Share

Chapter 3

Sumilay na ang araw sa silangan nang buhatin siya ni Gideon paakyat sa ibabang bahagi ng pangpang kung nasaan si Gina. Hinanap niya sa paligid si Fransisko pero hindi niya ito nakita. Umikhim siya, ilang minutong nagdalawang-isip bago binuka ang bibig para magtanong.

"S-Si Fransisko?"

"Naanod sa ilog. Ipapahanap ko kapag lumiwanag na. Kaya mo bang tumayo?"

Napakurap siya, bumaling sa madilim-dilim na ilog pero wala siyang makitang kilos doon.

"Jewel."

"A y-yes, I think so."

Dahan-dahan siyang ibinaba ni Gideon. Naramdaman niya ang pagtapak ng paa sa tuyo at malamig na lupa. Inalis kasi ng lalaki ang suot niyang boots kanina at wala siyang lakas nang oras na 'yon para pigilan ito. Hanggang ngayon nga ay ramdam pa rin niya ang panginginig ng kalamnan at ang malakas na tibok ng pusong nagpapahirap sa kaniyang paghinga.

Bigla na lang naghubad si Gideon sa harap niya. Nangunot ang noo niya at nagusot ang mukha. Tumingin sa gilid at mariing pinikit ang mga mata. "Ba't ka naghuhubad d-diyan?"

Narinig niya ang mahina nitong tawa. "Am I?"

"Yes, y-you're n-naked!"

"See it yourself."

Dahan-dahan siyang nagmulat at tumingin kay Gideon, naka-shirt ito at nakakrus ang braso sa dibdib. May munting ngiti sa mga labi. Amusement is in his deep and enticing eyes.

Naningkit ang mga mata niya rito. Napayakap siya sa sarili nang dumaan ang hamog sa basa niyang katawan. Huminga siya nang malalim at kiniskis ang palad sa mga braso. Kinagat niya ang labi para matigil ang nangangatal na ngipin. "C-Can we go h-home? It's c-cold."

Nasa lilim sila ng punong gemelina at pinagmasdan niya ang lalaki nang isabit nito ang basang dyaket sa mababang sanga ng puno. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa, bago siya binuhat at isinakay kay Gina. Mas lalo lang yatang nangatal ang ngipin niya sa itaas. Mas nanunuot ang lamig sa balat.

"Hold tight. Iuuwi na kita," ani Gideon.

"But it's c-cold up here," reklamo niya.

Narinig niya ang malalim nitong buntong-hinga. "Endure a little, Jewel."

"And y-you don't want to..." Umikhim siya at tumingin sa malayo. Kinagat niya ang pisngi at inalis ang paghihinayang sa dibdib. Akala niya at sasamahan siya nito sa itaas ng kabayo, at yayakapin siya para maibsan ang lamig.

'And why would he'll do that?' saway niya sa isip.

Ni hindi man lang nito tinanong na ayos lang siya.

'Jewel, quit dreaming. He's not nice. See? He's more concerned to Gina. To Gina the horse!'

Mas lalong nagusot ang mukha niya nang kausapin ni Gideon ang kabayo kaysa sa kaniyang nanginginig sa itaas.

'Hmmp! Bahala siya!'

Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki at tumingin nalang ulit sa malayo. Nagkukulay kahel na sa kalangitan at ilang ibon na ang naririnig niyang nag-aawitan sa mga puno. Nanunuot pa rin sa kalamnan niya ang lamig ng hangin, lalo na nang nagsimulang maglakad si Gina pasulong habang nakasakay siya sa ibabaw nito. Hawak-hawak ni Gideon ng renda ng kabayo sa ibaba at bahagyang nauuna upang gabayan sa direksyon ang kabayo.

Halos magdugo na ang labi niya sa diin ng kagat. Habang tumatagal, mas lumalamig ang paligid. Halos hindi na niya ramdam ang mga daliri sa lamig. Maging ang mga binti at daliri niya sa paa ay hindi na niya magalaw dahil sa lamig. Naiiyak na siya. Ito ang unang pagkakataon na nanginig siya sa lamig.

Ngayon, nagsisi siyang hindi siya nakinig kay Gideon. Kung bakit naman kasi lumaki siyang matigas ang ulo? Na keso may pumipigil sa kaniyang gawin 'yan, mas lumalakas ang loob niyang gawin ang bagal na pinagbabawal.

"Jewel."

"Y-Yes?"

"Ayos ka lang diyan sa itaas?"

"Well, u-uhm... I-I'm dying?"

