Share

Chapter 7

"Pa-a-sa"

"Ha?" Takang tanong niya dito.

"Pa-a-sa mo to!" Inis naman na sabi nito na mas lalong idinuldol sa mukha niya ang test paper kaya inis na tinabig niya yon.

"San ko papasa yan letse ka? Pahingi lang ako ng isa!" Inis na sabi niya dito. Nag tatanga tangahan nanaman itong gago na to! alam naman nitong siya na ang pinaka dulo sa row nila saan kaya sa tingin nito niya iyon ipapasa? Sa bookshelf na nasa likod niya? humablot lang siya ng isang test paper saka inirapan ito "pasa mo yan sa harap" mataray na sabi niya dito.

"Tss" narinig niya pang palatak nito.

Naiinis na siya dito dahil simula nung nangyari yung sa canteen di na siya  pinapansin nito mas madalas na pag sungitan pa siya nito. Akala mo naman inapi niya ito kung makaasta.

Nag concentrate nalang siya sa long quiz nila. Hindi siya nag review kaya stock knowledge lang ang gagamitin niyan kung may naka stock man.

WALA ang teacher nila sa P.E. kaya nag laro nalang sila ng batuhang bola dito sa quadrangle, twenty six silang mag kakaklase kaya hinati nalang nila sa dalawang grupo

Mag kakasama sila  nila Gabin at Jannah sa iisang team. Sa ngayon sila ni Gab ang namamato ng bola at si Jessica ka nalang at apat pa nilang kaklase ang natitirang hindi pa natatamaan ng bola.

"Sab Paasa, Paasa" sigaw ni Gabin habang ikinakaway ang mga kamay. Napakunot naman ang noo niya dahil malinaw na malinaw 'Paasa' ang sinabi nito! base narin sa pag kaka bungisngis ni Jannah. Kanina ng nag tetest sila akala niya namali lang siya ng dinig pero hindi! tinawag talaga siya nitong 'Paasa' ng siraulong to!

Malakas na binato niya yung bola bumwelo pa siya. Sa lakas nang pag kakabato niya hindi nito iyon nasalo. Nangingiting namaywang siya. siniguro niya nalaglagpas dito yung bola yung tipong mag pupulot ito sa malayo. Lalong lumawak ang ngiti niya ng makitang mapunta nga sa malayo ang bola at hinabol nito pero nasipa ng isang istudyante na dumadaan kaya habol nanaman ito sa bola na gumulong lalo palayo

'Serves you right' nakangising bulong niya sa sarili.

Naupo muna siya sa bench habang inaantay na makabalik si Gabin. Nginisihan niya ito ng makitang nakatingin ito sa kanya habang nakasimangot na nag lalakad hawak ang bola.

"Wow galing ni Gabin mag 'habol' ng bola ah" kantyaw niya dito ng makapunta na ito sa pwesto nito. Tumayo narin siya at pumwesto limang metro paharap dito, nasa gitna nila sina Jessica na babatuhin .

"Magaling ka mag 'paasa' eh"ganting sigaw naman nito.

Ha-ha lang ang sinagot niya dito.

Ngumisi lang ito at bumwelo saka binato ng malakas ang bola lagpas sa kanya. pag lingon niya ang layo na ng bola.

'Nunkang habulin ko yan!'

Humarap siya kay Gabin ang laki ng pag kakangisi ng loko pero nginisihan niya lang din ito at nag dirty finger saka nag lakad sa direksyon ng bola pero nilagpasan niya lang ang bola dumeretso siya sa canteen. Narinig niya pa si Jannah na tinawag siya pero di siya lumingon.

Bumili siya ng mineral water saka naupo sa bakanteng lamesa. Binuksan niya ang mineral saka uminom, naubos niya iyon dahil narin sa sobrang inis na nararamdaman niya.

'Tss siraulong yong pinag titripan ako!'

Inihilig niya ang ulo niya sa ibabaw ng lamesa may thirty minutes pa naman bago ang next subject nila kaya dito nalang muna siya tatambay, ipinikit niya ang mata niya.

Maya maya napapitlag siya ng may kamay na sumalat sa noo niya.

Dumilat siya at nakita niya si Manolo na nakatayo sa harap niya habang nakapatong ang isang kamay sa noo nito at isa na man ay sa noo niya.

"Problema mo?" Naka taas ang kilay na tanong niya dito. Tinanggal niya ang kamay nito sa noo niya saka siya naupo ng ayos.

Ngumiti lang ito ay naupo rin sa bakanteng upuan sa harap niya. "Akala ko may sakit ka" kibit babakit na sagot nito. "Bakit ka pala nandito nakita ko mga classmate mo nasa labas ah"

Napaikot niya uki ang mata ng maalala kung bakit siya nag mumukmuk dito sa loob ng canteen, bagot na inihiga niya nalang uli ang ulo niya sa ibabaw ng lamesa. "Ikaw bakit ka nandito?" Balik tanong niya dito.

"Bibili ng tubig" baliwalang sagot nito sa kanya

"Wala ba kayong klase?"

"Meron, nag skip lang ako" nakangising Sabi nito. Malamang na nag cutting ito sa isang subject nito.

"Yare ka na naman Kay Mam Bentura" tukoy niya sa mama nito na teacher din dito sa St.Catherine.

Tumawa lang ito pag katapos ay naging seryoso at tinitigan siya ng maigi.

"Ah Sab, can i ask you something?" Sabi nito habang nakatingin  ng deretso sa mga mata niya. Nakita niyang napalunok ito at nag inhale exhale pa halatang kinakabahan.

