Share

KABANATA 3

AZALEA

"How was the negotiation yesterday?”

Bigla akong pinalambutan ng tuhod nang marinig ko ang tanong sakin ni Nixel pagkapasok ko sa classroom.

Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Mabuti na lang at dumating yung nanay ng lalaking yun kaya nakatakas ako ng palihim. They're having a chitchat sa living area kaya sinagad ko na ang time na yun para umalis. Hindi naman nila napansin ang pagtakas ko dahil masyadong malawak ang bahay nila. Ninakawan ko pa nga ng damit ang loko-lokong yun dahil sirang-sira na yung blouse ko at wala ng pag-asang gamitin.

“Teka... Nagpalit ka ba ng uniform? Bakit ang sikip tingnan sa'yo?” dagdag pa niya tsaka nilapitan ako at sinuri ang suot kong uniporme.

Anong sasabihin ko sa kanya? Hindi ko naman pwedeng sabihin na pinunit ng lalaking yun ang uniform ko dahil may nangyari sa'min kagabi kaya no choice ako ngayon kundi suotin ang luma kong blouse na masikip sakin.

“ANO 'TO?”

Napalundag ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw sa tenga ko.

“Tigilan mo nga 'ko. Masyadong masakit sa tenga yang boses mo.” asar kong sabi at tinalikuran siya. Dumiretso ako sa upuan ko at sumunod namang umupo si Nixel sa tabi ko. “Tigilan mo 'ko kung ayaw mong tirisin kita.” banta ko pa ngunit hindi man lang nagpatinag ang g*ga.

“Kiss mark ba yang sa leeg mo?” inosente niyang tanong.

Automatikong napalaki yung mata ko tsaka mabilis na hinalungkat ang bag. Kinuha ko ang maliit kong salamin at tiningnan ang parte ng tinititigan niya.

“Sh*t!” mahina kong mura sabay takip sa leeg kong may marka.

“May boypren ka na? Saan mo nakuha yan?”

“W-Wala 'to... K-Kinagat lang 'to ng langgam... k-kaya namumula—oo! Ganun na nga.” kinakabahan kong sagot. Sana maniwala 'to.

“Weh? Patingin.” balak niya sanang alisin ang kamay kong nakatakip saking leeg, kaya bigla akong tumayo at lumayo sa kanya ng konti.

“K-Kinagat lang nga 'to ng langgam”

“Bahala ka na nga diyan.”

“Tss.”

Buti na lang at tumigil siya. Walang hiyang lalaki yun, at nag-iwan pa talaga siya ng marka ng katarantaduhang ginawa niya.

“Kumusta na nga pala 'yong trabahao mo? Tinanggap mo ba?”

Eto na naman tayo. Paano ba takasan ang tanong niya? Hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto akong maging escort ng estrangherong 'yon pero may nangyari sa'min kagabi. Mas lalo siyang mababaliw pag ganyan ang isasagot ko.

Argh! Ayoko nang alalahanin yun.

“Wala—”

“Akala ko ba pinuntahan mo yung nag-aalok sayo ng trabaho?”

“Ah.. Yun ba? H-Hindi ko tinanggap—”

“WHAT THE— BAKIT HINDI MO TINANGGAP?”

Kusa akong napatakip sa'king tenga dahil sa biglaan niyang pagsigaw na nagdulot din ng pag-agaw atensyon sa lahat ng mga kaklase kong nandito.

That stranger wanted me to be his escort. Hindi ako sigurado kung anong klaseng escort ang tinutukoy niya kasi wala namang ibang nakasulat sa kontrata na binigay niya sakin kagabi. Pakiramdam ko nga na gawa gawa niya lang ang kontrata dahil hindi maayos ang pagkakasulat ng terms at conditions.

Mas lalo pa niyang tinaasan sa fifty thousand ang offer at 'yon ang kaduda-duda. Bakit gusto niyang pilitin akong papirmahin do'n? Ang dami namang ibang babae diyan, bakit ako pa, diba?

“Can you just lower down your voice?”

