Share

Missing Piece (Part 2)

Pagdating sa coffee shop ni Sky nakita niyang nakaupo sa sulok si Nathan. Medyo kalmado na ito pero mababakas pa rin sa mga mata niya ang pagkalito.

"Napano ka?" nag-aalalang tanong nito.

Mabilis itong yumakap kay Sky "Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Bakit?"

"May boyfriend ako. Nakita ko sa alaala ko na may boyfriend ako. Itinago yun saken ng mga magulang ko. Bakit nila itinago saken yun?"

Inalis siya ni Sky sa pagkakayakap at pinunasan niya ang mga luha ni Nathan "Relax ka lang. Alam mo ba kung sino siya? o kung saan siya posibleng makita?"

Umiling si Nathan. "Hindi ko maalala ang mukha niya. Pero gusto ko siyang makilala."

"Pero paano? Isa pa, its been 2 years marami ng nagbago. Paano kung may iba na siya sa mga panahon na ito. Huwag mo muna isipin ang sa kanya. Ang unang step na dapat naten gawin ay maibalik ang memory mo. Wait. Paano ka nagkaroon ng glimpse ng alaala mo?"

Ipinakita ni Nathan ang bracelet niya "Dahil dito. Couple bracelet namen siya ng boyfriend ko"

"Bakit hindi mo muna isuot lagi yan. Baka makatulong sayo. Si Alvin? Wala ba siyang alam?"

"Ang sabi niya wala daw."

Nakikita ni Sky sa kung gaano kalungkot at disappointed ni Nathan " Nathan" hinawakan niya ang balikat nito. "Unti-untihin naten. Makakaalala ka din."

"Salamat Sky. Palagi kang andyan. Hindi mo naman gusto ang psychology pero dahil saken nagtake ka nito. Lagi mo kong kino-consider"

"Natural lang yun kase kaibigan kita. Saka wala namang mawawala saken kung magtake ako ng psychology. Undecided pa rin naman kase ako sa gusto kong gawin sa buhay"

Hindi maimagine ni Sky kung paano ba naipagpapatuloyvni Nathan ang buhay niya na may kulang sa kanyang nakaraan. Kaya simula ng malaman niya ang kalagayan nito. Hindi na siya umalis sa tabi ng kanyang kaibigan.

Nang bahagyang nakalimutan na ni Nathan ang mga negative emotion na nafefeel niya ay nagdecide na siyang magyaya kay Sky. "Siguro kailangan ko ng bumalik. Hindi ako nakapagpaalam samen. Tara na" yaya niya dito.

"Sige mauna ka na"

"Bakit? Ano pang gagawin mo dito?" nagtatakang tanong nito. Nagring ang phone nito na nasa table pero bago pa makita ni Nathan ang pangalan ng tumatawag ay mabilis na kinuha yun ni Skyler. "Sino yan?"

"Wala. Huwag mo nalang pansinin ito"

Pero kilala niya ang kaibigan. Kapag may tinatago ito ay hindi ito makatingin sa mga mata niya. "Sige ikaw ang bahala. Mauna na ako" hinayaan nalang niya ito.

***

Nang nasa supermarket na sila napansin ni Zidane na malalim ang iniisip ni Skyler. "Ano bang pinag-usapan niyo ni Cruz at naging ganyan ka?"

"Naisip ko lang kase na parang ang hirap ng pinagdadaanan niya. hmm may tanong ako?" sabay kapit nito sa kamay ni Zidane na para bang kumportable na siya sa ganong pagcling dito.

"Ano yun?"

"Halimbawa nagkaroon ka ng lover tapos bigla nalang siyang nawala. Dalawang taon siyang nawala hihintayin mo pa rin ba siya?"

