Share

Chapter 4

“Thank you Eric.she told him  nang nasa tapat na sila ng bahay nila.

“No need to say thank you honey. Alam mo naman na gusto ko palagi akong may ginagawa for you.” He said na nakangiti.

Nasa labas na sila ng sasakyan nito at naglalakad na sila palapit sa gate. Binuksan na ng kasambahay nila ang maliit na gate pang-tao as she waits for her in the garage. Napansin niya na wala pa ang kotse ng daddy niya. She smiled to herself nang maisip na kahit kasi may idad na ang mga ito, they still go on dates a few days in a week. Her parents are still veru much in-love to  each other.

“You always make me feel so special.” Sabi niya  kay  Eric bago sila nakarating sa nakabukas na pintuan. “Are you sure ayaw mo ng pumasok?” 

“Alam ko maaga ka pa sa clinic bukas. Next time na lang.” he said gently and she just nodded.

Madami talagang magagandang qualities ito na kahit sinong babae magugustuhan.

Boy next door type.

 Guwapo at maganda ang trabaho. He is helping his father manage their businesses. Ang pamilya nito ay  nagmamay-ari ng ilang factories sa Pilipinas. They export bags and shoes for men and women. Gusto niyang matawa ng ipasok nito ang isang kamay sa bulsa at iniadjust ng kabilang kamay ang salamin nito sa mata. He looks so cute when he does  that.Ramdam niya may sasabihin ito pero nag-aalangan. 

 Ang guwapo pa din nito kahit nakasalamin. The glasses added to his appeal. Intelihente at disente ang dating. Hindi nga niya alam kung bakit nagustuhan siya nito. She is now the exact opposite of her old self. Hindi na siya simple.

Matapos ang masaklap na sinapit niya kay Logan, she asked her mother’s advice to improve herself. Hindi naman sa madaming dapat baguhin sa kanya dahil natural na maganda naman talaga siya.

With the help of her mom, she changed her fashion style. More like her mother na siya ngayon. Sexy but still sophisticated. Hindi na din siya nakasalamin ngayon, she had lasik eye treatment kaya hindi na niya kailangan ng eyeglasses.  Nag-mamake-up na din siya and her long hair which goes below her shoulder blades is dark brown. Sabi ng mommy niya, mas na-emphasize ang mestisa features niya with her hair color.

Kung ang gusto ng manyak na ex niya yung mukhang pokpok, sorry na lang kasi hindi siya mukhang malandi! Dyosa lang!

Dyosa na pwedeng pagnasaan ng kahit sinong lalake but no touch. Si Eric lang ang hinayaan niyang mapalapit sa kanya dahil subok na niya ito. He is unlike Logan na tila dibdib  ang unang tinitignan sa babae  at second  ang  alam na.

  Eric is not like that. Kahit na sexy ang mga suot niya, he  sees past her looks.

“What is it Eric? May sasabihin ka?” malambing na tanong niya.

Nagkamot ito ng batok and said, “Birthday kasi ni mama sa isang linggo. She wants to celebrate in Boracay. Two days lang so weekends 'yon. Papayag ka kaya na ipagpaalam kita sa mga parents mo? Kasama naman si Jill at Heidi. Nasabi ko na sa kanila kanina pero sabi nila ikaw ang tanungin ko.” alanganing sabi nito. “Kung gusto mo kahit isang araw lang! Ang importante makasama kita. Kahit ihatid pa kita…”

“Sige, basta pumayag sila mommy at daddy, I will go.” She said which made him adjust his glasses again.

“R-Really?” tila hindi makapaniwalang tanong nito.

“Yes.” She said with her beautiful smile. “Sige na baka gabihin ka na.” dagdag pa niya sa malambing niyang boses which is typical of her.

“S-Sige. Bukas ipagpapaalam kita sa mommy at daddy mo!  Can I pick you up in the morning?” masayang tanong nito.

“Sobrang aga naman no'n. Bukas ng gabi na lang. Is that fine?” she asked.

Malapad ang ngiti na tumango-tango ito. Mabilis siya  nitong hinalikan sa pisngi . Napangiti na lang siya.

Hanggang  gano'n lang naman sila. Hawak kamay and kiss  on the cheek. Although ito lang ang humahalik sa kanya. May usapan sila na once she kisses him on the cheek, lumevel up na sila. As in pumapayag na siyang maging official gf nito. Ang pagtawag nito ng honey sa kanya kahit hindi pa sila , hinayaan na lang niya. Praktis lang daw naman. Besides, she finds it sweet.

“Pumasok ka na honey bago ako umalis.” He said.

“Okay. Drive carefully.” Paalala niya.

***

She is about to go to bed when she heard her message alert tone. She got her phone. Napangiti siya when she saw Eric’s text.

Sweet dreams honey. See you tomorrow night. I forgot to ask you kung ano ang gusto mong dalhin ko.

Lalo siyang napangiti. Super sweet talaga nito. She sat up on the bed in a cross-legged position bago sinagot ang  text nito.

Wala. Ayusin mo lang ang sasabihin mo sa parents ko lalo kay daddy if you want me to come to Bora with you. =) Sige na tulog na tayo. See you tomorrow.

Naiiling na sinend niya ito.  She is positive na hindi ito makakatiis.  For sure he will call in a bit. After sending the message she reached for her  magazine na nasa tabi ng kama. She will  leaf through it.

Napatingin siya sa lumang  salamin niya sa mata na nasa table near the bed too. Hindi na niya sinusuot ang mga ito pero she likes seeing them. They remind her of the old days. Pero she trained herself na hindi ang mapapait na karanasan niya dati ang maaalala niya.  She still has her eyeglasses para maalala na ang laki na ng ipinagbago niya lalo na physically. Hindi na siya pangit sa paningin ng marami. Nangiti siya then her phone started ringing.Mas lumapad ang ngiti niya. Tama  kasi siya.Tumatawag  na nga si Eric.  While her eyes are on the magazine, she took the call.

  “Eric ano ba? Matulog ka na nga.” Natatawang sabi niya bago humiga.

“I swear that I will do something bad to that  garbage one of these days…” said a very cold voice which made her gasp and sit again.

She checked the number.Unregistered ito.

“Don’t you dare hang up on me baby kung ayaw mong mambulahaw ako. Andito ako sa tapat ng bahay niyo. Dark blue na SUV. “ Logan said na halatang nagpipigil ng galit.

He is not shouting but his words are like icicles.

She stood up and sumilip siya sa bintana. May nakita nga siyang sasakyan kagaya ng description nito.

“ Bukas susunduin kita sa klinika so we can talk.” Malamig na sabi pa nito.

“Wala na tayong dapat pag-usapan!” inis na sabi niya bago umalis ulit sa bintana and walked to her bed.

Umupo siya sa gilid ng kama while she massages her right  temple with her other hand.

“I beg to disagree baby…”

“Stop calling me baby! Hindi na tayo!” she said through clenched teeth. Napahigpit ang hawak niya sa cp niya.

“Marami tayong pag-uusapan. I will be at the clinic around 10 AM. We will talk.” May diin na sabi nito.

Galit na napatayo siya.

“Hindi ako makikipagusap sayo! Not now or ever! “ she said angrily bago niya ito binabaan ng telepono.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status