PUNO man ng takot at pangamba ang dibdib ni Calley, wala na siyang pagpipilian kung hindi tanggapin ang trabahong ibinigay sa kan'ya ni Lynette. Ang ibenta ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera.
Labag man sa kanyang kalooban, wala na siyang pagpipilian. Kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang Nanay na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit. May brain tumor ito at kailangan ng agarang operasyon.
Ulila na siya sa ama at wala rin siyang kapatid. Kaya't kung mawawala pa ang kanyang ina, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin.
Ilang sandali pa, nakarinig siya ng paglagatik ng pinto, senyales na bumukas iyon. Sumunod ay ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan niya.
Tumahip ang dibdib ni Calley habang pinakikiramdaman ang paligid. At dahil tanging karimlan lang ang nakikita n'ya sanhi ng piring sa kanyang mga mata, hinintay na lang niya ang susunod na mangyayari.
"There you are woman..." saad ng tinig na sa tantiya n'ya ay nanggagaling sa kanyang harapan.
Hindi malaman ni Calley kung bakit kakaiba ang dating sa kan'ya ng tinig nito. Namamaos iyon at walang kasigla-sigla. Naging malungkot tuloy iyon sa kanyang pandinig.
Hindi ba dapat ay masaya ang tinig nito? Dahil heto siya sa harapan ng lalaki na tanging mata lang ang nababalutan ng tela. Bukod doon ay wala na.
Mayamaya'y napakislot si Calley nang maramdamang lumundo ang kama kung saan siya nakaupo. Matapos niyon ay isang mainit at malambot na palad ang humaplos sa kanyang pisngi.
"What's your name, woman?" tanong nito sa pareho pa ring tono-malungkot.
"C-Camille."
Sinadya niyang baguhin ang kanyang pangalan. Ayaw niya kasing makilala pa siya ng estrangherong kasama niya ngayon. Mahirap na, baka makarating pa iyon sa mga nakakakilala sa kaniya.
"Camille..." pag-uulit nito sa sinabi niya, "How would you feel if the person you loved more than your life, betrayed you?"
Iyon na yata ang pinakamalungkot na tinig na narinig ni Calley sa tanang buhay niya. Hindi niya mawari kung bakit, pero ang kaba, takot, at pag-aalala na kanina lang ay bumabalot sa kan'ya ay biglang naglaho.
Pakiramdam niya, gusto niyang haplusin ang mukha ng hindi nakikitang lalaki. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nararamdaman din niya ang lungkot na pinagdaraanan nito.
Nang hindi siya tumugon, narinig niyang bumuntong-hininga ang lalaki. Kasunod niyon ay ang mahinang paghikbi at pagsinghot-singhot.
Umiiyak ba siya?
Calley doesn't know why pero tila may sariling isip ang kanyang mga kamay na basta na lang kumilos. At bagaman nakapiring ang kanyang mga mata, sinikap niyang mahawakan ang mukha nito upang alamin kung umiiyak nga ito.
At nang magtagumpay na haplusin ang pisngi nitong basa na sa mga luha, bigla itong yumapos sa kan'ya at humagulhol sa kanyang dibdib. Tila naman dinudurog ang puso ni Calley dahil doon. Nakaramdam siya ng awa at simpatya para sa lalaking hindi niya nakikita.
Hinayaan lang ni Calley na umiyak ang estrangherong lalaki sa kanyang kandungan. Para kahit man lang sa paraang 'yon ay matulungan niya ito.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit lubos siyang naapektuhan sa paghagulhol nito. Pakiramdam niya, may kung ano sa loob niya ang nagnanais na pawiin ang sakit na nararamdaman nito...
Pakiramdam niya, handa siyang gawin ang lahat para sa lalaking kasama niya ngayon...
Pakiramdam niya, may binuhay itong damdamin sa kanyang puso.
"Is it possible to love someone whom you had been with for a single night?" piping tanong ni Calley sa kanyang sarili.
Posible nga kayang makaramdam siya ng ganoon sa isang lalaking tanging boses lang ang naririnig niya?
