"Ako na po ang bahala rito."
Nahintakutang usal ni Maria sa lahat ng mga katiwalang nasa labas ng silid niya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito ng walang kahirap-hirap na binuksan ni Maria ang sariling silid at pumasok.
Sinugurado ni Maria na nai-lock niya ang pinto ng silid. Hindi makapaniwala si Maria sa nakikita niya ngayon, parang dinaanan ng bagyo ang loob ng silid niya, napunit ang kumot, ang punda ng unan, ang kurtina ng terrace at madami pang iba. Natutop ni Maria ang bibig at nanlaki ang mga matang napatingin sa kaibigan nitong si Azreal.
Puno ng galit ang nakikita niya sa mga mata nito, nakatiim bagang na wari niya'y parang gustong pumatay ng tao. Nalilito siya kung bakit nagawa ito ng kaibigan.
"A-Azi... " Usal ni Maria sa nanginginig na boses. "Anong ginawa mo?" Dagdag pa ni Maria na halos naitulos sa kinatatayuan. Hindi siya halos makahakbang at lahat ng balahibo niya sa katawan ay nagtayuan. Bumangon ang takot at kaba sa dibdib.
"May bisita ka?" Malamig ang boses na turan ni Azreal kay Maria.
"K-kaibigan ko, binisita ako. Bakit mo ginawa ito? May problema ka ba?" Pilit na pinapatatag ni Maria ang boses. Nanginginig ang mga tuhod na humakbang siya palapit sa kama at naupo doon dahil hindi na niya kayang tumayo pa ng matagal, pakiramdam niya ay mabubuway siya sa kinatatayuan.
"Akala ko ba ako lang ang kaibigan mo,Maria? Akala ko ba sa akin ka lang?!" Asik ni Azreal kay Maria, napasinghap naman ang dalagita at mabilis na tumayo sa pagkakaupo, ang takot sa dibdib niya ay napalitan ng galit.
"Ano bang pinagsasabi mo Azi? Kaibigan kita pero hindi mo mapipigilan na makatagpo pa ako ng mga ibang kaibigan. Walang nagmamay-ari sa akin kundi ako lang!" Asik ni Maria kay Azi, napapansin ni Maria na nagiging sakim ito sa kanya at tila ba ayaw nitong malayo siya rito. Paano nalang kapag nag-aral na siya pa Maynila? Ano nalang ang magiging reaksyon nito?
Binalingan siya ni Azi at katakot-takot na tingin ang ipinukol nito sa kanya, gustong matakot ni Maria sa nanlilisik na tingin nito pero pinanatili niyang huwag magpaapekto rito dahil wala naman itong karapatang maging sakim sa kanya.
"At saka pupunta na ako ng Maynila Azi, doon na ako mag-aaral." Sabi ni Maria, napasinghap siya sa reaksyon nito, biglang nagbago at isang kisap mata niya lang ay nasa harapan niya na ito.
Sinasakal siya!
"A-Azi! Bitiwan mo ako..." Pilit ang mga katagang binitiwan ni Maria, mahigpit na nakapulupot ang isang kamay nito sa leeg niya. Pakiramdam ni Maria ay kinakapos na siya ng hininga.
"Hindi ka aalis Maria! Hindi mo ako puweding iwan!" Asik ni Azi sa kanya na mas lalong humigpit ang pagkakasakal sa kanya. Tumataas na ang paa niya sa sahig, malakas na isinandal ni Azi ang likuran ni Maria sa may pintuan. Napangiwi ang dalaga dahil sa lakas ng pagkakasandal nito sa kanya, idagdag pa na ang mga paa niya ay hindi na lumalapat sa sahig. Nahihirapan siya!
"N-nasasaktan ako Azi! B-bitiwan–"
Bigla siyang binitiwan ni Azreal at kasabay noon ang pagbagsak niya sa sahig,sapo ang sariling leeg, napapaubo pa siya. Hindi makapaniwala si Maria na magagawa ito ni Azreal sa kanya.
Hindi pa siya nakakabawi ay naramdaman niya nalang na biglang umangat ang katawan niya at pabalyang siya nitong inihagis sa kama. Sa gulat ay napasigaw siya. Buti nalang ay malambot ang kama.
"Tama na! " Asik ni Maria saka pinilit na makatayo. Nanginginig ang buong katawan niya sa nakikitang anyo ng kaibigan.
"Tandaan mo Maria! Akin ka lang! Hindi mo ako puweding iwan!" Nanlilisik ang mga matang angil ni Azreal sa kanya habang mahigpit na hawak nito ang dalawa niyang pisngi.
Hindi siya nakaimik hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya. Nanghihina ang buong katawan na napaupo sa kama si Maria at walang anu-ano'y sumigaw ng malakas.
Kinabukasan pinatawag ni Olga ang doctor para patingnan si Maria, kagabi pa mataas ang lagnat nito at hindi nila makausap.
