Share

CHAPTER TEN

JELTROD POV.

Naglalakad ako ngayon pa puntang bahay. Mag gagabi na at medyo umaambon. Mukhang uulan pa yata. Ngayong lang ako nakarating sa baranggay namin dahil wala masiyadong masakyan kanina dahil lahat puno.

Hindi kasi ako nag pasundo kay papa dahil alam kong sumasakit ang paa niya ngayon. At si mama naman— syempre hindi kami sabay. Lagi naman, e. Minsan napapaisip ako kong kinahihiya niya ba akong anak niya kaya hindi niya ako minsan napapakilala sa friends niya o sinasamahan.

Napahinto ako sa paglalakad ng may naramdaman akong parang sumusunod sa ‘kin. Sa totoo niyan kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod sa ‘kin, mula sa school.

Hindi kaya siya namaman ‘to?

Mag-isa lang akong nag lalakad ngayon dito at walang medyo tao ngayon sa bandang lugar kong saan ako naglalakad ngayon.

Mas lalo ko binilisan ang paglalakad. Hindi ko maiwasan hindi kabahan, dahil nararamdaman kong nakasunod parin siya sa ‘kin. Natatakot ako at baka kong ano ang gawin niyang masama sa ‘kin.

Ayo ko pa mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay.

Bakit niya ba kasi ako sinusundan o tinatakot? Wala naman akong naalala na may kaaway ako. At kong may kaaway man talaga si mama. Sana hindi nila ako idamay.

Pagkaliko ko huminto ako sandali sa gilid para abangan siya. Ng makita ko siya, agad ko siya hinampas ng dala kong paper bag na may laman ng pinag baunan ko kanina.

“Aray! Aray! Teka— tama na!”

Napahinto ako sa pag hampas ng mapagtanto ko kong sino siya.

“Justin?!” gulat na sambit ko sa pangalan niya.

Kita ko sa mukha niya kong gaano siya nasaktan sa pag hampas ko sa ‘kaniya. Inayos niya ang suot niya at ang buhok niyang nagulo dahil sa pag hampas ko.

“H-Hi…” Ngumiti siya.

Nag salubong ka agad ang dalawa kong kilay. “Bakit mo ‘ko, sinusundan ha?!” Hindi ko maiwasan mag taas ng boses.

Akala ko pa naman iyong misteryosong tao ang sumusunod sa ‘kin. Iyon pala siya! Muntik na ako atakihin sa takot ng dahil sa ‘kaniya.

Napalunok siya. “H-Hindi kita sinusundan ‘no! Ang totoo niyan…” Mukhang naghahanap ng palusot. “May bibisitahin ako dito. Siguro coincidence lang talaga na pareho tayo ng dadaanan.”

Bahagya kong tinaas ang kilay ko. “Talaga lang ha,” parang hindi kumbinsadong sabi ko.

Halatang nag sisinungaling siya sa sinasabi niya, dahil na uutal siya. Tapos ang mga mata niya malikot at mukhang nag hahanap ng maidadahilan sa ‘kin.

Napansin ko rin na parang ang pula ng ilong niya.

“Ba‘t namumula iyang ilong mo?” Turo ko sa ilong niya.

Agad niya hinawakan ang ilong niya at tinakpan. “W-Wala, nakamot ko lang.”

“S-Sino ba pupuntahan mo dito sa baranggay namin?” Pinagkrus ko ang mga braso ko.

“H-ha? Ang ano…”

“Ano?”

“Ang nag-alaga sa akin noong baby pa ako. You know, i miss her at gusto ko siyang kamustahin,” sagot niya.

Bununtong hininga ako. “Sige. Alis na ako.” Lalakad na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Parang may kong anong kuryenteng dumaloy bigla sa katawan ko dahil do‘n.

Tiningnan ko ang kamay kong hawak niya at saka taka siyang tiningnan.

“Pwede mo ‘ko samahan?”

“Ha?” Wala sariling tanong ko.

“I mean…hindi ko kasi alam ang mga pasikot-sikot dito. Baka pwede mo ako samahan para hanapin ang bahay ng umalaga sa ‘kin,” nahihiyang sabi niya.

