Share

Let us live with Harmony (Part 2)

"Nahuli po silang nag-aaway sa loob ng school"

Tumango si Miss Lily. "Unang araw palang nagawa niyo ng makipag-away? Masyado ding malalakas ang mga loob niyo no."

"Mr. Sanchez. Kasama ka sa away?" puna ni Sir Zidane sa kanya. "Kaya naman pala. Walang duda na mapapaaway talaga kayo" pagmock niya dito.

"Bwesit. Ano bang alam mo" bulong nalang ni Sky sa sarili.

"May sinasabi ka ba?"

"Wala po"

"Sir" si Anthony yun. "Wala po silang kasalanan. Nadamay lang po sila. Pinagtanggol nila kami sa mga nangbubully samen."

"Sige. Ipaliwanag niyo ang nangyari"

"Maglu-lunch na po sana kami. Nang may mga lumapit samen na grupo ng mga lalake. Hindi namen alam sa kung paano sila nakapasok sa school pero iba ang uniform nila. Pinipilit nilang hingin ang number ni Daniella. Nung ayaw ni Dani nagsimula na silang mangulit ang pinipilit siyang sumama sa kanila. Pinipigilan ko sila kaya nagsimula silang bugbugin ako. Sa ganong sitwasyon  naman dumating ang grupo nina Sanchez at tulungan kami."

"May ibang nakapasok sa school" bumaling ulit ito sa mga guard "Nasaan ang mga trespassers? At sa paanong paraan sila nakapasok diba dapat nagbabantay kayo dun?"

Medyo nahiya ang mga guard ng marealize ang mali nila. "Hindi po namen napansin. Mabilis din silang nakatakbo ng awatin namen sila"

"Hindi napansin?!" mababakas sa mukha nito ang disapppointment "Iba ang uniform nila hindi niyo napansin? Tignan niyo ang nangyari sa mga estudyante naten. Irereport ko sa Director."

"Pasensya na"

"At kayo" baling nito sa apat. "Hindi porket may nakita kayong nag-aaway makikisali na kayo. Kaya nga merong guidance para tulungan kayo sa mga ganitong kaso. Dahil sa ginawa niyo pwede pa rin kayong ma-punishment."

"Huwag mo na silang pagalitan" awat ni Sir Zidane. "Mga bata pa sila kaya may pagka aggressive pa sila. Ginawa lang nila ang inakala nilang tama. Saka ang mga estudyante na naten ang napahamak dito. Hindi ba dapat ay makipagcoordinate tayo sa school nung mga trespasser na yun para sila yung mabigyan ng punishment"

"Gagawin ko din naman yun. Pero dapat may sanction pa rin sila"

"Bakit pa kailangan yun? Narinig mo naman sila. Yung mga tagalabas ang may kasalanan. Biktima ang mga batang ito."

"Bakit mo ba sila pinagtatanggol?" medyo naiinis si Miss Lily sa kanya. Tinaasan pa niya ng kilay ang kaibigan.

"Estudyante ko sila. Ipagtatanggol ko sila kung alam kong wala naman talaga silang kasalanan. And remember guidance ka, you should be more patient about them."

Although hindi ito ang oras para i-admire nila ang prof nila pero aminado ang pito na nabilib sila sa pagtatanggol sa kanila nito.

"hmm sige" alam ni Miss Lily na may pagkamatigas din ang ulo ng kaibigan at siguradong mag-aaway sila kung ipipilit pa niya ang sa kanya. "pero isang beses lang to Zey. Pag nasangkot ulit sila sa gulo bibigyan ko na sila ng sanction. Pasalamat ka magkababata tayo."

At pinalabas na sila ng guidance. Tumingin si Lily kay Zidane. May pagdududa sa mga mata nito. "Masyado kang considerate sa mga estudyante mo ngayon hah?"

"Wala ng masama sa ganon diba? Saka tama naman talaga ko." proud na sabi nito

"Oh siya sinabi mo eh. Mabuti pa lumabas ka na at tandaan mo kailangan mo ding pagsabihan ang mga batang yan."

***

Nang papunta na si Zidane sa faculty ay lumapit ang pito sa kanya para magpasalamat. "Salamat kanina sir." si Nathan ang nagsalita. "Pasensya na kung binigyan ka kaagad namen ng problema"

Tumingin siya isa-isa sa kanila. Pero si Sky sa ibang direksyon ang tingin.

Ang taas ng pride. Napangisi nalang si Zidane. "Ginawa ko lang ang dapat. Next time mag-iingat na kayo at iwasan niyo na ang makipag-away" lumapit ito kay Sky. Napansin niya yun pero dahil nahihiya ito at medyo naiinis pa din ay hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa prof niya. "Sanchez, I think you should learn how to respect me as your prof"

"Bakit? May ginawa ba ko to disrespect you?" pagmamatigas nito.

"Sky!" awat ni Nathan pero hindi siya pinansin nito.

Ngumisi si Zidane. "Gusto mong ipaalala ko sayo?"

"Prof. you should learn to move on. In fact, nagsorry na ako about dun sa first encounter naten pero ikaw ang hindi tumanggap nun."

"See? Hindi ka dapat ganyan makipag-usap sa prof mo. Hindi bale, matututo ka din. Lalo na mukhang matagal tagal ba tayong magkakasama." lumapit ito sa tenga niya para ibulong ang susunod na sasabihin "at mukhang mapapadalas"

After noon ay bumaling ulit ito sa iba. " See you tomorrow. Huwag kayong magpapalate sa klase niyo"

"Ano ba Sky. Ibaba mo nga yung pride mo. Respeto naman sa prof naten"

"Siya kaya ang nag-umpisa nanahimik na ako" Bakit ba ako ang lumilitaw na may kasalanan dito. Nanahimik lang naman ako. Siya kaya yung nag-approach saken.

"Sana di ka na sumagot"

"Tama na" awat ni Jaspher. "Baka kayo pa ang mag-away diyan. Pumasok na tayo sa susunod naten na klase"

"Hmm" nagpout si Nathan "Di ako nakakain ng lunch" Bahagyang nangiti si Jaspher sa pagpout nito. He finds it cute. Iba talaga ang effect saken ng taong ito.

"Gusto mo ba bilhan kita ng tinapay sa canteen?" alok ni Jaspher. Bahagyang nahiya si Nathan pero na-flattered siya sa alok nito.

"Huwag na. Kaya ko namang tiisin hanggang mamaya"

Masyado pang maaga Nathan para kiligin sa kanya. Ano ba yan. Feeling ko tuloy marupok ako.

****

Ngayon ang araw ng paglipat ni Skyler sa inaanak ng nanay niya. Kagaya ng nasa instruction na binigay ng nanay niya. Naamaze ito dahil ang ganda ng lugar. Halatang mamahalin.

Okay lang ba talaga na makitira ako dito? Bahagya itong kinabahan.

Nagpakawala ito ng buntong-hininga at kumatok sa pintuan. Nagulat siya ng makita kung sino ang nasa loob.

.......

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status