Share

Panimula

Panimula

"Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo Elizabeth Mae Sandoval!" Inis sa sabi sa kaibigan ko na ang tanging ginawa ngayong araw ay ang umiyak nang umiyak.

"Buong pangalan ko talaga Adi." Sabay singhot ng sipon niyang tumutulo na.

'Di ko talaga maintindihan kung bakit iniiyakan niya na naman 'yong jowa niyang manloloko. Ngayon iiyak-iyak at halos 'di na makahinga. Ilang araw na'to umiiyak dahil nalaman nya na 'yong jowa niya nakahanap agad ng girlfriend pagkatapos nilang maghiwalay dalawang linggo na ang dumaan.

"Oh! meron pa." Sabay abot sa kanya ng isang rolyo ng tisyu. Ilang rolyo na ng tisyu naubos niya.

"Salamat,"

"Last na 'yan Eli ha? Tigilan mo na siya. Halata naman siguro na wala na siyang balak pa makipag balikan sa'yo, nakahanap na nga ng bago. H'wag ka nang umiyak dahil lang sa gagong 'yon." Sabi ko sa kanya "Walang mapapala ang pag-iyak mo dahil sa kanya. H'wag kang maging mahina. Ipakita mo na kaya mo mag-isa at kaya mo mabuhay ng wala siya." Dagdag sermon ko sa kanya.

Hindi lang naman kase isang biro 'yong relasyon nila. Umabot rin sila ng tatlong taon, magdidiriwang na sana sila sa kanilang ika-apat na taon at saka lang nagloko 'yong jowa niya at ang mas nakakainis pa ron ay pangit ang ipinalit. Hindi ako galit.

"Okay, Adi." Singhot niya na habang nakatingin sa akin. "Maraming salamat sa pagiging kaibigan ko at pagsama sa akin dito" Sabay bigay sakin ng maliit na ngiti at sabay punas sa luha niya.

"Nandito lang naman ako lagi Eli, that's what friends are for 'diba?" sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Hinay-hinay rin na sumara ang kanyang mga mata at tila matutulog na. Hinayaan ko na siya na makatulog. Alam ko na rin na napagod siya sa kakaiyak. Namumugto na 'yong mga mata niya at mukhang 'di nakatulog kagabi.

Sinimulan ko nang ligpitin 'yong mga tisyu na nagamit ni Eli dahil sa kakaiyak. Jusko, andaming tisyu kahit saan ka lumingon puro tisyu ang nakikita ko.

'Di ko napansin na gabi na pala. Magluluto na lang ako ng paborito niyang pagkain. Para naman kahit konti maibsan 'yong sakit na nararamdaman niya. Nandito ako ngayon sa condo niya at ilang beses na rin pabalik-balik dito.

"Jusko naman Eli, kumakain ka pa ba?" Sabay sabi sa sarili ko.

Alam nyo kung bakit? Natagpuan ko lang naman na walang laman 'yong ref kundi tubig lang at isang itlog. Ubos na pala stock niya dito, hindi man lang naggrocery kahit konti.

Naisipan ko na magpadeliver na lang ng pagkain. Ayaw ko rin lumabas ng condo at tinatamad na ako. At nang dumating na 'yong pagkain ay ginising ko na si Eli.

"Eli, kain na tayo."

"Eli, bangon na."

"Isa Eli, bumangon ka na d'yan, h'wag mong hintayin na tadyakan kita." Panakot ko sa kanya.

At dahil sa sinabi ko ay bumangon na siya agad. Hindi ko rin naman totohanin kung sakaling ayaw niya pang gumising. Alam niya kase 'pag ako napikon malilintikan talaga siya sakin.

Tahimik lang kami na kumakain at ayoko na rin magsalita kase baka ano pang masabi ko na makasakit sa kanya. Tama na 'yong iniyak niya kanina.

Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at hinugasan ang plato. Nang matapos ko na ang lahat ng gawain ay napatingin ako sa orasan.

"8:30 na pala."