Ano ba ‘yan! Kong saan gabi na saka niya hahanapin ang bahay ng umalaga sa ‘kaniya noong bata pa siya. Paano kong maabutan kami ng tanod kakahanap sa bahay ng umalaga sa ‘kaniya? Edi kita-kita nalang kami sa baranggay.

At kahit taga dito ako hindi ko saulado ang pasikot-sikot dito o ang mga tao dito. Hindi naman kasi ako masiyadong lumalabas ng bahay. At kakalipat lang namin dito noong mayo.

“Hindi mo ba alam ang address niya?” tanong ko.

“Hindi,” sagot niya.

“So, paano mo nalaman na dito siya nakatira kong hindi mo naman pala alam ang address niya?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Napalunok siya. “Uhm…feeling ko lang.”

Ano? Seryoso ba siya sa sinabi niya? Aba loko ‘din pala ‘to. Baka talaga sinusundan niya ako o baka interesado siya sa ‘kin— hindi malabo.

“Hayst! Ano ba pangalan ng umalaga sa ‘yo noong bata ka?” Nagbabakasakali lang na baka kilala ko.

“Dutay,” sabi niya.

Napatakip ako sa bibig ko at mahinang tunawa. Gusto ko tumawa ng malakas pero baka ma turn off siya. Ang sama pa naman pakinggan ng tawa ko. Buti siya gwapo pakinggan, akin kasi parang mangkukulam.

“B-Bakit?” takang tanong niya ng mapansin ang reaksiyon ko.

“Bakit ganiyan ang pangalan ng umalaga sa ‘yo? Ang pangit!” Hindi kona mapigilan mapahalakhak.

Baka lalaki iyong nag-alaga sa ‘kaniya kaya gano‘n ang pangalan. Tunog ano kasi— basta!

“Ha? Bakit ka tumatawa—” Natigilan siya. “Ang dumi mo mag-isip!” biglang sigaw niya. Mukhang nakuha niya kong bakit ako tumatawa.

“Bakit ba kasi, ganiyan ang pangalan niya?” Pinigilan ko ulit ang matawa. Ang lughtrip kasi ng pangalan.

“Hindi ko alam. There is nothing wrong with that name. Ang dumi lang talaga ng isip mo.” Tinuro niya ang noo ko.

Napanguso ako. “Sorry na…nakakatawa kasi ng pangalan. H‘wag kang mag-alala, tutulongan kitang hanapin siya dito kahit maabutan tayo ng tanod. Pero bago ‘yan, bitiwan mo mona iyong…kamay ko.” Ninguso ko ang kamay ko.

Nanlaki ang mata niya ng mapansin hawak niya pala ang kamay ko. Agad niyang binitawan ang kamay ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa ‘kin.

“Sorry,” paumanhin niya.

“May braso naman ako bakit kamay pa? May gusto ka sa ‘kin, ‘no?” Biro ko.

Nakita kong namula ang pisngi niya. “W-Wala!” Umiwas siya ng tingin.

“Biro lang. Tara hanapin na natin si Duita— i mean Dutay.” Tumalon ako para maakbayan siya. Ang tangkad niya kasi.

Nang makarating kami sa mga nagtitinda ng isaw at kwek-kwek. Nag tanong ka agad ako sa mga tambay, kong kilala nila si Dutay na sinasabi ni Justin.

“Kilala niyo?” tanong ko.

Uminom mo na ng alak ang isa sa mga tambay, bago nag salita. “Si Aling Dutay Ñeina ba?” tanong niya sa ‘min. Kahit nakainom na. Matino pa naman kausap.

“Yes, Dutay Ñiena,” nakangiting sabi ni Justin.

Hindi ko maiwasan tingnan ang mukha niya at mapangiti. Ang hilig niya talaga ngumiti kahit hindi niya kilala, ningingitian niya parin.

“Alam mo kong saan siya nakatira?” tanong ni Justin. Bakas sa boses niyang sabik siyang makita ang tinutukoy niyang Aling Dutay.

Akala ko lalaki dahil sa pangalan. Iyon pala babae.

