Share

The kasambahay [BL]
The kasambahay [BL]
Author: Cutiecane23

Chapter 1

'Psst.'


'Pssst.'


'Oyy pogi !! notice us~'


Kanina ko pa yang naririnig habang ako'y naglalakad dito sa tabing kalsada, mainit parin ang sikat ng araw kahit lampas alas dose na ng hapon.


'Pssst!'


'Pssssssttt!!!'


'Gwapo!!! Pogi !!!'


Naririnig ko pa rin ang pagsitsit na nanggagaling sa may di kalayuan, di ko naman ito magawang lingonin sapagkat sigurado akong hindi naman ako ang kanilang tinatawag. Unang una na ay wala sa itsura ko ang pagiging gwapo at pogi, hamak na probinsyano lang ako na napadpad dito sa maynila upang magtrabaho.

Pero sa isang iglap ay nagbago ang aking isip ng bigla na lang may kumapit at humigit sa aking braso.

"Oyy kuyang pogi, kanina ka pa namin tinatawag," sabi ng isang bakla.

"Ah pasensya na, akala ko kasi ay hindi ako ang tinatawag nyo." 

"Naku ha, pa-humple ka pa eh gwapo ka naman talaga, di ba gurls?" sabi nito sabay tanung sa iba niyang kasamahan.

'May iba pala syang kasama?' tanong ko sa aking isip. 

Dahil siguro sa gutom at pagod ay hindi ko na magawa pang mapansin ang ilang bagay sa aking paligid. Kahapon pa kasi akong hindi kumakain dahil ubos na ang kakaunti kong perang dala galing probinsya, kaya puro tubig lang ang laman ng sikmura ko mula kahapon ng tanghali.

"Oh ano pogi, tara na?"  

'Teka ano daw ?' dahil sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na narinig ang mga sinabi nila.

"Teka lang ha, san tayo pupunta? pasensya na hindi ko kasi narinig ang sinabi nyo", sabi ko pa.

"Eyy?" maarteng pagkakasabi nung bakla sabay tingin sa mga kasamahan nya.

"Sya from the top pala tayo? yun nga sabi namin ay baka naghahanap ka ng trabaho, kanina pa kasi ka namin nakikita dito na pabalik balik at saka taga probinsya ka ba?" walang habas na tanung nang bakla sakin.

"Oo taga probinsya nga ako at nagahahanapa ng trabaho dito."

"kung ganun its your lucky day kuyang pogi," masayang sabi ng isa pang bakla. 

Hindi na ako nakasagot at hinintay na lang ang kanila pang sasabihin.

"Nakikita ko sa mukha mo ang pagtataka kung bakit ka naging maswerte, isa lang naman ang sagot, eh di bibigyan ka namin ng trabaho!!" saad pa nito at sinamahan pa ng palakpak.

Para namang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng marinig ko ang sinabi nila. TRABAHO daw? tama ang rinig ko. Pero kahit siguro desperado na ako na magkatrabaho ay parang hindi nawawala sakin ang mag hinala at magduda sa kanila. Lalo pa't hindi ko pa alam ang trabahong ibibigay nila sakin.

"Talaga, bibigyan nyo ako ng trabaho?" 

"Oo nga, paulit-ulit pogi," saad nito habang nagpapalitan sila ng tingin na may kakaibang kahulugan.

"Alam mo naman na mahirap talaga makahanap ng trabaho dito sa maynila lalo na kung wala kang pinag aralan" 

Napaisip naman ako sa kanyang sinabi, pero kahit papaano naman ay may pinag aralan ako. Nakapag tapos din naman ako ng high School, at dahil sa hirap ng buhay ay di ko ninais na ipagpatuloy pa ang pag aaral sapagkat alam kong mas kailangan ng aking mga magulang ang tulong ko upang mapag aral pa namin ang iba ko pang nakababatang kapatid, kaya nga nakipagsapalaran na ako dito sa maynila upang makahanap ng trabahong may malaking kita.

Nagising lang ako sa aking pag iisip ng mapansin ang perang nasa aking harapan.

"Eto oh 150, para di ka naman lugi," turan nang bakla habang inaabot sakin ang pera.

'150? sa halagang iyan ay sigurado akong marami-rami ng pagkain ang mabibili ko dyan,' isip-isip ko pa habang napapahawak sa aking kumukulong tiyan. 

