Share

CHAPTER 2: LITTLE ANGELS

A/N: This is a work of fiction. Names of characters, places and events are made by the author's imagination.

3rd Person's POV

Sabi ng iba, ang nagpapakulay sa dalawang mag-asawa ay ang mga supling nito. Sila ang magbibigay kasiyahan at inspirasyon upang magpatuloy sa buhay. Mayroong mag-aalaga sa mga magulang pagtanda nito. At ang higit na nagpapasaya dito ay ang nakikita mo ang mga anak mo na lumalaking may takot sa diyos, at mga pangarap para sa kanyang kinabukasan.

Labis ang galak ng mag-asawang Hollis nang masilayan ang kanilang unang supling na lalaki. Napakacute nito at napakagwapo ng mukha. Malaman rin ang katawan nito na mas nakakagigil kung pagmasdan. Ibinigay si baby Hollis sa kanyang ina matapos linisin ang pusod nito at balutan ng malinis na telang kulay puti. Nakatutuwang pagmasdan ang isang inang hawak hawak ang kanyang bagong silang na sanggol at pinangalanan itong... ALARICK ZAYN.

A noble leader and a beautiful creature made from above. Ayan ang ibig sabihin ng pangalan ng unico hijo nila. Napakagandang pangalan na magiging kilala sa paglipas ng panahon. Ipinangako ng mag-asawa sa natatanging supling na aalagaan itong mabuti at ibibigay ang lahat ng kailangan nito. Tuturuan ng magandang asal at ipag-aaral sa magandang eskwelahan upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Napakaswerte ng mag-asawa dahil biniyayaan sila ng sanggol na malusog at hindi lapitin ng sakit. Ilang buwan ang lumipas ay unti-unting lumalaki si Alarick. Tila nakakakilala na ito ngunit hindi pa marunong magsalita. Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa ipinapakitang liksi at bibo ang batang Hollis. Si Aster na siyang ina ni Alarick ay huminto muna sa pagtatrabaho pansamantala upang tutukan ang pag-aalaga sa anak. Hindi alintana ni Aster ang pagod at puyat maibigay lang sa anak ang tamang alaga na kailangan nito. Habang ang asawang si Morgan ay todo pagsisikap sa trabaho upang makamit ang promotion na inaasam at mas lumaki pa ang kanyang sahod, pandagdag rin iyon sa mga gastusin nila sa pang araw-araw.

Dumating ang unang kaarawan ni Alarick at bilang paghahanda sa selebrasyon, nag-imbita ang kanyang mga magulang ng mga bisita, mga malalapit na kaibigan kasama ang mga anak nito. Nagkaroon rin ng birthday party para sa mga batang imbitado. Mayroong clown, balloons, sounds at hindi mawawala ang mga paboritong pagkain ng natatanging bata. Cake, spaghetti, hotdogs on stick, at marami pang iba. Ginawa ng mag-asawa na maging memorable para sa kanilang anak ang pagdiriwang ng unang kaarawan nito. Labis rin ang pasasalamat nila sa poong maykapal dahil biniyayaan sila ng blessing na kagaya ni Alarick.

Nagdaan ang araw, linggo, buwan at taon ay mabilis ang naging paglaki ni Alarick. Nakakapagsalita na ito ng diretso at maaari na itong makapag-aral sa susunod na taon. Labis ang tuwa ng mag-asawa sa tuwing nagsasalita ang anak na animo'y ito ay isang ganap na malaking bata. Mahilig makipaglaro sa mga kapwa bata at mapagbigay rin ito sa iba. Laging nagmamano tuwing may nakatatandang kausap at tuwing kami ay nagdarasal kasama ang kanyang ina.

Nang makatungtong sa ikalimang taon, nagpasya ang mag-asawa na i-enrol si Alarick sa private school. Sapat naman ang kinikita ni Morgan sa kanyang trabaho at si Aster naman ay nagpatuloy rin sa pagtatrabaho. Sa tuwing wala silang dalawa ay naiiwan si Alarick sa kaibigan na Smith.