“Oo, kilala ko. Lupet nga ng pangalan, at ang lupet ‘din ng bunganga no‘n. At doon siya nakatira.” Turo ng isang tambay sa bahay na may maliit na sari-sari store. Hindi kalayuan sa ‘min.

“Thank you po.” Ningitian siya ni Justin bago humarap sa ‘kin. “Tara, puntahan na natin siya,” anyaya niya. 

“Ha? Hindi uuwi na ako. Tutal nahanap mo naman siya. Baka hinahanap na ako sa ‘min,” sabi ko.

Gabi narin at baka nag-aalala na si mama at papa sa ‘kin.

“Sandali lang tayo promise. Sige na.” Pamimilit niya pa.

Pwede naman siya pumunta doon ng mag-isa. Bakit kailangan kasama pa ako? Hindi ko naman kilala ‘yon.

“Sige,” napipilitang sabi ko. “Basta sandali lang ha? Tapos ihatid mo ‘ko sa ‘min.”

Ngumiti siya at tumango. “Promise sandali lang tayo. If you like me— if you want, ako na mag paliwanag sa mga magulang mo kong bakit ginabi ka.”

Napatawa ako. “Hindi na kailangan. Baka iba pa ang isipin nila.”

Nag panguna akong mag lakad, papunta sa bahay ni Aling Dutay.

“Tao po!” sigaw namin ni Justin.

“Sandali!” Malakas na sabi ng matabang babae na may katandaan narin. Agad niya binuksan ang pintlo.

“Ang istorbo niyo! Sino ho sila?!” nakapamewang na tanong niya sa ‘min at bahagyang tinaas ang kilay.

Tama nga ang tambay. Ang lupet ng pangalan pati narin ang bunganga. Sobrang lupet niya.

Siniko ko si Justin para mag salita.

“Hindi niyo po ba ako nakikilala. Ako po iyong inalagaan niyo dati. Si Justin Villia.” Tinuro ni Justin ang sarili niya.

Nanlaki ang mata ni Aling Dutay. “Hindi nga?! Ang anak ni sir Henry Villia?!”

Napangiwi ako. Kailangan ba talaga niyang sumigaw? Ang lakas niya magsalita. Ang sakit sa tenga sa totoo lang.

Tumango ng nakangiti si Justin. “Opo, ako nga po.”

“Ang laki mo na, hijo! Ang gwapo-gwapo pa!” natutuwang sabi ni Aling Dutay kay Justin at kinurot pa sa pisngi. “Dali! Pasok kayo.” Sinenyasan niya kami pumasok.

Agad pumasok si Justin. Habang ako nanatiling nakatayo sa labas. Nang mapansin ni Justin na hindi ako sumunod sa ‘kanila. Nilingon niya ako at nilapitan.

Umiling-iling ka agad ako.

“Let‘s go.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob. Wala akong nagawa kong hindi mag pahila sa ‘kaniya.

Hindi ko alam pero parang kinikilig ako dahil hawak niya ang kamay ko ngayon.

Pagkapasok sa loob pinaupo kami ni Aling Dutay at binigyan ng juice.

“Salamat po.” Ngumiti ako.

“Bakit pala kayo napadalaw dito?” tanong niya.

“Siya pa tanongin niyo.” Turo ko kay Justin. “Hindi ko naman po kasi kayo kilala…” binulong ko lang sa hangin ang pagkasabi sa huli at uminom ng juice.

Bahagya akong napapikit. Ang asim! Juice ba talaga ‘to? Parang kalmansi na hinaluan ng suka.

“Na miss ko po kasi kayo. Kaya naisipan kong dalawin kayo. And b the way, here.” May inabot na kong anong sobre si Justin kay Aling Dutay. “Ipinabibigay po ni daddy, para po sa ‘yo.”

Ano kaya ‘yon?

Binuksan ni Aling Dutay ang sobre. Agad nanlaki ang mata niya at nakin ng makitang ang daming pera sa loob ng sobre.

“Para saan ito, hijo?” tanong niya kay Justin.

“I don't know.” Kumibit balikat si Justin. “Ang sabi  niya kanina. Pasasalamt daw.”

