Kung and Makati City ay may Forbes Park, ang San Juan ay may Greenhills, at Ayala Alabang Village naman ang sa Muntinlupa, ang Tarlac City ay mayroong Moon Village. Kilala rin sa tawag na Moonville, isa itong private subdivision and gated community na sikat hindi lamang sa buong probinsiya kundi maging sa mga karatig bayan ng Tarlac. At katulad ng mga nasabing subdivision, puro mga mayayaman at kilalang mga pamilya din ang nakatira sa Moonville.
Halos lahat ng pinakamayamang pamilya sa Tarlac ay sa Moonville nakatira. Ang mga bahay dito ay sari-sarili ang disenyo. Walang itinalagang batas ang pamunuan ng subdivision pagdating sa tema ng bahay na gustong itayo ng mga may-ari. Kung ano ang gusto ng homeowner, pwede nilang ipagawa. Wala ring limit ang laki ng lupa na pwede mong bilhin sa Moon Village. Kahit isang ektarya pa ang bilhin mo, basta kaya mong bayaran, pwedeng mapasayo.
Isa sa mga mayayamang pamilyang nakatira doon ay ang mga Martinez. Parehong Certified Public Accountants ang mag-asawang Benjamin at Alicia Martinez at sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking accounting and auditing firm hindi lamang sa probinsiya ng Tarlac, kundi maging sa buong Region III. Halos lahat ng kumpanya sa Tarlac Province ay kliyente ng kanilang partnership na Martinez, Pascual, Cordova, Feliciano, and Associates na itinayo nineteen years ago kasama ang kanilang mga partners.
Dalawa ang anak nina Benjie at Alice. Ang panganay nila ay si Angelica. Third year college na ito sa pasukan, at BS Accountancy din ang kursong kinukuha nito. Balak nitong sumunod sa yapak ng mga magulang at balang araw ay ito ang napipisil ng dalawa na papalit sa kanila sa pwesto nila sa MPCF and Associates. Ang bunso naman nilang anak ay si Alexandra. Kabaligtaran naman ito ni Angel, dahil wala itong hilig sa larangan ng accounting o maging sa pagnenegosyo. Arts ang hilig nito, at Bachelor of Fine Arts ang gusto nitong kuning kurso sa pasukan. Pinayagan na rin ito ng kanilang mga magulang.
Sikat ang Pamilya Martinez sa buong subdivision. Halos lahat kasi ng mga nakatira sa Moonville ay mga kliyente ng MPCF. Anim na taon ding naging presidente ng home owners si Alice. Natigil lamang iyon nang tumira sa Moonville ang pamilya nina Raul at Helen de Vera, apat na taon na ang nakakaraan.
Ang totoo, may hindi pagkakaunawaan ang mga Martinez at de Vera na nag-ugat pa twenty years ago. Ganoon din ang kapatid ni Raul na si Gloria at ang asawa nitong si Ricardo Quinto. Kaya para umiwas na lang, iniwasan na nina Benjie at Alice ang maging masyadong involved sa mga activities ng subdivision. Nag-focus na lamang sila sa MPCF. Lalo na noong tumira na rin sa Moonville ang pamilya Quinto na galing din sa Manila katulad ng mga de Vera.
Ngunit mapaglaro nga yata talaga ang kapalaran. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang pag-iibigan ang mabubuo sa dalawang residente ng Moonville. At ang dalawang taong ito ay nagmula sa dalawang pamilyang mortal na magkaaway, ang mga Quinto at mga Martinez.
Author's note: Dialogues are written with double quotation marks (" ") while thoughts are written with single quotation marks (' '). ******************************************************************************* Maagang nagising si Alex nung araw na iyon. First day of school kasi at first day rin niya bil
Hindi na nga nahabol pa ni Angel si Paolo. Wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lang itong umalis at mag-transfer sa Manila. Not that she can change his mind, but at least she tried.She's beginning to think this day sucks. First is her aching foot dahil sa pagkatapilok niya kanina. Ngayon siya nagsisi na iyong stiletto sandals pa ang napili niyang isuot. Nakalimutan din niyang magbaon ng comfy shoes sa kotse kaya talagang naiinis siya sa sarili ngayon.Then the dreaded eating-lunch-in-the-cafeteria-alone. Oo, mag-isa lang siyang kumakain ng tanghalian sa university cafeteria. Hindi na kasi magtugma ang schedule nila ni Alex simula noong mag-college na siya. Wala naman siyang mayayang iba at wala rin namang gustong yayain siyang sumabay sa kanilang mag-lunch. Unlike her sister na kahit sino ay kaya nitong gawing kaibigan, she doesn't have friends.Isali pa sa hindi magandang pangyayari sa araw na iyon iyong professor n
Tahimik ang magkapatid na Angel at Alex habang naglalakad papuntang parking lot ng CPRU. Sa malapit lang naman naka-park ang slate metallic Toyota Corolla ni Angel. Bago makarating doon ay ibinigay ni Angel ang susi kay Alex."You drive," ani Angel sa kapatid."Ako?" Gulat na kinuha ni Alex ang susi."Masakit ang paa ko." Saka na siya sumakay sa may passenger seat.Walang nagawa ang nagtataka pa ring si Alex kundi ang sumakay na sa may driver's seat at i-start na ang kotse. Marunong naman siyang magmaneho at meron na rin siyang lisensiya. Wala pa nga lang siyang sariling sasakyan. Ang sabi ng daddy nila, bibigyan daw siya nito ng kotse sa 18th birthday nito, katulad ng ate niya na regalo rin sa debut ang kotse nito. Halos dalawang taon pa bago siya mag-eighteen.Pero okay lang. Gusto rin naman niyang laging nakakasabay ang kapatid niya. Bonding moment na rin kasi nilang magkapati