Pumasok ulit ako sa kwarto ni Eli at nagpaalam na uuwi na at sabay bulong sa kanya ng....

"Balang araw ay maiisip niya na lang na nawalan siya nang dyamante habang naglalaro nang walang halaga na bato."

-----

Ibang araw, bagong biyaya, at oras na naman na magtrabaho.

Ako ay isang doktor sa isang prestihiyosong hospital, Anderson Medical Center. Ika nga nila ka edad ko lang daw may ari nitong ospital. Hindi rin man sila sigurado kung totoo ito dahil hindi naman kase ito pumupunta sa ospital. Kung totoo man ito ay hindi parin naman ako makapaniwala dahil masyado pa s'yang bata para magmay-ari ng isang ospital.

Pero bilib rin naman ako sa may ari ng ospital dahil sa kanya ay maraming naging awards ang ospital na pinagtatrabahoan ko. Halos lahat ng nagtatrabaho dito ay mga professional at dumaan sa masinsinang training. Isa na rin ako sa mga pinalad na makapasok sa ospital na ito.

"Dra. Adi, may pasyente na po kayo." Sabi ng assistant ko.

Sabay pasok sa room at nagsimula ng magtrabaho.

Pagtingin ko sa sa relo ay di ko namalayan na tanghali na pala at lunch break ko na. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom baka hindi ako makapag-isip ng maayos mamaya sa trabaho.

"Jacky, tara na kumain na tayo." Sabay tawag sa assistant ko.

Pagdating namin sa kantina ay naghihintay na rin ang mga kaibigan kong mga doktor at pharmacian. Iba-iba kami ng departamento. May sa General Surgery, Emergency Department, Pharmacian, at ako na General Pediatrician.

"Madam Adi antagal nyo naman po." Si Eli na Pharmacian.

"Alam mo Adi pa special ka." Sabay irap sakin. Alam ko na tung mukhang to, gutom nato. Palibhasa patay gutom.

Siya si Adamson Patrick Gutierrez kabilang sa General Surgery Department. Nag-iisang kaibigan ko na lalaki. Siya lang ang lalaking nagtangka na makipagkaibigan sakin. 'Di ko rin alam kung anong pumasok sa kokote niya at gusto niyang makipagkaibigan sakin. Hindi rin kase ako palakaibigan sa mga lalaki. Kaya nag-iisang kaibigang lalaki si Adam.

"Dito na kayo maupo ni Jacky." Ashley Leigh Garcia kabilang sa Emergency Department. Sabay turo sa dalawang bakanteng upuan sa tabi niya.

Libre lang naman kase ang pagkain dito. Kaya nga magandang magtrabaho sa ospital na ito dahil libre na pagkain at malaki pa sahod. Nandito na lahat sa ospital na ito kung ano man ang maitutulong sa kalusugan at 'di ka talaga mag-iisip na umalis, baka manghinayang ka lang.

"Ano, Eli, okay ka na?" Seryosong tanong ni Adam kay Eli.

'Di kase siya nakapunta kahapon dahil masyado siyang busy sa OR (Operating Room). Hindi kase siya pwedeng basta basta nalang na umalis lalo na kung maraming kailangan operahan.

It is one of our rules, kailangan namin intindihin ang isa't-isa. Kung may isa mang hindi makakapunta sa pagtitipon naming magkakaibigan ay dapat namin 'yon maunawaan lalo na kung ang dahilan ay patungkol sa trabaho.

Golden Rule. Ang pinakaimportante na bagay sa amin ay ang makapagligtas nang buhay dahil 'yan ang gawain nang isang doktor.

Sila Ashley at Adam kase ang medyo risky trabaho kase mga operation o emergency kaya 'di sila basta-basta nalang umaalis, lalo na kung walang papalit sa shift nila.

Kaya medyo close kami ni Eli dahil nga kadalasan wala 'yong dalawa at tanging ako lang ang may flexible na oras sa aming apat. Hindi rin naman kase masyado busy ang departamento namin ni Eli. May mga pumapalit rin kase sa aming dalawa.