Kung makasigaw 'to parang nasa kabilang baryo yung kausap niya eh. Tsss

“Bakit kasi hindi mo tinanggap? Ang laking pera ang makukuha mo dun, teh.” napapadyak pa siya sa inis dahilan para mapairap ako sa kanya.

NO WAY! Kahit na nadala ako kagabi dahil sa ginawa niya at naibigay ko yung hindi ko dapat ibigay, ayoko pa din. Baka mamaya mabudol pa ako do'n. Once is enough, at ayoko na dagdagan pa 'yong nangyari kagabi.

“Mahirap ang trabahong yun kaya malaki yung sahod—”

“Anong klaseng trabaho? Sana ni-recommend mo 'ko para ako na lang ang magta-trabaho. Sayang yung 30k.”

Seriously, Nixel? Ikaw yung gagawa ng trabaho na inalok sakin? I just can't imagine kung siya yung nasa sitwasyon ko kagabi.

“Hindi na. Mapapagalitan ka pa ng parents mo pagnagkataong malaman nila na nagpapakahirap kang mag-trabaho para lang sa 30k.” sabi ko dito tsaka inayos sa desk ang mga gagamitin kong libro.

Nakakasilaw man yung halagang ibibigay niya, pero mas gugustuhin ko pang magpakalunod sa ibang trabaho para kumita kaysa tumanggap ng malaking halaga at walang kasiguraduhan kung anong klaseng trabaho.

Hindi na niya nagawang sumagot sa usapan namin dahil biglang dumating si prof. Bumalik na din siya sa kanyang upuan, ganun na din yung iba ko pang mga kaklase.

*discuss

*discuss

*discuss

*lunch break

*discuss

*dismissal

Buong araw akong lutang dahil sa kakaisip ng nangyari kagabi. Nanghihinayang ako dahil ang matagal kong iningatan ay biglang naglaho at wala na akong may maipagmamayabang sa magiging asawa ko kung sakali mang mahanap ko na ang lalaking para sakin.

“Gusto mo bang magpahatid?” tanong sakin ni Nixel habang naglalakad kami sa hallway. Mabilis akong umiling sabay ngiti “Sigurado ka?”

“Oo. Magc-commute na lang ako.”

May personal driver si Nixel at lahat ng angkan nila ay mayayaman. Hanga din ako sa kanya dahil kahit sobrang yaman na nila, nagawa niya pa din kaibiganin ang isang tulad kong dukha. Minsan nga lang hindi maiiwasan yung utak niyang ma-pera. Ang hilig niyang maghanap ng mapagkakakitaan.

“Bye. Ingat ka ha.” paalam niya at humiwalay na ng daan. Papunta siya sa parking lot habang naglalakad parin ako sa hallway papunta sa main gate ng university. Nasa kabilang gate kasi yung parkeng area ng mga sasakyan.

Nagkalat na yung mga estudyante sa paligid dahil yung iba ay paniguradong pauwi na at yung iba nama'y naghihintay pa para sa next subject nila.

“Azalea!”

Balak ko na sanang lumingon dahil sa may sumigaw sa pangalan ko nang may biglang humila sakin papasok sa isang classroom at isinandal ako sa pinto dahilan para tuluyang masara yung pintuan.

“Bakit mo 'ko hinil—ANONG GINAGAWA MO DITO?” sigaw ko sa lalaking nanghila sakin.

Napailing ako tsaka suminghap ng hangin. Mukhang hindi pa siya nakuntento sa ginawa namin kagabi at talagang sinundan pa ako dito sa university namin.

Ano na naman ba ang habol niya sakin? Pipilitin na naman ba niya akong pumirma sa kontrata kahit na ayoko?

“Tinakasan mo 'ko kahapon and I really missed kissing—”

“Umalis ka nga diyan!” tinulak ko siya palayo nang balak niya sana akong halikan. “Hindi ko parin pipirmahan ang kontratang ginawa mo.” kaagad akong tumalikod at bubuksan na sana yung pinto nang bigla na naman niya akong hinila. “Ano ba?” iritado kong sigaw.