Nanatiling nakatitig lamang si Alex sa monitor ng kanyang MacBook Pro. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa bagong notification na kanyang natanggap. Isa itong Friend Request, mula doon sa lalaking nakilala niya kanina sa CPRU – si Richard Quinto.Katatapos lamang niyang makipagwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa Twitter nang maisipan niyang bisitahin naman ang kanyang Facebook account. At pagbukas nga niya noon ay nakita niya ang ilangFriend Requestna naghihintay sa kanya para i-approve niya. Isa na nga doon ang mula kay Richard Quinto.Si Richard naman ay muling napatayo mula sa pagkakaupo sa kanyang upuan sa may study table. Nagbalik siya sa disposisyon niya kanina na parang hindi mapakali o hindi alam ang gagawin. Manaka-nakang tumitingin siya sa monitor ng laptop niya at sinisilip kung ano na ang status ng kanyangFriend Requestkay Alexandra Martinez. Minsan ay pumupunta siya sa
Napatingin si Angel sa kanyang blue Timex wristwatch. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang oras doon. Ten minutes ago ay tinext na niya si Alex upang ipaalam dito na nasa kanyang kotse na siya sa may parking lot, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito.Muli niyang kinuha ang cellphone at this time, imbes na i-text ay idinial niya ang numero ni Alex. Kaagad naman itong sumagot."Ate!""Where are you?""Papunta na ako." Para itong hinihingal kaya napagtanto niyang kasalukuyan na nga itong patungo sa kanya."Bilisan mo."Ilang sandali nga ay dumating na si Alex at nagmamadaling sumakay ito ng kotse ni Angel at nag-seat belt."Ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Angel dito habang ini-start ang kotse.Hinihingal si Alex dahil sa pagmamadali. "Hindi ko napansin iyong text mo. Sorry ha?" Mukha namang sincere ito.<
Halos araw-araw ay may mga quizzes si Angel. Malapit na kasi ang kanilang mid-term exams. Tulad na lamang sa klase nilang iyon. Noong isang araw ay kaku-quiz pa lamang nila. Tapos ngayon ay may quiz na naman sila.Katatapos lamang ng quiz nila. Accounting subject iyon at iyong professor nila ay iyong teacher na panay ang parinig sa kanya. Ang sabi ng mommy niya, inis daw ang professor na iyon sa kanya dahil rival daw nito iyon noong college sila. At dahil anak siya ng mommy niya, sa kanya ngayong nabubunton ang galit ng professor na iyon.Pagkatapos maipasa ang mga papel nila para sa exam na iyon ay ibinigay naman ng kanilang professor ang resulta ng kanilang quiz noong nakaraan."For our quiz last meeting, the highest scorer is Mr. de Vera, Bryan."Panay ang kantiyawan ng mga kabarkada ni Bryan. Maging si Gina na nagkataong kaklase nila sa subject na iyon ay nagbunyi din sa tagumpay ng binata.<
Mag-isa na lamang si Alex nang lumabas siya ng library building. Pinauna na siya ni Richard para hindi sila makitang magkasama ng ate niya. Nagulat pa siya nang makita si Angel na nakaupo sa may sidewalk sa labas ng library building."Ate?"Nilingon siya ni Angel. Maging iyong katabi nitong lalaki ay lumingon din sa kanya. Saka lang niya nakita kung sino iyon. At nagtaka siya nang malamang si Bryan de Vera pala ang katabi ng kanyang kapatid."Let's talk." Firm ang pagkakasabi ni Angel noon. Parang hindi mababali nino man.Pinilit nitong tumayo pero mukhang nahihirapan ito. Kaya naman tinulungan siya ni Bryan. Ito na rin ang nagdala sa mga gamit nito. Saka na naunang umalis ang dalawa.Sinundan ni Alex ang kapatid at si Bryan. Bigla siyang kinabahan sa kakaibang aura ng kapatid. Lalo na iyong katotohanang kasama nito si Bryan. Ano kaya ang ibig sabihin noon?Samantala, sa may library building, lihim na minatyagan ni Richard si Alex. Hindi nam
Kasalukuyang nagmi-meeting ang mga officers ng JPIA sa opisina nito. Nasa harapan ang presidenteng si Hannah at si Angel naman ay nakaupo sa may mesa nito katulad ng iba pang mga officers."Guys, alam kong next week ay mid-term exams na natin at busy kayong lahat sa pagre-review ninyo," panimula ni Hannah. "Pero importanteng makausap ko kayo ngayon dahil sa isang napakaimportanteng bagay. One month from now ay gaganapin na ang annual Business Week ng Business School. And since exam week next week, we only have three weeks to prepare."Ang Business Week ay isang taunang activity sa Business School kung saan naglalaban ang iba't ibang mga organizations sa iba't ibang competitions. Kabilang na dito ang mini-sports fest, pageant, at ang mini-business venture ng bawat organization. Bukod pa doon ang iba pang events na inihanda ng mga student leaders ng Business School."Dapat tayo ang mag-overall champion this year. Kailangan nating matalo ang mga JFINEX na iyan," an