'Ano kayang itatanong nito? ' tinanguan niya nalang ito. Curious  din naman siya kung anong itatano g nito dahil halatang tense ito.

"Pwede.. P-pwe ba Kitang ligawan?" Mahina at halos bulong nalang na sabi nito sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya, hindi siya agad nakasagot. Naalala niya ang usapan nina Jannah at Gabin na may balak din manligaw si Manolo kay Millet pero bakit ngayon sa kanya to nag papaalam na gustong manligaw? Nabasted na ba ito ni Millet kaya sa kanya naman nanliligaw?  'Ang saet sa pride ha! Anong akala nito sakin panakip butas?'

"Aakala ko si Millet ang liligawan mo?" tanong niya dito na nakataas ang kilay.

Mukha namang nagulat ito at bumakas ang pag tataka sa mukha nito.

"Ha? Wala akong balak ligawan si Millet. Bakit mo naman naisip na siya ang gusto kong ligawan?" takanh takang balik tanong ni Manolo sa kanya.

"Weh?" di parin naniniwalang aniya dito.

Tinaas naman nito ang kanang kamay "Promise hindi talaga!" kandailing na sabi pa nito.

Hindi siya nakaimik. Ibig sabihin Mali ng akala si Jannah tungkol kay Manolo o kaya naman... baka siya talaga Ang tinutukoy ng mga ito kung kaya panay ang sulyap ni Jannah at Gabino sa kanya?

Napasinghap siya at napatakip sa bibig niya sa narealize.

'Ibig sabihin seryoso si Gabin na gusto niyang maging kame?'

Kaya siguro nag walk out si Gabin sa canteen noong nakaraang araw dahil seryoso siya na gusto niyang maging kame at kaya niya ko tinatawag na 'paasa'!

'Shit! Ibig sabihin crush din siya ni Gab? Di nga? Hala sheeet!'

Naramdaman naman niya ginaganap ni Manolo ang kamay niya. Kaya nabalik ang atensyon niya dito.

'Weyt da minute! Di ako pwedeng mag paligaw sa iba!  Di ko pwedeng payagang manligaw sakin si Manolo. Ghosh loyal ako noh!'

Tumikhim siya bago binawi ang kamay niya na hawak nito. "Ahmm Manolo I'm sorry pero kaibigan lang ang kaya kong i offer sayo" ginagap ko ang kamay niya. Yumuko naman ito at malungkot na bumagsak ang mga balikat.

"Dahil ba kay Gabin? Siya Ang gusto mo Hindi ba?" Sabi nito na naka yuko parin.

'Oo naman yes! Shit kung crush talaga ako ni Gabin papainom ako!'

Nakagat niya ang labi niya dahil kahit papaano nakaramdam siya ng awa para dito pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya dito kasi may iba na siyang pinag nanasahan!

"I'm sorry" sinserong hingi niya ng paumanhin dito. Mabait naman ito kaya hanggat maaari kung may magagawa naman siya para mapag lubag ang kalooban nito gagawin niya.

"Ok lang, ahmm sana lang wag mag bago ang tingin mo sakin, wag ka sanang mailang" nakangiti na ito pero malungkot parin ang mga mata. Napayuko siya dahil nakokonsensya tala siya.

Ginulo nito ang buhok niya "sige una na ko" Sabi nito at tumayo na saka nag lakad palabas ng canteen.

Sinundan niya nalang ito ng tingin habang papalabas ng canteen saka unti unting napangiti ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya. Kinikilig siya sa nalaman ghaaad!

'Crush din ako ni Gabino! Sheeeet na malagket!!!! Ayiieee Gondo ko tologo megghad!'

Parang naging maliwanag ang paligid niya, umaliwalas ang tingin sa lahat kahit nag umpisa ng kumulimlim sa labas.

AFTER THIRTY MINUTES  ng pag tunganga at kiligin sa loob ng canteen nag pasya na siyang lumabas dahil baka ma late na siya sa next subject nila.

Papalabas na siya sa pintuan ng canteen ng makita niyang makakasalubong niya si Gabino.  Nakatingin din ito sa kanya at bahagyang nakangiti. Halatang gustong makipag bati sa kanya dahil alam nitong na badtrip siya dito kanina.

Ang bilis naman ng tibok ng puso niya. Halos mabingi na siya sa lakas ng pag tibok non.

Hindi niya alam kung aatras ba siya o lalagpasan ito o ngingiti ng pag katamis tamis dito dahil sa totoo lang gusto niya ng tumili at mag lulundag sa sobrang kilig na nararamdaman niya. Iba pala talaga kapag nalalaman mong may pag asa ka rin kay crush daig mo pa nakakuha ng 90 sa math!

Kinagat niya ang pisngi niya sa loob ng bibig niya para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa mga labi nya.

Pinilit niyang mag patuloy sa pag lakad kahit nanginginig na ang tuhod niya.

Nakatingin parin ito sa kanya at ng mag katapat sila iniiwas niya ang tingin niya dito.

Bigla naman siya nitong hinawakan sa kamay at besh electricity is real! Parang may kuryente ng gumapang sa kamay niya ng hawakan siya nito. Agad niya binawi ang kamay at inirapan ito saka mabilis na lumayo dito.

Agad siya pumasok sa nadaanang cr at doon pinakawalan ang inipon niya kilig. Nag lulundag at nag titili siya. Nang mahimasmasan saka niya lang napansin na may mga tao pala sa loob ng cr na pinasok niya at besh!

puro mga teacher pa!  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status