Share

Chapter 9

Hinatid siya ni Gab hanggang sa bahay nila kahit tumatanggi siya dahil mapapalayo ito ng daan pauwi pero makulit ito at nag pumilit. Obligasyon daw nitong masigurong safe siyang makakauwi lalo na at girlfriend  na daw siya nito. Ang OA diba pero hindi naman niya maiwasang kiligin, deym!

"Oh pano pasok na ko" sabi niya dito nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Nanatiling nakahawak parin ito sa kamay niya at parang ayaw siyang pakawalan. Kinilig na naman siya. Feeling niya napaka haba ng buhok niya!

"Walang kiss?" Anito na malaki ang pag kakangi. Pinanlakihan naman niya ito ng mata at nag pa linga linga sa paligid kung may ibang tao.

"Enekebe!" Kunwa'y galit na aniya dito saka ito mahinang pinalo sa balikat "Baka mamaya may makarinig satin" Aniya Pa dito saka ito inirapan, pero sa totoo lang gusto na niyang tumili sa sobrang kilig. Naiihi na nga siya dahil kanina pa siya pinakikilig ng pinakikilig nito. Lahat ata ng sabihin at gawin nito kikiligin siya.

Tumawa lang ito lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Napakagat labi siya. Gusto niya itong sunggaban at yakapin! Pero nag pigil siya! Hindi nakakaganda ang pagiging aggressive baka ma turn off ito sa kanya.  Pag nag kataon imbis na jowa na naging bato Pa!

"Joke lang. Sige na pasok kana" bahagya pa siya nitong tinulak papasok sa gate nila. Pero Hindi siya nakapag pigil bago siya tumalikod tumingkayad muna siya at dinampian ng mabilis na halik ang labi niyang saka nag mamadali ng pumasok. Ayaw kong makita nito na pulang pula na ang mukha niya.

Narinig niyang tumawa ito ng lingunin niya ito nakita niya ang kislap ng saya sa mga mata nito.

"Tatawagan kita!" Pahabol na sigaw pa nito

"Kay. Ingat sa pag uwi" aniya at nag flying kiss pa siya dito. Nag kunwari naman itong hinuli ang flying kiss niya saka iyon hinalikan. Parang tumalon ang puso niya sa ginawa nito. Kumaway na ito sa kanya. mabilis na siyang tumalikod bago pa siya himatayin sa sobrang kilig.

Pag pasok niya sa loob ng bahay narinig niya ang daddy at mommy niya na nag tatalo sa may kusina. Dahan dahan siyang nag lakad palapit sa kusina. Sumilip siya sa pinto na bahagyang nakaawang. Nakita niya ang mommy at daddy na nakatayo malapit sa center island ng kusina at mainit na nag tatalo.

'Ano na naman kayang pinag tatalunan nila?'

"Bakit siya pa Sandro? Wala ka na ba talagang kahihiyan? Dito ka pa nag hanap ng kakalantariin mo?" Narinig niyang galit na sabi ng mommy niya, dinuro duro pa nito ang daddy niya sa dibdib.

Nagulat siya sa narinig niya. 'May kabit si daddy?.' Madalas pera lang ang pinag tatalunan nila kaya nagulat siya sa narinig niya.

"Tigilan mo ko Marissa!" Parang nauubusan ng pasensya na sabi ng daddy. Malakas na tinabig pa nito ang kamay ng mommy niya.

"Tigilan? Ikaw ang tumigil! Ang daming babae bakit siya pa? Napaka baboy nyo!" Malakas na sigaw ng mommy niya saka pinag babayo ng suntok ang dibdib ng daddy niya.

Napasinghap naman siya ng malakas na itulak ito ng daddy niya at sampalin na napasubsob sa mataas na stool ang mommy at doon humagulgol ng iyak. Nakaramdam siya ng awa para sa ina. Hindi  siya makakilos sa kinatatayuan niya kahit ng mag lakad ang daddy papunta sa pintuan kung saan siya ng kukubli at hindi niya naigalaw ang mga paa niya sa gulat sa nakita.

Nagulat pa ang daddy niya ng lumabas ito sa kusina at makita siyang nasa gilid ng pinto. Napatiim bagang ito pero hindi nag salita saka galit na tumaikod na at umakyat sa taas.

"M-mom.. " Nilapitan niya ang mommy niya na naiwang umiiyak. Natigilan ito at marahas na lumingon sa kanya. Namumula ang kaliwang pisngi nito, maga din ang mga mata nito dahil sa pag iyak. Kitang kita niya ang sakit na nasa mga mata nito at nasasaktan din siya dahil don.

Minsan gusto niyang tanungin ang mga ito kung bakit pinipilit pa nilang mag sama kung lagi naman silang nag kakasakitan. At hindi niya maintindihan kung bakit laging sila ng kuya niya ang nadedehado ng dahil sa mga ito.

Naisipan niya noong mag rebelde umaasa na baka sakali mapansin siya ng mga ito at kahit papano pag tuunan nila sila ng pansin, na maisip ng mga ito na kailangan nilang mag kapatid ang mga ito para gabayan sila pero walang saysay yon. Napagod lang siya sa pag rerebelde dahil busy ang mga magulang niya sa negosyo at pasakitan ang isat isa.

Minsan na itatanong niya bakit kailangan ang mga anak ang mag dusa sa gulo ng mga magulang?

