Share

Please, Don't Let Me Go! (Tagalog)
Please, Don't Let Me Go! (Tagalog)
Author: Belle Cassy

Introduction

This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Introduction...

"Mom!" malakas na sigaw ko mula sa labas ng aming bahay.

"Yes, honey, ano ba yun?" sigaw niya pabalik sa akin sa isang mahinahong tinig habang nakatingala sa bintana, mula sa loob, at napapaisip naman ako kung bakit mukha siyang pagod na pagod at higit sa lahat ay napakatamlay at lungkot ng kanyang mukha. Hindi naman dapat pa ako nagtataka dahil higit sa lahat alam ko ang dahilan.

"Mom, kailangan na po nating umalis," sabi ko at maya't maya pa ay nasa harapan na ito ng pintuan na may hawak na malaking kahon kaya naman nagmadali akong lapitan siya upang buhatin iyon.

"Thank you, honey," mahinang sambit niya at ngumiti naman ako sa kanya.

 Habang papalayo ng bahay ay nilingon ko itong muli at nakakalungkot isipin na hindi man lang siya lumabas para magpaalam sa amin. Hindi na nga niya siguro kami mahal ni mama at wala na nga talaga siyang natitirang malasakit sa akin na anak niya o kay mama man lang. Napapaisip tuloy ako kung nakangiti ba siya mula sa likod ng mga pader na iyon habang iniisip na sawakas mawawala na kami sa paningin niya. Kahit kaunting pagmamahal lang ba mula sa kanya ay hindi ko magagawang masilayan kahit sa huling sandali man lamang?

Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim at saka ako sumakay sa kotse habang ang isang truck naman sa may likuran namin ang siyang nakasunod sa amin.

Well, we are heading to Baguio City, for a new beginning. My mother and father agreed on estrangement, and I couldn't do anything about it. Seeing how each of them looks at each other like a stranger is breaking my heart. But what worst of all, ay itong bagay na mas pinili nilang putulin ang lahat ng ugnayan na meron sila, no communications at all, as in zero percent. But of course, even if it is hurts, I have to understand that, and I truly believe that may mga bagay sigurong dapat ng pakawalan kahit ang ibig sabihin pa ay ang kalimutan lahat ng bagay na binuo niyo ng magkasama.

Para makaiwas sa isang masakit na katotohonan ay kinuha ko na lamang ang headset ko at marahan na ipinikit ko ang aking mga mata, sinusubukan kong kalimutan and lahat ng sakit at pagkamuhi ko. Nakikinig ako ng mga kanta upang libangin ang utak ko nang bigla na lang itong huminto kaya napamulat ako para tignan kung anong nangyari sa phone ko.

"Mag-iingat ka palagi, Seb.," isang text galing kay Shanila... Isang babaeng hindi umalis sa tabi ko kahit na anong nangyari. Hindi ko na lamang pinansin ang text niya at pinatugtog muli ang kanta. Pakiramdam ko punung-puno ng tinik ang puso ko, parang bang isang tinik sa rosas na kahit gusto mong alisin wala kang magagawa dahil bago mo pa lang nasilayan ang mundo, ay nakatadhana ka nang magkaroon ng tinik sa buhay, pero ang tanging magagawa mo ay ang tanggapin ito, pero ang pagtanggap sa katotohan ay kaakibat ng sakit, pero sa kabilang banda kaakibat din nito ang kapayapaan, dahil sa araw na matanggap mo na ang mga hindi mo naman ninais na bagay makakalaya ka rin sa sakit, hindi man mabilisan pero ang mahalaga ay ang makawala ka.

Habang papalayo kami ng papalayo ng Manila ay unti-unti ko nang nararamdam ang lamig ng panahon, hindi ang lamig ng sitwasyon na kinakaharap ko kundi ang klima ng panahon, hindi ko akalain na ganito pala kalamig dito sa Baguio. Kapag nakikita ko kase siya sa social media maaraw at tila imposible ang lamig na tulad nang sinasabi nang lahat pero tama nga sila.

