Share

Chapter 1

Mahigpit ang naging kapit ko sa medyo makapal na libro sa architecture. Bumaba ang tingin ko sa kumikinang na bagay sa daliri ko at bumalik sa alaala, ang nangyari dalawang araw na ang nakakalipas.

I am married to Draven Reil Monticello. Bigla akong ginapangan ng kaba imbes na saya at excitement sa naisip. I need to do this. You have to do this, Mavis. Trying to convince myself—I took a deep breath.

We are secretly married, and that was at the request of Draven. Sa pagkakaalam ko ay mga kaibigan lamang niya ang nakakaalam at bukod d'on ay wala na. Sa part ko naman ay si Tiya Ysabella at Kiara lang. Pumayag na rin ang parents niya para lang hindi sila mahirapan pa sa pang b-blackmail dito. Kahapon lang ay kakalipat ko lamang sa bahay niya. What happened was a disaster.

Malalim akong bumuntong hininga at inayos ang makapal kong salamin bago bahagyang nilingon ang mga estudyanteng nakatingin sa akin.

Nakasuot ako ng skirt na doble ang haba kaysa sa required na sukat. Si Tiya ang may kagustuhan nito kaya wala naman akong nagawa. Nakasuot ako ng black na medyas abot tuhod at itim na sapatos na walang heels kahit required ay hindi ako nagsuot dahil nahihirapan akong maglakad, ang pangitaas naman ay tulad lamang din ng sakanila, long sleeve na white sa loob at black na coat saka isang necktie. Nakapusod ang buhok ko na maayos at plantsado, maihahalintulad sa buhok ng isang strikto at matandang dalagang professor.

Ang iba ay tila nandidiri at ang iba ay medyo natatawa, tulad dati. Ngunit hindi ko nalamang pinansin dahil nandirito naman ako para mag-aral, hindi maging fashion model.

"Dedmahin ang mga laitera at irampa ang mukha kahit walang ganda."

Iyon ang motto ko sa t'wing nasa sitwasyon ako na ganito, who cares anyway?

Malakas ang loob na humakbang ako papasok ng unibersidad ngunit hindi pa lang ako nakakaabot ay may kung sinong kinulang sa aruga ang pumatik sa akin na malakas kong kinabagsak sa sahig.

Rinig ko ang malalakas na halakhakan na wala naman akong pakialam dahil noon pa man ay sanay na ako sa ganitong eksena. Kung sana'y naagapan ko ay baka naiwasan ko pa.

"Feeling maganda kasi."

"Bulok!"

"Loser! "

"Stupid kasi!"

Masakit man ay mas inuna kong kapain ang salamin ko dahil wala akong makita at nang mahanap iyon ay saka ko isinuot at parang walang nangyari akong tumayo. Akala ko 'pag-college, kahit paano, mature na. Bakit ang mga iyon parang naliligaw ng landas o baka sadya talagang kinulang sa kalinga?

Hindi ko sila nilingon at derederetsong pumasok, wala naman akong mapapala kung makikipagaway ako sa kanila. We are not young anymore kung sila nakalimutan nila 'yon ako hindi.

Mas maganda nalang manahimik kesa makipagtagisan ng salita at makipagaway. Education requires manners. Education is nothing without them.

Ang hirap kasi sa mga taong nag-aaral nga pero tila hindi nila napag-aaralan ang tamang pag-uugali ng isang edukado. In my case, I'd rather shut up. Kung hindi ko gagawin 'yon ay madaling masisira ang mga plano.

Habang naglalakad ay pinapagpagan ko ang suot kong namantsahan ng dumi dahil sa pagkabagsak ko kanina. Hindi ako umiiyak sa ganitong bagay, kaya wag niyo nang asahang iiyakan ko ang nangyari. It was just a normal event for me.

"My God! Anong nangyari sa 'yo?" Naglabas si Kiara ng panyo at tinulungan akong pagpagan ang suot ko pababa sa binti ko na napunti na pala ang stocking.

"Wala nadapa lang," kalmadong sagot ko na parang tinanong lang ako kung saan ako nagpunta at sinabi kong 'dyan lang'.

"Pinatid ka nanaman?" alam naman na niya 'yan.

"Normal na 'yon."

"For Pete's sake, Mavis! We should report this! Aba hahayaan mo na lang na araw-araw kang pumasok na may libreng pasa sa tuhod? Dumi sa damit at dapa sa entrance?" Magsasalita na sana ako ng makitang dumaan ang grupo ni Drei, nagtatawanan ang mga kaibigan nito ng aksidente niya akong makita, hindi ako nag-iwas nang tingin, nilabanan ko ang mga tingin niya hangang siya na mismo ang nag-iwas na parang hindi niya ako kilala.

"Mavis!?"

