Share

Chapter 6

Chapter 6

'Ang lamig ng tubig.'

Pagsaw-saw ko ng aking kamay sa holy water at nag sign of the cross. Tapos na kasi ang misa at palabas na kami ng simbahan.

"San na tayo pupunta Dylan?" 

"Supermarket maggo-grocery na tayo" sagot naman nya habang naglalakad papunta sa parking lot.

"Supermarket? hindi sa palengke?" takang tanong ko sa kanya

"Sa supermarket ako namimili, mas kumpleto kasi ang mga tinda dun at mas mabilis din hanapin" sagot naman nya ng maisuot na nya saakin ang seatbelt. 

Hindi pa rin kasi ako marunong.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang napakalaking establishmento ang daming tindahan at mga tao dito. Nakakatuwa pagmasdan.

"Ang ganda naman dito Dylan." manghang sabi ko sa kanya habang iniikot ang aking paningin sa paligid.

"Nasa MOA tayo" 

"MOA?" pangalan ba yun nitong lugar, masyado namang kakaiba.

"Oo, Mall of Asia, napakalaki talagang lugar ito na binubuo ng  pinagdugtungdugtong na mall. Ito ang pinaka malaking mall sa buong Asia kaya tinawag itong Mall of Asia" saad ni Dylan

Ah tango naman ako ng tango habang nakikinig sa kanya, wow lang ha napakalaki pala talaga ng lugar na ito at sigurado akong napakasikat pa.

Ang dami naming nadaanan na mga tindahan tulad ng tindahan ng damit, sapatos, mga pagkain at iba. Ang saya talaga pagmasdan lalo na at ngayon lang ako napasok sa isang mall sa probinsya kasi namin ay walang mga mall, purong bukirin lamang.

"Dylan ito ba yung kukumber?" tanong ko sa kanya sabay harap para ipakita yung hawak ko.

"Oo at cu-cum-ber yan hindi kukumber" pagtatama pa nya sa sinabi ko.

Hindi ko na lang sya pinansin at inilagay na lang ang cu-cum-ber sa parang bakal na lalagyan na may gulong, ewan ko kung anong tawag dito e kanina ko pa itong itinutulak.

Habang naglalakad ako sa pagitan ng mga estante na puno ng iba't ibang de lata at pagkain ay meron akong nadaanan.

May nakita akong graham cracker na nakapatong dito sa isa sa mga estanteng dadaanan dapat namin. Bigla tuloy akong natigilan, gusto ko itong bilhin kaso wala naman ito sa listahan ng mga bibilhin namin, baka magalit si Dylan. 

"Gusto mo ba yan Ry?" tanong ni dylan na lumapit pala sakin ng mapansin nya na tumigil ako at nakatitig sa tinapay.

"Ha! naku hindi, napatingin lang ako dyan." mabilis na sagot ko naman sa kanya.

Hindi naman sya umimik at nakita kong kumuha sya ng ilang malalaking lalagyan ng graham at inilagay sa cart namin, cart pala ang tawag dun sabi sakin ni Dylan kanina.

Tapos sya na ang nagtulak ng cart namin. Hawakan ko daw yung listahan at sabihin kung ano ang susunod na nakasulat doon.

"Ry, pwede mo naman bilhin ang gusto mo kahit wala dyan sa listahan kaya lang tayo may listahan ay para hindi natin makalimutan ang mahahalaga at kailangan nating bilhin." 

Napalingon naman ako sa kanya ng sabihin nya iyon. Ibig sabihin pwede din ako bumili ng gatas para sa balak ko? 

"Pwede din ba ako bumili ng gatas , yung matamis?" 

"Oo naman, kaso ano naman ang gagawin mo dun? kakainin mo ng puro?" tanong naman nya. 

"Syempre hindi," yun na lang ang naisagot ko sa kanya.

Nangmatapos kami mamili ay halos mangalay ang paa ko sa kalalakad kanina, sobrang laki ng supermarket, ang daming pagkain at iba't ibang gamit. Hindi nakakasawa tumingin at maglibot, yun nga lang ay nakakapagod talaga.

Nandito kami ngayon sa baggage counter daw nitong supermarket, ipapahabilin daw muna ang mga pinamili namin dahil may pupuntahan pa daw kami.

Sinusundan ko lang si Dylan, hindi ko na sya nagawang tanungin kung san ba kami pupunta.

Nasagot na lang ang aking katanungan ng pumasok kami sa isang pagupitan , mga babae ang barbero dito, barbera pala.

"Good morning mga sir." bati ng barbera

"Hair cut miss, yung babagay sa kanya," sabay turo sakin 

Nagulat naman ako, alam kong mahaba na talaga ang buhok ko, kaunti na nga lang ay aabot na sa balikat ko e pero di ko akalain na dito pa sa mall kami magpapagupit gusto ko sana ay mumurahin lamang.

Naramdaman ko na lang na sinamahan na ko ng barbera paupo dun sa harap ng salamin.

