Share

CHAPTER 14

Naglalakad ako ng nakasalubong ko si Scart na kumakain ng burger. Natigil siya sa pagnguya ng makita ako. Lalagpasan ko na sana siya ng humarang siya sa dadaanan ko at ningitian ako.

“Good morning,” bati niya.

Inismiran ko lang siya at nilagpasan.

“Hoy! Ang sama ng ugali mo! Hindi mo man lang ako babatiin?!” Naramdaman kong humabol siya sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad at nakakrus ang mga braso na tiningnan siya.

Ngumiti ulit siya.

“Boring ka ba at wala kang mapagtripan. Kaya ako ang gusto mo pagtripan?” tanong ko.

Hindi siya sumagot at may idinukot siya sa bag niya na papel at ipinakita iyon sa ‘kin.

“Ano ‘yan?” tanong ko.

“List iyan ng mga mag partner, na magdadala ng mga pagkain, para sa Aquiantance party,” sagot niya.

“O, tapos?”

“Partner tayo.”

Nanlaki ang mata ko at hinablot sa ‘kaniya ang papel na hawak niya at tiningnan ang mga list kong sino ang partner sa pagdala ng mga pagkain. Para sa Acquaintance party.

Jeltrod Bonifacio and Scart Ville.

Napabuntong hininga ako at ibanalik sa ‘kaniya ang papel. Sa dinami-daming ng mga kaklase ko. Bakit siya pa? Pero okay na ‘tong si Scart kaysa sa dalawang bakunawa.

“Ano daw pagkain ang dadalhin natin?” tanong ko.

“Cake daw,” sagot niya.

Nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng pera sabay bigay sa ‘kaniya. “O ayan ambag ko. Bumili ka nalang ng cake. Iyong chocolate ha tapos may strawberry na topings sa taas. Tapos may cherry rin,” sabi ko.

“Ang demanding mo naman. Hindi lang ikaw kakain ng cake ‘no. Pero hindi ko to tatanggapin.” Ibinalik niya sa ‘kin ang pera. “Mas maganda kong tayo ang gumawa ng cake para special.”

Ano? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Pwede naman bumili. Kaya bakit kailangan kami pa gumawa? Hindi ako marunong mag bake.

“Pwede naman bumili nalang. Magpapakahirap pa tayo? Tsk! Kong ayaw mo edi ikaw ang mag bake mag-isa.” Tatalikuran ko na sana siya ng nagsalita pa siya.

“Okay. Kong ayaw mo, edi bahala ka. Hindi naman ako mawawalan ng score,” sabi niya pa.

Nilingon ko siya at naglalakad na siya papalayo. Nakalimutan kong may score pala ang pagdala namin ng pagkain. At ayo ko sayangin ang score na ‘yon. Malaki ang tulong ng score na ‘yon dahil mapapataas niya ang grades ko.

“Hoy Scart! Kailan ba tayo gagawa ng cake?” tanong ko.

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako ng nakangiti. Lumapit siya ‘kin. Bahagya akong napaangat ng tingin sa ‘kaniya dahil ang tangkad niyang tao. Hindi naman ako pandak nasa 5'7 ang height ko at siguro nasa 6'1 siya o 6'2.

“This Sunday dahil sa lunes pa naman diba ang Acquaintance Party?”

Sa lunes na pala? Ang bilis maman ng araw. Parang makailan lang umimpisa ang klase.

“H‘wag kang mag-alala ako bahala sa ingredients,” sabi niya at kumindat.

“Okay. Akin na phone mo.” Inilahad ko ang kamay ko.

Napalunok siya. “H-Ha? Bakit?” nauutal na tanong niya.

Bahagya akong natawa. Kong maka react siya, parang may tinatago sa phone niya ah. 

“Ibibigay ko number ko sa ‘yo. Para i text mo nalang ako kong anong oras o saan tayo gagawa ng cake,” sagot ko.

“O-Okay.” Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at agad ibinigay sa ‘kin.

Ti-nype ko ang number ko at nilagyan ng pangalan saka sinave sa phone niya. Ibinalik ko sa ‘kaniya ang phone niya pagkatapos.

“Anong nangyari diyan sa pisngi mo?” Turo ni Scart sa pisngi ko.

Napahawak ako sa pisngi ko at taka siyang tiningnan. “Bakit?”