Nabuhay ang pag-asa niya nang huminto ang kabayo. Bahagya siyang napangiti. Sa wakas, narinig na yata ni Gideon ang hinaing niya. Sasakay na ito sa kabayo at yayakapin siya sa itaas para maibsan ang nararamdaman niyang lamig! Tulad nang nababasa niya sa mga nobela. Pinikit niya ang mata para kunwari wala siyang pakialam sa ipapakiusap nito.

'Dapat makiusap siya. I will not let him ride with me unless he'll beg!'

Pero, isang malamig na kamay ang humawak sa binti niya. Nataranta siyang nagmulat at nagbaba ng tingin. Nakita niyang nakahawak si Gideon sa binti niya at nakatingala sa kaniya.

Nangatal ang ngipin niya habang nakipagtitigan kay Gideon. Napansin niya ang pagtagis ng bagang nito, at humigpit ang hawak nito sa binti niya. Napalunok siya. Mas lalo lang yatang natuyo ang lalamunan niya sa inasta nito.

Huminga ito nang malalim bago sumilay ang ngiti sa mga labi. "Bumaba ka. Sasaluhin kita."

Umawang ang labi niya. Pinababa siya nito? Pero paano ang inisip niyang eksena kanina? Umikhim siya. Napahiya sa sarili. "W-Well, I can't move my l-legs?"

Naningkit ang mga mata ni Gideon. "Be still."

Nag-iwas siya ng tingin. Napanguso. Mabuti na lang at hindi niya nausal ang nasa isip niya. Kung hindi, napahiya sana siya sa anak ng Mayor. Mas lalong nagusot ang mukha niya.

Pero bakit ba nagiging attention seeker siya sa Gideon na 'to? Parang kanina lang ay inis na inis siya sa future husband niya kuno.

Kinisnis ni Gideon ang dalawang palad at hinawakan ang binti niya. Nangunot ang noo niya at pinigilan ang sariling magbaba ng tingin sa lalaki. Mariin niyang pinikit ang mga mata. Huminga nang malalim. Pero hindi niya napigilan ang sariling sumunod sa kuryosidad at magbaba ng tingin kay Gideon. Pinagmasdan niya lang kung paano nito tinaas-baba ang dalawang kamay sa makinis niyang binti, pababa sa limang daliri ng kaniyang kaliwang paa. Gumuguhit pa ito ng bilog habang hinahapos ang binti niya.

'Is he playing jokes with me?'

Ibubuka niya sana ang bibig para pagsabihan ito pero natigilan siya nang marinig niya itong kumanta.

Napatingin siya sa mukha ni Gideon. May munting ngiti sa mga labi nito at bahagyang nagha-humm. Napakurap siya. Mas naging marahan ang hawak nito sa binti niya at ramdam niya ang pag-iingat nito. Kahit hindi niya lubos maintindihan ang kanta, nahahalina siyang mas makinig pa.

Nag-angat ng tingin si Gideon at nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti ito. "Malamig pa rin ba?"

"Uhm... hindi na m-masyado."

Tumango ito at nagpatuloy sa pagkiskis ng kaniyang binti habang kumakanta. There's something in his voice... there is something that she can't understand.

Naramdaman niya ang init na mula sa mga palad nito, at napangiti siya nang kaya na niyang igalaw ang mga daliri sa paa. Pero nagpatuloy pa rin sa paghawak si Gideon. Hinayaan na lang din niya dahil... nagugustuhan na niya.

Maganda ang boses ni Gideon. Malamig at malalim. Siguro, naging mang-aawit ito ng iba't ibang banda... o hindi kaya, sumasali sa singing contest noon. Kinagat niya ang labi para pigilan ang bibig sa pagtatanong. Pero habang tumatagal ang pagkanta nito ay nahahalina siyang magtanong, hanggang hindi na niya napigilan ang sarili.

"Uh, Gideon?"

"Why?"

"What are you singing?"

Muling nag-angat ng tingin si Gideon at kinanta ang brigde ng kanta.

"Anong title nga?" naiinip niyang tanong. Nagtatanong siya pero sinagot lang siya nito ng kanta?

Ngumiti si Gideon at napailing sa inasta niya. "Patience, Jewel. Leave Me Astounded."

"Who sang it?"

"Planetshakers."

"And who's that?"

Nagkibit-balikat ito.

Sumimangot siya. Natawa si Gideon at bahagyang tinapik ang binti niya. "Ilipat mo na sa kabila ang paa mo," utos nito.

Kahit naguguluhan ay agad siyang tumalima. Mabilis namang umikot si Gideon sa kabila. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong hinawakan ang kaniyang baywang at diretso siyang ibinaba mula sa ibabaw ng kabayo. Natatawa siya nitong hinigit papalapit sa katawan nito para yakapin.