Mula sa salamin ay kita ko naman na umupo si Dylan dun sa may upuan sa likod ko, nakatingin ito sakin at nakangiti.

Gupit dito ,gupit dyan, tapos niliguan pa ang ulo ko , di ba gupit lang bat nila niliguan ang ulo ko? kakaiba talaga pag pangmayaman.

Nakatulala lamang si Dylan sa harap ko habang ako naman ay nagtatakang nakatingin sa kanya, ano kaya problema ng isang ito?

"Dylan! Sir!" Sabay pa naming tawag kay dylan. 

Para naman itong nagising sa katotohanan at biglang nag approved sign habang nakaharap sa barbera, ibig sabihin ay nagustuhan nya ang ginawa ng barbera sa buhok. 

Maganda nga naman ang pagkakagupit ni ateng barbera, ang kaninang mahaba kong buhok ay umikli na at umastig.

Nung lumapit na kami ni Dylan sa counter para magbayad ay pinigilan nya ako, libre na daw nya yun. Bubunutin ko pa sana ang limang daan na binigay nya kanina bago kami umalis ng bahay allowance ko daw yun para sa day-off ko.

Nang makalabas kami ang akala ko ay pauwi na kami pero hindi pa pala may pupuntahan pa daw kami.

"Kailangan mo din ng bagong damit, yung magagamit mo pang-alis." sabi pa nya habang nakatingin sakin.

Napatingin naman ako sa damit ko na damit pala nya pinahiram nya nga pala ako kanina ng damit nya yun na daw ang pinakamaliit pero pakiramdam ko ay isa akong hanger dahil sa laki nito,para tuloy akong liliparin ng hangin. 

Yung pantalon ko ay yun parin, kasi wala talagang kasya sakin na mga pantalon nya ganun din ang sapatos kaya naka-tsinelas parin ako.

---------------------------

Ang gaganda ng mga damit dito sa isang tindahan na pinuntahan namin, puro mga panlalaki lamang ang mga tinda dito, 

Ang lambot at simple lang ng design nitong t-shirt na hawak ko ngayon. Napansin ko na may prize tag pala ito. Bigla kong nabitawan ang damit at tiningnan pa ang ibang damit na makikita ko dito, juice colored hindi bumababa sa limang daan ang mga damit dito,

"Naku ay walang aabutin ang pera ko dito." bulong ko habang hinahanap si dylan, yaya-yain ko na syang lumabas.

Nang makita ko sya ay may kausap syang sales lady, turo sya ng turo ng iba't ibang damit habang yung babae naman ay kinukuha lahat ng itinuturo nya. iba pala talaga mamili ang mayayaman, Wala nang pili-pili pa.

Nang maibigay na sa kanya ng sales lady lahat ay naglakad na ito papalapit sakin. Akala ko ay para sa kanya yung lahat ng hawak nya, nabigla na lang ako ng ibigay nya lahat sakin yung mga damit at pantalon na hawak nya.

"Isukat mo na para malaman natin kung bagay sayo." sabi nya habang nakangiti sakin.

Hindi na ako nakatutol ng bigla nya akong akbayan at dalhin dun sa kwarto kung san pede magsukat ng damit. Kurtina lang ang sangga doon kaya medyo nakakailang maghubad.

"Ry!ano nasuot mo na ba?" tanong nya mula sa labas kaya nagmadali na ako sa pagsusuot.

Sabi kasi nya ay pagkasuot ko ng isang damit at pantalon ay lumabas ako para ipakita sa kanya, sya daw ang huhusga kung bagay sakin.

Nang maisuot ko na ay lumabas na ako para ipakita sa kanya, nakatitig lang sya sakin at biglang iling, ibigsabihin nun ay ayaw nya. At ganun na nga ang nangyari, maggusto nya tumatango sya, at pag ayaw ay umiiling.

Matapos kong maisukat lahat ay nakapili sya ng 5 damit at 4 na pantalon. 

"Ok na yan," sabi pa nya habang papunta sa bayaran.

Hindi na ako nagtangka pang pigilan sya dahil sigurado akong hindi ko kayang bayaran ang mga pinili nya, nakita ko pa nga ang presyo nung isang pantalon. Tumataginting lang naman itong 1450 pesos. Juice colored kung kakaltasin nya lahat ng ginastos nya sakin ay baka wala nang matira sa sasahudin ko sa katapusan.

"Hayys." hindi ko napigilang mapabuntong hininga dahil sa iniisip ko.

"May problema ba Ry?" tanong pa nya habang dala ang mga pinamili namin. Yung isa nga palang pares ng damit at pantalon ay ipinasuot na nya sakin. kaya bago ang kasuotan ko ngayon.

"Wala naman Dylan, ako na ang magbibitbit nyan." prisinta ko pa sa kanya.

"Hindi, ako na nandito na pala tayo." sabay pasok naman sa tindahan ng sapatos.

Gusto ko nang sabunutan yung buhok habang nakatingin sa nakangiti nyang mukha sa loob ng tindahan.

'Goodbye Sahod.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status