LUNCH BREAK at kumpleto sila ngayon sa canteen na kumakain. Naiilang siya dahil masyadong sweet si Gab sa kanya halos subuan siya nito sa pag kain ni hindi pa nga nito nagagalaw ang pag kain nito. Pinag titinginan narin sila ng mga kasama nila sa mesa. Siniko niya ito at inginuso ang pag kain nito.

"Kumain ka na nga" aniya dito.

Ngumiti ito saka nag umpisa na ring kumain.

"Eheemm.. Ang hirap naman ng laging absent mukang ang dami kong di nalalaman ah" sabi ni Erika na nasa harap niya at katabi ni Jannah  nakataas ang mga kilay ng mga ito sa kanya.

"Kayo na ba?" - si Kuya

"For real?" - Mateo

"Burger! Burger!" - Arjay

Napatingin siya kay Manolo nakangiti lang ito. Muka namang naka move on na kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. Tumingin siya kay Gab at nakatingin din pala ito sa kanya parang nag aantay din ng isasagot niya. Pinanlakihan niya ito ng mata pero tinaasan lang siya ng kilay parang inuudyukan siya na umamin.

Linunok muna niya ang nginunguya niya saka nag salita "Oo kame na" pag amin niya sa mga ito.  nagulat sila ng biglang tumili si Erika at Jannah na mag kahawak pa ng kamay na akala mo ay nakakita ng artista. Naipaikot niya nalang ang mata niya sa ka O.A-yan ng mga ito.

"Shiit sa wakas naman nag aminan na kayo!" Natatawang sabi ni Erika may pahampas hamapas pa ito sa lamesa.

"Oo nga eh. Puro pakiramdaman lang kasi sila parang mga tanga" dagdag pa ni Jannah.

Namula ang mukha siya dahil sa mga sinabi ng mga ito. Ang lalakas kasi ng mga boses ng dalawang ito at napapatingin na sakanila ang ibang mga kumakain. Yumuko nalang siya sa pag kain niya at muling kumain nalang at hindi na inintindi ang mga ito. Naramdaman niya naman ang pag hawi ni Gab sa buhok niya at inipit sa tenga niya dahil napansin nitong sumasayad iyon sa kinakain niya.

"Dahan dahan baka mabulunan ka" malambing na sabi pa nito. Nakaramdam siya ng pag init ng mukha niya. 'Shet akoy kenekeleg!'. Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang kagustuhan mapatili.

"Aww how sweet naman ni Gabino Baby" kinikilig na sabi ni Jannah

Tinignan niya ng masamang ito "Dont call him that his not your baby anyway" hindi niya alam pero naiinis siya kay Jannah. tinawanan lang siya nito ng nakakaloko.

"Wait guys i have an announcement pala" sabi ni Erika sa kanila kaya napatingin sila dito "Lolo Damian called dad para sabihing dun daw tayo mag spend ng week end sa San Ignacio." Excited na annouce nito. Ang tinutukoy nitong lolo Damian ay ang father ng mga daddy nila. Taga San Ignacio ito katabi lang ng bayan ng San Felipe kung saan sila nakatira.

"Boring.. Mag manila nalang tayo o kaya sa ibang lugar naman!" Maarteng sabi ni Jannah.

"Hindi pwede! Kailangan kong umuwi sa San Ignacio para ibigay ni daddy ang promise niya na iphone sakin" nakalabing sabi ni Erika saka humalukipkip.

"Gosh Erika idadamay mo pa kame sa kamiserablihan ng bakasyon mo!" Inis naman na baling dito ni Jannah.

"Na mimiss ko rin naman si Lolo Damian kaya sasama ko" Kibit balikat na aniya. halos isang taon na din ng huling makauwi siya sa San Ignacio. Dun sila nag aral ng elemnetary mag kapatid hanggang madestino ang daddy sa San Felipe kaya lumipat sila dito.

"Iiiihh kaya love kita eh!" Tili ni Erika at nakipag high five pa sa akin.

"Ano kuya Sean sama karin ha sama mo na rin yang tatlong ugok na yan" baling nito kay kuya sabay turo kina Mateo, Arjay at Manolo

Naagaw naman ang atensyon niya ng kinalabit naman siya ni Gabino at muntik na niyang mabuga ang kinakain niya ng makitang para itong tuta na inapi. "Hindi mo ako inaaya" parang batang nag tatampo na sabi nito

Natawa siya. Hinaplos niya ang muka nito "Syempre kasma ka. maiiwan kaba naman" hinalikan niya ang pisngi nito saka ipinag patuloy ang pag kain. Natigilan naman ito at napatitig sa kanya napansin niya naman iyon kaya tinaasan niya ito ng kilay "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Nakakadalawa kana ha ako wala pa" seryoso ang muka nito na parang ginulangan kung maka react.

"Baliw" inirapan niya nalang ito para maitago ang kilig na nararamdaman niya.

"Uy kinilig siya" nanunuksong sabi nito saka tinutsok tusok ang tagiliran niya na ikinatawa niya naman ng malakas.

"Stop it!" saway niya dito.

"Luh landi niya oh" sabi ni Erika sa kanya.

"Nakakawalang gamang kumain pag ganyan kaharap mo" Ani ni Arjhay saka nag kunwaring nasusuka.

"Inggit lang kayo! Bleh!" aniya sa mga ito.

To be continued..

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eilegna Oinord
pa unlock next pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status