Share

Chapter 2

January 2001
Tondo, Manila

"Hi, babe!" Inabot ni Anthony sa girlfriend ang isang tangkay ng rosas na pinitas nito sa paso ng nanay niya.

"Hmp! Binawasan mo nanaman ang bulaklak ng tanim ng Mama mo," kunyari ay sumimangot ni Andrea

"Marami pa namang tanim si Mama, ayaw mo ba? Sa iba ko na lang ibibigay sige ka," tukso nito

"Ah, ganun! Bakit may iba ka pa bang pinagbibigyan, ha?" nakapamewang na wika ni Andrea.

"Syempre ikaw lang." Hinapit nito ang bewang ng dalaga at hinagkan sa batok. Nagpumiglas naman si Andrea.

"Subukan mo lang Anthony, naku lagot ka talaga sa akin."

"Hmp! Ang bilis mo naman magalit, binibiro ka lang."

"Kumain ka na nga lang ng pan de coco tinirhan kita dyan alam ko paborito mo yan." Umupo ang kasintahan sa bankong upuan at itinuon ang mata sa palabas.

Nasa bahay sila ni Andrea sa Tondo, dalawang kanto ang layo mula sa tirahan nila.

"Ano ba yang pinapanood mo? 'Yan na namang teleseryeng puro kadramahan." Tumabi siya sa kasintahan habang kinakain ang pan de coco na kinuha sa ibabaw ng mesa.

"Anong kadramahan? Ang gwapo kasi ni Ashton no at si Vanessa ang ganda din. Bagay na bagay sila."

Tumayo si Anthony at kumuha ng tubig sa pitsel. Ang tirahan ng kasintahan ay isang maliit na kwarto na halos ilang hakbang lang mula kusina at sala. May isang double-deck bed na nagsisilbing higaan na tinatabinan ng kurtinang plastic. Kasama ng kasintahan ang isang pinsan na nag-aaral sa isang universidad bilang iskolar na pinopondohan ng gobyerno. Si Andrea ay third year high school pa lang at siya nama'y nasa kolehiyo na. He is taking up Business Management.

Ang ina ni Andrea ay isang ofw sa hongkong na siyang sumusuporta sa anak para makapag-aral. Ang ama nito ay hindi niya nito nakilala dahil iniwan ang ina nito noong ipinagbubuntis pa lamang si Andrea.

"Balang araw magiging artista din ako," wika ng kasintahan habang pinapanood ang paboritong teleserye.

"Nangarap ka na naman," nakatawang sabi niya. Pangarap nito noon pa ang makita ang sarili sa telebisyon. Kung sabagay ay may karapatan naman ang kasintahan na mangarap ng ganun. Maganda ang mga mata nito at maganda ang hugis ng ilong. At kahit sa maliit na apartment lang ito nakatira ay maganda ang kutis. Sa katunayan ay marami ang nanliligaw dito na higit pang maykaya sa kanya. Pero masuwerte siyang siya ang sinagot ni Andrea.

Nakilala niya ito nang minsang mayaya sila sa liga ng basketball sa kanilang barangay. Mula ng makita niya ito sa gitna ng mga nanonood na kabataan ay hindi niya ito tinantanan. Mas nene pa ito noon. Ngayon ay dalawang taon na silang magkasintahan. Kinse anyos na ang kasintahan at siya naman ay bente uno na.

"Malay mo naman kung ma-discover ako. Kaya nga ako laging tumatambay sa mall baka may makasalubong akong talent manager," tila nangangarap pa rin nitong wika. Natatawa naman siya sa sinasabi ng kasintahan.

"Mag-aral ka na lng muna. Kung magiging artista ka hindi ka makakatapos."

"Hindi bale na, yayaman naman ako," patuloy nitong pagtatanggol sa pangarap. "Makakaalis na ako sa bahay na 'to. Hindi na rin ako kukutyain ng mga kamag-anak namin na nabuntisan lang si Mama kaya ako ipinanganak."

"E paano ako? Iiwan mo ako dito?" tanong niya na hinaluan ng himig pagtatampo.

"Hmmm..." kunwari ay nag-isip pa ito. "Pwede ka namang maging bodyguard ko."

Napahalakhak siyang talaga sa sagot ng kasintahan. "Sa gwapo kong ito magiging bodyguard mo lang?"

"Joke lang," nakangiti nitong wika. "Pero syempre kapag ganun bawal kong sabihin na may boyfriend ako kasi masisira ang career ko."

"Napakalayo nang nararating ng pangarap mo," natatawang wika naman niya.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status