Share

Chapter 04

Chapter Four- Date or Sleep over?

-

I boredly comb my hair while I'm facing the full length mirror. Suot ko ngayon ang pantulog kong damit, like t-shirt and pajama. Tss feeling ko nga mag sle-sleep over ako sa kanila.

🎶Love me, Love me---🎶

"Hello?!"

"Ba't ka ba palaging sumisigaw?"

Sinong 'di iinit ang ulo sa bwisit na Kuto grrr!

"You don't care," bored kong sagot.

"Nasa labas na ako ng bahay niyo." Siya na alam kong nakanguso na naman.

"Yeah whatever." I said and ended his call.

Wala si papa ngayon na nasa Japan, nagkaproblema raw kasi doon and as a business partner slash bestfriend of papa, nadoon din si Mr. Oriez. Nakausap ko rin kanina si papa at totoo ngang kukunin niya ang credit cards ko at car pag hindi ako umu-oo sa date kuno namin ni Kuto. Way daw 'yon para magkakilala namin ang isa't isa ni Kuto grrr!

"Rose, may nag-aantay sayo sa labas ng gate." Sabi ni Nanay Cel sa labas ng pintuan ko, siya na ang naging pangalawang nanay ko since my mommy died.

"Opo, papasukin niyo muna, palabas na rin ako," sagot ko at ibinaba na yung suklay at kinuha yung backpack ko na itim at naglakad na papuntang sala.

Naabutan kong naka-uniform pa si Kuto kaya awtomatikong nagsalubong yung kilay ko.

"Let's go?" aya niya.

"Hindi ka pa nagpalit... Why?" I asked like duh I'm curious lang naman kasi!

Tumingin muna siya sa damit niya at ngusong tumingin sa akin. "Dumaan kasi ako sa site ng bagong project ni dad, pinacheck at pinakamusta niya sa akin..." nakanguso niya pa ring sabi, he looks tired nga eh mas pumungay yung mga mata niya.

"Okay..." I said then flip my hair.

"Then, let's go?"

"Yeah whatever."

Nauna akong lumabas pero syempre nagsuot muna ako ng tsinelas then pumunta sa kotse niya na alam kong Ferarri err.

Agad niyang pinatunog yung kotse kaya dali-daling na akong pumasok sa passenger sit at nagsitbelt habang itong si Kuto ay pumasok na sa driver seat at nagsimula ng magmaneho.

"Nakaluto na raw ng japanese foods," he said to break the silence between us. I rolled my eyes habang sa cellphone ko pa rin ako nakaharap.

"Bakit ka pala may dalang backpack? Hindi naman tayo mag-aaral ah."

Inis akong bumaling sa kanya. "Pang-aral lang ba ang backpack?!"

"Hmmmm hindi... Teka 'di tayo mag ca-camping ah! Sa loob lang tayo ng bahay manunuod ng spongebob squarepants," sabi niya na mas kinainis ko.

"Pshh spongebob mo mukha mo!"

"Huh? Hindi naman ako si spongebob eh!"

"Shut up!" inis kong sabi at bumaling ulit sa cellphone ko.

"Pero bakit may dala kang backpack? Lumayas ka?! Ala ka, magagalit si papa!" Napatampal na lang ako sa noo sa sinabi niya. Bagay sila ni Mia parehas O.A. masyado.

"I will not layas duh never ever! At ang laman ng bag ko ay ang mga important things ko like my lotion, alcohol, perfume, feminine wash, soap, toothbrush, toothpaste, my lip balm, liptint, lipstick, foundation, off lotion kung sa kaling may lamok sa inyo and also towel, handkerchief, pocket wifi, my charger and extra shirts, shorts and my undergarments gosh! Kulang pa nga itong dala ko eh!" I said and curled again my hair using my index finger.

"Hindi ko naman tinanong kung anong laman eh." I automatically faced him that pouting now. How dare he! Binara niya ako!

"Just shut up Kuto! I hate you," singhal ko at tumingin ulit sa cp ko na may maraming messages.

Stick💋

6:01 PM

Oy Nit kumain

kana ahh wag

kang papagutom!

#WagMaFall

Tss parang timang talagang stick na ito errr.

Ni replyan ko naman siya baka sabunotan pa ako nito bukas grrr!

Stick💋

6:01 PM

Oy Nit kumain

kana ah wag

kang papagutom!

#WagMaFall

Whatever Stick,

Magpagutom ka ah

Love yahh!💋

Natawa ako sa reply ko sa kaniya at nag-open ng ibang messages like mga confessions, LSM, mga fans ko daw sila hanggang sa...

-.--/---/..-/.-./-.././.-/-/....

