Share

The Crazy Tease (tagalog)
The Crazy Tease (tagalog)
Author: Raw Ra Quinn

Chapter 1

"Sab!"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya.

Si Erika.

Pinsan niya, anak ng kapatid ng papa niya. Kaka-transfer lang nito dito sa St.Catherine dahil na kick out sa dating school na pinapasukan nito.

sinapak kasi nito yung kaklaseng lalaki, muntik na daw mabulag dahil nakasuot ng salamin na nabasag ng sinapak ng pinsan niya. Literal na bully at spoiled brat si Erika dahil siguro nag iisang anak ng may ari ng banko at haciendera. Pero mabait naman ito wag mo lang talagang kalalabanin dahil hindi ito mahilig magalit pero mahilig gumanti.

"Shopping tayo!" nakangiting sabi nito sa kanya

"Gaga may klase pa!" lunch break palang nila at mamaya pang alas kwatro ang uwian

"Cutting tayo tange!" sakangising sabi nito, may dinukot ito sa bulsa ng palda at nilabas ang kulay itim na card. Nanlaki ang mata niya.

"Namo ka. credit card ba yan?!" Tanong niyang medyo excited na. Hinila niya ito sa gilid dahil nakaharang sila sa pinto ng canteen nabubungo na sila ng mga nag labas-pasok na studyante. "San mo nakuha yan?" Manghang tanong niya dito

"Pinitik ko kay daddy, tara na cut na tayo!"

"Baka naman walang laman yan"

"Sira meron to noh, 500k limit nito gagi!"

"Yun naman pala eh, tara na!" natatawang hinila niya na ito palabas ng canteen. Tatanggi pa ba siya? Mas masarap mag shopping lalo na at libre, tutal wala naman siya assignment na nagawa sa math na next subject nila after ng recess. terror pa naman ang teacher nila don.

dahil madaling araw na sila nakauwi ni Erika kaya di siya nakagawa ng assignment. Tumakas sila kagabi para pumunta sa plaza dahil may sayawan doon

"Sabihan mo si Kuya Sean. baka isumbong tayo" sabi nito habang nag lalakad sila pabalik sa room para kunin ang bag niya

"Tatawagan ko na lang" wala namang problema sa kuya niya dahil pareho lang naman silang bulakbol. hindi yon mag susumbong basta titimbrehan niya lang na antayin siya nito sa kanto na malapit sa bahay nila para sabay silang uuwi.

Yun kasi ang bilin sa kanila na laging sabay papasok at sabay din uuwi.

Isang taon lang ang tanda sa kanya ng kuya niya pero naging mag ka batch sila dahil nahinto ito ng isang taon ng maoperahan sa puso.

Naging mag kaklase sila nung first year hangang third year kaya parang naging barkada lang sila. Laging nag tatakipan sa kasalanan ng isat isa.

Nang makarating sa room nila agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bag at dinial ang number ng kuya niya pero hindi ito sumasagot kaya tinext niya nalang.

"Tara na!" Baling niya kay Erika ng masukbit na niya ang bag niya

Sabay silang lumabas. sa likod ng gym sila dumaan para makapunta sa lumang gate nang school na ngayon ay naging tambakan nalang ng mga upuuan at tolda, at para narin makaiwas sa guard. may mababa kasing bakod don na pwedeng talunin kaya dun sila lalabas.

Nag mamadali nilang hinubad ang uniform nila na isang palda na checkered na sky blue at apple green ang print at puting blouse na may square colar at paha. Sa ilalim ng uniform meron siyang suot na short shorts at sando na maiksi abot lang sa ibabaw pusod niya at may mukha ni Che Guevarra . kinuha niya ang jacket niya sa bag at sinuot nilabas niya rin ang favorite niyang flat gladiator sandals na lagi niyang dala para pamalit sa black shoes niya dahil lagi naman silang nag cu-cut ng class. Tinupi niya ang uniform niya at pinag kasya sa herschel backpack niya kasama ang black shoes. saka binato yon sa kabilang parte ng bakod

Binalingan niya si erika nakaayos narin ito. short na labas ang laylayan ng bulsa saka tshirt na itim ang suot nito. Binato na rin nito ang bag sa kabila

Nauna siyang sumampa sa bakod na bato. Anim na pulgada ang taas non kaya kumuha siya ng nakatambak na upuan saka ginawang tuntungan. Tinukod niya ang kamay niya saka bumwelo para maiangat ang isang paa niya pero pag sampa na pag sampa niya palang dumulas ang lintik na gladiator

"Puta! Puta ka! Ahhhhh" tili niya ng mag tangka siyang kumapit pero dumulas din ang kamay niya. Pinikit niya nalang ang mata niya at inantay lumagapak sa talahib

"Saaab!" Narinig niya pang tili ni Erika

Bumagsak siya pero walang sakit

Dinilat niya ang mga mata para Lang makasalubong ng tingi ang pares ng mga mata na madalas niyang pantasyahin

Wait!