“May sumapak ba sa ‘yo? Bakit may pasa ka?”

Natigilan ako at bumuntong hininga. Siguro dahil iyon sa sampal ni mama sa ‘kin kahapon. Hindi ko napansin na nagkaroon na pala ako ng pasa. Kanina noong umaga hindi kami nag pansinan at masiyado mataas ang pride ko para unang makipag bati.

“Sinampal ako ni mama. Tsk! Hindi maman masakit,” natatawang sabi ko.

“Ano sinampal ka ng mama mo?!” Sabay kaming napatingin ni Scart sa nagsalita sa likod. Nakita ko si sir Fernando.

Kanina paba siya diyan?

“Sinampal ka ng mama mo?” madiin na pang-uulit niya sa tanong niya.

“Po? Bakit naman gagawin sa ‘kin ng mama ko ‘yon. Namali lang kayo ng rinig—” Naputol ang sasabihin ko ng hinawakan niya ang pisngi ko at tiningnan ang parte ng pisngi ko na may pasa.

Nakita ko ang biglang pagsalubong ng kilay niya. Binitawan niya ang pisngi ko at namadaling naglakad papalayo sa ‘min ni Scart.

“Problema no‘n?” pabulong na tanong ko.

Napatingin ako kay Scart na seryoso na sinusundan ng tingin si sir na naglalakad papalayo. “Hoy!” tawag ko sa ‘kaniya kaya agad siya napatingin sa ‘kin.

“B-Bakit?”

“May pasok pa tayo. Tara na,” yaya ko at nagpangunang naglakad.

Katatapos lang ng klase namin sa lahat ng subject namin sa umaga at nasa canteen kami ngayon para mag lunch.

Hindi ko maiwasan hindi tingnan si Kyle na tahimik lang na kumakain. Habang si Chunk naman at Kate nag tatawanan at nag kwekwentohan.

Hindi sila magkatabi ni Kate dahil nakapagitna si Chunk sa ‘kanilang dalawa.

“Paupo.” Napatingin ako sa tumabi sa ‘kin. Si Scart lang pala.

Napatingin ako sa pagkain niya at gano‘n nalang ang pagnganga ko ng sobrang dami. May fries, burger, kanin, fried chicken at pasta. Tapos may cola pa siya. Ang unhealthy ng kinakain niya.

“Hoy! Ba‘t ganiyan ang mga pagkain mo? Mauubos mo ba lahat ng ‘yan?” tanong ko.

“Oo naman,” sabi niya at sumubo.

Napangiwi ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya mataba at hindi rin mapayat. Sakto lang ang katawan niya pero ang dami niya kumain. Paanong hindi ‘to tumataba?

“Hindi kaba tataba diyan sa kinakain mo?” tanong ko.

Inubos niya muna ang kinakain bago magsalita at tiningnan ako. “Hindi naman. Minsan lang naman ako kumakain ng lahat ng ‘to. Nag didiet at araw-araw akong nag wo-workout. At cheating day ko ngayon. Kaya kinakain ko lahat ng gusto ko kainin, dahil bukas at sa susunod pang bukas. Purong gulay at saka hindi nakakatabang pagkain ang kakainin ko,” mahabang sagot niya.

Napatango lang ako at bumalik sa pagkain.

Napatangin uli ako kay Kyle ng bigla siyang tumayo. Hahakbang na sana siya papaalis ng tinawag ko siya. Napatingin siya sa ‘kin.

“Pwedeng…kuhanan mo ‘ko ng tubig,” utos ko. Sasabihin ko sana kong pwede kami mag-usap pero iba ang lumabas sa bibig ko. Bumuntong hininga lang siya at kinuha ang lalagyan ko ng tubig at kinunan ako ng tubig sa despenser, bago umalis.

Napansin kong napatingin sa ‘kaniya si Kate. Pero ibinalik rin ni Kate ang tingin sa pagkain at malalim na bumuntong hininga. Mukhang ngang nag-away sila.

Kapanibago lang at hanggang ngayon hindi sila nagpapansinan. Mga tatlong araw narin.

Dati kasi kapag nag-aaway sila. Wala pang kinabukasan bati na agad sila. Kilala ko si Kyle. Hindi niya hahayaan na magtagal ang tampohan o away nila ni Kate. Pero ngayon parang wala siyang balak na magka-ayos sila ni Kate.