Sina Ruther at Xarie Smith ay ang pinakamatalik na kaibigan ng pamilyang Hollis. Sila lamang ang mapagkakatiwalaan nito kaya madalas si Alarick sa pamamahay ng mga Smith. Kalaro ni Alarick ang anak ng mga Smith na si Rylander. Marami silang pagkakapareha nito kaya madali silang magkasundo sa mga bagay bagay. Nang makatungtong sa pre-school, pinasok ng pamilyang Hollis at Smith ang kanilang mga unico hijo sa isang private school. Parehong taon na panibagong blessing para kina Aster at Morgan dahil mayroong parating na bagong supling sa kanilang pamilya. Oo, buntis si Aster at pinapanalangin ang isang prinsesa ang bagong sanggol na parating. Samantalang, ang pamilya Smith ay nagdiriwang rin dahil nagdadalantao rin si Xarie. Nagdaos ng konting salo-salo ang dalawang pamilya para sa blessings na parating sa kanila.

"It's good to hear that our wives are pregnant for the second time." ani Ruther panimula ng usapan

"Yes, I hope it's already a princess" ani Morgan sabay yakap sa asawa

"Of course whatever the gender is, we will still be thankful because he/she gave to us. Right?" ani Aster na sinang-ayunan ng tatlo

"Mommy! Will I have a little sister po?" ani Alarick na nasa gitna ng kanyang parents.

"Yes baby! I hope it's a girl." tugon ni Aster sa anak

"I promise mommy I will be a good brother to her" napangiti ang lahat sa sinabi ni Alarick. Nakakahanga dahil sa edad nito, nagagawa na niyang makapagsalita ng diretso at hindi bulol.

"Aww. So sweet! I wish my Rylander is like that sweet too. Aish. That boy is so damn serious. Like his dad." ani Xarie habang nakatingin sa anak na nakaupo sa sofa habang nakatutok sa kanyang gadget.

"Honey, I maybe serious but I will do everything for you and Rylander and I'm sure that he should too, soon." Xarie pouted "I want to cuddle him but he always refuse aish."

"Maybe he's too shy to you po." sabat ni Alarick "He's shy but he always said to me that he love his parents po." Dagdag nito. Nabigla naman ang mga nakatatanda sa mga salitang binitawan nito. "R-Really?" - Xarie

Tumango ang bata.

"I told you honey... and you kid, I salute you! I know you will make your parents proud." pagpupuri ni Ruther sa batang Hollis.

"And Rylander too" ani Morgan

Makalipas ang siyam na buwan ay sabay nanganak sina Xarie at Aster sa parehong ospital. Natupad ang panalangin ng mag-asawang Hollis at isang magandang prinsesa ang bagong sanggol samantalang lalaki naman ang kina Xarie at Ruther. Pinangalanan nila itong Astazia Seraphine at ang lalaki naman ay Ryder.

A very energetic and a sharp personality that loves every bit of adventures in life. Balang araw, makikilala at hahangaan ang isang Astazia Seraphine dahil sa kanyang angking talino at galing sa eskwelahan man, o sa trabaho. Hindi makakalimutan ang mga taong tumutulong at sumusuporta sa kanyang mga nais at tutuparin ang mga pangarap kasama ang mga mahal sa buhay. Maraming kaibigan at nagmamahal at rito siya huhugot ng lakas upang magpatuloy. Hindi katulad ni Alarick, sakitin ang babaeng sanggol at laman ito ng ospital. Labis ang pagkabahala ng mga magulang nito dahil hindi malaman ang dahilan kung bakit ito laging nagkakasakit. Matinding pag-aalaga naman ang ginawa ni Aster noong pinagbubuntis niya pa ito. Ngunit hindi sumuko ang mag-asawa sa pag-aalaga rito bagkus, mas pinagtuunan nila ng pansin, alaga at atensyon ang sanggol. Hindi napapansin ng mag-asawa na sa sobrang pagtutok sa bunsong anak ay napababayaan na nito ang panganay na anak na kailangan din sapat na atensyon at pagmamahal. Isang araw ay lumabas si Alarick ng kanilang bahay nang hindi namamalayan ni Aster. Si Morgan ay nasa trabaho nung mga oras na iyon kaya't walang ibang kasama si Aster kung siya at ang dalawang anak lamang. Mabuti at nakita ito ni Xarie na kasalukuyang nasa labas kasama ang bunsong lalaki na si Ryder.

"Alarick!" tawag niya sa inaanak. Nilapitan niya ito. "Why are you outside? Alam ba ito ni mommy mo?" umiling ang batang Hollis. "Oh my! I'm sure she's busy with your little sister kaya hindi ka niya napansing lumabas. Come on let's go inside first." Agaran naming sumunod si Alarick sa sinabi ni Xarie.