"Malamig pa rin ba?" tanong nito habang nakayakap sa kaniya.

Nangunot ang noo niya at kinagat ang labi. Gusto niya sanang magbirong hindi effective ang yakap nito pero... baka totohanin nito ang biro niya at kakalas sa yakap. Bumuntonghinga siya. "Not that m-much."

Napairap siya nang nangatal na naman ang ngipin niya. Nakakahiya. Naalala na naman niya ang kaninang pangangatal ng ngipin habang nakipagtitigan kay Gideon.

'Yuck, Jewel. Ampanget mo siguro kanina.'

Ngumuso siya at inalis sa isip ang eksena. Unti-unti nang humuhupa ang lamig sa kalamnan niya lalo na nang humigpit ang yakap ni Gideon at marahang hinagod ang likod niya.

"Are you okay now?"

"What do you think?" Umirap siya.

Natawa ito. "Let's stay for a little while. I want to feel your warmth. Sobrang lamig nga ng paligid. Halos kasing lamig ng Mantalongon."

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. "Mantalongon? Hindi ba sa Dalaguete 'yon?"

"Yeah."

"You've been there?"

"Mmm."

"What?"

Humalakhak si Gideon. "What do you think, Jewel?"

"Seriously, Hernandez. Are you firing my fire back?"

"You said that."

Rumulyo ang mga mata niya. "And it's you who act like a child now." Natahimik si Gideon. Naghintay siya sa pagbabara nito pero hindi na ito nagsalita pa. Na-offend ba ito sa sinabi niya? Nakagat niya ang labi. "Sorry, my bad."

"You're offending me each day, and you aren't sorry. What differs now?"

Huminga siya nang malalim. "Well, I uhm..." Bumuntong-hinga siya. "You've saved me."

"That's good. It's good to know that you know that word."

Napangiti siya sa sinabi nito. May mainit na pakiramdam na lumukob sa puso niya. Sa pagkakataong 'yon, gumanti na siya ng yakap kay Gideon. "Be thankful that I'm good enough to say sorry."

"No one's good, Jewel. Only God."

Siya naman ang natahimik. Tinikom nalang niya ang bibig. Ewan ba niya pero mayroon sa loob niyang ayaw makarinig ng tungkol sa Diyos. Masakit ang tainga niya sa mga salitang may kaugnayan sa Diyos. Nagsimula ito nang tumuntong siya sa Senior High. Iyon din ang panahong nagsimula siyang magbasa ng erotica. Napakurap siya.

'I forgot! Ngayon pala i-a-announce ni Ara ang tungkol sa bagong book niya. I can't wait to read another book! I'm sure, that will be more sexier than the first series. But first, I should survive this cold. Gideon's heat helps.'

Bumuntong-hinga na naman siya at sinubsob ang mukha sa dibdib ni Gideon. Ramdam niya ang basang T-shirt nito sa palad niya pero dahil mainit ang katawan nito, hindi halos umakyat sa pansin niya ang tungkol doon. Mas nakakaginhawa ang init na dala ni Gideon. Napangiti siya. Naisip niya ang mga bidang babae. Ganito rin ba ang nararamdaman nila sa tuwing niyayakap sila ng kanilang leading man? Umiling siya sa isip.

'What am I thinking?'

Bigla, sumagi sa isip niya ang bed scene sa isang aklat na binabasa. Nakagat niya ang labi. May kung ano sa puson niya ang gustong lumabas. At ramdam niyang nababasa siya sa ibaba. Naputol ang pag-iisip niya sa eksena nang kumalas sa yakap si Gideon.

"Tara na," anito.

Natulala siya saglit. Napalunok. Naputol ang iniisip niyang eksena at nanakit ang puson niya. Gusto niyang... gusto niyang -

"Jewel. Are you okay?"

Hinawakan ni Gideon ang pisngi niya at sinipat ang mukha niya. Nakipagtitigan sa kaniya ang kayumanggi nitong mga mata. Pero...

'There is something in his eyes.'

Doon lang din niya napagtantong tuluyan nang sumikat ang araw sa silangan at masyadong maliwanag na ang paligid. Siguradong gising na ang kaniyang ama at ina. Mariin siyang napapikit.

"We're dead. Papa and Mama will scold us." Nangunot ang noo niya nang matawa si Gideon. "What's funny?"

Hinagkan siya ni Gideon sa noo at ngumiti sa kaniya. "Is that what you've thought in the past minutes? Akala ko ano nang nangyari sa 'yo. Akong bahala sa mga magulang mo. Tara na at baka magkasakit ka sa lamig."

