Share

Chapter 7

"You may kiss the bride."

Humarap siya kay Gideon. Ngumiti ito at hinawakan ang batok niya sabay siil ng isang magaan na halik sa gilid ng labi niya. Humawak siya sa magkabila nitong pisngi at hindi bumitiw hangga't hindi niya nararamdaman ang flash ng camera.

"Tama na 'yan," narinig niyang sambit ng jugde. Natatawa pa ito nang bumaling siya rito. Pinigilan niya ang sariling umirap.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Hernandez."

Nagpalakpakan ang mga taong nasa likuran ng dalawa. Hinawakan siya ni Gideon sa kamay at sabay silang humarap sa mga tao. Nakita niya ang ama at ina na nakangiting pumalakpak sa isang tabi. Nasa gilid ng mga ito ang Alkalde.

Bilang lang sa daliri ang mga taong inimbitahan ng Alkalde at ng mga magulang. Ilang kilalang personalidad din ang nakita niya. Pero walang media. Napabuga siya ng hangin. Gusto niya sanang imbitahan ang mga kaibigan pero ayaw ng ina niya.

Lumapit sila sa mga magulang at nagmano sa mga ito. Nabigla siya nang walang anu-ano'y niyakap siya ng Alkalde.

"Pagbati, anak. Masaya akong magiging parte ka na ng pamilya."

"Uhm... m-masaya rin po ako." Hilaw ang ngiti niya nang kumalas ito at nakipagtitigan sa kaniya. Gusto na niyang tumakbo palayo sa lugar na 'yon pero mahigpit ang hawak ng Alkalde sa kaniyang braso. Napangiwi siya.

"Pa," sita ni Gideon sa ama.

Natawa bigla ang Mayor at binitiwan siya. "Pasensya na. Naalala ko lang ang aking butihing Nilda."

Bahagya siyang tumango. "Naintindihan ko po."

Baka naalala nito ang asawa dahil sa suot niya. Nabanggit nito na ang sariling esposa ang pumili ng kaniyang isusuot. Isa iyong white dress na lace ang sleeve at hanggang ibaba ng tuhod. Blue diamonds naman ang hikaw, kwintas, pulseras, at singsing na suot. Kanina pa nga siya nangingilati sa mga alahas pero pinigilan niya ang sariling baklasin ang mga iyon. Nakakahiya sa mga bisita.

Pero ibig bang sabihin... alam na ng ina ni Gideon na ikakasal siya sa huwes at mamamatay bago ang araw na 'yon? O baka ang Alkalde ang pumili at idinahilan lang ang esposa? Umiling siya at inalis ang tanong sa isip.

Nagbigay ng regalong house and lot ang Alkalde, habang dalawampung ektarya ng lupa ang ipinangalan kay Gideon mula naman sa ina. Ang nagpatigil sa kaniya ay nang inabutan siya ng ama ng isang car key.

"Alam kong mas gusto mo ang kabayo ngunit bumili ako ng kotse bilang pampalit kay Fransisko. Sana ay magustuhan mo, Jewel Laine."

"B-But..."

"May problema ba?"

"Hindi ako marunong magmaneho."

Ilang minutong natigilan ang ama bago napahalakhak. Nakikihalakhak na rin ang ina at ang Alkalde. Napatingin naman sa kanila ang ilang bisita.

"Wag kang mag-alala. Ibibigay ko na lang ang kotse sa aking bagong anak. Gideon, halika."

Lumapit si Gideon. Lihim siyang sumimangot at bahagyang umatras. Akmang lalayo siya nang hinigit siya ng ina papalapit dito.

"Jewel."

"Po?"

Ngumiti ang ina. Marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Magpakabait ka. Hindi mo maintindihan ang ginagawa namin ngayon pero dadating ang panahon na maintindihan mo rin."

"Ma, ano pong gusto niyong sabihin?"

Bumuntonghinga ang ina. "Alam naming mabuting bata si Gideon kaya siya ang pinili namin ng iyong ama. Matutuhan mo rin siyang pakitunguhan. Pero hangga't hindi ka pa handa ay alam kong aalagaan ka pa rin ni Gideon. 'Wag mo sanang isiping nagiging malupit kami ng iyong ama dahil iniisip lang namin ang makakabuti sa 'yo, Jewel." Umikhim ito. "Sa susunod na linggo ay ihaharap kita kay Kapitan. Naisip namin ng papa mo na isali ka sa Santacruzan."

"Po?" Napakurap siya. Nawala sa isip ang una nitong sinabi. "Ma, ayoko po."

"Jewel Laine, dapat maranasan mong maging Reyna Elena bago ka pa maikasal. Iba na ang buhay ng dalaga sa buhay may asawa."

"Ma naman..."