MAY 18 AT 9:34 PM

YOU WILL DIE

SOON

MAY 20 AT 10:05 PM

ARE YOU READY

TO DIE?

SAT AT 8:23 PM

*INSERT IMAGES*

(Lisa's photo that

full of stab and

have a red stains)

6:30 PM

THE TIMER IS

NOW CLICKING SO BETTER RUN...

Death threats.. I smirked after reading it.. 'Di na bago sa akin ang makabasa ng death threats mula pagkabata may tumatangka na sa buhay ko syempre ako ang kaisa-isahang tagapagmana ng Cheivez family kaya talagang bigtime pag nakidnap nila ako well I already kidnapped  before pero tanga-tanga ng mga kinapers na 'yon nakatakas ako tss.

"What is that?" I automatically hide my cellphone in my pocket as he asked.

"It's a cellphone." Kala niya siya lang ang marunong mambara err.

"Ahh... What is the brand?" he asked again that made my lips parted.

At his house

"Welcome to Oriez's house," plain niyang sabi bago lumabas ng kotse niya at naglakad papasok sa bahay nila. Napapikit na lang ako sa inis. What a gentleman Kuto! 'Di man lang ako pinagbuksan ng pintuan grr!

No choice kundi pumasok na ako sa bahay nila at masasabi mong bongga rin ang bahay nila just like our mansion.

Malaking garden at may fountain pa akong nakita.

"Good evening, señiorito," magalang na bati ng mga nakaline na mga maids sa may bungad ng pintuan na nagsibow rin. Woah!

"Good evening rin po mga ate at nanay ready na po ba ang dinner?" inosente niyang tanong.

"Oo po señiorito umuwi na rin si Chef Az pakatapos nitong magluto," magalang na sabi ng isang maid na iyong mayor doma ata.

"Okay... Kumain na kayo?" tanong ulit ni Kuto na nagsitango naman yung mga maids.

"Ahh okay, ahh she is Lisa Chievez, date ko siya."

I rolled my eyes at ngumiwi, nagsitinginan sa isa't isa naman ang mga maids.

"Hi!" Nag-aalalang bati ko. Mabuti ring hindi niya binanggit ang full name ko grr!

"Let's go!" aya nitong si Kuto na kinatango ko na lang at pumasok na sa loob ng bahay, nag si-bow ulit naman itong mga maids.

Date niya mukha niya tss!

"Wait me here, magpapalit muna ako," he said, I just rolled my eyes and start to curl my hair using my index finger.

Naglakad na siya pataas ng hagdan kaya naglibot-libot ako sa sala nila. Sa isang pader may frame na nakasabit, iyon yung family picture nila. Nakangiting nakaakbay si Mr. Oriez kay Mrs. Oriez habang si Kuto naman na hula ko 2 years old pa lang ay nakakandong kay Mrs. Oriez habang nakanguso.

May isang picture frame rin na sina Mr. and Mrs. Oriez lang, itong picture na ito ay ang wedding picture ng dalawa.

Naglakad ako ng mga ilang stairs pataas at nakita ko doon ang picture ni Kuto na nakasuot ng highschool uniform na nasa gate ng university namin, sa tabi nito ay ang isang litrato nila ni Mr. Oriez at Kuto na nakabusiness attire, si Mr. Oriez ay nakangiti habang si Kuto ay inosenteng nakatingin sa camera.

Cute!

"Hey..."

Napatingin ako kay Kuto na nakanguso na.

"Oh?"

"Let's eat na gutom na ako," aya niya na kinatango ko naman.

Na cu-curious talaga ako sa smile ni Kuto 'di ko pa siya nakitang ngumiti eh puro nguso na lang err.

"Yeah, whatever!" sabi ko then naunang naglakad papunta sa dining table nila at naupo.

The table is long rectangular at magkaharap kami sa magkabilang sides.

At the middle of peaceful eating his phone rang,

🎶Who lives in a pineapple under the sea? Sponge---"Hello?"

I stop from chewing my food and look at him. "Huh?... Ngayon?.. Pero tapos na ako kanina!... Eh asan ba kasi si Tres?!" nakanguso niyang usal, 'di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila nung nasa phone dahil 'di naman ito nakaloud speak.

"Oo na... May bisita pa naman ako... Huh? 'Di naman siya sisiw! Ewan ko sayo." Siya ulit at binaba na ang cellphone niya. Ngusong sumubo siya ng pagkain niya.

"Sino 'yon?" I asked.

"Si Dos, may problema kasi..." sagot niya.

"What kind of problem is that?"

