Share

Chapter 5

Takot ang lahat kay Mayor Calixto Olmedo Hernandez. Sa labinlimang taon nitong panunungkulan sa puwesto, tinagurian itong bakal na kamay ng Medellin. Ilang ordinansa ang pinatupad sa Medellin habang nanunungkulan ang naturang Mayor. Kabilang sa ordinansa ang pagbawal sa pananakit sa mga babae at ang pagpapakulong sa mga tao o organisasyong mahuhuling nag-i-illegal logging sa anumang parte ng munisipalidad.

Ang nahuhuling lumabag sa ordinansa ay pinapatawan ng parusang pagkakulong o hindi kaya'y binibigyan ng karamtang multa at parusang paglilinis sa isang buong kumunidad.

Kaya naman nang makita niya ang seryoso nitong mukha ay halos manginig ang tuhod niya. At nang dumapo ang matalas nitong mga mata sa kaniya ay tinakasan ng kulay ang buong mukha niya.

Takot siya rito, dahil minsan na niyang nakita kung paano magalit ang ama ni Gideon sa isang local news. Simula noon ay ayaw na niyang makaharap ang Alkalde.

"Napakagandang bata. Hindi nakakapagtatakang pinag-uusapan at hinahangaan ang ganda sa munisipyo," sabi ng Mayor.

Narinig niya ang mahinhing tawa ng kaniyang ina. Napalunok siya. Ang malago at baritonong boses ng Mayor ay taliwas sa malalim at malamig na boses ni Gideon. Hindi siya sanay. Para siyang sinisentihan sa harap ng korte. Minabuti niyang ibaling ang tingin sa mga prutas na nakalagay sa charcuterie board. Pinagsiklop niya ang mga daliri sa ilalim ng mesa.

Sitting in that long wooden table with just the five of them is the worst feeling for her. Pakiramdam niya ay sinasakal siya sa tension at takot niya kay Mayor Calixto. Kahit nasa magkabilang gilid niya ang ama at ina, hindi pa rin niyon naibsan ang kabog sa dibdib. Isama pa ang panaka-nakang tingin ni Gideon sa kaniya.

"Kung sinamahan mo sana si Nilda noong isang buwan, hindi ka na magugulat sa alindog ng aking anak." Itinaas ng ama ang tasa at bahagyang sumimsim sa umuusok na kapeng mais.

"Maraming gawain sa munisipyo." Sumimsim din ang Alkalde ng kape. Binaba nito ang tasa sa mesa saka muling tumingin sa ama niya. "Nakarating sa akin na ilang araw na nanatili itong aking anak sa inyong mansiyon. At sa palagay ko ay mukhang nagkakamabutihan na ang dalawang bata."

Natawa ang ama niya. "Siyanga." Saka umikhim. "Kumusta ang iyong asawa?"

Narinig niya ang buntong-hinga ng Alkalde. "Nagpapagaling pa rin sa Mandaue, at luluwas kami ng Maynila sa makalawa upang doon ipagpatuloy ang gamutan. Ngunit nais ng aking asawa na madaliin ang kasal. Kaya sa pangalawang pagkakataon ay namamanhikan ako bilang kahalili ng aking butihing Nilda. Ang pamilya Hernandez na ang bahala sa resepsiyon at iba pang bagay. Inihanda ko na rin ang husgado at bukas na bukas ay maaari na silang pumirma ng kontrata. Ayaw lumuwas ni Nilda hangga't hindi nadadala ng iyong unica hija ang apilyedo ng aming anak."

Lihim siyang umismid. 'Civil marriage, huh? But I'm only 19. Saka, ayokong matali nang maaga!'

Nag-angat siya ng tingin sa Alkalde. Bumaling din ito sa kaniya. Matalim ang titig nito kaya bahagya niyang binaba ang tingin at napalunok. Natawa si Calixto. "Pinalaki niyong mahinhin ang inyong anak. Tingnan ninyo at mukha siyang natatakot na tupa sa aking mga mata!"

Umakyat sa pisngi ang dugo niya. Narinig niya ang mahinang tawa ni Gideon at ni Don Sebastian. Nakita naman niya sa gilid ng mata ang pagngiti ng ina.

"Hindi maganda sa babae ang sobrang madaldal. Pinagmamalaki ko si Jewel, Alkalde. Napakabuti niyang anak. May delikadesa at lumaking puro na punong-puno ng aral mula sa kanyang namayapang lola," nakangiting sambit ng ina.

Kung wala pa siya sa harap ng mga ito ay tiyak na napaubo na siya. Minsan kasi, nakokonsensya na siya lalo na sa tuwing pinagmamalaki siya ng ina. Gusto niyang magkamot ng batok. Medyo hindi siya sang-ayon sa sinabi nito dahil sa hilig niya na ginagawa niya nang pasikreto.