Umabot din kami ng ilang oras para ayusin at ipasok lahat ng gamit namin, lumipat kami dito sa isang subdivision, in my old grandparents' house, they were no longer alive but they give this wonderful place to mom. And I honestly love this place. It's calm and I guess this is the perfect place to start over again, with my mom, of course. 

Isang buwan din ang lumipas simula nang lumipat kami, inaral ko nang mabuti ang lugar, tinatandaan ko ang bawat sulok at kalye, hindi naman ako gano'n nahirapan dahil kumpara sa Maynila hindi naman ito gano'n kalakihang lugar. KAya naman madalas akong naglalakad sa lugar, para hindi ako maligaw, lalo na't 18 na taong gulang na ako, kailangan kong matandaan ang lugar para sa pagpunta ko araw-araw sa unibersidad.

Haist, natuwa na lamang ako dahil hindi ako kabilang sa batch of K-12 education. Hindi ko ito naabutan, dahil ang dalawang taon pang dagdag sa high school ay parang kamatayan na sa akin. Urgh! Para kase sa akin, high school life is boring, kaya stepping into college is the greatest challenge for me, lots of people, lots of academics, and most of all, lots of mature individuals, my high school days were filled with too immature classmates, believing in love, and well, fighting against one guy who didn't even have a dream in life, a guy who all worried about was his popularity and didn't want to hang-out with the losers or sabihin na nating hindi ganun sikat sa school, they just care about their reputations, well suck that reputations, it's making me throw up. That's why I couldn't understand some girls, they are too attractive with what we so-called bad boy or known as a gangster, who only loves making troubles. What is it for them after all? Well, it doesn't matter at all, that's their life and all I should worry about is mine. Yeah, difinitely, right? Let's just mind our own business.

Well, ang unag pasok ko naman ay hindi rin naging masama, bagong guro, bagong kaibigan, lahat ng mukha ay bago lamang sa akin, at higit sa lahat... bagong AKO!

"Bago ka lamang dito, hindi ba?" tanong ni Mark sa akin, kaklase ko siya sa isa sa mga subject ko.

"Uhmm, yes," maikling sagot ko and glad we get along too fast. Maya-maya ay biglang may lumapit sa amin na isang babae.

"Hay naku, hulaan mo kung anong nangyari sa akin ngayon?" naiinis na sabi ng isang babae habang papalapit sa amin sabay irap at agad naman napatingin si Mark sa kanya.

"Oh, ano bang nangyari sa'yo? Nga pala Amber, heto si Sebastian Fernandez; Sebastian, this is Amber De Castro, my girlfriend, hehe," nahihiyang sabi niya at natawa naman ako.

"Oh, hi, nice meeting you," ngiting sabi sa akin ni Amber sabay abot ng kamay niya sa akin.

Ngumiti lamang ako saka nakipagkamay sa kanya.

"So, ano dapat yung gusto mong sabihin sa akin kanina?" tanong ni Mark kay Amber.

"Well, about the loner girl," naiinis na sabi niya.

"Oh, ano na naman bang problema sa babaeng iyon?" tanong ni Mark.

"Well, we bumped into each other on the way here, at natabig niya yung dala-dala kong juice and buti na lang hindi natapunan 'yong damit ko," sabi niya at napairap sa gigil, at ako naman tahimik lang dahil wala akong ideya kung sino ba itong loner girl na sinasabi nila.

"Okay, pagkatapos?" tanong ni Mark.

"hay naku! Hindi man lang siya nag-sorry, nilagpasan at tinignan niya lang ako," bulalas nito at heto namang si Mark ay sinusubukan siyang pakalmahin at pinipilit na palagpasin na lamang ang ginawa sa kanya, kung sino man iyon. Nakakatuwa na hindi man lang siya nagalit at nagtangkang sugudin ang babaeng tinutukoy ni Amber at pinapakalma na lamang ang jowa niya. But then I wonder who is this loner girl, a loner?... That word stuck in my head, I wonder why did they call her that. Wala ba siyang kaibigan? Hmm, I should not worry about it, besides she is maybe just a brat mean girl, nothing more nothing less.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status