Share

Chapter 124

SHIT, Sahara, a-ano 'to? Ano'ng kalokohan 'to?”

Hindi na namalayan ni Sahara na tumutulo na ang luha niya habang nakatutok kay Max ang hawak niyang baril. Kahit sina Ace at Armando ay napanganga sa pangyayari.

“Sahara, baby...Ibaba mo ‘yan, baka pumutok ‘yan,” anito, iiling-iling. Akma itong lalapit sa kanya pero maagap siyang lumayo rito.

“Ipuputok ko talaga ‘to, Max. Papatayin talaga kita, hayop ka!”

“Come on, Sahara.” Sa halip na matakot ay natawa pa si Max. “Hindi ‘to kasama sa plano natin.”

“Wala tayong plano, Max. Ikaw lang ang nag-plano ng lahat ng ‘to kaya huwag mo ‘kong idadamay sa kademonyohan mo!”

Doon biglang nag-init ang dugo ni Max. Sinuntok nito ang mesa na agad na nagpadugo sa kamao nito. Pero tila wala itong sakit na naramdaman at nagawa pa nitong isalya ang mesa na nagpagulat sa kanya, dahilan para m

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status