"Alam mo Eli, inom tayo sa katapusan nang linggo libre ko na, may bagong nagbukas na bar na malapit lang sa ospital." Panghihikayat ni Ashley, ang dakilang lasinggera ng grupo.

Ganyan magcomfort ng kaibigan si Ashley, dinadaan niya sa inuman. Kahit naman umiinom si Ashley ay hands on pa rin ito sa sa kalusugan niya lalo nat doktor siya. Kapag lasing lang kase ito nagsasabi ng kanyang mga hinanakit sa buhay.

"Maraming salamat sa inyo aking mga kaibigan." Kunwaring emosyonal na salita ni Eli.

Napaismid nalang ako sa sinabi ni Eli.

Kahit kailan talaga ang iingay nilang kumain. Pinagtitinginan na sila ng mga ibang doktor dahil sa lakas ng mga tawa at boses nito. Nasanay na rin naman ako sa kanila at kung hindi dahil sa kanila ay wala akong makakasama ngayon.

"Adi, 'di bagay sa'yo ang magmuni-muni." Sungit na sabi ni Adam.

"Ano naman kasalanan ko sa'yo Adamson Patrick?" Inis na sagot ko sa kaniya.

'Pag may kasalanan ako sa kanya lagi niya nalang akong sinusungitan daig pa babaeng may regla sobrang moody at madali lang magtampo si Adamson.

H'wag niyong mamasamain pero hindi bakla si Adam. Sadyang clingy lang talaga siya. Ganyan lang niya talaga ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kaibigang babae. May pagka-clingy man siya at pagkamoody pero sa panahon na isa sa amin mga babae sinaktan nagiging overprotective at halos hindi na namin makita ang clingy na Adam.

"May utang ka sa akin na date." Na may nakakalokong ngiti.

"Death wish mo ba 'yan, Adam?" Napipikon na talaga sa kanya. Alam niya kase na pinaka ayaw ko na joke niya ay ang magdate kami.

Hindi ko nakikita ang sarili ko na magkagusto kay Adam. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil do'n. Alam niya na ayaw kong naririnig ang salitang date lalo na kung galing sa kanya.

"Ito naman joke lang libre mo nalang ako ng milktea at saka hotdog on bun." Sabay yakap sakin patagilid habang pabalik na sa kanya kanya naming department.

"Jusko naman kakatapos lang natin maglunch gutom ka na naman." Inis na sabi ko.

"This weekend Adi, pagkatapos ng shift bago tayo pumunta sa bar!" Sigaw niya habang tumatakbo patungog OR.

Nakakahiya talaga tung lalaking 'to. Sinabi pa talaga na magbabar kami sa weekend. Pahamak na lalaki ka talaga Adam.

Naglakad nako pabalik at nagsimula na magroom-to-room sa mga pasyente ko. May mga pasyenteng kailang ng medical attention at 'di rin biro 'to kase 'di lahat ng bata madadaan sa madaling usapan lalo na kung ang pag-uusapan ay ang karayom.

Halos lahat ng mga pasyenteng nakakasalamuha ko ay takot sa karayon. Normal lang rin naman sa kanila ang matakot dahil bata pa. Nasanay na rin ako sa kanila.

-----

Oras na naman na magtrabaho.

Pagkatapos nang anim na oras nang trabaho ay pumasok si Eli sa silid ko. Alam ko na naman anong kailangan niya sakin.

Pagpasok niya sa room ko ay niyakap niya ako nang mahigpit at umiyak. 'Di ko man alam ang nangyari pero alam ko kung ano ang kailangan niya 'yon ay ang yakap ng isang kaibigan.

"Pinapatibay ka ng sakit na iyong nararamdaman, pinapalakas ka ng luha sa iyong mga mata, at ang pagkasira ng iyong puso ay ang nagpapalakas sa iyo, kaya't pasalamatan ang nakaraan para sa mas magandang kinabukasan." Ibinulong ang mga magagaan kong salita sa kanya.

----------

Read.Vote.Comment

© michiekelss

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status