"Walang pero-pero. Maliwanag?"

Napanguso siya pero sinaway na naman siya ng ina. Inalis na lang niya sa isipan ang tungkol sa prosisyon. Ayaw niya talagang nagsusuot ng mga magagarang damit. Pati alahas ay ayaw niya rin. Siguro dahil lumaki siyang kasama ang mga kabayo at ang tubuhan kaya mas malapit ang puso niya sa cowboy hat, boots, at walang kamatayang ripped jeans na palagi niyang suot kapag naglilibot sa buong hasyenda. At para sa kaniya, mas mahalaga ang long sleeve kaysa sa mga long gowns na nagpapamura sa kaniya dahil nahihirapan siyang kumilos kapag suot ito.

'Only this time, Jewel. Tiis-tiis na muna, self... okay? Ilang buwan ka ring makakahinga nang maluwag 'pag pasukan na.'

Isang oras silang nagbabatian at nakikipagkamustahan sa mga bisita bago sila pinayagan ng mga magulang na lumabas ng Munisipyo. Wala na raw munang resepsiyon para iwas sa medya.

May nakaparadang Navarra sa harap ng Munisipyo at nakangiting kumaway si Pedro na nakatayo sa gilid nito.

"Senyorita, Senyorito! Talagang bagay na bagay kayong dalawa. Maganda at gwapo," ani Pedro.

Napailing siya habang ngumiti naman si Gideon, pero wala itong tugon sa sinabi ng alalay niya. Pinatunog nito ang pick-up at humarap saglit ito kay Pedro para magbigay ng utos.

Agad na lumulan sa sasakyan si Jewel at hindi na hinintay ang asawa. Ayaw niyang may makakita sa kaniyang kakilala o kaibigan sa Unibersidad na ganoon ang itsura. Siguradong mag-uusisa ang mga ito at baka malaman pang ikinasal siya sa huwes. Plano pa naman niyang isikreto ang tunay niyang civil status. At mabuti na lang ay tinted ang salamin ng kotse.

Lumulan na rin si Gideon matapos ang ilang minuto. Pinatakbo nito ang kotse palabas ng Munisipyo at lumiko sa daan patungong Dayhagon.

Naging tahimik ang biyahe. Minabuti niyang ibaba ang salamin ng bintana para malanghap ang sariwang hangin. Binaybay na ng sasakyan ang Aisle kaya hindi na siya nag-alalang baka may makakita sa kaniyang kakilala. Napatingin siya sa mga tubo. Kumikinang ang mga 'yon sa sinag ng araw. Napangiti siya.

Nilabas niya ang ulo at kamay sabay dama sa malamig na hangin. Malapad ang ngiti sa mga labi niya habang nakapikit. Inalala niya ang mga panahong malaya siyang nakapasyal sa buong hasyenda habang nakasakay kay Fransisko. Ganito rin ang klase ng hampas ng hangin noon sa kaniyang mukha.

"Don't stretch your arms too much, Jewel Laine," babala ni Gideon at binagalan nang kaunti ang takbo ng kotse.

Natigil ang pantasya niya nang marinig ang boses ng asawa. Napasimangot siya. "Stop calling my full name. Mukha kang si Papa."

Napangisi si Gideon. "I see. Pero kailangan mo pa ring kumapit nang mabuti. Baka mahulog ka diyan. Walang sasalo sa 'yo."

Umirap siya. "Don't control me, Hernandez."

"I look after your well-being."

"Kahit na! Stop commanding me."

Bumuntong-hinga si Gideon at hindi na umimik. Ilang minuto itong tumahimik. Naalerto siya nang lumiko ang kotse sa daan na palayo sa Mansiyon.

"Where are we going?" tanong niya.

"My house."

"What?"

"Sa bahay ko."

"Narinig kita. You don't need to repeat it again!"

Kunot ang noong tumingin saglit si Gideon sa kaniya. "Why so grumpy, young lady?"

"Hindi ako masungit!"

"At sumisigaw ka na."

"Hindi ako sumisigaw!"

Bumuntong-hinga na naman si Gideon. Nakabusangot naman siyang umupo nang maayos sa passenger seat at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Ewan ba niya pero hindi niya maiwasang magsungit sa asawa niya. Makailang-ulit pa siyang huminga nang malalim bago nawala ang init ng ulo.

"You really have a house?" mahinahon na niyang tanong. Nakita niya sa gilid ng mga mata ang pagsulyap ni Gideon sa kaniya at pagbalik ng tingin nito sa harap.

"Mmm."

"Inheritance?"

"No."

"Loan?"

Natawa bigla si Gideon. "I owe nothing, Jewel."

