Share

Something New (Part2)

Hanggang ngayon ay nagtatampo pa din si Cassey dahil pakiramdam niya ay napagkaisahan siya ng mga kasama niya. Pinagtatawanan lang siya nina Anthony at Daniella. Pero seryoso sina Nathan at Skyler sa pagsuyo sa kanya.

"Kahit kailan hindi ko kayo mapapatawad" pagsusungit nito sa mga kasama niya.

"sorry na nga" paghawak pa ni Nathan sa kamay nito. "Akala kase namen okay lang sayo."

"Mukha bang okay saken?"

"Ang OA mo sa 'kahit kailan'" sabay batok ni Daniella sa kaibigan. "para namang ang laki talaga ng kasalanan namen. Sinali ka lang naman sa mga magmomodel sa acquiantance party naten. Ayaw mo nun ibig sabihin naaappreciate namen yung beauty mo"

"Kahit wag niyo na i-appreciate. Saka bakit ako lang. Bakit hindi pati ikaw"

"Hindi pwede si Daniella" mabilis na sagot ni Anthony na napatayo pa.

"At bakit hindi?" Ayan na naman siya sa pagkaprotective niya kay Daniella. Kaibigan din kaya niya ko.

Napatingin din ang iba sa kanya. "Kase...." nag-isip ito ng idadahilan " hindi siya maganda" sagot nito.

Napailing si Cassey. Kung ganiyan siya ng ganiyan hindi siya mawawala sa pagkafriendzone.

Napatayo si Daniella sa sinagot nito "Anong sinabi mo?" halata sa mukha nito ang inis.

"Saka maitim ang kili-kili niya" nagtawanan naman ang iba sa sinabi niyang yun.

"Anthony Torres may problema ka ba saken" sabay sabunot niya dito. "Kababata pa man din kita pero ganyan ka kung tratuhin mo ko hah. Hindi kaya maitim ang kili-kili ko" tumingin siya sa iba nilang mga kasama "at kayo anong tinatawa tawa niyo diyan? Gusto niyo ding masaktan?"

"Tama na nasasaktan nako"

"Ginusto mo yan eh"

"Pero feeling ko din mas okay na hindi ka na sumali dun" seryosong sabi ni Cassey sa kanya.

"Pati ba naman ikaw"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Mas prefer ko lang kase yung Daniella na simple. Hindi yung kikay na ayos tapos rarampa pa sa stage. Alam ko naman na mas kumportable ka sa ganyan. Maganda ka kahit sa simpleng ayos mo lang."

Dahil nakuntento na si Daniella sa sinabi ni Cassey ay tumigil na siya sa pagsabunot kay Anthony. Alam talaga ni Cassey kung pano bolahin ang kaibigan.

Bumulong si Cassey kay Anthony. "Nakita mo ginawa ko? Learn from me" pagyayabang niya dito na inirapan lang ni Anthony.

"Sa kabilang banda hindi ko pa din kayo napapatawad remember?"

"Ano bang gusto mo? Ililibre ka namen kahit saan mo gusto?" alok ni Skyler sa kanya.

"Kahit saan?"

"Oo basta wag ka ng magtampo samen"

"Okay. Gusto ko ng shabu-shabu bukas bago umuwi"

"Okay" mabilis na sagot ni Nathan. Pero hindi agad nakasagot si Skyler. Siguradong malalate sila ng uwi at hindi niya alam kung papayagan siya ni Zidane. Huwag ko nalang kayang sabihin?

"Ingat lang baka mataba ka na sa mismong acquiantance sa kakakain mo" pang-aasar ni Anthony sa kanya.

"Hindi naman"

"Ehem!" singit ni Jaspher "Paano naman kami?"

"Edi sumama din kayo"

"Yehey" sigaw ng lahat.

Dahil magkatabi lang si Jaspher at Nathan bumulong ito sa kanya "Don't left me behind"

Napangiti si Nathan sa sinabi nito. Boyfriend ang peg? "I will not" sagot naman niya.

Bahagya siyang nagulat ng hawakan ni Jaspher ang kamay niya. Hindi yun napapansin ng iba dahil nasa ilalim ng mesa ang mga kamay nila.

"Bakit namumula ang pisngi mo? May sakit ka ba?" tanong ni Ivan sa kanya na medyo nag-aalala.

"H-hindi. Mainit lang kase"

"Sigurado ko ka?"

"Oo naman"

****

Hawak ni Jaspher ang kamay ng isang tao at para bang hawak niya ang buong mundo. Tila ba hawak niya ang lahat lahat sa kanya at taong bumubuo ng pagkatao niya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan hindi niya makita ang mukha ng taong yun.

"Jaspher" tawag sa kanya ng taong yun with a gentle voice. Pamilyar ang boses niya pero sino nga ba ulit siya? Bakit kase hindi ko makita ang mukha niya?

Nagising mula sa pagkakatulog si Jaspher with that strange feeling inside his chest. Ngayon na gising na siya parang namimiss niya yung lalakeng nasa panaginip niya.

"Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang ang laki ng nawawala saken? Ano bang nangyayari saken?"

Pumasok sa kwarto ang mama ni Jaspher at napansin niyang hindi ito okay. "What happen?"

"I just had a strange dream. Ma can I ask you something?"

"Ano yun?"

"May hindi pa ba ko alam sa nangyari saken 2 years ago?" nagulat ang mama niya sa tanong nito. "May hindi ba kayo sinasabi saken?"

"W-wala na. Sinabi ko na lahat sayo. Bakit mo ba naitanong yan? May bumalik na ba sa memory mo?"

"Wala pa" mababakas sa mukha nito ang disappointment. "At naiinis ako na hanggang ngayon wala pa ding development sa memory ko. Wala pa rin akong naaalala. You know what? I always have this feeling na meron akong dapat tandaan. Parang ang bigat na hindi ko yun maalala"

"Calm down. Maaalala mo din ang mga bagay na yun. Someday anak" at niyakap niya si Jaspher.

.....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status