"Did you eat breakfast?" umiling muli ang bata. "Gosh! What's happening to Aster! Wait... I'll make you sandwich okay?" tumango ito. Bakas sa mukha ng batang Hollis ang lungkot at ang mga mata nito ay namumugto galing sa pag-iyak. Simula kasi nang magkasakit si Sera ay hindi na siya naaasikaso ng maayos ng ina. Tila nakalimutan ni Aster na may isa pang anak na kailangan ang kanyang kalinga at pag-aalaga.

Habang gumagawa ng makakain sa kitchen ay nilapitan siya ni Alarick. "Oh Alarick are you hungry that much? Here..." agad na kinuha iyon ng batang Hollis at sinimulang kainin. "Mommy doesn't love me anymore... I think..." aniya. "Why do you think of it?" tanong ng nakatatanda

"She's always busy with my little sister. She has no time for me. She's not even pick me up in school." Unti na lamang ay tutulo na ang mga luha nito. "M-Maybe she doesn't love me a-anymore. Uwaaaaaahhhhhh!!!" halos hindi mapakali si Xarie nang umiyak ang batang Hollis. Niyakap na lamang niya ang bata at pilit na pinapakalma ito.

"Shhhhh. Maybe she's busy but I'm sure that she loves you. Parents have an unconditional love towards their children and our love is fair. Stop thinking that Aster doesn't love you because she does. Okay? Stop crying. I'll call your father to pick you up here." Tinawagan nga ni Xarie si Morgan at ilang minute ay nakarating na agad ito.

"Morgan. What's happening to Aster? Nakita ko si Alarick sa labas ng bahay kanina at sabi niya hindi alam ng mommy niya na nakalabas na siya. Tapos hindi pa pala kumakain ng almusal ang bata. At ito pa, umiyak ang bata at akala niya hindi na siya mahal ng mommy niya. Anong nangyayari?" bakas sa tono ng pananalita nito ang disappointment ni Xarie kay Aster.

"I'll talk to her. She's just stressed about Sera's condition. I'm sorry. Thank you for letting my son stay here for a while."

"No worries. By the way, how's Sera?"

"S-She has... a heart condition." May halong panlulumo sa boses ng ama. "Congenital heart disease. Inborn. The doctor said it's hereditary. A-Aster... She's always blaming herself of what's happening to our daughter." naging maselan ang pagbubuntis ni Aster noon kay Sera. Mataas ang sugar nito na nagresulta sa maternal diabetes. Nasa bingit ng kamatayan noon ang mag-ina at pasalamat si Morgan dahil kasama niya pa ang mga ito ngayon ngunit may bagong pagsubok pala na darating sa kanilang pamilya.

"D-Daddy? Is my little sister and mommy okay?" singit ni Alarick na kanina pa pala nakikinig sa usapan ng matatanda.

"Come here" lumapit ang batang Hollis at kinarga ito ng ama. "We better go. Thank you so much Xarie."

Nang makarating sa kanilang tahanan ay nagtaka si Morgan dahil wala ang mag-ina nito. Agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang number ni Aster.

"H-Hello... M­-Morgan..." ang hikbi ng asawa ang bumungad sa kanya. Kinutuban siya ng masama. "What happened... Why are you crying??"

"S-Sera... We're in the hospital... Come here p-please..." agad niyang binaba ang telepono at binuhat si Alarick palabas ng bahay.

"Daddy?"

"You need to stay on tita Xarie's house for tonight. Daddy and Mommy will have an important things to do. Please be good to tita Xarie, okay?"

"Yes Daddy."

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Xarie.

"Ikaw na muna ang bahala kay Alarick. I need to go to the hospital."

"Sure. No worries." Tuluyan na ngang naiwan si Alarick sa bahay ng mga Smith at agad na nagtungo si Morgan sa ospital.

Nang makarating sa ospital ay nadatnan niya ang asawang iyak ng iyak sa isang tabi. Nilapitan niya ito at niyakap.

"M-Morgan... Our daughter... T-This is all m-my f-fault..."

"No..." pang-aalo niya sa asawa "Walang may kasalanan sa nangyayari ngayon kay Sera. Hindi mo kasalanan. Don't take all the blame. All we need to do is to be strong for her. Malalagpasan din natin ito. Pangako iyan" hindi niya pwedeng ipakita sa asawa na maging siya ay nahihirapan na rin sa sitwasyon. Awang-awa siya sa asawa lalo na sa anak nito na nakatubo na. Mahina ang tibok ng puso nito kaya dinala sa ospital.

"Mr. & Mrs. Hollis?"