Kunot ang noong tumingin siya sa gawi nito. Nakadagan sa sill ng bintana ang isa nitong braso habang nakahawak naman sa manibela ang isang kamay. May munting ngiti sa mga labi nito at panaka-nakang tumitingin sa kaniya para siguraduhing maayos lang siya.

"So you have a work?" balik niyang tanong.

Tumango ito. "I had acquired that house when I was still a Corporal Scout Ranger."

"Was?" Kumunot ang noo niya. "Meaning wala ka nang trabaho ngayon? Tama ba?" Sumama ang timpla ng mukha niya. "Mr. Hernandez, paano mo papakainin ang isang asendera? I tell you. Kapag wala akong mapapala sa 'yo, nakahanda na ang maleta ko para bumalik sa mansiyon ni Papa."

Humalakhak si Gideon. Umawang ang mga labi niya. "I'm not kidding you, Hernandez. Stop laughing!"

Bumaling si Gideon sa kaniya. Pinipigilan nito ang isang ngiti. "Bubuhayin kita at ang magiging anak natin. Hindi ko lalagdaan ang kontrata kung ni isang kusing ay hindi ko kayang ibigay sa 'yo."

Doon lang siya natahimik. Bigla siyang nahiya. Umiwas siya ng tingin at hindi na umimik pa. May kung anong kiliting hatid ang mga salita nito saka... asawa't anak? Lumabi siya. Wala siyang planong ibigay nang tuluyan ang sarili.

'Hindi naman siya 'yong tipong namumuwersa, 'di ba?'

Umikhim siya. "Am I going to live in your house?"

"Ayaw mo sa bahay natin?" Pinatunog ni Gideon ang dila. "Do you want to live under the bridge? Tell me and I'll drop you off there."

Nagusot ang mukha niya. Natawa si Gideon.

"I'm not a clown, Hernandez. Umayos ka nga!"

"Someone's love to call her last name."

Ngumiwi siya. "Stop teasing me. I'm pertaining to you, not myself."

Umiling si Gideon at bahagyang tumaas ang sulok ng labi. Iniliko nito ang kotse sa isang intersection. "Matanda ako ng ilang taon kaya dapat lang na igalang mo ako."

She smirked. "What then? Shall I call you Kuya?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Gideon. Mas lalong lumapad ang ngiti niya. "Kuya. Kuya Gideon, malayo pa ba ang bahay mo?" asar niya rito.

Kunot na ang noo ni Gideon nang inihinto nito ang kotse. Agad itong bumaling sa kaniya at pinaningkitan siya ng mga mata. "What?"

Humalakhak si Jewel. "You want me to honor you, right? Then that's it, Kuya Gideon."

Naiiling na bumuntong-hinga si Gideon. "Don't call me Kuya, Jewel. I'm your husband. Call me Aseh from now on."

"Ayoko nga. I like to call you Kuya, e."

"Then I'll call you Jewel Laine."

"No way! I hate to hear you calling me like that!"

Ngumiti nang pagkalapad-lapad si Gideon. "So we have a deal."

Unti-unting nagsalubong ang dalawang kilay ni Jewel. "Come on..."

Nagkibit-balikat si Gideon. "Call me Aseh, I'll call you Jewel." Ngumiti ito at ginulo ang buhok niya. Inis naman niyang tinabig ang kamay nito. Natawa ang lalaki.

Umismid siya. "I don't like to call you, Aseh. I'll call you Gideon if you like." Nag-iwas siya ng tingin at napasimangot.

"Sure." Inalis ni Gideon ang sariling seatbelt. Kinalas din nito ang seatbelt niya. "Aseh or Gideon, whatever you like." Huminga nang malalim si Gideon at tumitig sa kaniya. "Pinabalot ko lahat ng gamit mo sa Mansiyon. I'm expecting the package before sunset so we don't have to go back."

Bumaling siya ulit kay Gideon."Wait. Did I hear you right? Pinabalot mo ang mga gamit ko?"

Tumango ito. "Is there any problem?"

Mabilis niyang kinuha ang Iphone sa shoulder bag. Tinawagan niya si Pedro pero ayaw sumagot. Patay naman ang cellphone ni Dalya.

"Arg!" impit niyang sigaw.

"Jewel, anong problema?"

Masamang tingin ang pinukol niya kay Gideon. "Pinabalot mo 'yong gamit ko!"

Napapantastikuhan naman siyang tinitigan ng asawa. "Pinabalot ko para makapagsimula na tayo. Hindi ko alam na ganiyan ang magiging reaksiyon mo."

"That's not what I mean!"

'Yong mga libro niya ang inaalala niya. Baka makita ito ng kasambahay at ipaalam sa kaniyang Mama Belinda! Natampal niya ang sariling noo. Siguradong kukuyogin siya ng ina pabalik sa kanilang mansiyon.

#033130.12.0A

#020221.R


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status