"A-ah, hayaan mo na, mahirap magkaroon nang kaaway, lika na?"

"Bakit kasi napakamaunawain mo?" hindi ako maunawain Kiara, may rason ang lahat ng ito. At dahil sa rason na mayroon ako, kailangan kong magpanggap.

"Hindi ko lang ugaling magpalaki pa ng gulo Kiara, kaya okay na hmm?"

"Naku Mavis ah! Kapag talaga tumaas na ang level ng katarantaduhan ng mga 'yan makakaabot ito kay dean."

"Oo na, oo na, dalian mo na dyan at baka maunahan pa tayo ni Sir Pantaleon eh masaraduhan pa tayo ng pinto." Wala siyang nagawa kundi magpatangay sa akin.

"Andyan na siyaaa!"

"Argh grabe talaga, ano bang tingin niya nasa high school pa siya para magpalda ng super haba?"

"Kadiri talaga, ew!"

"Mukha siyang matandang dalaga."

"No wonder walang pumapansin sa kaniya, ang pangit-pangit na nga ang baduy baduy pa!" Sinundan 'yon ng halakhakan ng grupo nila. Palibhasa mga buhay prinsesa at sunod sa luho, iba talaga ang nagagawa ng pera. 'Yon nga lang, hindi kayang bilhin ng pera nila ang 'utak', kaya wala sila n'on.

Napailing na lang ako at dumeretso sa upuan. Mabuti na lang talaga at kahit papaano pinagpala parin ako dahil mabait ang naging katabi ko, hindi laiterang feeling maganda mga wala namang ibubuga, multiplication table nga hindi pa nila kabisa.

Architecture is one of the toughest courses. Hindi siya madali, kaya naman lahat ginagawa ko para maipasa ang course na ito para kahit 'yon lang magawa ko para kay Tiya.

The discussion and quizzes go on. Maya maya lang ay nakaramdam ako ng tila kung anong dinidikit sa likod ko at nang kapain ko iyon ay mga nginuyang bubble gum ng mga lintek na palakang nasa likuran ko.

Sa sobrang pagkainis ay napatayo ako na siyang kinagalit ng instructor naming napakaistrikto.

"Miss Schneider, get out!"

Nakarinig ako ng tawanan sa likuran na hindi ko pinansin at tiningnan na lang si Kiara na halatang naiinis na rin.

This is not the first time na napalabas ako. Pwero bwisit lang dahil nasira nanaman ang kagustuhan kong tutukan ang subject na 'yon. Bwisit! Wala akong nagawa kundi hubarin ang suot na coat dahil sa mga bubble gum na alam kong hindi na matatanggal.

"Dude, type na type ka kaya ni Zaira, 'di ba type mo rin 'yon? Ang ganda na ang sexy pa at dude! Ang bait!" Aksidente kong nalingon ang dumaan at nagulat akong sila Drei iyon. Napatingin sila sa akin at nakita ko ang pandidiri sa expression ng ilan niyang kaibigan at nagbulungan pa saka nagtawanan at binulungan rin si Drei bago tinapik sa likuran na kinatawa rin nito.

My pain returned, but neither did it cause my tears to fall. Nakatulala lamang ako sa kanilang naglalakad papalayo ng walang kahit anong emosyon. I can see how girls drool over them.

Palibhasa kasi mga gwapo ang grupo ni Drei kaya mabilis mapansin lalo na ng mga kababaihan. Kahit sa college, meron paring grabe kung tumili, siguro hindi na talaga maiiwasan ang ganung bagay kahit saan pa 'yan, may mga babaeng obvious. Pero siguro, mas okay na 'yon kaysa sa mga babaeng nasa loob ang kulo, tulad ko.

Ilang minuto pa ako roon na nagantay, pinagmamasdan ang mga estudyanteng daanan att lipasan lamang ako.

They have their own world where I couldn't fit in.

Nang makita ko ang grupo ni Drei na masayang nakikipagusap sa isang grupo ng mga nagagandahang babae ay tila pinokpok ako ng katotohanan sa kung sino ba talaga ako sa lugar na ito. Isa lang naman akong hamak na nerd. Walang nakakapansin at walang nakaka-appreciate.

Kadalasan kinaaayawan, pinandidirihan, at ginagawang katatawanan. May pakinabang lang naman ako t'wing exams at mga reporting activities. After no'n, balewala na ako sa kanila.

Isa lang daw akong walang kwenta, isang basurang hindi nababagay sa mundo nila.

Hindi nila alam, may isang natatagong pagkatao ang pilit kong pinagtatakpan gamit ang salaming suot-suot ko. At kahit anong mangyayari, hindi ko hahayaan na makahadlang sila sa lahat ng ginagawa ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
dolly Colance
hmmm palaisipan nman ito kung ano Ang itinatago mo ate gurl...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status