Share

Chapter 4

Nagpasya na rin ang mga katiwala sa Mansyon na mag stay ng one week hanggang sa makaalis sina Thaddeus.

Umakyat na sa taas sina Thaddeus at Tobias para pumili ng silid na matutulugan.

"Magtabi nalang kaya tayong matulog? Ano sa tingin mo?" Nakangising tanong ni Tobias kay Thaddeus, tiningnan ito ng masamang tingin ni Thaddeus.

"Takot ka ba?" Sabi ni Thaddeus sa nanunudyong boses.

"Ako? Matatakot? Hindi ah, walang kinakatakutan si Tobias ano!" Pagmamayabang nito na ikinatawa ni Thaddeus.

Una nilang pinuntahan ang kuwartong katapat ng harden, ang kuwartong may terrace.

"Wow! Ang ganda naman ng silid na ito,Thad. Makakalanghap ka ng fresh air oh tapos ang ganda ng view dahil matatanaw mo ang harden." Sabi ni Tobias habang iniikot ang buong silid.

Smantalang si Thaddeus naman ay lumapit sa malaking bookshelve na nakapuwesto sa harapan ng kama. Napansin niyang maganda ang bookshelve kahit luma na, tingin niya rin matibay ito.

Since mahilig siya sa mga libro, isa isa niyang sinuri ang mga libro na nakalagay roon. Ang iba ay malalaki at makakapal,halos luma na ang mga ito, iilan lang ang bago.

"Dito na ako matutulog." Narinig niyang saad ni Tobias, tinanguan niya lang ito dahil busy siya sa pagtingin sa mga librong nasa bookshelves.

Napapitlag si Thaddeus ng biglang mag ring ang phone niya kaya agad niya itong hinugot sa bulsa.

"Hello mom?" Sagot ni Thaddeus sa kabilang linya.

"Thaddeus! My goodness! I can't believe your father did this to me!"

Asik ng mommy niya sa kabilang linya, base sa boses nito ay galit na galit ito.

"Bakit?" Takang tanong ni Thaddeus sa ina.

"Hindi mo ba alam na pinainom ako ng juice ng ama mo na may sleeping pills! Pag gising ko nasa Palawan na kami?! He is so impossible!" Pagtatalak ni Talia sa kabilang linya, napangiti naman si Thaddeus, hindi niya akalain na magagawa iyon ng ama niya.

"Mom, calm down. Si daddy lang iyan bakit parang takot ka?" Tukso ni Thaddeus sa ina, tumikhim si Talia sa kabilang linya.

"Of course not! I'll call you later. Puntahan ko lang ang walanghiya mong ama!" Inis na sabi nito saka pinatayan siya ng phone, napapailing nalang siya.

He knows that they still love each other kasi kung hindi, di sana ay may kanya kanya ng mga boyfriends or girlfriends ang mga ito.

Ni minsan hindi niya nakakitaan na nakipag date ang mommy niya sa ibang mga lalaki. Maski ang daddy niya ay wala rin siyang nabalitaang nakipag date ito sa iba.

Muling ibinalik ni Thaddeus ang atensyon sa mga librong nakalagay sa bookshelve, ang iba ay nilalakdawan niya, ang iba naman ay sinusuri niya ng tingin hanggang sa may mapansin siyang kulay black na libro na kasing laki at nipis ng notebook.

Naagaw ang atensyon niya dito kaya kinuha niya ito para tingnan, nasa pinakasulok ito kaya malabong makita at mapansin pero ewan niya ba kung bakit nahagip ng paningin niya ang librong ito.

Sinuri niya ang kabuuan pero hindi binuklat, tingin niya ay lumang luma na ito, hinipan niya pa ito dahil sa may mga alikabok pang nakadikit, hindi siguro napunasan ng maayos o baka naman hindi nakita ng mga naglilinis dito, tanging pagdadahilan niya sa isipan.

