Share

KABANATA 6

AZALEA

"I told you. Kumakain ako ng dinuguan." 

Kaagad kong tinuhod ang alaga niya nang makalapit ulit siya sakin at nakita ko kung paano siya mamilipit sa sakit.

"Alam mo, kanina pa ako nagtitimpi sayo. Kung hindi mo mapigilan yang kalibugan mo. Pwes! Lumayo ka sakin kung ayaw mong mapuruhan ng todo." 

"B-Biro lang yun. D*mn! Sineryoso mo naman." namimilipit pa din siya sa sakit habang nakahawak sa ano niya.

Hindi porket binigay ko yung sarili ko sa kanya kagabi, eh pwede niya na 'kong galawin kahit anong oras na gusto niya. Asa siya!

"Kahit ganito ako kag*go, nirerespeto ko pa din ang dinugua-" napalayo siya sakin nang aakmang sisipain ko sana siya. "Sabi ko nga, titigil na ako." napa-peace sign pa ang loko.

Lumabas ako sa condo niya at binilisan ang paglalakad papuntang elevator. Saktong malapit na siya papuntang elevator nang sumara ito. 

Mabuti na lang at hindi siya nakaabot. Tsss.

Bumukas ang elevator pagkarating ko sa main floor. Mabilis akong naglakad dahil ayokong maabutan ng manyakis na yun.

"Azalea! Anong ginagawa mo dito?" 

Muntikan na 'kong matumba dahil sa biglaang pagyogyog ni Nixel sa balikat ko.

Lagot. Nakalimutan kong nandito din pala sa building ang condo ng kapatid niya.

Akala ko ba umuwi na siya?

"Kasama mo ba yun? Boypren mo? Sa kanya ba galing yung mga kiss mar-" may panguso-nguso pa siya sa banda ni Izon na kakalabas lang sa elevator kaya mabilis ko siyang sinagot.

"Nixel naman, ilang beses ko bang sasabihin na kinagat lang yun ng langgam at hindi ko kasama ang lalaking tinutukoy mo." rason ko.

"Ayt. Oo nga pala."

Bumaling ako sa kasama niya at yung kaninang naiinis kong expresyon ay napalitan ng ngiti dahil nakita ko na naman siya.

"Hi Mixz." bati ni Nizel. Kakambal ni Nixel.

Siya lang yung kaisa-isang taong tumatawag sakin as Mixz kaya feeling ko special ako sa paningin niya. Yiiie.

Gwapo si Nizel kaya hindi naman sigurong nakakapagtataka na magkagusto ako sa kanya. May mga side kasi siyang hindi ko makita sa ibang lalaki. Matagal na 'kong may gusto sa kanya, since first year college. Nasa engineering department siya habang nasa Business education naman kami ng kakambal niya.

"H-Hi." medyo nauutal pa 'ko dahil sobrang ganda ng ngiti niya.

"Bakit ka nga pala nandito? May-"

"We went to my condo. Alam mo na, galawang lalaki, pre." panira 'tong umakbay sakin.

Ang sarap lang ibitin patiwarik ang siraulong 'to. Ang hilig sumulpot at umakbay. Grrr.

"Ah..." napakamot si Nizel na para bang nahihiya kaya inis kong binalingan ng tingin si Izon at tinitigan siya ng masama.

"Ano bang pinagsasabi mo?" iwinaksi ko ang braso niya bago bumaling kay Nizel.

"Boyfriend mo?" 

Anong boyfriend? Hell No!

"Hin-"

"Oo. Boyfriend niya ako." napatingin ako kay Izon na siya'ng sumagot.

"Seryoso?" sabat naman ni Nixel.

Ano ba naman 'to.

Paano ko naging boyfriend ang manyakis na 'to? Isang napakalaking Yuck!

"Mukha ba 'kong nagbibiro?"

Sige lang Izon. Humanda ka sakin mamaya kapag nakaalis na 'tong si Nizel. Makakatikim ka talaga sakin ng tatlong bituin.

"No! He's not-"

"Bakit hindi tayo kumain sa labas? Ano sa tingin niyo? Para na din ma-celebrate natin yung pagkakaroon ng boypren ni beshiewap." pangunguna ni Nixel kaya napa-poker face na lang ako dahil dun.

Bakit ba ayaw muna nilang makinig sakin?

Hindi ko nga siya boyfriend.

"Nixel!?" nagbabanta ang tonong sambit ko.

"What?" 

Napa-irap na lang ako sabay buntong ng hininga. Nakaka-stress kaharap 'tong mga 'to. Buti na lang at nandito yung stress reliever ko.

"Sure. Payag kami ng baby ko." muli na naman akong inakbayan ni Izon at nakita kong masama yung tinging ipinupukol niya kay Nizel.

Nang-iinis ka ba talagang siraulo ka?

"Guys! Listen, hin-"

"Whatever." putol sakin ni Nixel at hinila na yung kakambal niya palabas ng building. Kinaladkad din ako ni Izon palabas habang hindi pa din inaalis ang pagkaka-akbay niya sakin.

Sinisiraan talaga ako ng dalawang 'to sa harap ni Nizel.

**El grande Restaurant

"Awwwiiie! Ang gwapo ng boypren mo, beshie." napapalundag na sabi ni Nixel na para bang kinikilig.

Kailan ko ba masasabi na hindi ko jowa ang lalaking yun? 

Pagkarating namin dito sa restaurant, kaagad akong pumunta sa CR at hindi ko namamalayang sinusundan pala ako nitong kasama ko.

Syempre, ano pa ba ang magiging dahilan niya sa pagsunod sakin, edi ang maki-chismiss at asarin ako sa boyfriend ko kuno.