Itinaas niya ang hawak niyang paper bag tsaka nakangiting ibinigay sakin “Nasira ko kagabi yung uniform mo, kaya binilhan kita ng bago.” kinuha ko yun at nakakunot ang noong tinitigan ang laman. “Don't worry. Hindi naman siguro ako papalya sa size mo. Saulado ko na ang sukat ng katawan—”

“Shut up!” pigil ko sa kanya dahil mukhang alam ko na kung saan tutungo ang usapang 'to.

“Have you eaten your lunch?”

“Tapos na..” sagot ko at muli na naman siyang tinalikuran. Hawak ko yung binigay niyang paper bag at wala sa plano ko ang tumanggi dahil kailangan ko din ng uniform. Masyadong masikip ang suot ko at matatagalan pa bago ako makapagpatahi ng bago dahil wala pa akong budget para diyan “Uuwi na 'ko kaya umuwi ka na din.” malamig kong tugon sabay bukas ng pinto.

Bumungad sakin ang kaklase kong bakla na napasulyap pa sa kasama ko.

“Kanina pa kita tinatawag... Anyway, sino yang kasama mo? Baka naman pwede mo akong ipakil—”

“Sabihin mo na kung anong kailangan mo sakin dahil marami pa akong gagawin.” putol ko. Balak pa yatang magpacute sa kasama kong panira ng araw.

“Ay, Ang taray. Gusto ko lang naman sanang ipaalam sayo ang tungkol sa book binding na gagawin natin.”

“Next week pa yan sisimulan.”

“Pero sabi kasi ni Mitchy, ngayon daw natin sisimulan ang paggawa nun. Para next month, mapasa na natin before deadline.”

Isa pa 'tong book binding eh. Kailan ko ba mabibigyan ng tamang pahinga yung sarili ko kung sunod-sunod 'tong mga gawain namin?

“Pwede bang... Excuse muna ako? Babawi ako—”

“Kay Mitchy ka na lang magpaalam, hindi sakin.” mataray na sagot niya tsaka ako tinalikuran at naglakad paalis.

Paniguradong, gabi na naman ako makakauwi. Tapos may trabaho pa 'ko bukas after class at hindi din naman ako makakapagpahinga sa oras na yan.

“Hey!”

Napatingin ako sa kasama ko na biglang lumabas at hinabol yung classmate kong bakla. Papatulan niya ba ang baklang yan? Geez. I can't imagine.

May kung ano silang pinag-usapan na hindi ko naman dinig dahil malayo ako sa kanilang pwesto. Nakita ko kung paano kiligin ang baklang yun sa tuwing magsasalita si Izon.

“Thank you.” sa dinami dami ng pinag-usapan nila, yan lang ang narinig ko.

“Ayos na. Pwede na tayong mag-date.” nakangiti niyang sabi nang makabalik siya sakin.

“Anong date? May gagawin—”

“Ayos na nga. Next time ka na lang daw tumulong sabi ng kaklase mo.”

Matalim ko siyang tinitigan habang naka-cross arms at sinuring mabuti ang kanyang expresyon. Napatingin din ako kay bakla ngunit nag-thumbs up lang siya sakin at tumalikod.

Panigurado, may sinabi na naman 'to sa baklang yun.

“Anong ginawa mo?” seryoso kong tanong pero tinawanan niya lang ako. Hinawakan niya 'ko sa kamay at walang pag-aalinlangan na inakbayan ako tsaka hinila palabas sa classroom. “Masyado mo naman yatang kina-career ang pagiging feeling close—” saglit akong napahinto nang mas lalo niyang binilisan ang paglalakad at nagmumukha akong kinakaladkad sa lagay na 'to.

“Hindi pa ba matatawag na closeness yung ginawa natin kagabi—ARAY!” napadaing siya sa sakit dahil sa pag-apak ko sa kanyang paa.

Serves him right. Pasalamat siya at hindi masyadong mataas yung heels ko ngayon.

“Diyan ka na nga!” kumawala ako mula sa pagkakaakbay niya at mas binilisan ang paglalakad.

Hindi talaga magandang desisyon ang pakikipagkita ko sa kanya kagabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status