Medyo natigilan si Aling Dutay. Pero maya-maya lang kumislap ang mata niya. “Oo nga pala. Pero Ito lang?” Hindi makapaniwalang tanong ni Aling Dutay.

Napatawa ako. “Ang kapal naman po ng mukha niyo— este ng perang ‘yan. Madami na po ‘yan.” Plastic akong ngumiti. 

“Oo nga, pero medyo kulang. Ang hirap kaya nang trabaho ko dati.”

Nahirapan siya bantayan si Justin? Siguro makulit na bata si Justin noon, kaya nahirapan si Aling Dutay.

“Mahirap po ba alagaan ‘to?” Turo ko kay Justin.

Bununtong hininga siya. “Bukod sa pag babantay kay Justin. May isang trabaho ang napilitan akong gawin,” sabi niya.

“Like what?” takang tanong ni Justin.

“Tulad ng pag dispatiya ng—” Bahagya siya natigilan. “Basta! H‘wag niyo na itanong.”

Napatango nalang kami ni Justin. Pakiramdam ko may na sabi siya na, muntik niya ng ikadulas. Base narin sa nakikita ko ngayong reaction niya.

“Pero okay na ‘to. Sabihin mo sa daddy mo, salamat.” Ngumiti siya kay Justin.

Siguro nasa fifty thousand ang perang binigay ng daddy ni Justin sa ‘kaniya. Ang yaman naman pala ng pamilay ni Justin.

“You‘re welcome po,” nakangiting sabi ni Justin.

“Sandali, girlfriend mo ba ito?” Turo sa ‘kin ni Aling Dutay.

Muntik ko na tuloy ma ibuga ang iniinom kong juice dahil sa tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Justin. Tiningnan ko siya ng makahulugang tingin.

“Opo— este hindi po. She is just my fiend,” nahihiyang sagot ni Justin.

Napatango si Aling Dutay at ningitian ako. Ningitian ko ‘din siya bilang ganti. Pakiramdam ko ang plastic niya sa ‘kin. Tsk!

Nakinig lang ako sa kwentohan nilang dalawa ni Justin. Parang gusto ko na umuwi, dahil ang boring. Sila lang naman kasi ang nag kwekwentohan. Habang ako kumakain ng chicharon at nakikitawa kapag tumatawa sila. Kahit hindi ko alam kong ano ang pinagtatawanan nila.

“Justin…” mahinang tawag ko sa ‘kaniya. Natigil siya sa pagtawa at tiningnan ako ng nagtatanong na tingin. “Uuwi na ako.”

“Ah, sandali mag papaalam lang ako.” Binaling niya ulit ang tingin kay Aling Dutay. “Sorry po. But we need to go. Gabi na po pala. Ihahatid ko pa po kasi siya,” sabi ni Justin at tinuro ako.

“Ang bilis naman,” sabi ni Aling Dutay.

Ang bilis daw. Halos ilang oras nga sila nag kwekwentohan. Ang sabi ni Justin sandali lang daw kami dito, pero inabot kami ng oras. Tsk! Scammer!

“Baka po kasi ma abutan kami ng tanod.” Nagsalita ako kaya napatingin siya sa ‘kin.

“Ay oo nga pala. Sige, umalis na kayo at baka nga ma abutan kayo ng tanod. May curfew pala dito.” Tumayo si Aling Dutay.

Tumayo narin kami at nilapag ang baso ng juice sa lamesa.

“Sige po una na po kami,” paalam namin ni Justin.

“Sige, ingat kayo. Thank you ulit dito, hijo!”

“Opo, ingat rin po kayo.”

Laking pasasalamat ko ng nakaalis na kami sa bahay na ‘yon. Gusto ko na talaga umuwi kanina pa. Paniguradong lagot ako nito kay mama at papa mamaya dahil ganitong oras ako umuwi. Ano kaya magandang idahilan mamaya? Sasabihin ko bang kumain kami sa labas ng mga kaibigan ko? O pumunta ako sa bahay ni Kate?

“She‘s nice?” Tukoy ni Justin kay Aling Dutay.

“Medyo,” sabi ko.