At parang sinisilaban ang katawan niya lalo na nang ngumiti ang Mayor habang nakatitig sa kaniya.

"Mukhang hindi nga ako magsisisi. Alam mo naman, Belinda, kung ilang babae ang pumipila sa aking anak. At napakaswerte na siya ang nakakuha ng aking atensiyon." Bumaling ang Mayor sa kaniyang ama. "Maliban sa kasal, gusto ko kayong makausap ni Belinda nang personal. May mga bagay akong nais ipaalam sa inyo. Hayaan na muna nating magkasarinlan ang dalawang bata.."

Nangunot ang noo ng ama niya. "Mayroon muna akong tanong, Alkalde. Naayos na ba lahat? Nais kong maglabas ng pera para sa kasal ng aking unica hija."

Ngumiti ang Mayor. "Hindi pa riyan nagtatapos ang kasalan, Sebastian. Mauuna lamang ang kontrata ng kasal ngunit kailangan nilang makasal sa harap ng Diyos. Tuloy pa rin ang magaganap na kasal sa susunod na tag-init, ayon na rin sa napag-usapan sa unang pamanhikan."

"Mukhang pinaghandaan ng Hernandez ang pag-iisang dibdib ng dalawang paslit," nakangiting sambit ng ama niya.

Natawa si Calixto. "Hindi ko gustong mapunta sa wala ang pamanhikan ng aking Nilda. Kaya hangga't maaari, kung wala siya ay ako na ang gagawa sa mga nais niya."

"Alkalde, nakahanda na rin ba pati ang susuotin ng aking anak?" tanong ng ina niya.

"Oo. Ipapadala ko rito ang mga damit at alahas na maaari niyong gamitin bukas. Si Nilda ang pumili niyon kaya hangga't maaari ay gusto kong makita si Jewel na suot-suot ang damit."

"Bakit tila yatang umiikot ang lahat ng desisyon sa inyong pamilya, Alkalde?" biro ng ama niya. Pero alam niyang hindi lang 'yon biro.

Nagtawanan ang tatlo habang bagot na bagot si Jewel sa upuan niya. Wala namang imik si Gideon habang sumisimsim sa tasa at panaka-nakang tumititig sa kaniya.

"Hayaan mo na, Sebastian. Sa susunod na kasal ay ibibigay ko ang lahat ng desisyon sa inyong pamilya," aning Alkalde. "Nasagot na ba ang inyong katanungan? Hindi ako maaaring magtagal dahil may gawain sa munisipyo. Nais ko na kayong makausap nang pribado."

Bumaling sa kaniya si Belinda. "Jewel, ikaw na ang bahala kay Gideon. May pag-uusapan lang kami ng iyong magiging pangalawang ama," anito.

Sabay na tumayo ang tatlo at naglakad palabas ng dining hall. Napabuga siya ng hangin at napasandal sa upuan. Pinikit niya ang mga mata. Mukha yatang nahilo siya sa sinabi ng Alkalde at ng magulang niya. Sumasakit ang ulo niya habang iniisip ang marriage contract na pipirmahan niya bukas.

Pero anong magagawa niya? Wala siyang lakas para bumangga sa isang Alkalde at sawayin ang mga magulang. Sigurado siyang kapag malalaman ng mga itong nagdadalawang-isip siya sa kasal ay ipapatapon siya sa Mindanao - kasama ang lalaking pinangako sa kaniya.

'Okay, Jewel. Breathe in, breathe out. Magdo-dorm ka naman sa pasukan. Hay, can't wait to breathe air again!'

Ilang minuto siyang nakapikit nang maasiwa sa pakiramdam na may nakatitig. Minulat niya ang mga mata at kunot ang noong nakipagtitigan kay Gideon. Ni hindi nito iniwas ang tingin sa kaniya.

'Persistent.'

"Why are you staring?" inis niyang tanong.

"You're too young to be my wife, little girl."

Napaupo siya nang tuwid. "I think the same. So, come on? Let's cancel this engagement?" Naningkit ang mga mata niya rito.

Tumaas ang sulok ng labi ni Gideon. "Impulsive."

"Excuse me?" Natawa siya. "I'm not impulsive. Just for your information, Mr. Hernandez, ilang araw ko ring pinag-isipan ang tungkol dito. You know, I am an incoming college freshman. A 19-year old for pete sake." Nangunot ang noo niya. "Sorry but, can you call this off? I am way too young for you. I don't have plans to be a pathetic wife at this age."

"I won't do harm nor any trouble to you, Jewel."

Huminga siya nang malalim. "You're really persistent."

