Share

Chapter 5 : The Training

“H-headmaster” ang tanging naging tugon ni Grethel. Para syang maamong tupa sa pagdating ng headmaster.

Matalim ang tingin nya sa amin, “Inside. NOW!”

Lahat kami ay nagulat at mabilis na pumasok papunta sa opisina ng headmaster.


Ngayon ko lang sya nakita ng ganon, galit na galit ang boses at itsura nya.

Nasa loob na kami ng opisina at nakaharap kay headmaster Regina.


Nasa harapan si Miss Grethel na umamin na sya ang nagsimula ng gulo, nasa likuran kaming tatlo nasa balikat ko naman si Dhirma.

“Sheena, dalhin mo na si Dane sa kwarto nya. Dane, magpahinga ka na. Mahaba ang araw mo bukas.” utos ni Headmaster Regina.

Sheena pala ang pangalan ng fairy ni Rhei bulong ko sa sarili ko. Tinungo nya ako agad at lumabas na kami.

“Huwag ka matakot para sa kanila. Kada may bagong estudyante sa academy may ganoong ritual.”

“Ritual ba ang matatawag mo doon? Paano kung may mamatay?”

“Walang namamatay pag si Miss Grethel ang nag trigger sayo. Pero ngayon lamang sya nahuli ni Headmaster Regina. Espesyal kasi ang panahon na ito. Dahil dumating ang Kaisar.”

“Kaisar?”

“Malapit na tayo, Dane.”

Iniwasan ni Sheena ang pag usapan ang huling sinabi nya. Sinabihan nya ako na panatilihing lihim ang kaniyang mga sinabi. Umalis na sya kaagad pagkarating namin sa kwarto ko.

Naiwan ako kasama si Dhirma na kanina pa tahimik. Ano kaya ang dahilan ng kanyang pananahimik?


Hindi na ako naglakas ng loob na itanong kung anuman ang nasa isip nya.

Malaki ang kwarto na tinutuluyan ko, may sarili itong bath tub, shower at toilet. Ang ilang kakailanganin kong toiletries  ay naroon na, may uniform din na maayos na  nakalatag sa kama.


Umalis sa balikat ko si Dhirma at lumabas gamit ang isang spell.


Hinayaan ko na muna sya, kahit naguguluhan ako sa ugali nya.

Pinuntahan ko ang bintana ng kwarto at hinawi ang yellow gold nitong kurtina. Nakikita mula sa aking kwarto ang gate ng academy, nakita ko rin sina Miss Grethel na pinuntahan ang barrier.


Gumagamit sila ng kakaibang allure at ang charm nila para matanggal ang barrier.


Halos mag iilang minuto ko na silang tinitignan, pero bigo sila na maalis ang barrier na ako ang nakagawa. 

Dahan dahan kong isinara ang kurtina.

Humiga na ako sa kama, unti unti ay naramdaman ko ang pagod sa pakikipaglaban ko kay Miss Grethel. Napapikit na ako at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. “Gumising ka na, Dane. Maaga kayong mag eensayo.” ang boses ni Dhirma , may kakaiba sa kanya. Napapalibutan sya ng mga dahon sa katawan habang may mainit na berdeng dahon ang pumapaikot sa kanya.

Bumangon ako agad at dumiretso sa paliguan para mag asikaso. Pagkatapos ay isinuot ko ang uniform ng academy. Iniabot muli sa akin ni Dhirma ang crest.

“Wag na wag mong kakalimutang isuot yang crest na iyan, kung ayaw mong mapahamak.” sabi nya habang inaabot ang crest.

Tinuro sa akin ni Dhirma ang Dining hall kung nasaan ang lahat ng estudyante, lahat ay nakatingin sa akin, nagbulung- bulongan ang ilan.

Nakita ko sina Frea at Rhei sa isang round table. Kinuha ko na ang pagkain ko sa counter at tumabi sa kanila.


Napalibutan nag katahimikan ang buong hall. Tanging kalansing ng mga kubyertos ang naririnig doon.

“Kumain ka ng madami Dane, mahihirapan ka sa unang araw ng training mo.” bulong ni Sheena.

Matapos kumain ay may sumama sa amin na dalawang babae.

“Hello, ako pala si Yui. Weather manipulation ang charm ko.” Masigla nyang pagpapakilala.

“Frenny. Illusion ang sa akin” Maikli at walang gana nyang pakilala.

Si Yui ay naka stripes t-shirt lang at may parang fitted jogging pants. Nakapony tail ang buhok nya na blond at pink ang dulo. Si Frenny naman ay naka pig tails ang kulot na coffee brown na buhok nya. Matalim syang tumingin at may crest sya na gaya ng sa akin. Para syang si Rhei.

Napansin kong iba ang uniporme nilang dalawa sa aming lahat.


Tumayo na kami at dumiretso ng training room. Nasa kabilang gusali ang training room. Pati doon ay nababalutan ng barrier na ako ang nakagawa. 

“Dane..” tawag sa akin ni Rhei at nilingon nito ang barrier. Ibig sabihin ay hindi sila makakapasok. Hinawakan ko ito at gumawa iyon ng lagusan papunta sa pintuan ng training room.