"Minutes?" naguguluhan niyang tanong.

Tumango si Gideon at iginiya siya pasulong. Kinuha nito ang renda ng kabayong nakakabit sa isang payat na puno. "Good girl," ngiting sambit nito kay Gina.

Pero hindi nawala ang kuryosidad niya. "Minutes? What do you mean by minutes?"

Hinawakan ni Gideon ang kamay niya at sabay silang naglakad paabante. "Kanina pa kita tinatawag pero ayaw mong sumagot. Nang tingnan kita, masama ang tingin mo sa akin." Natawa si Gideon. "Mukha ngang papatayin mo ako sa sama ng tingin. Pero ayos lang, alam ko nang nag-aalala ka sasabihin ng mga magulang mo."

Nangunot ang noo niya. Hindi niya maalalang sinamaan niya ng tingin si Gideon. Napahawak siya sa batok at inikot-ikot ang ulo.

Napatingin si Gideon sa kaniya. "Sa'n masakit?"

"Medyo bumigat 'yong balikat ko," daing niya.

"Move closer."

Umusog siya palapit kay Gideon. Naramdaman niya ang kamay nitong humawak sa balikat niya. Instantly, the pain subdued. Bahagyang nilagyan ng pressure ni Gideon ang bahaging 'yon.

"Better?"

"Y-Yeah, nawala na 'yong sakit."

Nangunot ang noo nito pagkuwan ay ngumiti sa kaniya. "Let's hurry up."

Hindi pa man sila nakakalayo ay may nakita siyang kabalyerong nakasakay sa kabayo. Papalapit ito sa kanila. Inihinto ng kabalyero ang kabayo nang ilang metro sa harap. Bumaba ito at inalis ang cowboy's hat sa ulo.

"Senyorita Laine, hinahanap kayo ng iyong ama at ina." Bumaling ang lalaki kay Gideon. "Sir, tumawag ang inyong ama. Ang sabi niya'y pupunta siya sa Casa. Hihintayin kayo doon ng Mayor."

Tumango si Gideon. Napatingin si Jewel sa ilang kabataang masayang nagsisigawan sa malayo. Nanghuhuli ang mga 'to ng tutubi.

"Ihatid mo si Jewel sa mansiyon. Didiretso ako sa Casa," boses ni Gideon.

Napatingin siya bigla kay Gideon. "No."

Bumaling si Gideon at ang kabalyero sa kaniya. Tumaas ang sulok ng labi ni Gideon. "Have something to say, Jewel?"

Nangunot ang noo niya. "You should change your shirt."

Tumango-tango si Gideon. Nakangiti pa rin. Pati ang lalaking bagong dating ay nangingiting nagbaba ng tingin.

"Sir, ihahatid ko ba si Senyorita Laine... o kayo na?"

"Ako na," nakangiting sambit ni Gideon.

Inayos nito ang saddle sa likod ni Gina bago umakyat sa kabayo. Inilahad nito ang palad sa harap niya. "Give me your hand, Jewel."

Napatingin siya sa lalaking bagong dating. Ngumiti ito at bahagyang yumuko sa kaniya. "Mag-ingat kayo ni Sir Gideon, Senyorita," anito bago sumakay ulit sa kabayo. Inikot nito ang kabayo at pinatakbo iyon pabalik.

"Jewel."

Bumalik kay Gideon ang atensyon niya. "Don't call me Jewel."

"What you want me to call you then?"

"Laine."

Ngumiti si Gideon. "But I like to call you... Jewel."

Naiiling niyang tinanggap ang kamay nito. Tumapak siya sa paanan ng saddle at tinulungan siya ni Gideon na makaupo sa harapan nito.

"Comfortable?"

"Yeah."

Pinalakad na ni Gideon si Gina pabalik sa mansiyon. At kagat-kagat niya ang labi lalo na nang dumaan ang hamog sa pagitan nilang dalawa.

"Malamig nga rito sa taas," komento ni Gideon.

"That's why I've said that I'm dying."

Natawa ito. Nagulat siya nang yakapin siya nito mula sa likod at hinigit siya papalapit. Napasandal siya sa dibdib nito. Huminga siya nang malalim at iniwas ang tingin sa mga Sacada ng Hasyenda Mangubat. Nakikita niyang nagbulong-bulongan ang mga ito. May iba pang nakangiti at sa klase ng tingin, alam niyang tinutudyo siya ng mga ito kay Gideon.

Pinikit na lang niya ang mga mata.

#032720.11.5A

#013121.R

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status