"Yes doc? Is my daughter okay?" si Morgan ang sumagot habang si Aster naman ay nakaupo at nanghihina

"Her heart is very weak. We should undergo a heart transplant as soon as possible. Kapag hindi natin nagawa agad iyon ay maaaring manghina lalo ang puso niya hanggang sa hindi na ito tumibok"

"O-Okay doc... We will undergo her a transplant if that's only the way to save my daughter. Gagawin ko ang lahat gumaling lang siya."

"But I remind you, it may costs almost a million or even a million. Are you willing to take the risks?"

"Yes doc" determinado niyang sambit ngunit hindi niya alam kung saan kukuha ng ganoon kalaking pera para sa transplant ng anak. Ang mga ipon niyang pera ay hindi rin sapat upang tustusan ang gastos sa ganoong uri ng surgery pero para sa anak ay gagawa siya ng paraan maging maayos lang ito.

Humingi siya ng tulong sa iba't ibang kaibigan na mas nakakaangat sa kanya at laking pasasalamat niya rito na pinahiram siya ng kaunting halaga pandagdag para kay Sera. Maging ang Smith ay tutulungan siya sa mga gastos sa ospital lalo na sa transplant ni Sera.

Apat na linggo ang lumipas nang makahanap sila ng donor at ngayong araw ay isasagawa na ang surgery para kay Sera. Ilang oras rin ang tinagal ng operasyon at saw akas ay lumabas ang doctor mula sa O.R.

"Congratulations. The operation was successful." Halos maiyak sa tuwa ang mag-asawa nang malamang magiging normal na ang kanilang anak pagtapos ng operasyon.

"Her heart rate is normal but I remind you that always prevent heavy activities and the things that may trigger her heart disease. Eventhough she has a new heart, we should take any precautions for her safety also."

"Thank you so much doc!"

"Pwede na po ba namin siyang makita doc?

"Yeah sure"

Maluha-luhang nakatitig ang mag-asawa sa kanilang anak.

"Ang lalakas lakas mo anak. Salamat at hindi mo kami binigo" ani Aster "Mahal na mahal kita"

"Aster." Tawag ni Morgan sa asawa "You should take care of Alarick. Nagtatampo sayo ang bata dahil lagi kang nakatutok kay Sera. You should prioritize him now."

"Yes. I'm sorry. I forgot that I have also our son. Pupunan ko ang lahat ng pagkukulang ko sa kanya. I promise."

Nang matapos ang operasyon, kasunod na pagsubok naman ay ang kawalan nila ng pagkukunan para sa mga gastusin sa pang araw-araw. Maghapon at magdamag kumayod sina Aster at Morgan mabawi lamang ang lahat ng nawalang ipon nila. Bagaman, hindi pinagsisisihan ng mag-asawa ang sakripisyong ginawa nila para sa anak. Aanhin mo pa ang pera kung ang mismong pinakamamahal mo ang mawawala sayo.

Sampung taon ang lumipas... Nasa high school na si Alarick at nasa elementarya naman si Sera. Sa loob ng sampung taon, puno ng saya at ngiti sa mga labi ang palaging nadadatnan ng mag-asawa sa tuwing sila ay nasa tahanan. Sobrang saya ng kanilang pamilya at walang problemang kinaharap. Nawala ang tampo ni Alarick sa ina nang tuparin nito ang pangakong babawi sa kanya. Napunan naman nito lahat ng pagkukulang at napawi ang mga maling inisip sa ina. Ang puso naman ni Sera ay malusog at normal na tumitibok, walang senyales ng pagkakasakit. Ngunit napansin ng mag-asawa na napakabugnutin nito at masyadong seryoso. Kabaligtaran ni Alarick na bibo at masiyahin. Ang magkapatid naman ay close sa isa't isa kahit na madalas ay sinusungitan siya ni Sera, masaya naman si Alarick na nagkaroon siya ng babaeng kapatid na mapoprotektahan niya sa takdang panahon.

Napakaganda ni Sera... Mahaba ang kulay kayumanggi na buhok. Payat ito at nasa 5 feet ang taas. Napakakinis ng mukha tila hindi tinutubuan ng mga peklat sa sobrang kinis. Maihahalintulad sa niyebe ang kulay ng balat nito. Ang mga mata nito ay kulay brown na namana sa kanyang ina. Matangos ang maliit na ilong, singkit ang mga mata at may pinkish na labi. Mayroon siyang peklat sa kanyang dibdib palatandaan na ito ay sumailalim sa operasyon noon. Iniiwasan ng kanyang ina ang makita ito ng ibang tao dahil ayaw niyang inuusisa ang nangyari sa kondisyon ng anak. Lingid sa kaalaman ni Sera ang panganib na nangyari sa kanya noon. Hindi sinabi ng kaniyang ina para na rin sa kanyang proteksyon.