“Nga pala, anong pagkain ang dadalhin niyo para sa Acquaintance Party?” tanong ko. Para may pag-usapan kami.

“Drinks iyong amin,” sagot ni Chunk. Napatango ako. “Sa inyo? Diba partner kayong dalawa?” Turo niya sa ‘min ni Scart.

“Cake iyong amin,” si Scart ang sumagot.

Pagkatapos kumain naglakad-lakad muna ako. Hanggang sa makarating ako ng Mini Park.

Napahinto ako sa paglalakad ng may napansin akong taong pamilyar sa ‘kin nakaupo sa bench at may hawak na guitara.

Nilapitan ko ang lalaking ‘yon. Si Scart lang pala. Napaangat siya ng tingin sa ‘kin ng mapansin ang anino ko.

“B-Bakit?” tanong niya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

Napatawa siya. “Bakit? I am not allowed here?”

Hindi ko siya sinagot at umupo sa tabi niya.

“Marunong ka mag guitara?” tanong ko.

Tumango siya. “Oo, bakit?”

“Weh, talaga? Sample nga.”

“Sige.” Nagsimula siyang tumugtug.

Masarap sa tenga ang tinutugtug niya. Iyong tipong mapapasabay ka at mapapikit dahil sa ganda pakinggan.

“Ano naniniwala kana?” Itinigil niya ang pagtugtug.

Dahan-dahan ako tumango. “Oo, galing mo nga, e.”

Napangiti siya. “I-Ikaw? May instrument kaba na kayang tugtugin?” tanong niya.

“Oo naman. Marunong ako mag piano,” sagot ko.

Nalaman ko lang na marunong ako mag piano noong nag klase kami sa Music no‘ng grade eight ako. Noong una hindi ako makapaniwala no‘n dahil parang gamay kona talaga ang piano. At ang bilis ‘din ng mga daliri ko gumalaw. Kaya hindi na ako nagtataka kong bakit mahahaba ang mga daliri ko.

Nanlaki ang mga mata niya. “T-Talaga? Marunong kang mag Piano?”

“Oo nga. Ba‘t ayaw mo maniwala?” natatawang tanong ko. Mukha niya kasi ay parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

Napaiwas siyang ng tingin at napabuntong hininga. “Mukhang totoo nga ang sinasabi ni Justin,” narinig kong bulong niya.

“Ano sabi mong totoo ang sinasabi ni Justin?” tanong ko.

Napatingin siya sa ‘kin. “Jel, naniniwala kaba na kahit nawalan ka ng alaala ay hindi mo parin makakalimutan ang mga bagay na kong saan ka magaling? Tulad ng pag piano.”

Napaisip ako. “Oo?” patanong na sagot ko. “Diba sa mga movie or series, kahit may amnesia sila ay hindi parin nila nakakalimutan ang mga talentinto nila? Sabi nila utak lang ang nakalimot pero ang katawan mo naaalala ‘yon. Pero bakit mo naman na itanong?”

Umiling lang siya at ngumiti ng pilit bilang sagot.

Tahimik lang ako nakikinig sa klase ni mama. Minsan napapansin kong napapa sulyap siya sa ‘kin. Pero kapag tumatama ang paningin namin. Agad ‘din siya umiiwas ng tingin.

Napatingin ako kay Kate nasa tabi ko nakatingin sa notebook niya at nag drawdrawing ng broken heart. Nakikita ko sa mukha niya ang lungkot. Sunod ko naman tiningnan si Kyle. Nakikinig lang siya kay mama at nag ta-take down notes.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa ‘kaniya ay agad ko iniwas ang tingin ko at tinuon nalang kay mama.

Hindi talaga ako sanay na hindi sila nagpapansinan.

Uwian na at hindi parin kami nagpapansinan ni mama. Kanina dinaanan niya lang ako. Nakakalungkot na may tampohan kami ni mama. Mukhang kailangan ko ibaba ang pride ko sa ngayon para magbati kami.

Kinabukasan, pagkarating ko ng school dumeretso ka agad ako ng library. Naglibot-libot ako at naghanap ng babasahin. May isang librong umagaw ng atensiyon ko. Tungkol iyon sa mga ghost. Pagkahawak ko ng libro may humawak rin.

Tiningnan ko kong sino. Agad nanlaki ang mata niya ng makita ako. Mukhang gulat siya na makita ako.

