Share

Chapter 2: First Love

Busy sa opisina dahil end of the month na, tinatapos ng lahat ang kani-kanilang monthly reports. Maaga naman akong pinatawag ni Madam Ivy.

"Good morning po, Madam Ivy!" Madam ang tawag ko sa kaniya dahil naging biro na namin ito na mukha siyang asawa ng mayamang business man. Maputi kasi at tsinita, yung tipong yayamanin.

"Good morning, Jenna. How are you today?" Ganting bati nito na nakangiti. Tambak ang mga papel sa harapan nito.

"Mabuti naman po, Madam." Umupo na ako at alam kong mahaba haba na namang litaniya ito. Hinanda ko na din ang papel at ballpen para magnotes sa mga iuutos nito.

"Oh, wala pa naman akong sinasabi. Nakahanda ka na agad magsulat dyan." Pabiro ni Madam, dahil hawak ko na ang ballpenn at tipong maguumpisa ng magsulat.

"Relax ka lang muna, Jenna. Kaya hindi ka magkaboyfriend eh, masiyado kang seryoso." Biro nito na may halong pangaasar.

Hindi ko alam kung matatawa ako o malulunkot dahil bigla kong naalala ang una kong pagibig.

Tatlong taon na nga ang nakakaraan ng nagbreak kami ng una at huli kong nobyo, si Cris. Nakilala ko si Cris ng nagtatrabaho pa ako sa law firm. Lagi ko ito noong nakakasabay sa elevator at isang araw nga ay naglakas loob itong kausapin ako.

"Miss, pwede bang makipagkilala?" Sabay lahad ng kamay nito.

"Ha?" Dahil sa gulat ay yun lang ang nasagot ko. Medyo iniwas ko pa ang sarili ko sa binata dahil dalawa lang kami sa elevator nun at naiilang ako.

Maputi at may pagkachinito si Cris, maganda ang ngiti kaya naman agad akong nakaramdaman ng kilig. Simula noon ay lagi na ako nitong kinakausap at paunti unti ay lumalagay na ang loob ko sa kaniya. 

Hanggang sa isang araw ay nagpasiya na nga itong manligaw. Nagpapadala ito ng bulaklak at pagkain sa opisina at hindi nga naglaon ay sinagot ko siya.

Sariwang sariwa pa sa ala-ala ko ang araw na yun. Inantay niya akong matapos sa trabaho dahil sabay daw kaming magdidinner. Simpleng araw lang yun at habang naglalakad kami patungo sa kainan ay huminto ito sa paglalakad.

"Oh bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Jenna, matagal ko na sanang gustong malaman." Mahinang tanong nito na tumitig sa mga mata ko.

"Ang alin?" Tanong ko sa kaniya pero parang alam ko na din kung ano ang sunod na sasabihin nito.

"Will you be my girlfriend?" Sabay tikhim nito, siguro ay dahil sa kaba.

Ng mga oras na yun ay para akong nakalutang, gusto ko na din si Cris dahil mabuti itong lalaki at napakagentleman. Hindi na ako nagpakipot pa at sinagot ko siya ng araw na yun.

Hindi siya magkamaway sa saya at ganun din naman ako. Ganun pala ang pakiramdam ng may boyfriend.

Dumaan ang mga araw at naging masaya ang aming relasyon. Halos araw-araw ay sabay kaming kumakain ng dinner at hinahatid niya ako sa bahay. Sa Valenzuela lang siya umuuwi kaya naman hindi naman siya nahihirapan dahil malapit lang ito sa amin.

Nakakahiya man ay siya ang nakauna sa akin nung magiisang taon na kami. Nakuha niya ako ng inosente pa at walang kamalayan. Sa kaniya ko naexperience ang maging isang tunay na dalaga. At dahil din siguro dun kaya ko siya minahal ng husto.

Noong mga panahon na yun ay iniisip ko na siya na siguro ang "The One” para sa akin.


Isang gabi ay nagaya siya sa kanila at doon na daw kami kakain. Pumayag naman ako at nagsabi siya na manunuod kami ng movie. Habang nanunuod ay nagsimulang maglikot ang kamay niya.

"Cris, wag wala ko sa mood ngayon." Tanggi ko dahil masama ang timpla ko ng araw na iyon. Pakiramdam ko kasi ay parating ang regla ko.

"Ha, bakit? Okay ka lang ba?" Tanong ni Cris pero hindi pa rin tumigil sa ginagawa.

"Masama kasi ang pakiramdam ko." Sagot ko naman habang tuloy lang sa panunuod.

"Edi papagandahin ko ang pakiramdam mo." Bulong nito sa tainga ko at nagumpisa ng tanggalin ang damit ko.

"Cris, ano ba? Wag muna ngayon please." Pakiusap ko dito dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Nanlalambot ako na hindi ko maintindihan.

At dahil nga hindi ko na napigilan si Cris ay nagpatuloy ito sa kanyang balak.

"Babe, sa taas ka naman." Bulong nito na pilit akong pinapapatong sa kaniya.