Hindi ko na alam kung utak pa ba ang gumagana sakin ngayon o yung kumukulo ko nang tiyan dahil wala na sa wisyo ang aking pagdedesisyon.

Pero kahit ganun ay hindi ko magawang abutin ang perang kanina pang naka lahad sa aking harapan.

"Bago ko tanggapin yan, pwede ko muna bang malaman kung anong magiging trabaho ko?"

"Naku pogi wag kang mag alala dahil madali na at sasaya ka pa sa trabaho mo haha", sabi ni bakla no. 2 na sinamahan pa nya ng nakakapangilabot na tawa, natakot tuloy ako para kaseng ilegal ang ipapagawa nila sakin.

Nainip at nangalay na siguro si bakla no.1 sa paghawak nung pera kaya naramdaman ko na lang na bigla at walang pasabi nyang isiniksik sa aking kamay ang pera.

"Oh ayan, wag ka nang masyadong mag isip, tara na. Pag natapos mo na ang iyong trabaho ay ibibigay namin sayo ang kalahati pa," sabi nito habang hila-hila na ang aking braso patawid ng kalsada.

Pakiramdam ko ay nagising ako bigla sa isang mahikang nakapaloob sa akin dahil sa isang sigaw.

'Ryan!!!' 

'Ryannnn!!!' 

'Teka lang!!!' 

Dahil sa narinig ay bigla akong napalingon, mula sa aking paningin ay may lalaking tumakbo papunta sa aking dereksyon. Nang makalapit ito ay bigla nya akong inakbayan.

"Kanina pa kitang hinahanap, bumili lang ako ay bigla ka ng nawala," sabi ng lalaki sabay abot sakin ng isang paper bag, sa tingin ko ay pagkain ang laman nito ang bango kasi lalo tuloy akong nagutom.

Hindi na rin ako nakasagot sa sinabi nya sapagkat hindi ko naman alam ang sinasabi nya at higit sa lahat ay hindi ko sya kilala.

"At sino naman kayo?" baling nyang tingin sa baklang nakahawak sa aking braso.

Binigyan nya ang mga ito ng nakakatakot na tingin na kahit ako ay kinilabutan dahil dito, pansin ko naman ang pamumutla ng mukha ng mga bakla at nagmadali nang nagsi-takbuhan. Halos maiwan pa nga ang tsinelas nung isang bakla sa bilis ng pagtakbo nila.

Habang tinatanaw ko ang pagtakbo nila ay bigla kong naalala ang perang nasa aking palad.

"Teka oyyy!!!! pera nyo," sigaw ko sa kanila pero kahit isang sulyap ay di nila nagawa pa.

Hahabulin ko pa sana sila kung hindi ko lang naramdaman ang mabigat na brasong nakapatong pa rin sa aking maliit na balikat.

Dahil sa katahimikan ay halos makalimutan kong may kasama nga pala ako dito kung di lang dahil sa init ng hawak kong paper bag ay di magbabalik ang ulirat ko.

"Ah eto nga pala ang pagkain mo," saad ko sa lalaki bang inaabot ang supot ng pagkain sa kanya.

"Hindi, iyo na yan," matipid nyang sagot.

"Ganun ba, kahiya-hiya man ay di ko na ito tatanggihan pa," iyon na lang ang nasabi ko sapagkat gutom na gutom na talaga ako. Medyo nawala ang hiya ko ng makita kong nginitian nya ako.

"Ah salamat nga pala pareng anoo?" hindi ko maituloy, di ko kasi alam ang pangalan nya.

"Dylan, yan ang pangalan ko," ngiti pa nitong sabi.

"Salamat Dylan para dito sa pagkain."

"Wala yun, mag ingat ka lagi." saad nito habang paalis na. 

Nang biglang may naalala ako kaya tinawag ko ulit sya.

"Teka pre, pwede mag tanong?"

Humarap ulit sya sakin at tumango tanda ng pag sang ayon.

"Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" tanong ko naman sa kanya, sigurado ako pangalan ko ang binanggit nya kaya nga napalingon ako kanina.

"Ryan talaga ang pangalan mo? " mangha nyang tanong sakin.

"Gawa-gawa ko lang yun kanina para may maitawag sayo. Akalain mo nga naman tama ang hula ko haha."