"About our business... I need to go there para maagapan ko lagot ako kay dad pag 'di ko naagapan, 'di niya ako bibilhan ng bagong collections ng spongebob," nakangusong sabi niya ulit.

Pinaliit ko ang mata ko na tiningnan siya, there is something wrong but I don't know kung ano ito hmm?

"I should go out quickly to handle it," nguso niyang sabi ulit.

"Hmm I can help you... What is the problem ba?" alok at tanong ko sa kanya.

He stop from chewing and look at me seriously, pumintig naman ng napakabilis at lakas ang puso ko.

"W-what are s-staring me like that?" I asked nervously. Nakakailang at nakaka-intimidate kasi ang titig niya.

"I can handle this problem, please don't be involve," he seriously said that make me gulped. Aaminin kong nakakatakot siya pagnaka serious expression.

"O...kay? J-just be safe..." sabi ko at lumihis ng tingin.

"Manuod ka na lang ng cartoons sa kwarto ko maraming dvds doon," sabi niya at tumayo na at saka nagpaalam sa mga maids nila rito at umakyat sa kwarto niya.

"Ms. Chievez... Diba ho ikaw ang fiancee ni señiorito?" tanong nung mayor doma ata dito. Hmm tsismosa siya.

"Ah? Oo..." I akwardly answered.

"Good luck ho, Ms. Cheivez, pagpasensyahan niyo na lang ang pagkaisip bata ni señiorito, sadyang ganyan na po talaga siya," nakangiti niyang sabi.

"Sana nga po."

I hope so na hindi agad kumulubot ang balat ko grr!

"Yeah.... I will be there a few minutes.... Yes.... Okay... Bye."

"Aalis na ako Lisa, pakisilbihan po si Lisa..." seryuso niyang bilin at naglakad na palabas habang may kinakausap naman sa cellphone niya.

I just shruged my shoulders at nagpaalam na sa mga maids at saka umakyat na pataas.

Naglibot-libot ako sa mga room dito hanggang sa makita ko ang kulay yellow at spongebob na pinto, binuksan ko ito at mga posters and stuff toys ni spongebob ang bumungad sabakin. He's bed sheet is color yellow ganon din ang blanket, lampshade at mini table, may malaking flat screen na nakakabit sa pader ng kwarto at thanks god hindi color yellow psh.. May study table rin siya at mga books na ginagamit niya sa school, mga drawings na kadalasan si spongebob. May mga CDs rin ng spongebob... Parang kwarto ng bata hayst.

Naupo ako sa kama niya na infairness malambot, nanuod ako ng T.V. hanggang sa napagdecide kong mahiga na sa kama ni Kuto habang nanunuod hanggang sa hinila na ako ng antok.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin, I slowly open my eyes at mukha niya agad ang bumungad.

"K-Kuto..."

"Did I awake you? Gomennasai..."

Napakapungay ng mata niya na parang antok na antok na at pagod na pagod.

Umupo na ako sa kama. "What time is it?" I asked and scrub my eyes then yawn.

"Hmm 2:51 a.m." he answered and  yawn.

Salubong kilay ko siyang tiningnan.

"Inaantok na ako Lisa... Timpla mo 'ko gatas... Tulog na sila eh," bulong niyang sabi na halatang pagod na pagod.

I sighed. "Fine," sabi ko at sinoot na yung slippers ko then tumayo at saka naglakad na palabas ng room niya pero agad ako bumaling sa kanya na nasa pintuan ng kwarto niya.

"Sumama ka sa akin sa baba, ano ka siniswerte at dadalhin ko pa sayo duh!" Inirapan ko pa siya na papikit-pikit na ang mata.

"Susunod ako.... Magbibihis lang ako." Siya na sinaraduhan ako ng pinto.

Weird... Weird talaga kasi iba na yung suot niyang damit kesa kanina na suot niya paalis na bahay. Hmm?

So ayon nga nagtimpla na ako ng gatas pero ilang minuto wala paring Kutong bumababa, I rolled my eyes at iritang kinuha yung baso then naglakad pataas ng hagdan then pumunta sa room ni Kuto. Kakatok sana ako pero nakita kong nakaawang yung pinto kaya hinawakan ko na lang yung door knob na hindi lock.

Tinulak ko papasok yung pinto and with that nakita kong nakadapa si Kuto sa kama niya, kalahati ng katawan niya ay sumombra sa bed psh bakit ba naman kasi ganyan siya nahiga. He's wearing now his favorite spongebob t-shirt and pajama err.

"Nagpapatimpla ng gatas tapos tinulugan ako, may araw ka rin sa akin Kuto grr kung hindi lang ako mabait ng very slight... Aish!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status