Kahit bata pa lamang ay marami nang nagkakagusto kay Sera at isa na rito ang kaibigan ng kanyang kuya na si Rylander. Kilala si Rylander sa pagiging matinik sa babae, marami ring nagkakagusto rito dahil gwapo. Kada lapit nito kay Sera ay sinusungitan lamang siya nito at isa pa, wala sa isip ni Sera ang magkaroon ng nobyo. Masipag sa pag-aaral si Sera. Studious pero hindi nerd. Mahilig rin mag-ayos sa sarili ngunit katamtaman lang. Marami rin siyang kaibigan ngunit mas nais niya ang mapag-isa. Mas gusto niya sa tahimik na lugar. Marami na rin siyang naiuwing medals dahil sa kanyang pagpupursige sa pag-aaral.

Napakaprotective naman ni Alarick sa kanyang nakababatang kapatid dahil ayaw niyang napupunta ito sa maling landas. Minsan kasi ay napapaligiran siya ng mga taong bad influence at hindi niya hinahayaang mapalit siya rito. Madalas rin niyang pagbawalan si Sera na lumabas at pumunta sa kung saan saan dahil bawal nga itong mapagod ng husto dahil sa kanyang kondisyon sa puso. Iisang tao lamang ang pinagkakatiwalaan nilang makasama ni Sera. Walang iba kundi ang kanyang bestfriend na si Ryder Smith. Si Ryder ay nakababatang kapatid ni Rylander. Napakakulit kasama at minsan ay pilyo pa. Siya lang ang nakakaintindi sa ugali ni Sera bukod sa pamilya nito. Siya ang binansagang "Knight in Shining Armor" ni Sera dahil siya ang lagging nagpoprotekta dito sa mga nambubully sa kanya.

"Hey! Nerd!" hindi pinansin ni Sera ang tumawag sa kanya dahil alam niyang pagtitripan na naman siya nito

"Witwiw!" sipol ng isa sa mga lalaking nakatambay sa corridor

Napahinto si Sera nang may humablot sa kanyang braso. "Hoy! Akala mo kung sino kang maganda?!" tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa "Ano bang nagustuhan sayo ng boyfriend ko?!" tinitigan rin ito ni Sera mula ulo hanggang paa

"Gusto ako ng boyfriend mo? Haha..."

"Oo! Bat natatawa ka?!"

"Ano bang meron sayo na wala sa akin bat ikaw lagi ang napapansin?!! Ako dapat ang Queen sa campus na ito! Ako lang!"

"Alam ko na kung ano ang wala sayo... Hmm..."

"Ano?!"

"Mukha... at... utak... Kapal lang ng mukha ang meron ka at iyon ang wala ako." Akmang aalis na siya nang sinabunutan siya nito

"At sino ka ba sa inaakala mo ha?!!!"

"Bitiwan mo ako!"

"Hey!" biglang dumating si Ryder at nilapitan ang babae. Tinabig niya ang kamay ng babae at nilayo si Sera dito. "How dare you touched her?!! Alam mo bang masama ang pumatol sa nakababata sayo?!!"

"I don't care! Mang-aagaw yang babaeng yan!"

"Di ako mang-aagaw. Tsk. Excuse me." Ani Sera at umalis na ito patungo sa kanyang classroom

Ang nag-iisang problema kay Sera ay ang kanyang matabil na dila at ang pagiging palaban sa tuwing may nais na kumalaban sa kanya.

"Sera!" - Ryder

"What?!"

"Pinatulan mo yung babae kanina noh?"

"Ano bang pake mo?"

"Now I know kung bakit ka sinabunutan."

"So what? I don't care. Tama naman ang sinabi ko."

"At anong sinabi mo?"

"Makapal lang ang mukha niya at wala siyang utak." Simpleng sagot nito

"HAHAHAHAHAHAHAH" humagalpak sa tawa si Ryder

"Why are you laughing? Leave me alone Ryder."

"No. I won't leave you unless we will go home. Your mom, dad and kuya Alarick are waiting for you."

"Fine"

Sabay silang bumaba sa rooftop ng building ng campus at inihatid si Sera sa tahanan nito.

A/N: PLAGIARISM IS PROHIBITED. SORRY FOR GRAMMATICAL ERRORS.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status