Kabanata 2
Ilang araw na rin ang lumipas no'ng nag-usap kami no'ng lalaki sa parke. Hindi sa hindi ko siya makalimutan pero 'yong mga salita niya kase no'ng gabi 'yon ay nakatatak pa rin sa isip ko at ang tagal mawala.
Nanay niya lang nampepressure sa kanya samantalang buong angkan ko ang nampepressure sa'kin. Hindi ako suportado ng pamilya ko sa kinuha kong trabaho. Gusto kase nila ako maging lawyer.
Hindi ko rin naman sila masisisi kung 'yon gusto nila para sa akin. Lahat ng pinsan at ibang kapatid ko ay mga lawyer. Ako lang yata sa pamilya ang lumihis ng propesyon. Pero ayaw kong gawin ang bagay na labag sa loob ko.
Kaya nga ako mag-isang namumuhay. Sa murang edad, maaga akong namulat sa realidad ng buhay. Hindi rin ako makapaniwala na hindi nila kaya suportahan ang desisyon at pangarap ko. Pangarap na hindi naman para sa'kin. Pangarap na para sa sarili nilang kasiyahan.
Ayoko na rin isipin ang bagay na 'yon. Ilang taon na rin ang lumipas ng nangyari 'yon. Pagbinabalik-balikan ko ang pangyayaring 'yon ay bumabalik rin ang damdaming naramdaman ko no'ng araw na iyon.
'Di ko namalayan na tumutulo na pala luha. Kaya ayaw kong iniisip 'yon dahil 'yon ang kahinaan ko. Pamilya ko ang kahinaan ko.
"Oh, pahidan mo 'yan baka makita ka ni Adam, baka mag-alala 'yon dahil umiiyak na naman." Sabay abot ng panyo ni Ashley. Overprotective kasi si Adam sa'min at ayaw nya ring nakikita kaming umiiyak kahit anong dahilan pa 'yon.
"Ngayon ako naman magbibigay sa'yo ng words of wisdom, mukhang mas kailangan mo 'yon ngayon eh." Sabay punas ko sa luha ko.
"Hmmm...." Habang nag-iisip ng sasabihin sa'kin. Hindi na rin ako nagsalita at hinintay ko lang ang sasabihin niya sa'kin.
"Ah, ito Adi maganda 'to." Sabay ngiti ng malapad sa akin.
"Cry, forgive, learn, move on, and let your tears water the seed of your future happiness it was quoted by Steve Maraboli."
Somewhat it made me calm.
"Dra. Adi Dra. Ashley , kailangan po kayo sa emergency may mga na food poison pong mga bata!" Hingal na sabi ni Jacky.
Nagulat kami pareho ni Ashley at nagmadaling pumunta sa ER.
Siguro isa ito sa mga kailangan ko ngayon. Sa paraang 'to malilimutan ko ang nangyari sa aking nakaraan. Nakaraang pilit kong tinatakasan.
"Forget the past but remember the lesson."
Nang naagapan na ang lahat ng bata ay bumalik na ako sa opisina ko at humiga para magpahinga muna saglit. Puro check at takbo ang ginagawa ko kanina. Mga nurses na ang nagtake over bago ako umalis.
Isang section ng mga bata ang na food poison. Bad timing rin kase 5 lang kaming naka duty kasali na dun si Eli. Kaya doble trabaho kami dahil sa dami ng mga bata. Hirap din makakita ng mga batang nasasaktan.
"Dra. Adi, kain po muna kayo, nalipasan na po kayo ng gutom." Sabay abot ni Jacky ng lunch pack.
Namigay siguro ang canteen staff ng pagkain kanina pag-alis ko.
"Salamat Jacky."
Nagsimula na rin ako kumain.
Matapos kong kumain ay bumalik na ako ng ER para ma check ulit ang kalagayan ng mga bata. Kailangan ma check ulit ang mga bata dahil may side effects pa rin ang ma food poison at may mga bata hindi kaya ang side effects na dulot nito sa kanilang katawan.
Hindi pa ako na nakapasok sa ER ay sinalubong ako ng pulis. Tinanong rin ako tungkol sa kalagayan ng bata. Nasabi rin ng mga pulis ang dahilan kung bakit na food poison ang mga bata.