Matapos ko mag salita. Wala ng imik pa at tahimik lang kaming naglalakad papuntang bahay namin. Nakikiramdaman ‘din kami kong sino ang mag sasalita.

“Jeltrod,” biglang tawag niya sa ‘kin.

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siyang nakahinto na pala sa likod ko kanina pa.

“Bakit?” tanong ko.

“Do you know me? Do you remember me?” tanong niya.

Napatawa ako. “Anong sinasabi mo? Syempre kilala kita at natatandaan. Nag kakilala na tayo dati sa sement— este sa school.”

Biglang tumamlay ang mga mata niya. May binulong siya pero hindi ko narinig.

“Bakit?” takang tanong ko.

Malalim siyang bumuntong hininga at may kinuha sa bulsa niya.

Naglakad siya papalapit sa ‘kin. Nagulat ako ng kinuha niya kaliwang kamay ko. May sinuot siya sa ‘kin na bracelet na ang nakalagay ay “Only You”  at sa paligid nito may mga design na heart at saka flower.

“Para saan ‘to?” takang tanong ko.

“Wear that bracelet, while you don’t even remember me. Then return that bracelet to me. When you remember me.”

Ano daw? Ang weird niya naman. Pero sige na nga lang isusuot ko nalang ‘to. Maganda naman ang bracelet. Pero imposibleng mabalik ko ‘to sa ‘kaniya. Hindi ko kasi alam ang mga sinasabi niya.

“Isusuot ko nalang ‘to. Maganda naman, e.” Ngumiti ako sa ‘kaniya.

Nakita ko kong paano sumaya ang mukha niya nang makitang suot ko ang bracelet.

“Sige, dito nalang ako. Ito na bahay namin.” Turo ko sa bahay namin.

Tiningnan niya ang bahay namin at tumango. “Okay, bye.”

Tumalikod ako at binuksan ang gate. Pero bago pumasok nilingon ko mo na siya at ningitian.

“Good night,” nakangiting sabi ko.

Ngumiti siya at tumango. “Good night.”

Ang gwapo niya talaga pag nakangiti.

“Jeltrod! Bakit ngayon kalang umuwi?!”

Hindi pa man ako nakakapasok. Sumalubong sa ‘kin ang galit na mukha ni mama, nakakalabas lang ng bahay.

“M-Mama?!” Gulat na sabi ko.

“Ano? Bakit ngayon ka lang?!”

Napakamot ako sa batok ko. “A-Ano…namasiyal lang kami ni Kate. S-Sobrang nag enjoy po kasi kaming dalawa, kaya ayon…hindi ko nalamayan ang oras.” Sana naman maniwala siya sa palusot ko.

“Si Jeltrod naba ‘yan?” Napatingin ako kay papa nakakalabas lang ng bahay. “Bakit ngayon ka lang bata ka ha? Hindi ito ang uwi ng isang babae! Gabi na!” istriktong sabi ni papa.

“Papa—” Naputol ang sasabihin ko nang nagsalita si Justin.

“T-Tita? Anak niyo po si Jeltrod?”

Sabay kaming napalingon ni mama kay Justin nang nagsalita siya.

THIRD PERSON POV.

Dahan-dahan gumuhit ang ngiti sa labi, ng isang taong nakamasid ngayon kay Jeltrod Bonifacio at sa mga magulang niya mula sa malayo.

Isa naman sa mga nais niya ang natupad.

Buong akala niya mahihirapan pa siya patagpuin ang mag tiya dahil hindi niya pa alam kong paano ito ulit patatagpuin. Ngunit mukhang suportado talaga ang tadhana sa ‘kaniya kong kaya‘t tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan sa mga nais niyang mangyari.

“Hindi na talaga ako makapag hintay, na malaman ng anak mo Henry ang pinaggagawa mo sa mahal niyang kaibigan.” Tumawa ang misteryosong taong nakamasid kay Jeltrod at pasimpleng nilisan ang lugar na iyon.

Dahan-dahan niyang inalis ang suot niyang itim na sumbrero at nakapamulsang nag lakad. Ngumisi siya. “Ang mag-ina naman ang sunod,” bulong niya.

CyLili

Edited Version

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status