Naabutan nila ito kahapon sa silid na nagsisigaw at umiiyak, magulo ang silid nito na para bang may nagwala at lahat ng gamit ay sinira.
"Wala pa ba ang doctor?" Nag-aalala na tanong ni Olga kay Terry, palakad-lakad si Olga sa silid ng pamangkin, hindi mapakali at puno ng pag-aalala ang mababanaag sa mukha.
"Wala pa po señora pero sabi ni Matilda parating na raw." Saad ni Terry na ang tinutukoy na nagsabi ay ang isa pang katiwala sa mansyon.
Nakahinga ng maluwang si Olga at muling ibinaling ang tingin sa natutulog na pamangkin. Namumutla ito.
Pinahalughog na niya ang buong Belle Veu Manor kahapon sa pag-aakalang may mga magnanakaw na nakapasok pero ni isa ay wala silang nahuli o nakita.
"Señora! Señora Olga!"
Ang humahangos na boses ni Matilda ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Olga. Lumingon siya rito, puno ng pag-aalala ang nakabalatay sa mukha nito.
"Mukhang hindi po makakarating ang manggagamot dahil naaksidente po ang sinasakyan nito." Nag-aalalang turan ni Matilda.
Nag-iisa lang ang doctor nila sa bayan kaya mas lalong nag-alala si Olga, bumuntong-hininga siya at nagsalita.
"Ipahanda mo ang kotse sa driver,Matilda. Luluwas tayo sa Syudad. Doon natin dadalhin si Maria." Kalmanteng utos ni Olga.
"Opo Señora."
Pagkalabas nina Matilda at Terry sa silid, masuyong hinaplos ni Olga ang pisngi ng pamangkin. Namumutla si Maria at mainit. Si Maria nalang ang tanging ala-alang iniwan nilg kapatid niya, si Ingrid ang ina ni Maria. Kaya itinuring na niyang tunay na anak ang pamangkin.
Lumipas ang ilang minuto,bumalik na sa silid si Matilda. Hindi ito mapakali.
"Señora, ayaw pong umandar ang dalawang sasakyan. Wala naman pong sira pero hindi po umaandar. Hindi alam ng driver kung anong nangyari pero kasalukuyan niyang sinusuri ang sasakyan ngayon." Puno ng pag-alala abg boses ni Matilda.
Napapikit si Olga,ayaw niyang mabulyawan ang kaharap dahil sa sobrang inis sa sitwasyon ngayon. Magsasalita na sana siya ng may biglang humawak sa kamay niya.
"Tita Olga..." Mahinang usal ni Maria.
"Diyos ko! Maria, kumusta ang pakiramdam mo? Dadalhin ka namin ngayon sa ospital." Natatarantang sabi ni Olga ngunit umiling si Maria.
"Huwag na po, magiging maayos din ang pakiramdam ko."
"Pero hija–"
"Pahingi ng tubig..." Nahihirapang usal ni Maria. Si Matilda na ang nag-abot ng isang basong tubig, mabilis ang naging kilos nito sa pagsalin ng tubig sa baso mula sa pitsel na nakapatong sa study table ni Maria.
"Dahan-dahan." Sabi ni Olga na inalalayan si Maria na makaupo at makainom ng tubig.
"Magpapahinga lang ako tita Olga, huwag kang mag-alala, maayos ang kalagayan ko." Pilit ang ngiting ibinigay ni Maria sa kanila at muling pumikit.
Nanghihina ang buong katawan niya, siguro dahil sa sobrang takot na rin at pagkasindak dahil sa ginawa ni Azreal sa kanya. Pero hindi siya padadaig dito, ngayon pa na alam na niya ang tunay na motibo nito.