Isa sa mga bata daw ang nagdiriwang ng kaarawan at sa silid-aralan nila ito pinagdiriwang. Hindi rin alam ng magulang ng bata kung anong meron sa pagkain at babayaran din daw ng pamilya ang bills ng bawat bata na admit dito sa hospital.
Pagpasok ko sa ER ay puro sigaw at sisi ng mga magulang ng mga bata ang naririnig ko. Sinisisi nila ang mga magulang ng batang nagdiriwang ng kaarawan na ngayon ay nakayuko ang ulo at tila tahimik na nanghihingi ng paumanhin.
Hindi ko na kaya ang mga pinagsasabi ng mga magulang. Alam ko naman hindi rin nila inaasahan na mangyayari ito sa kaarawan ng kanilang. Pati anak nga nila na food poison. Wala naman sigurong magulang na hahayaan lang na masaktan ang anak. Magulang ko lang siguro.
"TUMAHIMIK NA NGA KAYONG LAHAT, NAIINTINDIHAN KO GALIT KAYO SA KANILA DAHIL SA NANGYARI SA MGA ANAK NYO. PERO ISIPIN NIYO RIN PO SANA NA PATI ANAK NILA NADAMAY RIN SA HINDI INAASAHANG PANGYAYARI." Sigaw ko sa kanila na nakapatigil sa lahat. Tila hinihingal pagkatapos kong sinabi 'yon.
"H'wag na po kayong mag-alala sa bayarin niyo, sagot na nila ang gastosin sa hospital." Kalmang sabi ko sa kanila.
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay sinimulan ko na ang magcheck sa bata. Kailangan ko paring i check ang mga bata sa kabila ng nangyari kanina.
"Dr. A-Alcantara." Nauutal na sambit ko.
Shit! ito na nga sinasabi ko. Isa sa mga supervisor ng hospital. Nakikita lang siya kung may problema sa ER.
"Let's meet in the meeting room after you check the kids." Sabay titig ng seryoso sa'kin.
"O-okay, Dr."
Ayaw na ayaw kase nilang manghimasok kami sa problema ng pasyente gaya ng nangyari kanina. Ngayon kailangan kong pagbayaran ang ginawa ko kanina. Medyo natatakot rin ako baka ipatalsik ako dito sa hospital.
Pagkatapos kong i check ang mga bata ay pumunta muna ako ng canteen para makahingi ng tubig. Ang tuyo na ng lalamunan ko at napatingin ako sa salamin, nakita ko ang labi kong maputla.
Narinig ko rin ang inang nurse at doctor na dumating daw ang may-ari ng hospital hindi ko alam kung bakit.
Madali lang kumalat sa hospital ang mga chismis. Ma nurse o doctor ay mga chismoso at chismosa.
Mas namutla ako lalo. Dalawa lang naman ang pwedeng maging dahilan pwedeng dahil sa food poisoning ng mga bata o dahil sa ginawa ko kanina.
Bahala na. Hinay-hinay akong kumatok sa opisina. Medyo madilim rin ang meeting room, mas nakakatakot. May nakita akong dalawang lalaki na nag-uusap sa dulo ng upuan.
"E-Excuse me sir, n-nandito na po ako."
"Have a seat Dra. Bartolome." Pinikit ko nalang ang mga mata ko at umupo.
"Alam mo ba ang ginawa mo, Dra. Bartolome?" Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.
Si Dr. Alcantara lang ang nakikita ko ngayon dahil 'di ko makita ang mukha ng isa pa niyang kasamang lalaki.
"Should I be sorry for what I did earlier sir? I'm not sorry for what I did sir. Biktima rin po sila sa nangyari sa mga bata. Pati anak po nila ay na food poison. Hindi rin po nila inaasahan na mangyayari 'yon." Dire-diretso kung sabi kay Doc, 'di ko na alam kung anong mangyari sa'kin.
"W-what sorry? What do you mean? Is it what happened in ER? The parents quarrel thingy?" Tila nalilito sa pinagsasabi ko.
"A-ano po pala ibig niyo sabihin sa ginawa ko Doc?" Kinakabahan pa rin ako.
"Ohh, what I mean is what you did earlier during the emergency."
Hindi pa rin ako makasalita at tila nalilito pa rin ako sa ibig sabihin ni Doc
"A-ano po ibig nyong sabihin Doc?"