Mas lalong kumunot ang noo niya ng may mabasa siyang nakasulat sa labas ng libro, hindi niya alam kung libro ba ito or ewan. Nakalagay mismo sa harapan at pinakagitna ang salitang 'MARIA' with bold and big letters pa.

"Maria..." Mahinang basa ni Thaddeus sa pangalan, bigla siyang nakaramdam ng malamig na hangin na para bang humaplos sa buong katawan niya.

"Grabe, lumalamig na ang hangin." Sabi ni Tobias saka lumapit sa kanya, wala sa sariling ibinalik ni Thaddeus ang librong may nakasulat na Maria.

"Tara na sa ibang silid maglibot pa tayo." Anyaya ni Thaddeus kay Tobias, bigla kasing nag iba ang pakiramdam niya, kanina pa ito noong nakita niya ang matanda at kung ano ano ang pinagsasabi, narinig niya rito ang pangalan na Maria tapos ngayon na naman nakasulat sa isang libro, baka nga title ng libro ang Maria. Sa isip isip ni Thaddeus.

Tuluyan na silang lumabas sa silid, hindi na nila pinansin ang malamig na haplos ng hangin sa mga balat nila.

Dapit hapon na ng maisipan ni Thaddeus na bumalik sa harden at doon magpalamig, nakaupo siya sa upuang nakapalibot sa ibaba ng katawan ng malaking puno. Sa sobrang laki nito at lawak ng mga branches ay halos wala ng sinag ng araw o liwanag ang nakakasingaw.

Naka de kuwatro pa siyang nakaupo, kaharap niya sa di kalayuan ang terrace ng isa sa kuwarto sa itaas, tingin niya iyon ang silid na naoili ni Tobias kung saan ito matutulog.

Wala sa loob na itinaas niya ang DSLR camera niya na nakasukbit sa leeg saka kinuhanan ng pictures ang magandang terrace, sa lahat ng silid, ang silid lang na iyon ang may terrace at naka sentro pa rito sa may harden.

Habang busy si Thaddeus sa kaka click ng camera niya ay may isang malaking bulto ng katawan ang biglang nahulog sa terrace o mas tamang sabihin na tumalon.

"Fuck!" Napamura si Thaddeus sabay tayo saka nagmamadaling tumakbo palapit sa kung saan naka puwesto ang terrace. Naisabunot niya pa ang dalawang kamay sa buhok ng pagdating niya mismo sa tapat ay wala naman nahulog na kung ano.

He thought it was Tobias na bigla nalang tumalon galing sa terrace. Tiningala niya ang mataas na terrace, kung may tatalon talaga galing sa tertace sigurado siya na patay talaga dahil bukod sa napakataas nito ay semento pa ang kababagsakan mo.

"Shit,ano iyon?" Mahinang bulong ni Thaddeus sa sarili.

"Oy Thad! Anong ginagawa mo riyan?" Sigaw ni Tobias mula sa terrace, dumungaw ito sa kanya. Hindi niya ito pinansin, dumeretso siyang pumasok sa loob.

Naabutan niya sa living room sina Mang Carding at Mang Alberto nagpapatugtog ng rock music ang mga ito, napangiti nalang siya.

Nagtuloy tuloy ng umakyat sa taas si Thaddeus at nagtungo na sa kuwarto kung saan niya napiling mag stay, katapat lang ito sa kuwartong napili ni Tobias.

Kinagabihan pagkatapos nilang maghapunan nagpasya na si Thaddeus na maagang magpahinga habang si Tobias naman nagpaiwan sa sala at nakikipag inuman pa kina Mang Carding at Mang Alberto, sina Caridad,Karen at Linda naman ay nagpahinga na rin sa maids quarter.

Napabalikwas ng bangon si Thaddeus ng may marinig siyang kalabog sa labas ng pintuan ng silid. Napamura siya dahil iniisip niya na baka lasing na sina Tobias at kung anu ano na ang binasag sa sala, mga purong antique pa naman ang mga kagamitan dito sa Mansyon.