"Hindi ko nga siya boyfriend." giit ko

"Huwag ka ngang ganyan. Seryoso yung tao, tapos panay naman ang deny mo."

Kita niyo na? Nagsasabi na nga 'ko ng totoo para tumigil na sila sa kaka-assume na boyfriend ko yun. Baka tuluyan na 'kong mawalan ng pag-asa kay Nizel dahil aakalain niyang taken na talaga ako.

"Kasi yun naman talaga ang totoo. Hindi ko boyfriend ang siraulong yun."

"Eh, bakit sinabi-"

"Hindi ko alam. Trip niya lang yun at ayokong sakyan ang mga kalokohan niya." 

Itinapon ko sa trash bin ang ginamit kong tissue tsaka naglakad palabas ng CR. Nakasunod lang sakin si Nixel at mukhang napaniwala ko siyang wala talagang kami ni Izon.

"Sad." mahinang sambit ng kasama ko "Akala ko pa naman, kayo na talaga." hihirit pa talaga, ano?

"Tigilan mo 'ko ha." seryoso kong baling sa kanya at nagpauna na ng lakad pabalik sa table namin.

"Mixz, dito ka na sa tabi ko." 

Kaagad akong nabuhayan ng loob nang tinawag ako ni Nizel at pinapaupo sa tabi niya. Balak ko na sanang lumapit sa kanya nang biglang may tumikhim dahilan para mapatingin ako kay Izon.

"Boyfriend here. Dito siya uupo sa tabi ko." 

Halos manlumo ako dahil sa sinabi niyang yun. Napatingin ako kay Nizel at nagbigay lang siya ng pilit na ngiti bago sumagot

"Ah.. Ge."

Yun na yun eh. Nasa tabi ko na sana yung pangarap ko. Bakit ba puro panira ang isang 'to?

Hindi siya pwedeng umasta na parang boyfriend ko sa harap ni Nizel dahil kung wala na akong chance noon sa kanya, how much more kapag may nagpapanggap akong boyfriend ngayon?

Inirapan ko lang si Izon bago nagpatuloy ng lakad sa tabi ni Nizel ngunit mabilis na lumapit sakin si Nixel at bumulong ng "Dun ka na umupo, dito na 'ko tatabi kay twinie" at inunahan na nga 'ko ng upo.

Wala na. Wala na talaga akong pag-asa na tumabi kay Nizel.

Padabog akong umupo sa tabi Izon at kahit na ayokong ipahalata na naiinis ako, tagos pa din ang katagang inis.

"Mas gwapo parin ako kumpara sa lalaking yan." bulong sakin ng katabi ko kaya imbis na sagutin ko siya, idinaan ko na lang sa pagkurot sa tagiliran niya.

Wala akong paki kung masaktan ko siya. Panira siya ng araw. Tsss

Maya-maya lang ay dumating na yung inorder nila. Inilapag isa-isa ng waiter ang pagkain at wala na ni isang nagsalita samin kaya nagsimula na kaming kumain.

Siguro naman, may dalang pera na 'tong katabi ko dahil kung wala, susmaryosep! Mahiya naman siya dahil sa pagpayag niya na sumama sa dalawang magkapatid. Tsk

"Bricks?"

Bricks? Anong Bricks?

Napatingin kami sa babaeng nagsalita mula sa likuran namin ni Izon. Nasa 30's pa lang yata ang edad nito base sa nakikita ko sa balat niya. Halatang mayaman at mamahalin ang suot na damit.

"What are you doing here-obviously you're eating. Sino yang mga kasama mo? New friends?"

Napahinto kami sa pagkain dahil pokus ang mga mata namin sa bagong dating.

Medyo namumukhaan ko ang babaeng 'to dahil nakita ko silang magkausap kahapon ni Izon sa living area ng bahay nila habang tumatakas ako- Mommy niya yata yan eh. Sa pagkakaalam ko.

"Uhm.. Yeah mom."

Mommy nga niya

"Hello po. I'm Nixel Kismet Ghrae," nakangiting pagpakilala ni Nixel "and this is Nizel Kiszer. Kakambal ko po" baling nito sa katabi niya.

Napangiti ang ginang sa paraan ng pagpapakilala ni Nixel. Medyo nahihiya pa 'ko dahil hindi ko alam kung paano ako magpapakilala. Feeling close din naman kasi 'tong kaibigan ko.

"And you?" baling nito sakin.

Sinasabi ko na nga ba. 

"Si Azalea po yan, girlfriend ng anak niyo." sagot ng kaibigan ko sa mommy ni Izon na siyang ikinagulat ko.

Alam kong may pagka-loko loko 'tong si Nixel minsan, pero hindi ko ini-expect na sasabihin niya yun. Akala ko ba malinaw na sa kanya yung sinabi ko kanina?

"Really?"

Tsss. Asa pa.

"Yes po, tita-" napahinto si Nixel sa pagsasalita nang biglang tumayo si Izon at hinarap yung mommy niya.

"No mom, she's not my girlfriend." napatahimik ang lahat nang sinabi niya yun. Ultimong kumakain dito sa restaurant ay nakikisabay sa katahimikan namin.

Yeah. I'm not his girlfriend kasi para sa kanya, I'm just his fvcking sex slave. But why do I feel this way? Parang daig ko pa ang babaeng itinanggi ng jowa niya sa harap ng magulang nito.

Hays. Wala lang 'to.

Comments (20)
goodnovel comment avatar
Jailen Samson
pa unlock po ng next chapters please
goodnovel comment avatar
Anna Astorga
plssss open excited n ako
goodnovel comment avatar
A Lisa Delapeña Balasbas
Sana ay ma unlock po .
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status