Share

Chapter 4

Hindi ako napigilan ni Kiara, pero si draven halatang ayaw.

Pagkauwi ko kasi ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at padarag na hinila agad papasok.

"A-aray drei m-masakit!" Reklamo ko ng makaramdam na ng sakit dahil sa kapit niya marahas naman niya akong binitawan.

"Bakit ka pumayag?!"

"Ano naman ba kung pumayag ako?" Malumanay na tanong ko.

"Hindi ka bagay sa lugar na 'yon." Alam ko pero tulad ng sabi ko kanina, iba ang pakay ko.

"Asawa mo naman ako, kahit sa papel lang may karapatan din naman akong pumunta, saka inimbita ako ng kaibigan mo nakakahiya naman kung tatanggihan k-

"Shut the fvck up mavis! Naiirita na ako sa iyo! Sa school, dito sa bahay pati ba naman sa birthday ng kaibigan ko nandun ka parin?! Hindi ka pupunta!" May kung anong bumara sa lalamunan ko. He definitely want me gone, he just doesn't know how.

"F-fine, kung ayaw mo akong makita hindi ako magpapakita, basta pupunta ako." Pagkasabi ko noon ay nilampasan ko na siya. I also need an excuse, kailangan wala ako dito sa bahay at dapat alam niya para hindi siya maghinala.

"Don't make me see your face on jered's house then, pag nakita kita kahit 'yang hibla ng buhok mo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko mavis."

Why is it so hard for him to see my face? Ganun ba ako kapangit sa paningin niya? Tss.

Tulad ng nakasanayan ay nagluto ako ng gabihan. Naramdaman ko ang mga yabag niya papasok sa kusina at akmang dadaan na siya para dumeretso sa fridge ng tila magpatintero kami, kung saan ko kasi pinipiling tumabi ay dun din siya at iiwas nanaman ako ay ganun din siya.

"Aish tabi nga!" Malakas niya akong hinawi na muntik ko nang ikasubsob sa sink. Inambahan ko siya ng suntok at agad ring binawi ng lumingon siya saka ako sinamaan ng tingin.

"Ang sakit nun ah." Reklamo ko.

"Haharang harang kasi." Gusto ko mang sumagot ng pabalang ay pinagpasensyahan ko nalang at kumalma.

"Kumain ka na, nakaluto na ako." Sumandal siya sa sink at tinitigan ako mula ulo hangang paa saka umiling at naupo sa mesa. Himala tinupak siya.

Matapos ko siyang ipaghain ay nagulat ako ng tumunog ang phone ko, pareho kaming napalingon doon. Mabilis ko iyong kinuha at walang sabi-sabing lumabas ng kusina at dumeretso sa kwarto ko upang sagutin ang tawag. Siniguro ko munang nakalock ang pintuan bago nagsalita.

"What the fvck Amanda!?" Iyon ang bungad ko sa kaniya at narinig ko ang nakakaloko niyang tawa na halatang nasisiyahan pa.

"What?"

"How long do I have to be like this?!"

"So you want to quit?"

"No, hindi ko lang maatim itong---fvck! Paano ako magugustuhan ni Drei nito ang pangit ko?!"

"Ano bang importante sayo? Tawag ng pag-ibig o tawag ng katungkulan?" Sumeryoso na ang boses niya.

"Parehong importante sakin alam mo 'yan."

"Iwan ko ba naman kasi sayo red,

Bakit ba kasi nahulog sa isang 'yan, kung sana hindi 'yan 'yung crush mo edi sana ngayon hindi ka nagrereklamo?" Mariin akong napapikit, here we go again. Hindi ko rin naman inaasahan na magiging mission ko rin ang buhay ng taong mahal ko.

"Just want to remind you red, mission is a mission. Hinayaan kitang magmahal, hinayaan kitang sumaway sa isa sa patakaran so if you want him safe, do the mission and keep on pretending, as a nerd in that way no one will recognize you." If I am not one of them, sigurado akong matagal na akong umalis sa pagiging nerd. Pinalaki man ako ni tiya sa pagkamanang pero may alam naman ako sa mga usong fashion, hindi ko lang maiapply dahil sa sekretong trabaho ko.

"Fine,"

"Good," makapagsalita 'to kala mo siya ang leader at mas mataas sa aming dalawa.

"You're not coming with me this time?" Dati kasi ay nasama siya sa akin, kahit madalas na solo ko lagi ang mission.

"No, binigyan nanaman ako ng ibang gawain,"

"Okay,"

"Bye red good luck." Hindi na ako sumagot at pinatay ang tawag bago nanghihinang naupo sa kama.

Yes, I am something.

Yes, I am not just a nerd.

And yes, this is just a disguise and I am on a mission.

Mabilis kong inayos ang sarili at bumaba, naabutan ko pa si Drei na patapos nang kumain.

"Sinong tumawag sayo?"

"Si tiya," pagsisingungaling ko, tumango siya at nanahimik na.

Pretending is one of things I've mastered, since the day I've started to have a mission, but this is different.

Masyadong mahirap magpanggap kapag 'yung taong mahal mo na ang kailangan mong protektahan.

I can consider that drei is my hardest mission, to the fact that I need to bare his rough attitude towards me while we're in marriage. Mas lalo ko lamang rito mararamdaman kung gaano niya ako kaayaw. And that was something I has to accept.

Pagkaalis niya ay ako naman ang nagsimulang kumain pagkatapos ay hinugasan ko narin ang pinagkainan namin.

Nang masiguro ko nang malinis ang kusina at dumeretso naman ako sa pintuan para icheck ang lock.

"You're always checking that every night." Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Drei. Nang umangat ang tingin ko'y nakasandal siya sa safety rails sa second floor.

"Para masigurong nakalock, uso pa naman magnanakaw ngayon."

"Okay," tinalikuran na niya ako at pumasok na sa kwarto niya.

Nang umakyat ako'y napansin kong hindi iyon nakasara ng maayos kaya malaya ko siya nakita sa loob. He's busy solving something, sa kabila niya ay isang parisukat na table at nagkalat doon ang mga lapis at iba't ibang klase ng ruler. He's really passionate about his course, kagaya ng kung gaano ko kagustong maging arkitekto.

Napigil ko ang paghinga ng biglaan siyang humarap sa direksyon ko at kunot noo akong tiningnan habang nakatayo at naiwan sa ere ang pagikot sana kanina, napatitig siya sa akin na tila nagtataka at naroroon ako at maya-maya ay agad rin namang pinagpatuloy ang pagpihit kaya tanging likod nalamang niya ang nakikita ko.

Marahas akong bumuntong hininga at marahang naglakad papasok sa aking kwarto.

Always remember Mavis, It is just a temporary marriage, sooner or later you need to let him go, and file a divorce. Mission is mission, rules are rules, when the mission is over you need to set him free.

Bumigat ang dibdib ko sa naisip.

Hindi ako pwedeng manatili.

Fuck! Bakit kasi sa dami, si Drei pa?

-

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. CariƱo
anung misteryo ang nkpaloob s kwentong ito?!?
goodnovel comment avatar
Mary Ann Buena
chapter 6 po
goodnovel comment avatar
Mary Ann Buena
chapter 6 po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status