~•~
Lumipas ang dalawang araw na laging wala sa sarili si Maria, balisa at laging lutang. Napapansin na rin ng mga kasama niya sa Mansyon pati na ang Tita Olga niya. "Maria, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Olga sa pamangkin. Kasama niya ito ngayon, dahil araw ng linggo magtutungo sila sa simbahan. Hindi umimik si Maria, nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse.Napabuntong hininga nalang si Olga saka ginagap ang isang kamay ng pamangkin at masuyong hinaplos ito. Inasikaso na niya ang pagluwa
Kinabukasan maagang nagising si Maria para makasalo niya sa umagahan ang Tiya Olga niya. Nagpasya na rin siyang hindi na pumasok sa skwelahan."Anong nangyari sa leeg mo hija?" Nakakunot ang noo na puna ni Olga sa leeg ng pamangkin. Mapula ito at para bang sinakal. Nakaramdam siya ng pag-alala."Allergy lang po ito Tiya, okay lang po ako." Mahinang sagot ni Maria saka yumuko. Napansin din ni Olga na nangangalukmata ang pamangkin, parang magdamag itong walang tulog, siguro dahil na rin sa nangyaring aksidente kahapon."Inayos ko na ang mga papeles mo sa School para makalipat ka na pa-Maynila,hij
Nagsisigaw at pilit na nagpupumiglas si Maria dahil sa kapangahasan ni Azreal sa kanya. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito sa gusto nitong mangyari."Tama na Azi... Pakiusap huwag mong gawin 'to." Umiiyak na pakiusap niya pero nagkunwari itong walang narinig. "Akin ka lang Maria! Akin ka lang!" Singhal nito sa kanya sabay hablot sa natitirang kasuotan niya hanggang sa wala.ng matirang saplot sa katawan niya."HUWAG!" malakas na tili ni Maria rito, puno ng takot ang boses niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas dahil nakagalaw ang buong katawan niya. Agad niyang itinulak si Azreal, agad siyang bumangon at nagtatakbo
Napabalikwas ng bangon si Maria mula sa pagkakahiga dahil sa narinig na sigaw. Agad siyang napatingin sa paligid. Nayakap ang sarili dahil sa sobrang lamig. Muli niyang narinig ang malakas na sigaw ni Terry kaya tuluyan na siyang lumabas sa silid pambisita. Agad siyang nagtungo sa silid niya. Kinakabahan, natatakot at nanginginig ang katawan niyang binuksan ang sariling silid.Nanlaki ang mga mata niya ng makitang sinasakal ni Azreal ang personal niyang tagapag-alaga simula bata pa siya."Terry..." Mahinang usal niya, natutop niya ang bibig. Hindi na nakalapat ang dalawang paa nito sa sahig."S-señorita...t-takbo..." Nahihirapan nitong usal. Tumaas pa ang isang kamay nito sa deriksyon n
"Pakiusap detective Roa gawin mo ang makakaya mo para maresolba ang kaso na ito. Na murder ang isa sa katiwala namin, pinagsamantalahan ang pamangkin ko at hanggang ngayon hindi pa namin makausap!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Olga sa isang detective na siyang may hawak sa kaso ni Maria, dalawang araw na ang nakalipas ng matagpuan nilang nakahandusay sa sahig ang katawan ni Terry at nasa banyo naman si Maria, walang malay."Gagawin namin ang lahat Señora Olga para mabigyan ng hustisya ang nangyari." Determinadong saad ni Detective Roa. Matagal na itong nakaalis nanatili pa ring nakaupo sa sala si Olga, palihim siyang umiiyak para sa pamangkin. Inilihim nila ng nangyari kay Maria para hindi ito
Ang liham ni Maria para kay Padre Antonio.Padre Antonio,Nais kong magpasalamat sa inyo dahil ninais ninyo akong tulungan sa kabila ng lahat. Ngayon ay kailangan na kailangan ko ang tulong ninyo. Hindi ko na kaya at nahihirapan na ako sa pagpapahirap sa akin ni Azreal. Pilit pa rin akong lumalaban kahit wala na ang mga taong mahal ko.Nais kong malaman ninyo na pinagsawaan na ako ng paulit-ulit ng isang demonyo. Marumi at nakakasuka na akong babae. Hindi ko lubos maisip na kaya rin palang gawin iyon ng isang
Year 1959Humihingal si Thaddeus na binuksan ang pinto kung saan nanggagaling ang sigaw. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang babaeng hubo't hubad na nakayakap sa sarili, nakasalampak ito sa sahig. On an instinct, agad na nagtungo sa kama si Thaddeus at hinablot ang kumot saka itinakip sa hubad na katawan ng babaeng umiiyak.Thaddeus heart skip a beat when the woman hug her so tight while she's still crying so hard. He can smell her addicting scent and he can feel her body so soft and delicate. Napalunok si Thaddeus sa kakaibang nararamdaman niya. Marami ng babaeng yumakap sa kanya pero kailanman ay hindi siya naapektuhan ng katulad ngayon. "Mahabagin!" Bulalas
Atubiling tinanggap ni Maria ang nakalahad na kamay ni Thaddeus. Matamis na ngumiti si Thaddeus rito saka mahigpit na ginagap ang palad ni Maria. Hinila na niya ito palabas ng Mansyon kasabay ng biglaang pagdilim ng kalangitan tila nagbabadya na may malakas na ulan na paparating. "S-sandali lang–" Pigil ni Maria kay Thaddeus, nag-iinit ang pisngi niya dahil sa pagkakahawak ni Thaddeus sa palad niya. Pakiramdam niya may bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya. Naihaplos niya ang isang kamay sa pisngi."Bakit?" Nagtatakang binalingan ni Thaddeus si Maria, napansin niya ang pagba-blush nito. Lihim siyang napamura dahil maski siya ay nahiya rin. Noong unang panahon hindi mo pala basta-basta hinahawakan ang isang babae, nasabi niya sa isipan. Gusto niyang bitawan ang kamay nito pero natatakot siya na baka mawala ito sa kanya. Feeling niya safe ito kapag hawak niya.D