Dead na ba siya?

Mababa lang naman ang binagsakan niya bakit di muna siya nag hingalo? Dead agad?

"Ok ka lang?" Parang natauhan nman siya sa tanong nito saka niya lang narealize hindi talahib ang kinabagsakan niya kundi sa mga braso ni Gab, Gabino Melchor!

Classmate niya ito since first year hangang ngayong fourth year. Best friend din ito ng kuya niya

"Sab buhay ka- oh hi, Gabin" sabi ni Erika na nakasungaw sa bakod ang kalahati ng katawan

"Hi.. mukang may lakad kayo ah" nakangiting sabi nito. Amoy niya ang mabango nitong hininga, pinag halong amoy ng tootpaste at chocolate - Blackbat - Yosi na kulay itim pero lasang chocolate at amoy chocolate din ang usok

"Nag yosi ka?" Tanong niya

Tumawa ito at ibinababa na siya. Nakaramdam siya ng pang hihinayang

"Mag cu-cut kayo no?" Tanong nito kay Erika na nakatalon narin sa bakod

"Oo. sama ka?" Sagot nito sabay labas ng credit card "libre ko" tumaas taas pa ang kilay nito na parang umeenganyo ng isang bata

"Sama kana" sulsol niya pa. Piping umasam siya na sana ay sumama ito.

"Di pwede eh. kame mag rereport ngayon sa Science" sabi ni Gab at tumapak na sa bato na nakausli at mabilis. na nakaakyat sa bakod

"Wow student of the year" sarcastic na sabi niya. Pilit na itinago ang pag ka dismaya

"Baliw" tumawa ito "next time nalang" sabi pa nito.

"K. Sabihin mo nalang kay kuya kita nalang kame sa kanto mamayang 4:30 ha" sabi niya dito sabay kindat. tinawanan lang siya nito saka tumalon na ito sa kabila

"Crush mo si Gab noh?" Nang iintrigang sabi ni Erika.

"Slight" natatawang sagot niya. Totoo naman na crush niya Si Gabino simula pa nung first year kaya pasimple siyang nag papa cute dito pero nga nga. three years na silang mag kakakilala pero di man lang niya ito makitaang pinagnasahan siya katulad ng ibang classmate nila! parang barkada lang din ang turing ni Gab sa kanya. Tsk!

Sabay na nilang dinampot ang bag nila at nag lakad na

"Bat di mo landiin kung type mo?" Napalingon ako kay Erika na nakangisi

"Gaga. Barkada lang tingin sakin non. Di ako talo" natatawang sabi ko. "Saka baka mamaya pa layuan ako non. Mailang sakin"

"Eh di landing pabiro"

"Ha?" Tinaasan ko lang to ng kilay. Di koa gets kung anong gustong palabasin nito

"Landing pabiro. Landiin mo pero daanin mo sa biro. Pag na fall siya eh di good may chance na ligawan ka niya. Pero kung hindi naman atleast walang masisira kasi 'biro' nga lang eh means hindi seryoso di niya kailangang mailang dahil iisipin niya biruan lang."

Napaisip ako. Kung sabagay may punto ito kung lalandiin ko nga si Gab kahit pabiro lang atleast baka sakaling ma-develope

siya sakin at mag kalakas ng loob na ligawan ako at kung sinuswerte pa baka ito pa ang gumawa ng paraan para ang biro ko ay seryosohin ko. kung hindi naman siya ma develope sakin atleast di siya maiilang kasi nga di niya iisiping seryoso ako

"Talino mo talaga insan" malapad ang ngiting ibakbayan ko si Erika

"Galing Montessori to girl na kick out lang"

Ang lakas ng tawa niya sa sinabi ng pinsan. Kaya paborito niya ito eh bukod sa galante pareho pa silang luka luka.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
melisamelany
This is one of the best story I've read so far, but I can't seem to find any social media of you, so I can't show you how much I love your work
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status