Posibleng kayang magmahal sa isang taong nakasama lang ng isang gabi?
Posible kaya?
Hanggang mayamaya ay tumigil ito sa paghagulhol. Matapos niyon, naramdaman niyang marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi.
"Thank you, Camille..." masuyo at sinserong wika nito, "Now... Can you be mine tonight?" Nakiki-usap ang tono nito nang sabihin 'yon kasabay nang marahang pagpisil sa kanyang baba.
Namalayan na lang ni Calley na tumango siya bilang tugon. Matapos niyon, naramdaman na lang niya ang mapusok na pagkilos nito sa hubad niyang katawan.
"Anyway, I'm Z. And I'm sorry for your blindfold. That's for your own good, woman..."
“CALLYX, come here. Ready na ang food mo,” pagtawag ni Calley sa kanyang apat na taong gulang na anak na si Callyx. Nasa kusina siya noon at katatapos lang ihanda ang lunch nilang mag-ina.Nang hindi sumagot ang anak, binitiwan niya ang kutsarang hawak saka dali-daling nagtungo sa sala. At doon, naabutan niyang tutok na tutok ang paslit sa panonood ng favorite cartoon nitong Mr. Bean, habang nakasalampak sa sahig na may kulay kremang tiles.Marahang nilapitan ni Calley ang anak pero hindi pa rin siya nito napapansin. Nakatalikod kasi ito sa gawi niya. Kaya naman habang nakatutok ito sa pinanonood ay tumalungko siya sa likuran nito at pasimpleng ninakawan ng halik sa pisngi.“Huli ka!” bungisngis ni Calley sa anak sabay yakap sa baywang nito.“Mama!” bulalas naman ni Callyx na s
“PARADISE Island Hotel and Resort is now hiring ten receptionists,” basa ni Calley sa isang ads na lumitaw sa kanyang Facebook account.Nagaw ang atensyon niya ng ads na ‘yon. Bukod kasi sa mataas ang salary para sa naturang trabaho, free pa ang tirahan, kuryente, at tubig. Iyon nga lang, sa Coron sa Palawan pa madedestino ang matatanggap sa posisyong iyon.Napaisip naman si Calley, saka binalingan ang nahihimbing na anak sa kanyang tabi. Pasado alas-onse na iyon ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog, kaya naman naisipan n’yang bisitahin ang kanyang social media account para mag-post ng kanyang mga homemade cupcakes.
"WELCOME to Paradise Island, Calley!" magkasabay na bati ni Maggy at Tristan sa kaniya.Iyon ang first day niya bilang receptionist sa Paradise Island, at ang dalawang iyon ang makakasama niya sa morning shift. Si Tristan ay isang handsome gay, samantalang si Maggy naman ay maganda na may jolly attitude. Mabilis niyang nakasundo ang dalawa dahil mababait ang mga iyon."Thank you guys," kimi niyang tugon sa dalawa."Ay o? Anak mo 'to, sis? Ang cute-cute!" si Tristan habang nakatingin kay Callyx.Nasa isang sulok ang musmos habang nagkukulay ng drawing book nito sa maliit na mesa. Thankful din siyang napaka-behave ng kanyang anak kaya hindi niya ito kailangang intindihin habang nagtatrabaho. Nagbaon na lang siya ng toys at food nito in case
UMAGA pa lang ngunit napakarami ng guests ng Paradise Island ang nagtse-check in. Ang karamihan ay mga dayuhan na nais makita ang natatanging ganda ng Pilipinas, partikular sa Coron, Palawan.Halos hindi na nga magkanda-ugaga si Calley, Maggy, at Tristan sa pageestima sa mga hotel guest. At kahit iyon pa lang ang pangatlong araw ni Calley bilang receptionist, gamay na niya ang trabaho. Kayang-kaya na niyang sumabay sa dalawang kasamahan.“Good morning, Ma’am, Sir! Welcome to Paradise Island Hotel and Resort,” masiglang bati ni Calley sa dalawang foreigner na sa hula niya ay mag-asawa.Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya pagkatapos ay sinabing nais nitong mag-check in ng one week. Wedding anniversary kasi ng mag-asawa at doon nito gustong i-celebrate ang nasabing okasyon.Matapos i-assist ni Cal