"The CEO slash owner saw you how you handle the kids in the ER and also what you did to the parents."
"A-And t-then D-Doc?" Hindi pa rin mawala 'yong pagkautal at nerbyos ko.
"Don't be nervous Dra. Bartolome, hindi ka naman ia-alis dito sa hospital. Instead, you will be promoted as one of the Head of Pediatric Emergency."
Hindi pa nagsi-sink in 'yong sinabi ni Doc sa'kin.
"PO?!" Napatayo ako at medyo late reaction ako.
"Ayaw mo ba? You can tell it right now. The CEO is currently listening to us right now." Sabay ngisi ng nakakaloko.
Listening to us? Ang CEO? So itong kasama ni Doc ngayon ay ang may ari ng hospital? Holy shit.
"Ah no sir, I mean tatanggipin ko po ng buong puso 'yong promotion." sabay ngiti ng malaki at nagpakita ng pagkagalak.
"Sir CEO thank you for promoting me as one of the head. Don't worry sir I will not disappoint you and I will do my very best in serving to the kids and to the other patients." Sabay yuko nang kaunti sa kanya.
Hindi ko man siya makita ng klaro ay hindi ko pa rin dapat kalimutan na siya ang dahilan kung bakit ako na promote. Kailangan ko parin magpakita ng kagalakan.
Simula ngayon kailangan ko nang doblehin ang pagtatrabaho dahil head na ako. Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti at kasiyahan na nararamdaman ko.
"You deserve what you've been working hard Miss."
Ang lamig ng boses niya. Medyo familiar 'yong boses 'di ko lang matandaan kung saan ko 'yon narinig. Binigyan ko nalang siya ng magandang ngiti at nagpasalamat ulit.
Lumabas ako sa office room at sinalubong ako nang tatlo tila nag-aalala dahil pinatawag ako. Mabiro nga sila. Evil laugh in my mind.
"Anong nangyari sa loob, Adi?"
"Pinapaalis ka ba?"
"Magsalita ka naman Adi, nakakakaba 'yong katahimikan mo."
"ADI!" Sabay-sabay nilang sigaw sa'kin.
Napatabon nalang ako sa tenga ko. Halos mabingi ako sa sigaw nila.
"Napromote ako, isa sa mga Head of Pediatric Emergency." Kalma kong sabi sa kanila.
"Kala ko naman inali-"
"Ah promote pala."
"Promotion lang pala."
"ANO NA PROMOTE KANA?" Sabay-sabay na naman nilang sigaw.
"Oo nga." Sabay ngiti ko ng malawak sa kanila.
"YEHEY!, MAY KAIBIGAN NA KAMING HEAD."
"CELEBRATE NA THIS."
"ANOTHER ACHIEVEMENT."
Daig pa nila ang na promote dahil sa sigaw nila. Umaalingawngaw 'yong mga boses nila sa hallway.
"Hinaan nyo boses nyo, mamaya na tayo magkwentuhan after shift. Sasabihin ko anong pinag-usapan namin kanina." Pinagtitinginan na kase kami.
"Sabay na tayo sa ER Ash." Aya ko sa kanya
"Balik na kayo sa mga department niyo."
So ayon na nga, bumalik na sila dalawa at nagsimula na rin kaming magtrabaho muli.
So 'yon na nga excited masyado 'yong tatlo sa kwento ko kay sila na mismo pumunta sa opisina ko.
Kinwento ko sa kanila lahat. Pati 'yong inakala kong aalisin ako sa hospital dahil sa ginawa ko sa mga parents mg bata. Pati 'yong kasama namin ang CEO kanina at siya ang dahilan kung bakit ako na promote.
"So, nakita mo na ang CEO Adi? Gwapo ba?" Hagikhik naman ni Ashley.
Sa lahat ng sinabi ko sa CEO lang talaga siya na interesado. Typical Ashley.
"Hindi ko nakita 'yong mukha niya ayaw niya siguro magpakita." Sagot ko naman.
"Congratulations Addison for being one of the Head of Pediatric Emergency!" Sabay silang tumayo at nakatayo na parang kailangan i-handshake.
