Share

Chapter 3

NAISTORBO ang pagbibihis ni Sahara nang umagang iyon sa malakas na tawanan sa labas ng kanyang kuwarto. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat pa siya nang makita si Michaela na may kaharutang lalaki. Si Max. Sa sobrang gulat ay hindi na niya nakayanang makagalaw sa kinatatayuan, samantalang inaasahan na dapat niya iyon, na simula ngayon ay makikita na niya si Max sa bahay araw-araw.

“Oh, Sahara, gising ka na pala. Tamang-tama, sumabay ka na sa aming mag-almusal ng Kuya Max mo,” nakangiting bati ng kanyang pinsan, na isa pa niyang ikinagulat. Ngayon lang kasi iyon nangyari sa loob ng apat na taon niyang pananatili roon. Ah, oo nga pala, nagiging maganda ang turing nito sa kanya sa tuwing naroon ang nobyo nitong si Max. 

Hindi pa rin natitinag si Sahara sa pagkakatayo, nakatingin lang siya sa mag-kasintahan. At nang tapunan niya ng tingin si Max na noon ay nasa likod ng pinsan, napakaganda ng pagkakangiti nito na tila nanalo sa lotto. And damn, he looked even hotter than she last saw him. He’s got stubble on his chin, his hair, a bit ruffled. Ramdam niya ang paghagod ng tingin nito sa buo niyang katawan, mula ulo hanggang paa. At bigla niyang naalala na naka-bathrobe pa nga pala siya dahil kagagaling lamang niya sa banyo dahil sa narinig na ingay na iyon. Agad siyang pumasok sa kanyang kuwarto at napasandal sa pinto. Max is really back and that only meant one thing – TROUBLE. Pleasurable, but still, trouble.

Hindi niya akalaing muli niyang makikita si Max pagkaraan ng maraming taon. She was just sixteen when they first met. Inosente siya, wala siyang ibang pakialam noong mga panahong iyon kundi ang makapag-aral at mabuhay nang tahimik. Pero hindi niya akalain na ang pagtigil pala niyang iyon sa bahay nina Michaela at ang pagkakakilala niya kay Max ay ang magiging dahilan ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Max personifies the ‘tall, dark and handsome’ image. Matangkad si Sahara sa taas na 5’8 pero mas matangkad ito sa kanya ng tatlong pulgada. Mas matanda rin ito sa kanya ng limang taon, tulad ni Michaela. He’s got toned muscles and perfect abs. At ang mukha nito – maamo na para bang hindi gagawa ng masama. Pero sa lahat ng magagandang aspeto nito, isa lang ang pinakagusto niya – mabait si Max at ito ang naging kakampi niya sa bahay. And every time he’s around, Michaela seemed nicer to her. Kaya naman napakadali nitong makuha ang kanyang loob at pagtitiwala. 

“Sahara, dito muna ang Kuya Max mo hangga’t hinihintay niya ang schedule niya sa pagsampa sa barko. At least may makakasama ka na sa tuwing umaakyat ako ng Baguio,” todo-ngiting sabi ni Michaela nang naroon na sila sa hapag-kainan.

Malaki ang lupain nina Michaela sa Baguio na taniman ng iba’t-ibang klase ng gulay at kailangan nitong umakyat roon paminsan-minsan para pangasiwaan ang gulayan. Should she be happy about it? Isipin pa lang niya na makakasama niya si Max sa iisang bubong ay halos manlamig na ang buo niyang katawan – actually, manlamig at mag-init, dahil sa iba’t-ibang dahilan.

“Hopefully, next month makakasampa na uli ako,” nakangiting sabi ni Max na kay Sahara nakatingin. Nakaupo sila sa bilog na mesa at nagsisimula nang kumain. “Sana okay lang kay Sahara na dito muna ako.”

Hinaplos ni Michaela ang pisngi ni Max at ngumiti ng isang napakatamis na ngiti. “Bakit naman hindi magiging okay? Tsaka madalas namang hindi naglalagi rito sa bahay ‘yang si Sahara. Alam mo na, mga kabataan. Sabi ko nga diyan, iwasan ang paglabas-labas sa gabi. Aba, delikado ang panahon ngayon. Baka mamaya impluwensiyahan ng mga kaibigang mag-inom o kaya’y mag-drugs.”