Napataas naman ang kilay ko, Ryan ba ang sabi nya? kala ko Rylan, wala akong magagawa, magkatunog kasi talaga.

"Naku hindi Ryan, RYLAN ang pangalan ko," tanging naisagot ko sa kanya.

"Rylan ba? Malapit at magkatunog talaga."

"Sabi ko nga pala sayo kanina ay lagi kang mag iingat maraming mga tao dito sa maynila ang magaling manlamang ng kapwa." sabi nito ulit.

"Ganun ba?" maang na tanong ko sa kanya.

Napaisip naman ako sa kanyang sinabi, tunay naman talaga iyon.

"Wait, dont tell me na di mo alam na niloloko kana ng mga baklang yon kanina?" di makapaniwala nyang sabi sakin.

Hindi ko sya sinagot habang bakas sa aking mukha ang pagtataka. Habang sya naman ay nakatingin sakin at di makapaniwala.

"Gagawin ka nilang callboy."

"Callboy, yun ba yung nagtatrabaho sa call center?" tanong ko sa kanya.

Sya naman ay di makapaniwla sa sagot ko at nai-sampal nalang nya sa mukha nya ang dalawa nyang kamay.

"Hindi, ang callboy ay yung lalaking prostitute, alam mo na?"

Napatango na lang ako sa kanya habang iniisip na.. 

"Yun pala ang call boy, ang alam ko kasi talaga ay lalaking call center agent yun eh." at napakamot na lang ako ulo ko. 

'Kung ganto ako ka-ignorante ay baka di ako makatagal dito sa maynila.'

Mahirap pala talaga dito sa lungsod, di tulad sa probinsya. Ang mga tao doon ay nagtutulungan kahit sa maliliit na bagay lamang, habang dito naman ay walang awang naglalamangan .

"Hayss." buntong hininga nya.

"Halika upo muna tayo dun para makapag usap pa tayo at para makakain ka na rin," anito sabay akay sakin palapit sa fast-food restaurant. 

Wala na akong nagawa at sumunod sa kanya, may upuan pala dun sa may tabi ng fast-food na binilhan nya ng pagkain kanina.

"Taga-probinsya ka ba?" tanong nya sakin pagka-upo ko sa tabi nya.

"Oo taga-probinsya nga ako, mag dadalawang linggo pa lang ako dito sa maynila magbuhat ng umalis ako samin." sagot ko naman habang nagsisimula nang kumain.

Pagkasabi ko nun ay naisip ko na medyo matagal na rin pala ako dito sa maynila, madumi na ang lahat ng damit na dala ko at ilang araw na rin na wala akong ligo.

Bigla naman akong napatingin sa aking sarili kaya siguro walang natanggap saking trabaho dahil madungis at madumi na ang luma kong damit at kupas na pantalon,ganun din ang pasira ko nang tsinelas na pinaglumaan pa ni tatay. 

Wala naman akong problema sa pagiging mahirap, bata pa lang ako ay tanggap ko na iyon, pero may pagkakataon na parang na aawa na ako sa aking sarili.

"Hey, Ok ka lang ba? bakit natulala ka na?"

Dahil sa boses na narinig ko at sa mukha nyang nakalapit sakin ay bigla kong naalala, di nga pala ako nag iisa dito. Tiningan ko na lang sya at sinabing...

"Ok lang ako."

Ngayon ko lang napagmasdan ng maayos ang itsura ni Dylan dahil sa malapit sya ngayon sakin. Halata na may lahi sya, matangakad mga 6ft. siguro, medyo kayumanggi ang balat at dark ang pagka blond ng buhok nya na parang kulay caramel. 

Ang mukha nya ay nakapa gwapo, kulay berde ang mga mata na napaka ganda talaga, matangos ang ilong, suma-total ay para talaga siyang model ng mamahaling mga relo at pabango na sa mga magazine ko lang nakikita. Bigla naman akong nanliit sa aking sarili sapagkat alam kong talaga namang walang wala ako sa itsura nya.

"Sigurado ka bang okay ka lang? wala bang ginawang masama ang mga baklang iyon sayo?" may pag aalalang tanong nya sakin.

"Haha wala talaga, baka gutom lang to." 

Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain, napansin pala nyang natulala na naman ako.

Napasilay na lang muli ako sa kanya ng isang beses pa at napaisip ng... 

'Sana all gwapo at mayaman'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status