Hindi ko ini-expect na may pakulo naman sila. Tumayo naman ako nagcongratulations sabay handshake kay Eli at Ashley nang si Adam na ay may nilabas niya na parang papel na nakalukot at binigay sa'kin.
"Ano 'to?" Sabay tawa kong tanong kay Adam.
"It's a certificate, our congratulatory gift for you." Hawak sa kanyang batok na parang nahihiya sa regalo nila.
"Thank you, guys!" At yumakap sa kanila isa-isa.
Laking pasasalamat ko na nand'yan sila through my ups and downs. Wala na akong hinihiling pa. Napakaswerte ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko man sinasabi 'to sa kanila pero ayaw kong mawala sila sa buhay ko.
-----
ILANG araw na rin ang lumipas no'ng na promote ako. Nagkaroon rin ng ceremony para sa mga iba pang na promote sa iba't-ibang department. Lahat nang mga executive, heads ng bawat department ay nandoon, except sa CEO. Sabi nila nandoon daw ang CEO 'di lang daw nagpakita sa mga employees. Chismis nga naman, 'di mo alam kung totoo ba o hindi.
Tungkol naman sa mga batang na food poison. Gumaling na ang lahat ng bata. Hindi naman masyadong komplikado ang kalagayan dahil nagamot naman sila kaagad. Hindi rin naman sila nagtagal sa hospital. Ang importante ay magaling na ang lahat ng bata.
Habang naglalakad ako pa balik ay may tumawag sa akin. Pagtingin ko sa cellphone ko ay si Dr. Alcantara. Baka may emergency.
"Hello, Doc."
"Pumunta ka ngayon sa private ER. ASAP." Tila pinapadali ako.
"Okay, sir, copy."
Ba't ba ako kailangan sa private ER?
Nagmamadali narin ako tumakbo halos madapa ako dahil sa pagtakbo ko. Nakita ko si Eli at parang tatanungin niya ako bakit ako tumatakbo
"Mamaya na Eli, emergency lang." Hingal na sabi ko sa kaniya at tumakbo ulit.
"O-Okay."
Nang nakarating ako sa private ER ay sinalubong ako ni Dr. Alcantara.
"Follow me." Tila seryoso sabi niya sa'kin
Pagdating namin ay may nakita akong lalaking duguan na nakahiga sa hospital bed.
Habang tinitignan ko nang matagal ay mas lalo kong nakikilala ang nakahiga do'n.
Siya 'yong lalaking nakausap ko sa park. 'Yong lalaking inakala kong pasyente. Lalaking nagsuot ng suit na galing daw siya ng meeting. Na may-ari kuno ng hospital.
Don't tell me?
Hindi naman siguro 'no?
"I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Hey Miss, I told you we will meet again." With a smirk on his face.
----------
Read.Vote.Comment
© michiekelssKabanata3"I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya."Hey Miss, I told you we will meet again." With a smirk on his face."Just set aside the questions for now Adi, ikaw na gumamot sa isang 'yan kanina pa 'yan." Inis na utos ni Doc sa'kin."Po? H-Hindi po ako-" Hindi ako pinatapos nitong lalaking duguan sa kama."Nauubusan na ako ng dugo,Miss,ayaw mo naman siguro makakita ng pasyenteng mamatay sa harap mo?"Nanakot pa siya. Bago ako makapag salita ulit ay nilagay na ni Dr. Alcantara sa kamay ko 'yong gagamitin para sa sug
Kabanata4".... I am the owner of the hospital you are working with. I was checking the file of each department's doctor in my office and unexpectedly I saw your resume and that's where I got your name. I know you're a pediatrician but that time you're the only one that I can trust that time except for Alcantara of course."And I was shocked by that revelation.Now everything makes sense to me."Eh? Bakit hindi si Doc 'yong pinatahi mo sa sugat mo? Alam mo naman na malapit ka ng maubusan ng dugo at pinatakbo mo pa ako ng malayo." Irap sa kanya habang ininom na 'yong inorder na kape."We were just strangers that night&