Babalik na sana siya sa pagkakahiga ng may marinig siyang mga yabag ng paa na tila tumatakbo at isang tawa na tila ba natutuwa.

"Shit, anong oras na ba? At bakit nag iingay pa sila?" Mahinang bulong ni Thaddeus sa sarili, inisip niya kasi na baka ang dalagitang si Karen nagtatakbo sa taas.

Inabot niya ang relong nakalapag sa bedside table at chineck ang oras. It's 2:30am in the morning. Wala sa loob na lumabas siya ng silid, tiningnan kung sino ang nagtatakbo rito sa taas.

Sinundan niya pa ang mga yabag at ang naririnig niyang tawa, pababa ito ng hagdan.

Humihikab pa siyang bumaba sa hagdanan, hindi niya talaga mahagilap kung kanino ang mga yabag na iyon. Ng makababa na ay napadako ang tingin niya sa sala, nandoon lang sina Mang Carding at Mang Alberto, sa sobrang kalasingan nakatulog na siguro. Napapailing nalang si Thaddeus.

Bigla siyang napapitlag ng may marinig siyang sigaw ng isang babae na nanggagaling sa itaas. Habang tumatagal ay palakas ito ng palakas kaya nagmamadali siyang bumalik taas.

Nang matapat siya sa kuwarto ni Tobias kung saan ito natutulog ngayon ay mas lalong narinig niya ang daing ng isang babae na tila ba nasasaktan ng sobra, iyak at sigaw saka humahagulhol.

Napatiim bagang si Thaddeus, naggalawan ang muscles sa buong katawan niya.

"Fuck!" Mura niya, naisip niya na baka sa sobrang kalasingan ni Tobias hindi na nito alam ang ginagawang katarantaduhan at pinakialaman si Karen, ang dalagitang anak nina Mang Alberto at Manang Caridad.

"Shit! Tobias,open this goddamn door!" Nanggagalaiting sigaw ni Thaddeus mula sa labas ng pintuan, hindi niya mabuksan dahil naka lock.

" 'tang ina! Buksan mo ito!" Nagsusumigaw na sabi ni Thaddeus, pinupokpok na niya ang pintuan gamit ang mga palad niya, parang sumisikip ang dibdib niya dahil sa naririnig na daing at iyak ng babaeng nasa loob.

"Tobias!" Muli niyang sigaw pero parang walang nakakarinig sa kanya. Halos naglabasan na ang lahat ng maliliit na litid sa leeg niya. 

Damn it!

Palatak ni Thaddeus sa isip niya ng muling marinig ang nagmamakaawang boses ng babae na nanggagaling sa loob ng silid ni Tobias.

Bumwelo siya para sipain ang pintuan, at iyon nga ang nangyari ubod lakas niyang sinipa ang pintuan pero husto namang bumukas ang pinto at ang malakas niyang sipa ay naglanding sa katawan ni Tobias.

Malakas itong bumagsak para itong lantang gulay na nakahandusay sa sahig habang sapo ang tiyan, namilipit yata sa sakit.

"I will kill you Thad, fuck you!" Usal ni Tobias sa namimilipit na boses, matagal bago ito naka recover sa sakit ng sipang tinamo niya kay Thaddeus.

Habang si Thaddeus naman ay natulos sa kinatatayuan, wala siyang nakitang babae sa loob ng silid at pati ang boses ay bigla nalang naglaho. Hindi kaya guni guni lang iyon?

Tsaka bakit niya pinag iisipan ng masama ang pinsan niyang si Tobias? Babaero lang ito pero hindi ito rapist.

Shit!

Bumalik si Thaddeus sa sariling katinuan ng makitang nahihirapang tumayo si Tobias, agad niya itong dinaluhan at tinulungang makatayo at makaupo sa kama.

