Share

Chapter 3

Mabilis ang naging preparasyon ng aming kasal ni Maru.

Hindi ako makapaniwala na magagawa nila ang lahat ng kakailanganin para sa kasal sa loob lamang ng tatlong buwan.

Hindi nagmukhang minadali bagkus ay mukhang matagal at talagang pinaghandaan ang kasal namin ngayon.

Yes. Ngayon.

Today is my wedding day, but unlike the other bride I felt nothing. Walang kaba, excitement o ano man.

Nakatingin ako sa salamin habang inaayusan ako ng aking stylist.

"Alam mo sa lahat ng ikakasal ikaw ang walang kaemo-emosyon." Puna nito sa akin.

Nginitian ko lang siya.

She sighed. "Hay naku dapat nga ay magtatalon ka sa tuwa, aba Andrew Maru Ottave yata ang papakasalan mo. Choosy pa te?"

Napataas ako ng kilay. "E ano naman?"

Laglag ang panga ni Susette sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa aking tinuran.

I can't blame her; I knew that Maru is one of the hottest guys on earth. Plus, he's a freaking billionaire. What more can you ask for?

But I don't know, I really felt nothing. I know he's a great guy. Sa tatlong buwa na pagde-date namin ay mas nakilala ko siya.

And I can say that he can be a good friend to me. Beyond that, wala na. Siguro dahil alam ko na mayroon na siyang ibang minamahal.

Naawa ako sa nangyari sa kanilang relasyon. Nalaman ko na pagkatapos ng aming family dinner ay agad siyang nakipaghiwalay kay Jana.

Kahit na nga sinabi ko na okay lang sa akin na ituloy nila ang kanilang relasyon  ay hindi pa rin pumayag si Maru, as per him Jana did not deserve to be a mistress. And I agree.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kasal. Lumabas na ako sa aming bahay upang sumakay sa aming limousine na siyang maghahatid sa akin sa simbahan. Kasama ko ang aking pinaka matalik na kaibigan na si Yelle.

"Girl this is it! Ikakasal ka na!" Naiyak na sabi nito.

Ngumiti lang ako.

Hinampas niya ko. "Grabe girl wala ka man lang kaemo-emosyon. Ako nga itong naiiyak dahil ikakasal ka na, tapos ikaw," naiiling na sabi nito.

I sighed. "Anong magagawa ko? E sa wala nga akong nararamdaman ngayon." Nafrustrate na sabi ko.

"Alam mo girl, konti na lang maniniwala akong bato talaga yang puso mo." Kumento nito.

Napailing na lang ako.

"Pero girl wala ka ba talagang nararamdaman kay Maru? As in wala? Sa gwapo't hot nun wala kang maramdaman?" Curious na tanong nito.

Napaisip naman. "Gwapo naman talaga si Maru, gentleman pa, hindi ko rin nga inexpect na may sense of humor din pala siya, in fairness masaya siyang kasama."

Hindi ko namamalayan na napapangiti na ako.

"Ayiiieee friend!" Tukso ni Yelle.

"Ano ba para kang baliw." Natatawang saway ko dito.

Niyakap niya ako. "Happy lang ako friend kasi napatunayan kong hindi ka bato. May puso ka friend at marunong ka ng kiligin!"

Napakunot ang noo ko. "Kiligin?"

Tumango ito at ngumiti. "Oo friend. Hay naku kung nakita mo lang ang sarili mo kanina habang nagkwento ka about Maru, kitang kita ang admiration and kilig sa mukha mo."

Napaisip ako. 'Kinikilig ka ba talaga ako? Ibig sabihin may nararamdaman na ako kay Maru?'

Huminto na ang kotse.

"Girl andito na tayo!" Masayang anunsyo ni Yelle.

Tumingin ako sa labas at nakita ko ang mga tao na handang handa na para simulan ang kasal.

"Ready ka na ba friend na maging Mrs. Ottave?" Kinikilig na tanong ni Yelle.

Pilit na ngiti ang binigay ko rito.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. 'bakit ako biglang kinabahan?'

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Delia Lazaro Fuentes
kawawa Naman ang bride
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ganyang talaga kinakasal me kaba
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status