Kabanata5Nagmamadali na akong magdrive papuntang hospital. Nagsisimula na daw 'yong meeting pero mukhang hindi pa daw na oopen 'yong tungkol kay Dr. Alcantara 'yon ang huling sabi sa'kin ni Eli sa tawag niya kanina.Pagdating ko sa hospital ay tahimik lang akong pumasok sa auditorium at naghanap ng bakanteng upuan.Mukhang hindi lang mga heads ng department ang nandito mukhang pati 'yong mga board members. Kaloka buong board yata ang nandito pero wala pa rin si Tyler at si Dr. Alcantara. Hindi ko pa sila nakikita sa upuan nila."...... the CEO will be the one announcing the main purpose of this abrupt meeting but before that let us welcome the CEO of Anderson Medical Cente
Kabanata 6Ilang araw na rin lumipas no'ng ipinakulong na si Dr. Alcantara, nawalan na rin siya ng lisensya bilang doktor. Kinaumagahan no'ng araw na 'yon ay tahimik lang ang department namin. Doktor man o nurse ay walang sumubok na magsalita tungkol kay Doc o tungkol sa ginawa niya.Naging usap-usapan rin sa ibang department ang department namin dahil sa Pediatric Department galing si Doc. Hindi naman mawawala ang chismis sa hospital pero mas pinili namin na manahimik na lang at magpasawalang kibo na lang.Ngayong wala na si Doc ay may ipinalit na supervisor agad-agad. Dra. Olivia Vianna Alvarez, Dra. V kung tatawagin. Wala lang sa kalahati niya 'yong kasungitan ni Dr. Alcantara. Laging masungit parang araw-araw dinudugo.
Kabanata7"Adler Bartolome""Anong ibig sabihin nito? Nandito siya? 'Yong kapatid mo?" Sabi ni Eli habang hawak 'yong folder.You heard it right. Nandito 'yong kapatid ko na dapat nasa probinsya siya kasama ang mga magulang ko.Alam nilang tatlo kung anong nangyari sa amin ng pamilya ko kaya gan'yan 'yong mga reaksyon nila no'ng nalaman nila na nandito 'yong kapatid ko.For god's sake, he is still minor. Paano siya napunta sa isang orphanage na malayo sa probinsya namin? Anong nangyari no'ng panahon na wala ako?"Siya 'yong batang malala ang natamo sa sunog kagabi at
Kabanata86years old AdeNandito ako ngayon sa kwarto ko naglalaro lang sa mga laruan ko. Hinihintay ko lang si Ate Adi para maglaro kami dito mamaya. Excited na ako. Lagi kasi kaming naglalaro ni Ate pagtapos ng klase niya.Nasa school pa kase si Ate ilang oras na lang ay uuwi na siya. Sa susunod na pasukan ay pwede na akong mag-aral sa eskwelahan. Pareho na kami ni Ate Adi na mag-aaral.No'ng narinig ko ang pagbukas ng gate sa labas ay tumakbo ako agad para salubungin si Ate pero iba 'yong sumalubong sa'kin. Nagtago lang ako sa gilid at tahimik lang tinignan silang dalawa ni Mama.Nakita ko si Mama na sinampal
Kabanata9"No'ng nagising ako ay nandito na ako sa hospital."Wala akong masabi sa kwento niya. Hindi pa naprocess ng utak ko 'yong nangyari sa kanya."I spend how many years in the orphanage para lang hanapin ka. Unexpectedly, nagkita tayo dito. Blessing in disguise na rin siguro 'yong nangyari sa akin. Kung hindi dahil dun hindi tayo magkikita."Nagtitigan lang kaming dalawa ng ilang minuto bago ako nagsalita ulit."Thanks God at okay ka na. I'm so proud of you." Proudly smiling at him.I'm so amazed how he survived for how many years finding me. Mas nakakaproud 'yong
Kabanata 10I'm on my way patungo sa orphanage para sunduin si Ade. He texted me last night to fetch him up in the orphanage.Simula ngayong araw magsasama na kami ni Ade.Pagdating ko sa orphanage nakita ko sila sa labas tila hinihintay 'yong pagdating ko."Hi Ade, okay na?" Pagkasabi ko sa mga salitang 'yon ay nakita ko ang mga mata ng mga bata na nanunubig. Parang ayaw nila paalisin si Ade."Kids, listen first kay Ate Adi niyo ha? H'wag kayo malungkot na aalis si Kuya Ade bibisita naman siya dito 'pag weekends. Okay ba 'yon?" mUupo ako sa harap nila para magkapantay kami.Tumang