Share

Chapter 3

With all her force, she pushed him then slapped him hard na tila ikinagulat pa nito.

Wala itong choice kundi pakawalan siya.

The nerve!

At ano ang gusto nito? Enjoyin niya ang halik nito?

Ano 'yon? Welcome kiss?!

Welcome kiss my *ss! she thought.

“Baby…?” Tila disoriented ito dahil sa sampal niya.

“How dare you?! Huwag na huwag mo akong tatawagin na baby dahil tapos na tayo! You broke up with me! Nakalimutan mo na?” she asked  through clenched teeth.

“Honey?” a man’s voice called her.

“Eric! “ Tawag niya sa lalaking kakadating lang.

Ang ganda ng pasok nito. Timing na timing! She turned her back to Logan para lumapit sa binata. She has a nice smile on her lips.

“Is there a problem?” kunot noong tanong nito matapos tapunan ng tingin ang nasa likod niya but she didn’t bother to look back at her ex.

Instead, she raised her cheek to him for a peck. Kagaya kasi ng ex niya, matangkad din ito although Logan is probably taller by an inch or two.

“No, wala naman. Tara let’s go to Heidi so you can give her your gift.” Sabi niya na nakangiti pa din sa guwapong mukha nito.

                                             ***

“Anak ng putakte pare! Baka naman manggulo ka dito ha? Sabing tama na 'yan eh! Kung hindi ka man manggulo, baka naman buhatin ka naming pauwi? Maawa ka naman sa amin pare! Di ka namin kaya ni Noel!” nailing na sabi ni Simon while Logan continued to drink na parang kaka-imbento lang ng alak.

“Pagkakamali kasi namin hindi naming sinabi sa'yo that your ex is currently dating someone exclusively.” Sabi naman ni Noel.

Nagtatagis ang bagang na ibinaba ni Logan ang hawak na lata ng beer habang masamang-masama ang tingin kina Annessa na nasa isang lamesa na hindi kalayuan sa kanila.

“Kailan pa?!” he asked in a steely voice.

He is trying to catch her eyes pero tila umiiwas talaga ang dalaga. All he can see is her right profile habang masayang nakikipagkwentuhan ito sa mga kaibigan at   sa lalaking kasama nito.

Simon sighed bago sumagot. “May isang buwan na yata. Hindi mo naman sinabi kasi na intresado kang makipagbalikan kaya hindi na naming binanggit sayo.”

“Kailangan ko pa bang sabihin sa inyo 'yon?!  Alam niyo na dapat 'yon  eh!” Logan said through gritted teeth.

He is breathing shallowly dahil sa pagpipigil ng galit. Kahit gusto na nitong

hilahin si Annessa at upakan ang kasama nito, he can’t.

Nasa hindi din kalayuan ang magulang nila Simon at Heidi. Tama ang mga kaibigan niya, hindi siya pwedeng manggulo.

“Kasi naman pare, minsan parang ayaw mo na siyang pag-usapan. Kaya ang akala talaga namin…” hindi na natuloy ni Noel ang sasabihin.

“Dahil ayaw kong umuwi ng wala sa oras! I was giving her time to heal and grow up kaya ayaw ko munang makibalita about her! All those f*cking years na hindi ko siya kasama were pure agony knowing na galit na galit siya sa akin! Tapos ngayon ganyan? She changed a lot at may tarantadong umeksena?! Shit!”

Logan

can’t help being angry kahit alam naman nito na ito  ang malaki ang kasalanan. He broke up with Annessa because she didn’t want to give  herself to   him. 'Yon ang mga panahon na yung mga ganoong bahay  lang palagi ang nasa utak nito. He was shallow, he admits that now. Pero nang magkalayo sila, he soon realized that he is willing to accept her as she is. Makakatiis naman ito na wala pang mangyari sa kanila. Pero knowing how angry she was when she discovered about him and Katherine, naduwag itong

makipag-usap ulit dito after nang huli nilang  confrontation  where he saw how his sweet Annesa can be, when provoked.

“Hindi pa naman boyfriend pare. Pwede pang gawan ng paraan.” Pang-eencourage naman ni Noel.

Logan angrily took another gulp habang titig na titig pa din sa dalaga.

“Talagang gagawa ako ng paraan! I didn’t come back here for nothing! Secondary lang ang pagbabalik ko for our business! She is mine at walang kahit sinong gago ang aagaw sa kanya sa akin! “ he  hissed  before he stood up.

“Pare! “tawag nila Simon at Noel nang mukhang papunta ito sa lamesa kung nasaan ang ex nito.

Sabay na tumayo na din ang dalawa.

                                 

(Annesa)

“Want some more grapes honey?” malambing na tanong sa kanya ni Eric.

Iniabot nito sa kanya ang platito where there are different slices of fruits.

“Ang daming hantik! “ giggled Jill.

“Nakakataas ng blood sugar ha?” tukso naman ni Heidi.

Nailing na lang siya and got a piece of grape.

“Thank you.” Sabi niya kay Eric.

“Heidi!”  tawag ng malamig na boses.

The others looked up sa nagsalita except her. She can recognize that voice anywhere kahit matagal na hindi niya ito narinig. Gano'n  na gano'n ang boses nito when she told him what she thought of him ilang araw matapos itong makipag-break sa kanya. She discovered that he went to bed with  Kristine Salcedo na sosyal na    gf ng buong ng university niya no'ng halos kaka-break pa lang nila.

“Logan!” dinig niyang tawag ni Heidi dito.

“Ikaw ayaw mo?” she asked Eric na nilipat ang tingin sa kanya. He was of course looking at her haughty ex nang kung parang kung sinong hari itong tumawag sa kaibigan niya.

She raised a grape to his mouth and he willingly opened it para isubo ang prutas. She is not aware on the look of shock and worry among the others. Lalo  pala kasing dumilim ang mukha ng ex niya  habang nakatingin ito sa kanila ni Eric. Hindi din nila nakita  ni Eric na hinawakan nila Simon at Noel sa magkabilang balikat at braso ito to stop him from going to them. Pulang-pula ang mukha at leeg nito.

“Sige mauuna na kami sis! Happy birthday again!” She  heard Simon said bago mabilis na umalis ang mga ito.

Nang marinig 'yon, do'n pa lang siya lumingon ulit sa mga kaibigan.

“Kayo? Aren’t you going to eat you desserts? “ she asked them na nakangiti.

She raised her left brow when she saw Jill and Heidi’s expressions. Ang una, nakaawang  ang bibig habang nakatingin sa kanya while Heidi shook her head side to side bago kumuha ng isang slice ng kiwi sa platito.

“Naku ewan ko sayo Anne!” nailing na sabi n Jill.

She just turned back to Eric and gave him a smile.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alondra Santiago
This is good
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status