Share

Chapter 5

After several seconds tila natauhan siya. At anong  karapatan  nito na magbitaw ng gano'ng salita?

Alam niya winter sa US ngayon baka 'yon ang dahilan  kaya lalong tumigas ang mukha nito kasi  nalamigan!   At since kakabalik lang ng Pilipinas, may effect pa din dito ang season sa pinaggalingan na bansa nito.  Hindi lang ito manwhore. Sobrang kapal nito.

Now he is calling again. Pagalit na sinagot niya ito.

“Logan Contrero? Maybe you called a wrong number kasi wala tayong dapat pag-usapan because…” she began but she flinched ng malutong na namang nagmura ito.

Naningkit ang mga mata niya and is about to hang up on him again nang may marinig siyang busina na sunod-sunod. Nataranta siya. It’s almost 10 PM at malamang mabulabog ang mga kapitbahay nila. Ang tahimik  pa naman sa lugar nila.

“Stop! Ano ka ba?!” tarantang tanong niya.

Kahit naman gusto niyang ireport ito ng neighbors niya, para namang nakakahiya kapag nalaman ng mga ito na dahil sa kanya kaya ito nambubulahaw.

“You know the magic word baby…” tila nakangising sabi nito bago bumusina na naman.

“Yes!  Oo na! Payag na ako! Lintik kang lalake ka!” mabilis na sagot niya.

“Bumaba ka ngayon! I want to see you! “ sabi nito.

Nakahinga siya kahit papaano nang tumigil itong bumusina.

“No! Bukas na lang!” nataranta na naman siya when he honked again. “Oo na walanghiya ka!” galit na sabi niya and she heard him chuckle.

“Okay baby. 'Andito lang ako. I will wait for you.” Malanding sabi nito bago niya ito binabaan ng cell phone.

Ipinadyak niya ang paa sa sahig in annoyance bago galit na lumabas ng kwarto niya. Kahit kailan talaga tuso ang lintik na ex niya. Hindi man siya nito napilit makipag-all the way in the past, the fact remains na pinagsawaan pa din nito ang katawan niya in every way possible. At mukhang ngayon, may balak itong pitasin siya dahil feeling nito hinog na siya.

Well magkakasubukan kami! I will give him a dose of his medicine. He wants a tease? I can manage to act like one! She smirked with her thoughts.

Kailangan lang niyang mag-doble ingat dito. Masarap takamin ang lecheng hot Contrero na 'yon but she has to remember na  mukhang mas sira-ulo  ito ngayon dahil sa ginawa nito kani-kanina lang.  Seloso na ito dati pa. And as far as she knows, mahirap nang lunasan ang gano'n according to her mother and her tita Isabelle na mama ni Logan. They should know. They are both married to very possessive men at until now, gano'n pa rin ang mga ito.

Dahan-dahan niyang isinarado ulit ang entrance door. Mabuti naman wala pa ang mga  magulang niya. She narrowed her eyes nang buksan niya ang small gate and Logan invited himself inside.  He is really so  thick-skinned na wala pa siyang sinasabi, pumasok na ito and he pulled her to him matapos isarado ang gate.

“No!” tulak niya dito but he pinned her hands behind her.

Nakatingala siya and her back is arched as he looks at her. Hindi niya kayang ipaliwanag ang expression sa mukha nito. He looks pissed and at the same time she can see thirst in his dark eyes. He is drinking the loveliness of her face with them.

“I missed you baby. And seeing you with a f*ckass made me see  red! Hindi ka na ulit makikipagkita sa basurang 'yon kung ayaw mo akong magwala!” he said while gritting his teeth.

Her face distorted a little because his hand on hers tightened. Mas lalo niyang hindi maikilos ang mga kamay. But tama ang hinala niya.  He has become hunkier. Mas tumigas ang katawan nito pati ang  massive thing down there na tumutusok sa itaas ng tiyan niya. She gathered all her courage. Aangal siya sa inaasta nito. Wala na itong karapatan sa kanya so she needs to put him in his place.