Pumasok ang lahat doon, napansin ko na iba ang kulay ng barrier. Hawig nito ang barrier sa gate bago ito napalitan.

“Magsisimula tayo sa kaya ng mga abilities nyo.” sabi ni Rhei. Ngayon ko lang napansin na isa pala sya sa mga teachers ng academy. Masyado syang bata, mga nasa 25 to 30 ang edad nya.

“Dane, ikaw at si Frea ang magsisimulang magsanay.” walang emosyon nyang sabi, habamg naka-cross arms sya.

“Pero Rhei hindi gumagana ang charm ko sa kanya.” reklamo ni Frea.

“Paano mo naman nasabi iyon?”

“Nung nasa greatwood forest kami, sa labas ng academy. Lahat ng nakaaway ko ay hindi na magamit ang kanilang kapangyarihan. Pero si Dane, nanatili ang kanyang kapangyarihan.”

“Isa iyong advantage ng isang special Leviathan. Kung gayon, tignan natin ang kakayahan nya kapag si Frenny na ang naging training buddy nya.”

Gumamit ng charm si Rhei. Ang itim nya na apoy ay bumalot sa buong training room, hindi ito gaya ng normal na apoy na mainit.

Iyon ang nagsilbi bilang arena namin. Hindi ko alam ang mangyayari sa amin kapag dumikit kami doon.

Tumayo si Frenny sa gitna at kalmado ang mukha, papalapit ako sa kanya at bigla syang sumugod ng walang pasabi.


Marunong din sya sa close combat, may long dagger sya na hawak sa magkabilang kamay.

“Teka! Wala man lang bang signal? Sabi ko sa kanya.” natawa iyon habang patuloy sa  pagsugod.

“Dane walang kalaban na magsasabi na magsisimula na syang umatake.” sagot ni Rhei. Nasa labas sila ng arena.

Nalaslas nya bigla ang uniform ko, sa huling atake nya at napaupo ako.


Bigla kong naramdaman ang pagbagsak ng crest. Pupulutin ko na sana iyon ng sinipa ni Frenny. Iba na ang itsura nya. Nakakaloko ang mga ngiti nya.

Tinarak nya sa braso ko ang mga daggers. Ginamit ko ang allure ko para magpahinga pero alam nya ang magiging kilos ko, pinulot nya ang crest. Nakikita nya pala ang mga dugo na tumatakas sa braso ko.

Sinubukan ko ng kontrolin ang kapangyarihan ko, bumagsak sa sahig ang mga daggers na nakasaksak sa braso ko at mula roon ay nagliyab na ito.


Sobrang sakit nito, sinubukan kong pagsabayin ang allure ko at ang apoy.

Mula sa mga palad ko ay naging ipo ipo iyon na gawa sa asul na apoy.


Napaatras si Frenny.


Lumakas at lumaki ang mga iyon. Pinulot ko ang dalawang daggers, pagtingin ko sa kanya ay napansin ko na kahawig sya ni Faye. Natigilan ako.

“Kuya.”

Umalingaw-ngaw ang boses ni Faye. Natulala ako. 

Namumuo naang mga luha ko sa aking mga mata, unti unti akong lumalpit sa aking kapatid at nagwika, "Ikaw ba yan Faye?”

“Kuya Dane…”

Huli na ng mapigilan ko ang mga ipo ipo. Umikot sya roon at pagkalaho ng mga iyon ay nakita ko ang pagbagsak ng katawan ni Frenny.

Kanina pa pala ako sa illusion mist na ginawa ni Frenny.

Hindi ko man lang iyon napansin.


Nawala ang apoy na gawa ni Rhei. Lumiwanag ang paligid at nakita ko na natataranta sila. 

“Tumawag kayo ng medic!” tarantang utos ni Rhei habang hawak ang walang malay na si Frenny.

Kitang kita ang nanghihina at papikit pikit na ang mata ni Frenny.

Sunog ang isang braso niya pero gising ang diwa. nito. Ngumiti sya sa akin at nagwika, “Mahusay, Dane. Mahusay.”

Nilapitan ko sya. Napansin ko na lamang na naluluha na ako. 

“Faye, patawarin mo si kuya. Hindi kita napagtanggol.” bulong ko sa sarili.

Sunud sunod ang mga luha ko. Hinawakan ko sa kamay si Frenny at lumabas ang isang berdeng liwanag. Isa isang nagsilabas ang mga maliliit na damo at bulaklak sa training room.

“Dane!” Sigaw ni Yui.

Natigilan ako nang magmistulang gubat ang training room. Kapalit non ay ang paggaling si Frenny.

Lahat sila ay natulala at napanganga sa kakayahan ko… May healing allure din ako?

“Isa ka ngang Leviathan, Kaisar…” bulong ni Rhei.

Inayos namin ang Training room, “Bukas Dane sumama ka sa akin sa Barrier ng academy.” utos ni Rhei.

Nagtaka ako , hindi ba sya nagalit sa nangyari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status