“Dito kana nag-aaral?!” gulat na tanong niya.

Sino ‘to?

Hindi ko siya pinansin at inagaw sa ‘kaniya ang libro. Naramdaman kong sumunod siya sa ‘kin. Napahinto ako sa paglalakad at naiinis na tiningnan siya.

“Ano ba? Sino kaba?!” tanong ko.

Napatawa siya. “Anong sinasabi mo na sino ako? Hoy! Ako ‘to si Lemon!” Hinampas niya pa ang braso ko at kinurot ako sa pisngi.

Itinabig ko ang kamay niya. Inis kong hinawakan ang tenga niya at pinaikot.

“Aray!” tanong niya at napapikit sa sakit.

Padabog kong binitawan ang tenga niya. “Hindi ko alam kong anong trip mo. Hindi tayo close okay? Kaya wala kang karapatan hampasin ako o kurotin man lang. ” Inikotan siya ng mata at tatalikuran na sana siya ng nagsalita siya.

“Sandali!”

“Ano?!” Hinarap ko ulit siya.

Pinagmasdan niya ng mabuti ang mukha ko at maya-maya lang nanlaki ang mata niya at napalunok. Napaatras siya at napalayo sa ‘kin.

“Sorry!” Iyon lang ang sinabi niya at nagtatakbo na papalabas ng library.

Anong problema no‘n? Kanina feeling close siya sa ‘kin, tapos bigla nalang natakot at tumakbo papalayo.

Mabilis ang oras nasa eskwelahan ako. Parang ex mo lang na ng ghost sa ‘yo.

At ito ako ngayon naglalakad patungo sa bahay namin. Hindi ako nagpasundo kay papa dahil trip ko mag lakad.

Sandali akong huminto sa paglalakad at lumingon sa likod ko. Hindi ko alam pero naalala ko bigla si Justin na sumusunod minsan sa ‘kin. Minsan kasi nakikita ko siya na sinusundan ako sa school o di kaya sa mall. At dito sa kainatatayuan ko mismo siya pinaghahampas noon dahil akala ko iba ang sumusunod sa ‘kin.

Napapikit ako sa inis at sinampal ang sarili ko ng mapangiti ako. Bakit ba ako napangiti ng maalala ang lalaking ‘yon?!

Naglakad ulit ako, pero maya-maya lang napahinto ulit ako ng nakaramdam akong may parang sumusunod sa ‘kin.

Ewan, pero bigla ulit akong napangiti at umaasang sana si Justin ‘yon. Paglingon ko hindi nga ako nagkakamali. Nakita ko ka agad si Justin na nanlaki ang mata at gulat. Mukhang nagulat pa siya sa biglang pagharap ko sa ‘kaniya. Akala niya siguro hindi ko siya mararamdaman. Pwes, mali siya.

Pinagkrus ko ang mga braso ko. “Bakit mo naman ako sinusundan? Pupuntahan mo nanaman ba ulit ang Dutay na umalaga sa ‘yo?” tanong ko.

Pinigilan ko ulit matawa dahil, naalaka ko nanaman ang pinaka pangit na pangalan narinig ko sa buong buhay ko.

“Hindi,” maikling sagot niya.

“E, bakit ka nandito?”

“K-Kasi…” Napakamot siya sa batok niya at parang nahihiya.

“Kasi, ano?” ginaya ko ang tono niya.

“Gusto kitang bantayan. Ayo kong mapahamak ka!” Mabilis ang pagkasabi niya sa mga salitang ‘yon.

Hindi ko alam pero parang tatalon o sasayaw yata mga puso ko sa saya ng marinig ‘yon.

Pinigilan ko ngumiti noong mga oras na ‘yon. Inaamin kong medyo kinikilig— sobrang kinikilig ako, pero hindi ko iyan pinakita at pinilit maging normal ang mukha ko sa harap niya.

“Talaga?” tanong ko. Tumango siya. “Sige, kong ‘yon ang gusto mo. Hahayaan kitang sundan ako kahit kailan mo gusto,” nakangiting sabi ko at tinalikuran na siya at bumalik sa paglalakad.

Habang nag lalakad hindi ko mapigilan hindi siya sulyapan siya sa likod ko. Nakasunod parin siya sa ‘kin at alam kong nakangiti siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status