"Hindi ko kayang bigyan ng specific na sagot yan. Magkakaiba kase ang puso ng tao Sky. May mga tao na kahit walang kasiguraduhan maghihintay sila sa taong yun. Pero meron iba na magmomove-on na." tumingin ito kay Sky. "Kahit gaano pa kalalim ang pagmamahal naten sa isang tao. Panahon lang ang makakapagsabi kung hanggang saan siya matatapos. Pero hindi porket nakahanap ka na ng iba hindi na malakas ang love mo dun sa dati. Lahat kase ng tao napupunta sa love na nakalaan para sa kanya. Kahit anong klase pa ng love yan. Kung saken mangyayari yun hahayaan ko ang kapalaran na magdecide sameng dalawa . Kase kung kami talaga, gagawa ng paraan ang kapalaran. Although sinasabi ng tao na tayo ang gumagawa ng kapalaran naten, sa kabilang banda naniniwala ako. Na may will ang kapalaran at ang Diyos para saten na hindi naten matatakasan."

"Wala ka bang taong gustong balikan?"

Ngumiti si Zidane. "Bakit ko pa siya babalikan kung mas maganda ang nakikita kong view sa future ko. Hindi ko nga lang alam kung makikita din niya ang future niya saken." giving him a sweet smile.

Sa isip ni Skyler alam niya kung sino ang tinutukoy ng kanyang teacher.

Masyado naman ata siyang inlove dun kay Miss Lily.

"Zey." tawag ng isang boses. Si miss Lily. "naggrocery ka?"

"Hindi magpapaospital ako. Syempre nasa supermarket ako" biro nito sa kanya.

"Wag mo ko pinipiloso hah" napatingin siya sa kasama nito "Mr. Sanchez? Buti magkasama kayo? Magkasama kayong maggrocery?" nagtatakang tanong nito.

Mabilis na inalis ni Sky ang kamay niya kay Zidane.

Tinignan ni Sky si Zidane inaabangan kung ano ang sasabihin nito.

"Hindi. Aksidente lang kaming nagkita dito. Kaya tinulungan na niya ko"

"Okay. Pero pwede din kitang tulungang mamili"

"Hindi. Okay na kami." hinawakan ni Zidane ang kamay ni Sky papunta sa cashier. Nakatingin naman si Miss Lily sa kamay nila.

"Aksidenteng nagkita hah"

***

Sa kotse

"Bakit hindi mo nalang sinabi sa kanya na magkasama tayo sa bahay. Kaibigan mo naman siya diba"

"Baka maging isyu sa kanila yung may kasama akong estudyante sa bahay"

"Anong masama dun? Magkasama lang naman tayo sa bahay. As if naman may affair tayo. Unless selosa si Miss Lily"

Nagulat si Zidane sa sinabi nito "Anong selosa?? Bakit siya magseselos?"

"May something sainyo hindi ba? Kaya baka hindi siya kumportable na may kasama kang gay sa bahay?"

"What? Iniisip mo na may something kami?! Teka. Gay ka?!" mas lalo tuloy siyang naguluhan sa mga sinasabi ni Skyler.

"Hindi mo alam na gay ako?"

"Well wala ka namang sinabi saken officially?"

"Hindi ka naba magiging okay na kasama ko dahil nalaman mong gay ako?"

"Of course not. I like it---- I mean okay lang saken"

Shit! Gay siya ibig sabihin may pag-asa ako? Wait lang. May gusto siya sa best friend niya.

Napaisip ito. "Gay ka?? Ibig sabihin totoo yung iniisip ko na may gusto ka sa best friend mo?!"

"What?! No! Ano bang iniisip mo?! Hindi ako magkakagusto dun?"

"Really?"

"Really!"

Ano ba naman to. Pati kami ni Nathan pag-iisipan pa na may something.

"Atleast sigurado"

"Anong sigurado?"

"Wala. Yung about kay Miss Lily. Magkaibigan lang kami."

"Sure?"

"Yes. Pero still we need to be careful. Baka question-in nila pagstay mo saken. Kaya wag naten ipapaalam sa iba ang tungkol dun"

"Alam ko na po"

.....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status