"Ha? Ayoko babe. Alam mo naman na..." Biglang akong tinulak ni Cris at napamaang ako sa gulat.

"Para ka namang tuod! Para akong nakikipagsex sa manika!" Sigaw nito.

Sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita. Anong nangyari bakit bigla siyang nagalit?

Umalis ito at dumiretso sa banyo. Maya-maya ay nadinig ko ang tunog ng shower.

"Nagalit ba siya dahil hindi pa ako marunong sa kama? Alam naman niya na nakuha niya akong virgin. Para yun lang ay nagalit na siya?" 

Diko namalayan na unti-unting tumulo ang aking mga luha. Dahan-dahan akong tumayo para magdamit. Naawa ako bigla sa aking sarili ng mga oras na yun. 

Nang madinig ko ng palabas si Cris ng banyo ay nagmadali ako na kinuha ang aking bag. Tumakbo ako palabas at naghanap ng masasakyan. Hindi ko na alam kung sumunod ba siya o hindi dahil lunod na ang mga mata ko sa luha.

Pumara ako ng taxi at agad na sumakay. Naisip ko, "Sex lang ba ang habol niya sa akin at ng makuha niya na ko ay ganun na niya ko kung ituring?" Nasasaktan ako sa iniisip kong yun. Dahil akala ko ay mahal niya ko. Hindi ko akalain na dahil sa simpleng bagay na hindi ko siya napagbigyan ay itutulak niya ako.

Nagtuloy sa pagtulo ang mga luha ko at pagtingin ko sa labas ay nasa tapat na pala ako ng aming bahay.

Kinabukasan nga noon ay pumasok ako sa opisina na parang walang nangyari. Masakit pa rin sa akin pero dahil nga mahal ko si Cris ay kailangang magkausap muna kami. Bibigyan ko siya ng chance na linawin ang lahat at baka naman namisunderstood ko lang siya.

Lumipas ang buong araw, hanggang sa isang linggo na ay walang Cris na nagtangka man lang na kausapin ako. Walang tawag o text man lang.

Nagantay ako. Sabi ko sa sarili ay kung mahal niya ako ay mauuna siyang magreach out sa akin. Pero wala, ni hindi ko ito nakikita sa building o nakakasabay sa elevator. Iniiwasan ba niya ako?

Hanggang sa tatlong linggo na ay nagpasiya akong lunukin na ang aking pride.

"Jenna, kaya mo yan. Ikaw na ang unang magapproach, tutal ikaw naman yung biglang umalis."

"Okay, sige na nga.." Sagot ko sa sarili.

Kaya pagkatapos ng trabaho ay agad akong umakyat sa floor kung saan nagtatrabaho si Cris. Isa itong IT personnel sa pinapasukang Constructing Company. Habang naglalakad ay di mawala ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya pero bahala na.

Nang makita ko ang pinto ay sumilip muna ako, buti ay glass door kaya tanaw ko ang loob ng opisina nila. At doon, mula sa pinto ay kitang kita ko si Cris na nakaupo sa mesa ng reception at nakikipaglampungan sa isang babae. May padampi dampi pa si girl sa braso ni Cris, na parang close na close sila.

Bakit parang ang saya saya pa ni Cris? Kaya naman pala hindi ako makuhang suyuin o kausapin man lang nito, may iba na pala itong pinagkakaabalahan. Ibig bang sabihin ay wala lang sa kaniya ang lahat? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Bagsak ang balikat at dahan-dahan akong naglakad palayo.

Mula nga noon ay hindi na din ako nagtangka kausapin si Cris or itext man lang. Wala na din akong balita sa kaniya. Ilang linggo akong iyak lang ng iyak at hindi makatulog.

Sinisi ko ang sarili ko, hindi siguro ako sapat para sa kaniya. May kulang siguro sa akin. Hindi siguro siya satisfied sa katawan ko. Nanliit ang tingin ko sa sarili. Pangit na pangit ako sa mukha at katawan ko nung mga panahon na iyon. Lalong bumababa ang tingin ko sa aking sarili ng dahil sa nangyari.

May mga araw naman na galit ako sa mga lalaki. Niloko niya ko, isa siyang babaero! Siguro ay madami na siyang naloko at nabiktikma. Pagkatapos niyang makuha ang pagkababae ko ay iniwan niya ko ng ganun na lang? Lahat ng lalaki ay pare pareho lang!

Masakit dahil siya pa ang nakauna sa akin. Pinagsisihan ko na sa maling lalaki pa yun napunta.

Kaya simula noon ay tinuon ko ang sarili sa trabaho. Hindi na ako muling nagpauto sa mga lalaki kahit pa may mangilan-ngilan na nagtatangka na manligaw sa akin. Sabihin niyo ng man hater ako pero hindi ako papayag na masaktan o malokong muli.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ah kaya pla salbahe naman
goodnovel comment avatar
Salve Ragay
i like this story
goodnovel comment avatar
オヤモラプルガ ジェニー
Bad trip scam
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status