“I don’t remember being your girlfriend Mr. Darrin Logan Contrero. “she saw his jaw clenched matapos niyang sabihin ang buong pangalan nito. She knows that he hates it when she calls him by his  full name. “You broke up with me. Nakalimutan mo na yata? And stop using your strength on me. Ang lakas maka-bading …hmp!”

Kagaya kanina,  hinalikan na naman siya nito. But this time, nagpaparusa ang halik nito. He made sure na ipamukha sa kanya that she shouldn’t have said that. Pilit niyang isinasarado ang bibig but he held her jaw  with his other hand . He pushed his body against hers . 'Yon ang nagpaawang sa bibig niya kaya sinamantala naman nito. He deepened the kiss  halos hindi na siya makahinga.

“Ma'm?” dinig nilang tawag ng boses na nagpahiwalay sa kanila.

Mabuti na lang nakaharang ang van nila kaya hindi sila agad nakita nito.

“Weng? Andito ako.” Sabi niya sa kasambahay as she fixes her hair habang nakatingin ng matalim kay Logan na poker-faced lang.

“Ma'm, padating na daw po kasi sila sir, kaya…Sir Logan!” masiglang bati nito sa ex niya which made her look heavenwards and sighed.

Crush na crush nito si Logan.  Isa nga ito sa mga nanghinayang kung bakit sila nag-break. Kahit kasi galit siya dito, hindi niya sinabi ang totoo sa mga magulang niya at sa ibang tao ang totoong dahilan  kung bakit sila naghiwalay kasi nakakahiya! At mas lalong nakakahiya kapag nalaman ng mga ito  na she found out that he was screwing a slut. Everybody knew na gusto lang ni Logan na hindi maging distraction sa pag-aaral niya ito kaya nag-decide silang pareho na mag-cool off. It was a mutual decision.

 Isa pang factor na naisip ng mom niya is the age difference. He is 6 years older than her. Nagumpisa na itong magtrabaho sa kumpanya ng pamilya nito while she was still in college nang maging sila. Alangan namang sabihin niya sa lahat, including her friends na ito ang nakipaghiwalay sa kanya dahil she didn’t want to do it with him.  Mabuti na lang nga hindi niya isinuko ang Bataan dahil  hari pala  ito ng mga manyakis. Kahit babae  na  naging nobya na  lahat yata ng lalaki sa university niya, piñatos nito. Iyak pa siya ng iyak no'n dahil akala niya nag-sacrifice ito para sa kanya. "Yon pala malandi at sawsawan ng bayan ang gusto. At napilitan  lang itong patulan siya dahil sa pambubuyo ng mga ina nila. His mother apologized to her dahil apparently alam nito ang pinaggagawa ng anak. Siya na ang nakiusap dito na huwag ng sabihin sa mommy niya ang totoo. 'Yon ang dahilan kaya hanggang ngayon magkaibigan pa din ang mga ito.

Napukaw ang iniisip niya nang marinig niya ang baritone at may halong landi na boses nito.

“Your parents are here baby..” he told her habang binubuksan ni Weng ang gate. Hinawakan siya nito sa siko para tumabi sila.

 Mabilis na pinagpag niya ang kamay nito while she looks daggers at him.

“Kanina ka pa!” inis na sabi niya but she tried not to let anger show on her face.

Pumasok na sa garahe ang kotse ng daddy niya.

“Masanay ka na baby. We lost  three  years already. “ sabi nito na nakakunot ang noo but may nakaguhit na tipid na ngiti sa mga labi nito.

He flashed a wider smile on his handsome face bago humarap kung nasaan ang sasakyan na pumasok.

***

She is pissed.  Big time! Ang galing  kasi ng ex niya. Super winner! Feeling close pa rin sa magulang niya kanina after nang ginawa nito sa kanya tatlong taon na ang nakakaraan. Ilang beses na gusto na niya itong ibuko but nagpigil pa din siya. Ang babait ng magulang nito at mga kapatid kaya hindi niya kaya na sirain ang image ng pamilya nito sa parents niya dahil lang sa kakaiba ito sa lahat. Ang alam niya according to his mother,  dating playboy ang papa nito but he became a changed man when he saw Logan’s mom. Kung hindi nga lang triplets ang mga ito naisip na niya na ampon ito.  Ibang-iba  kasi sa ugali ng kuya Dylan nito at ate Danika.