"Shit, sorry Toby, hindi ko sinasadya." Nagi guilty na hinging paumanhin ni Thaddeus sa pinsan na iniinda pa rin ang sakit ng tiyan kung saan tumama ang malakas niyang sipa.

"Fuck you Thad! Your sorry is not enough! Ang sakit, 'tang ina ka talaga!" Patuloy na pagmunura ni Tobias kay Thaddeus, buti nalang nasanay na sila sa isa't isa na panay mura ang binibitawang salita simula pa noong nag college sila.

"I'm sorry,Tobias. Akala ko may ginahasa kang babae rito sa loob ng silid mo."

Matalim ang tinging ipinukol ni Tobias kay Thaddeus, gusto na niya itong sapakin. Siya pa ang nasipa tapos siya pa ang pag iisipan ng masama? Nagising siya kanina para kukuha sana ng tubig pero pagbukas niya ng pinto ay isang malakas na sipa ang sumalubong sa kanya.

"Lumayo layo ka nga sa akin Thaddeus Ambrosio, baka ikaw pa ang magahasa ko!" Nakabusangot na saad ni Tobias.

"Look, may narinig kasi akong umiiyak na babae nanggagaling sa silid mo, i thought may ginahasa ka, malay ko ba nakipag inuman ka kanina sa baba and to think na naka lock pa ang pintuan mo kaya mas lalo akong nagduda, i'm sorry." Pagpapaliwanag ni Thaddeus sa inis pa ring si Tobias.

"Hindi naka lock ang pinto ko, Thaddeus! Ni hindi nga kita narinig na sumisigaw riyan sa labas o kumatok man lang. Tigil tigilan mo ako riyan sa rason mong iyan Thaddeus!" Angil ni Tobias sa kanya. Napabuntong hininga si Thaddeus, alam niyang hindi niya mapipilit na maniwala sa kanya ang pinsan niya pero hindi mawala sa isip niya ang nakakaawang boses ng isang babae.

Bigla siyang kinilabutan sa isiping pinaglalaruan yata sila ng kung ano, hindi siya naniniwala sa mga ganoon, sa multo, spiritu o maligno. Hindi naniniwala si Thaddeus pero ngayon nagdadalawang isip na siya tila ba may misteryong bumabalot dito sa loob ng Belle Veu Manor.

"Oh ano na Thaddeus, ikuha mo nalang ako ng tubig." Untag ni Tovias sa kanya, napapailing nalang siyang lumabas sa silid nito at muling bumaba para kunan ito ng tubig sa kusina.

Pagkarating niya sa kusina ay naabutan niya si Karen doon, kumuha ito ng isang pitsel na tubig at nagsalin sa basong nakapatong sa kitchen counter.

"Gising ka pa?" Untag ni Thaddeus dito na tingin niya ay lutang yata pero ng marinig ang boses niya ay napatalon ito sa gulat.

" Ay jusko naman kuya!"

"Sorry." Tipid na hinging paumanhin ni Thaddeus dito.

"Gusto niyo po ng tubig?"

"Yes, please."

Kumuha ito ng isa pang baso saka sinalinan ng tubig.

"Bakit gising ka pa Karen?" Muling tanong ni Thaddeus.

"Hindi po ako makatulog eh, ang ingay kasi." Mahinang sagot nito, napakunot ang noo ni Thaddeus, baka nagising ito sa ginawa niyang ingay kanina.

"I'm sorry,nagising kita."

"Naku, hindi po dahil sa inyo." Nahihiyang sabi ni Karen.

"What do you mean na ingay?" Curious na tanong ni Thaddeus dito, nag iwas ito ng tingin sa kanya at tila ba nagdadalawang isip na magsalita.

"Basta po–matutulog na po ako ulit." Iwas ni Karen sa kanya saka iniwan na siya, agad na itong pumasok sa maids quarter.

Napabuntong hininga nalang si Thaddeus, pakiramdam niya ay nanghihina siya dahil sa mga nangyari simula ng makarating siya sa Mansyon.

~•~


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status