Share

Chapter 6

NAABUTAN ni Sahara ang propesor na abala sa pagbabasa ng mga papel nang pumasok siya sa opisina nito nang hapong iyon. Nagulat na lamang siya nang pinasunod siya nito sa faculty center pagkatapos na pagkatapos ng klase nila kanina. Bahagya itong nag-angat ng tingin at inayos ang salamin sa mata.

“Miss Smith.” Matigas ang pagkakasabi nito sa kanyang pangalan kaya lalo siyang kinabahan. Lalo pa nang hindi nito inalis ang atensiyon sa ginagawa. “Take a seat.”

Agad naman siyang tumalima at mabilis na naupo sa upuang nasa harap ng mesa nito. Sa halip na sa propesor ay doon sa mesa niya itinuon ang mga mata. Hindi iyon ang unang pagkakataon na makapasok siya sa opisina nito pero hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin siya sa sobrang kaayusan niyon. 

Prof Del Mundo’s table was neat. Parang kabibili lamang nito dahil sa sobrang linis at kinang ng salamin sa ibabaw noon. Organisadong-organisado ang bawat gamit – ang mga lapis ay nakalagay sa isang itim na canister at ang mga ballpen ay sama-sama sa isa pang puti’ng tin can na katabi nito. Ang mga folders, papeles at isang rim ng bond paper ay maayos na nakalagay sa kulay itim na 3-layer document tray sa kaliwang bahagi ng mesa. Wala yatang mali at hindi organisado sa loob ng opisina ng terror na propesor nilang iyon. Maging ang floor tiles ay napakakintab na maari yatang higaan at parang pati ang mga alikabogk ay mahihiyang tumuntong roon. 

“So, what do we do about your standing again, Miss Smith?”

Huminga siya ng malalim at tumingin sa kausap. Sa pagkakataong iyon ay hinubad na nito ang salamin sa mata at mataman siyang tiningnan. It was all part of their role play and she just have to go with it. 

“Sige, let’s hear what you have to say. Do you have any proposal to offer?” Inayos nito ang kaninang binabasang mga papel sa mesa, maging ang ginamit nitong ballpen ay ibinalik rin nito sa tamang lalagyan. Maingat nitong pinagpantay-pantay ang mga maliliit na angel figurines na nakahanay sa mesa. Pagkatapos ay tumayo ito at naglakad-lakad sa kanyang harap. 

Proposal. Ano pa nga ba ang puwede niyang i-propose rito bukod sa i-retake ang exam at gumawa ng sangkatutak na projects na alam naman niyang hindi tatanggapin ng masungit nilang propesor? What could she possibly propose to him besides herself? 

“None, right?”

Mula sa kinatatayuan ay lumapit ang propesor sa kanya. He was standing in front of her, just inches away from her. Mas lumapit pa ito sa kanya at nagkaroon siya ng pagkakataon na harapin ang mapanuri nitong mga mata. Halos kasingtangkad niya ito kaya hindi mahirap para sa kanya na pantayan ang mga titig nito.

“Sahara, Sahara, Sahara...we had a deal, remember? Ipinasa kita sa mga nakaraang exams mo dahil alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin, diba? At isa lang naman ang hinihingi ko sa’yong favor, diba?” Mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Sahara could sense the sudden change of his mood.  Wala na ang pagiging seryoso at pagka-iritable nito, at napalitan na iyon ng kakaibang apoy sa mga mata nito.

Alam niyang abot hanggang leeg na ang utang na loob niya sa propesor dahil kahit hindi niya hingin ay parati nitong pinapalampas ang mga pagkukulang niya bilang estudyante nito. Alam niyang mali at hindi dapat niya hinahayaan ang ganoon pero dumating na rin siya sa punto na kinailangan niya ang pabor na alok nito. Ilang beses niyang kinailangang lumiban sa klase para asikasuhin sa ospital ang ina at maraming beses na rin nitong pinalampas ang hindi niya pag-submit ng mga projects at pagkuha ng mga quizzes at ang totoo ay kung hindi dahil kay Prof. Del Mundo, siguro ay matagal na siyang na-expel sa unibersidad. Alam niyang hahantong ang lahat sa ganito at dapat ay handa na siya sa kung ano man ang hilingin kapalit nito. 

Del Mundo cleared his throat. Tila kailangan pa nitong pilitin ang sarili para bumalik sa upuan. Kumuha into ng ballpen at isang piraso ng maliit na notepad, at may isinulat roon. “Meet me here on Friday, at exactly seven in the evening. That’s the coffee shop 20 minutes away from the campus,” sabi nito sabay abot sa kanya ng papel. 

Yes, she’s familiar to the coffee shop dahil hindi lang naman iyon ang unang pagkakataon na nagkita sila ng propesor doon. Gusto niyang tumanggi sa gusto nitong mangyari pero hindi niya alam kung paano. At nang tapunan niya itong muli ng tingin ay mas napatunayan niya na hindi lang talaga grado ang dahilan kung bakit pumapayag siya sa gustong mangyari ni Prof Del Mundo. Mabait ito sa kanya, malambing sa tuwing sila ay magkasama at aminin man niya o hindi, kakaiba ang epekto ng mga titig nito sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status