pamilya niya.

“Alam mong alam ko ang sikreto mo noon pa. At kahit anong oras pwede ko ‘yon sabihin sa pinakamahal mong babae,” banta ni Arton Ville kay Henry.

Nagsalubong ang kilay ni Henry. “Don‘t you dare!” Dinuro ni Henry si Arton Ville.

Hindi siya makapaniwala sa naririnig ngayon. Alam pala ni Arton ang sikreto ni Henry? Bakit hindi niya sinabi ito sa ‘kaniya noon? Bakit pinili niyang manahimik?

Oo nga pala, pagdating sa usapang pera kaya ni Arton maging selfish. Mabuti nalang at hindi nag mana ang anak nito sa ugali niya.

“Kaya bayaran mo ‘ko kong ayaw mong sabihin ko ang secrets mo.” Parang nagbabanta si Arton ng bata kong bantaan niya si Henry.

“Bibigyan kita ng hanggang bukas. At kapag hindi mo ‘ko mabayaran bukas…” Ngumisi si Arton. “Good bye secrets.” Malakas na tumwa si Arton. Pati body guards niya nakitawa narin.

Kita niya mukha ni Henry ang inis. Sino ba naman hindi maiinis sa tawa ni Arton na nakakaasar pakinggan.

“Tarantado ka talaga,” diin na sabi ni Henry kay Arton Ville.

“Same to you, my friend,” inosenteng sabi ni Arton kay Henry.

Gusto niya tumawa sa sinabi ni Arton ngayon, pero nanahimik nalang siya dahil baka mahalata siyang nakikinig sa usapan nila.

“Kaibigan mo mukha mo!” Inis na tumayo si Henry.

“H‘wag kang mag-aalala Arton. Babayaran kita bukas. Saksak mo sa baga mo ang lahat ng pera,” diin na sabi ni Henry kay Arton bago lumabas ng coffee shop.

Tumawa ulit si Arton at umiling-iling. “Hayst, ang dali lokohin ni Henry.”

Ano? Niloloko niya lang si Henry? Hindi niya mapigilan mag taka sa sinabi ni Arton. Ano naman kaya ang dahilan kong bakit niloloko niya itong si Henry?

“Harry,” tawag ni Arton sa isa sa mga body guard niyang pinagkakatiwalaan niya ng lubos.

“Yes sir?” agad na sagot ng Harry.

“Kamusta ang anak ko?”

Buti naman at nagawa niya pang kamustahin ang anak niya. Kong tratuhin niya kasi ang anak niyang si Scart Ville parang hindi niya anak.

“Nagtatampo po siya sa inyo ngayon,” mahinang sagot ni Harry kay Arton.

Nanlaki ang mata ni Arton. “Ano? Bakit naman nagtatampo ang anak ko sa ‘kin? Ano nagawa ko?”

Nakapagtaka. Sa buong buhay nakasama niya si Arton. Ngayon niya lang ito nakitang ganito ka alala ng malamang natatampo ang anak niya sa ‘kaniya.

Dati kasi kapag nalaman niyang nagtatampo ang anak niyang si Scart sa ‘kaniya ay wala siyang pakielam dahil lilimpas ‘din iyon para sa ‘kaniya. Pero ngayon iba. Iba siya sa Arton na tarantado ang mukha, nakakaasar at makasarili.

“Hindi po kasi kayo sumipot sa dinner na ipanangako niyo ka gabi. Kanina umaga nga po nag dabog po siya sa bahay at hanggang ngayon hindi lumalabas ng kwarto niya, ” sabi ng Harry.

Malalim na bumuntong hininga si Arton Ville. “Oo nga pala, nakalimutan ko dahil sa bwesit na Henry paasang ‘yon.” Napasapo si Arton sa ‘kaniyang noo. “Tanongin mo siya mamaya kong ano gusto niya ibili mo agad.”

“Yes sir.”

“Nga pala, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa ‘yo? Nalaman mo na ba kong anong tinatagong sikreto ng Henry na ‘yon?”

Pinapasundan at pinapaimbistegahan ni Arton si Henry? Ang sabi niya kanina alam nito ang sikreto. Niloloko niya lang ba si Henry?

“Sorry sir pero hindi parin po. Napaka ingat niya po kasi ngayon,” sagot ng Harry.

“Gano‘n? Kahit anong ingat niya malalam ko parin ‘yon. Pero okay lang na hindi ko malaman kong ano iyon, na bla-blackmail ko naman siya.” Ngumisi si Arton. “Sobrang napakahalata kasi ng taong ‘yon. Madali siyang basahin tulad ng anak niya. Like father like son. Kaya nga lang mabait ang anak niya pero siya tarantado.” Tumawa ng malakas si Arton Ville.

“Tarantado din po kayo sir pero mabait ang anak niyo,” biro ng isa sa mga body guard niya.

Sumama ang mukha ni Arton. “Gusto mo kaltukan kita?”

“Biro lang sir.”

Tumawa ng sarkisto si Arton. “Hindi nakakatawa ang biro mo. Sisantehin kita, e ‘ta mo.”

Mukha lang baliw minsan si Arton. Pero hindi siya baliw.

“Sir ito napo ang order niyo,” sabi ng waitress nasa tabi niya na pala nakatayo.

Gulat niyang tiningnan ang waitress. Sa gulat niya nagulat rin ang waitress kaya nabitawan ang kape na inorder niya dahilan na maagaw ang atensiyon ng lahat.

“Omy god! Anong nangyari dito?” Biglang lumapit ang may ari ng Coffee Shop.

“Nabitawan iyong kape. Hindi ba obvious?” biglang sumabat si Arton.

Nakita ang pagkapahiya sa mukha ng may ari sa sa sinabi ni Arton. “Linisin mo ‘yan,” utos ng may-ari sa waitress.

“Yes, ma‘am. Sorry po sir,” paumanhin ng waitress sa ‘kaniya.

“Okay lang,” sabi niya sa waitress.

“Kong ako sa ‘yo pare, ipapasesante ko ‘yan,” sabi ni Arton na sa likod niya na pala nakatayo.

Tumingin siya kay Arton. Nagtama ang mata nilang dalawa at kita kong paano natigilan si Arton ng makita siya. Tinitigan siya ni Arton sa mga mata niya.

Teka? Nakilala niya ba ako? Hindi pwede!  Sabi niya sa ‘kaniyang isipan.

Bago paman siya tuluyan makilala ni Arton. Tumakbo na siya palabas ng coffee shop.

Sumunod narin na lumabas si Arton Ville para habulin siya.

Naghanap siya ng pwedeng pagtaguan at laking pasasalamat niya ng may nakita siyang malaking puno at agad nagtago doon.

Bahagya niyang sinilip si Arton Ville na malapit lang sa ‘kaniya. Tinikom niya ang bibig at pinigilan gumawa ng kahit anong ingay dahil sobrang lapit lang ni Arton Ville sa ‘kaniya.

Mukhang nakilala nga siya nito.

Pinapanalangin niya na sana hindi siya nito nakilala. Hindi pwedeng makilala siya ni Arton. Kahit naging kaibigan niya ang taong ito wala parin siyang tiwala dito.

“Hindi ako pwede mag kamali. Mata niya ang mga ‘yon…hindi kaya buhay kapa Endren?” bulong ni Arton Ville.

Natigilan siya ng banggitin ni Arton Ville ang pangalan niya.

CyLili

Edited Version

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status