"I am." Ngumiti si Gideon. Pinakita pa ang mapuputing ngipin. He leaned closer. "Hindi ko pakakawalan ang isdang nabitag ng lambat ko. Sorry, honey. I can't grant your wish."

Padabog siyang tumayo at naglakad paalis ng dining hall. Bitbit ang laylayan ng mahabang bestida ay tinungo niya ang sala. Hinanap ng mata niya ang ama at ina. "Mama! Papa! This won't do! I don't want to marry this man!" sigaw niya.

Tumigil siya sa ilaim ng malaking chandelier at nilibot ang paningin. Wala ang ama at ina. Nasa'n ang mga 'yon? Bigla may humawak sa braso niya at mabilis siyang inikot. Nabitiwan niya ang laylayan ng bestida at natapakan niya 'yon. Napahiyaw siya nang mawalan siya ng balanse. Mabilis naman siyang sinalo ni Gideon at tinayo nang tuwid.

"And careless too," mababang tono na sambit ni Gideon. Titig na titig ito sa kaniya. Pero may halong pang-aasar ang titig. Hindi nga nawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi.

Mabilis niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa baywang niya. Umatras siya at huminga nang malalim. "Tell me, Mr. Hernandez. Why are you so persistent?"

"I am not persistent, Jewel."

Umikot ang mga mata niya. "Come on, answer me. Bakit ka umuo?" Nangunot ang noo ni Jewel. "Ba't gusto mo akong pakasalan?"

Pero wala itong sagot. Nanatili ang titig nito sa kaniya. Bumukas-sara ang labi pero kalaunan ay tinikom. Nagusot lalo ang mukha ni Jewel at inis na naglakad palayo kay Gideon. "If you don't want to answer me -"

"It is my mom's death wish."

Nahinto sa paghakbang ang paa niya. Tama ba ang narinig niya? Death wish? Nino? Ng ina nito? Nagsalubong ang dalawang kilay niya.

Umikhim si Gideon. "Nang araw na una tayong nagkita, 'yon ang libing niya."

Dahan-dahan siyang lumingon dito. Gideon stood few meters away from her. Bumalik ang seryoso nitong titig, 'yong klase ng tinging humuhukay sa kaloob-looban niya. At wala na rin ang lokong ngiti sa mga labi.

"Are you k-kidding me?"

Umiling si Gideon. "Nagpapanggap lang ang Alkalde na nasa maayos ang lahat. Pero ang totoo ay hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ni Mama. Isang sikretong libing ang nangyari para walang mag-usisa. Galing ako sa Mantalongon at pinauwi para lang sa libing niya." Nag-iwas ito ng tingin. "Binitiwan ko ang pangako sa soberanya ng bansa para makasal sa 'yo, Jewel. Kaya pag-isipan mo sana."

Pumalatak siya. "You're doing a death wish?" Pagak na naman siyang natawa. "Okay, I understand that, Mr. Hernandez. My condolence for your loss. But can't you see what that death wish will cost me?" Kumuyom ang kamao niya. "My freedom."

Nagbukas-sara ang dalawang kamao ni Gideon at nag-iwas ng tingin. "Just... think of it a hundred times. Hindi lang ang kalayaan mo ang nakasalalay sa kasal." Muli itong tumitig sa kaniya. "Reputasyon ng dalawang pamilya at ang damdamin ng mga magulang mo."

Umirap siya. "They don't even care with my feelings."

"Jewel..."

"Look, I won't marry you. Marriage..." Inis niyang pinasadahan ng daliri ang sariling buhok. "Ayaw kong matali nang maaga, Gideon. Please understand my side. Alam ko kung anong magiging buhay ko pagkatapos kong matali sa 'yo. Ayaw ko no'n. I have my own life. I have my dreams. I have a lot of things to chase on. At kapag natali ako sa 'yo..." Napalunok siya at nag-iwas ng tingin kay Gideon. "At kapag natali ako sa 'yo, hindi ko na magagawa ang lahat ng gusto ko sa buhay. You'll cage me to death and I don't want that!"

"I won't cage you, Jewel." Humakbang si Gideon palapit pero huminto rin kalaunan. Kumurap ito at nag-iwas na naman ng tingin. "The least thing I will do to my wife is to cage her. You're not a bird, you're my woman. You and I, as partners, should work equally. Being dominant is not my thing, Jewel."

Nagbaba siya ng tingin. "Why? Why can't you quit?"

"I'm building myself back." Mahinang ngumiti si Gideon sa kaniya. "If you don't like to be my wife, just submit to me as a woman. I want to be your good husband."

Ilang segundo pa siya nitong tinitigan bago humakbang palapit at palampas sa kaniya. Pinagmasdan lang niya itong lumabas ng mansiyon at mawala sa paningin niya.

#032920.7.2P

#020121.R


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status