Nasa balcony siya ng kwarto niya as she thinks of ways para maiwasan ito. Ngayon kasi na nalaman ng mommy niya na bumalik na si Logan, malamang she will try to  be a matchmaker  again. Lungkot na lungkot ito ng mag-break sila kaya ito ang nag-offer na ibahin ang image niya at baka-sakaling agad agad na babalik daw si Logan.

“He is used to dating alluring women anak. Ilabas natin ang alindog mo! “ her mother said.

She chewed the inside of her cheek.

She can’t just tell them the truth pero bahala na. Gagawin na lang niya ang lahat para maiwasan ito.

“Iha?” tawag ng daddy niya na nasa likod pala niya.

She turned to him and kissed him on the cheek. Patulog na din ito because he his in his usual pajamas.

“Pa..” malambing na tawag niya dito habang nakatingin sa guwapo pa ring mukha nito.

“May problema ba anak? You seemed to have been quiet mula kanina. Dahil ba kay Logan?” he asked.

She sighed then looked down. Nakatingin siya ngayon sa  katamtamang laki na pool. Inakbayan siya ng ama and she leaned the right side of her head on his chest.  Like her mom, she is so petite next to him.

“You can tell me anak. “ Drake Quintero said gently .

“Pa, did you like him for me? 'Yong totoo please.” She asked na nakatingin pa rin sa tubig. She felt her father inhaled deeply.

“I know your mom likes him for you. Wala naman rin akong masabi sa pamilya  ng mga Contrero. Alam mo naman na Luke and I occasionally play golf together. Kung ako lang ang tatanungin mo,  ayaw kong mag-asawa ka.” natatawang sabi nito na nagpangiti din sa kanya.

Her father being protective and her mother’s lenient quality are a good combination. Ang mom niya ang nagbabalanse sa pagiging strict ng papa niya. Lexi Bustamante can make her husband say yes kahit ayaw nito. Hanggang ngayon dead na dead pa din kasi  si  Dr. Drake sa asawa. Huwag lang magseselos ito. When her father gets jealous, natataranta sa pang-aamo ang mommy niya. How she wished that she will find a man like her father.

Hindi si Logan Contrero 'yon.  Paalala niya sa sarili.

“Do you still love him? Hindi ka man nagsabi dati, I felt your pain iha. Sa nakita ko sa kanya kanina, halata naman na gusto niyang ayusin ang lahat. “ sabi pa ng papa niya.

Tumuwid siya ng tayo to look at him. "Kapag nawala na Pa, mahirap ng ibalik.” She said.

Hinawakan ng papa niya ang baba niya to tilt it. “Do what you feel is right anak. Hindi man sumangayon ang mommy mo, you got my support. “ sabi nito.

She nodded when he released her chin.

“Si Eric, Pa. Okay siya sayo?” tanong niya.

Tila nag-isip ng malalim ang ama before he nodded.

“He is also a nice guy. “ komento nito.

She smiled slightly. “Pupunta siya dito bukas ng gabi. Ipagpapaalam daw niya ako sa inyo ni mommy. Birthday kasi  ng mommy niya. Kasama sila Jill at Heidi. Okay lang mag-Bora kami with his family?” she asked.

She feels she has to say it to him in advance. Mas malaki ang chance na pumayag ito. Kahit protective ang papa niya, sa mga ganitong rare chances na nagkaka-heart to heart talk sila, she knows, he will say yes kahit ano pa 'yon. Basta ang importante, alam nito na gusto niya kung ano man  'yon...

“Do you want to go?”

Tumango siya.

“Then we’ll wait na siya ang magsabi sa amin ng mommy mo.” Nakangiting sabi ni Drake.

Alam na niya na payag na ito. Ang mommy na lang niya ang problema.

“ Okay Papa. Nga pala, please  don’t tell mommy yet. Sasagutin ko na si Eric.”  Sabi niya all of a sudden.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
timmithy jane rabago
I'm excited to whole story
goodnovel comment avatar
Heroine
Love it!! So kilig!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status