Yumuko na lang si Sahara at pinigilan na ipagtanggol ang sarili. Sino ba ang tuwang-tuwa sa tuwing hindi siya umuuwi sa bahay na iyon?

“May punto ang Ate Michaela mo, Sahara. Sa edad mo’ng iyan, hindi ka dapat nagpapagabi sa kung saan-saan. maraming loko riyan, siguradong may mga magkakainteres sa iyo. Maganda ka pa naman.”

Ininom na ni Sahara ang natitirang tubig sa kanyang baso at tumayo na. Bukod sa male-late na siya sa klase ay hindi niya kayang tagalan ang ka-plastik-an na iyon ng mga kasama sa bahay. Kinuha na niya ang bag sa katabing upuan at tumayo na.

“Papasok na ako,” paalam niya.

“Oh, dito ka maghapunan mamaya, ha,” pahabol ni Michaela. “Magluluto raw ang Kuya Max mo ng Bicol Express. Favorite niya ‘yon, eh.”

Bicol Express. Of course, she would never forget that. Si Max pa nga ang nagturo sa kanya kung paano iyon lutuin. In fact, it was just one of the many things she learned from him. And just like Bicol Express, everything he taught her was hot – so hot that it almost burnt her whole existence…

“Ayan, kumukulo na, p’wede na nating hinaan ang apoy. Tapos, hayaan pa nating kumulo ng sampung minuto o hanggang sa lumambot ‘yung baboy.”

“Madali lang pala,” nakangiting sabi ni Sahara. Pareho silang may suot na apron ni Max, magkatabi sa harap ng kalan. Hapon na noon at malapit nang lumubog ang araw.

“Sabi ko naman sa iyo, madali lang.”

Sinimulan nang iligpit ni Max ang mga ginamit nila at sinimulan na rin niya ang paghuhugas ng mga iyon. Hindi alam ni Sahara kung talagang maliit ang kusina para sa kanila o sinasadya ni Max na magkabanggaan sila. Kinukuha ni Max ang mga plato at kutsara sa mesa at inilalagay doon sa lababo at sa tuwing gagawin nito iyon ay hindi maaaring hindi magtama ang kanilang mga braso. Sa likuran pa niya ito pumuwesto nang buksan nito ang cabinet sa kanyang ulunan para ilagay roon ang mga bote ng asin at iba pa nilang ginamit sa pagluluto. Muntik na siyang mapasigaw nang may nahulog na kung ano mula sa itaas. Mabuti na lamang at maagap si Max at nasalo agad iyon.

“Oops, sorry.”

Gusto niyang humarap rito pero hindi siya makagalaw dahil sa pagkaipit ng katawan niya sa pagitan ng lababo at ng katawan ni Max. Kaya napapikit na lamang siya. She could feel nothing but his warm body behind her, and his steady breathing next to her ears. It was too late when she realized that he’s no longer holding the canister that fell from the cabinet, and it was her hands that he’s holding now. 

Puno ng bula ang dalawa niyang kamay pero hindi iyon alintana ni Max. Hawak nito iyon habang nakatunghay lang sa kanya, tahimik na pinakikinggan ang kanyang bumibilis na paghinga. She would break away from his warm embrace if she could but she didn’t do anything. She just let him hold her and imprison her body, as well as her thoughts. 

Bukod sa pagyakap sa kanya ay wala itong anupamang ginawa. Ipinagpatuloy niya ang mabagal na paghuhugas ng pinggan at hinayaan lamang ito sa kanyang likuran. Hanggang sa ilang sandali pa ay bigla niyang naramdaman ang magaan na pagdampi ng mainit nitong labi sa kanyang balikat.

One soft kiss. But it sent shivers all over her body. 

“Sahara…”

At ang halik na iyon ay nasundan ng isa pa, sa pagkakataong iyon ay doon naman sa kanyang leeg…at pagkatapos ay isa pa sa puno ng kanyang tainga. Mula sa kanyang mga kamay ay hinawakan nito ang kanyang baywang at pinihit siya paharap rito. And then that stare...

“Nararamdaman mo ba?” mahina nitong tanong nang nakatitig sa kanyang mga mata. Mas hinapit siya nito para magkadikit ang kanilang mga katawan. And then, she felt it against her belly  – stiff, throbbing. “Ganyan ang epekto mo sa ‘kin, Sahara.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status