ISANG linggo na si Calley sa Paradise Island Hotel and Resort at nagawa na niyang makapag-adjust sa kanyang trabaho pati na rin sa working place. Natutuwa rin siyang makita kay Callyx na nag-e-enjoy ito sa lugar. Paano’y bukod sa napakaganda ng nasabing resort, talaga namang sariwa ang hangin na nalalanghap. Hindi ‘gaya sa Metro Manila na polluted na ang hangin.Bukod doon, masaya rin siya sa pagtatrabaho dahil kina Maggy at Tristan na itinuring na rin niyang mga kaibigan. Isa pa'y mabait din ang iba pa niyang colleagues, maging ang kanilang hotel manager na si Ms. Debby.Iyon nga lang, hindi rin maiwasang mainis ni Calley sa t‘wing naiisip niyang mayroon na siyang memo dahil lang sa hindi niya sinasadyang maistorbo ang ‘pamamahinga’ ng kanilang big boss. As if naman alam niyang restricted area pala ‘yon. Wala naman kasing nakapags
SIMULA noong makatanggap si Calley ng sulat at bulaklak sa hindi nakikilalang lalaki, naging regular na ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kaniya. Nagsimula na tuloy siyang ma-curious sa kanyang secret admirer.Naging malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang lalaking nasa likod niyon. Bukod pa roon, hindi rin niya maiwasang mag-asam na baka galing iyon sa ama ni Callyx. Sapagkat ang inisyal na “Z” na nakalagay sa mga sulat ay kapareho ng pangalan na ipinakilala ng ama ni Callyx nang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito.Ngunit posible nga kaya? Iyon nga kaya ang ama ni Callyx? Pero bakit kailangan pa nitong idaan sa ganoon ang lahat? Bakit hindi na lang ito magpakita sa kaniya at magpakilala? Alam kaya nito na nagkaroon sila ng anak?Nahulog sa malalim na pag-iisip si Calley
IT WAS already ten o'clock in the evening, but Zack was still on the beach. Nakasandal ang likod sa wooden bench at tahimik na tinatanaw ang payapa at madilim na dagat. May mangilan-ngilang bituwin sa kalangitan pero hindi niya makita ang buwan. Siguro ay nagtatago sa likod ng makakapal na ulap.He loves darkness. He also loves to be alone. Ayaw niya ng destructions kaya sa Palawan niya napiling manirahan five years ago, kahit nasa Manila ang main office niya. Well, that was okay. Consistent naman ang pagre-report ni Zayne sa kaniya about the company status, etcetera.Aside from that, kaya niya napiling manirahan sa Coron ay dahil gusto niya ng payapa at simpleng buhay—malayo sa kanyang Daddy—malayo sa frustrations niya sa buhay. Iyon nga lang, sa kamalas-malasan, doon din mismo ipinadala ng kanyang magaling na ama ang stepbrother niya.Alam niya
MASAKIT ang ulo ni Calley kinabukasan at mabigat ang kanyang pakiramdam. Pero kahit ganoon, pinilit pa rin niyang bumangon sa kama at mag-asikaso na sa pagpasok.Kailangan niyang pumasok kahit araw iyon ng kanyang day-off. Nagtext kasi sa kaniya ang kanilang manager na si Ms. Debby na kailangan niyang pumasok dahil kulang ang tauhan ng hotel para sa araw na iyon.Alas-cinco pa lang ng umaga-iyon ang karaniwang oras niya ng gising kahit alas-otso pa ang kanyang pasok. Maaga kasi siyang naghahanda ng agahan nilang mag-ina. Matapos niyon, mga bandang ala-sais ay maliligo na siya, at pagdating ng ala-siyete impunto saka niya gigisingin ang anak para maligo at mag-almusal.Ganoon ang everyday routine nilang mag-ina at aaminin niyang doble ang kanyang pagod araw-araw. Totoong napakahirap pagsab