Tahimik lamang si Jun-pyo na nakatanaw kay Crystal. Kanina pa siya kinakausap ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit si Joseph ang sumasagot dito. Kahit noong kinuha ang order nila ay si Joseph din ang nagsabi. Maige na lang ay mabilis ang aksyon ng building at madaling napaalis ang mga tao kanina. Nagkalat na rin ang mga guard sa entrada ng hotel at ng restaurant.
Kumain siya habang nakatingin lang kay Crystal na may kasamang lalaki. Panaka-naka rin itong tumitingin sa kanila pero agad nitong binabawi kapag napapatingin sa
Nalito si Crystal sa sinabi ng lalaki. Kumurap-kurap ang kanyang mga mata at nagtatatakang tiningnan ang binata. "Ano?""I saw the two of you hugging."Napalunok siya at muling inalala ang sinabi ni Jun-pyo. "Ahh!" Kinakabahang tumawa si Crystal. "Hindi ah! Paano kasi yung mga fans mo natutulak na kami. Iniiwas niya lang ako sa mga tao," paliwanag ni Crystal dito. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan dahil sa pa
Matapos ang naging pag-uusap ni Jun-pyo at Crystal ay napagtanto ni Crystal kung hanggang saan lamang ang meron sila ng binata. Hindi dapat siya mag-isip ng higit pa rito. Masakit ngunit parausan lamang siya ng binata.Kaya pilit na tinanggap iyon ni Crystal hanggang sa lumipas ang ilang buwan. Naging ganoon ang takbo ng kanilang mga buhay. Naging madali na rin para kay Crystal na kalimutan ang umuusbong na pagtingin niya rito dahil naging madalang ang pagpunta ni Jun-pyo sa pinas.
"I like you, Crystal."Bumaliktad ng pwesto si Crystal at humarap sa kanan niya. Nakapikit pa rin siya. Pilit na hinihanap ang antok niya."I like you, Crystal."
Ilang araw na hindi nakapasok sa trabaho si Crystal dahil palaging may mga fans ni Hanuel sa kanyang trabaho. Maging sa labas ng building ay hindi siya makalabas dahil meron din ditong naghihintay na mga fans. Pinagpapasalamat na lamang ni Crystal na hindi ginugulo ang pamilya niya sa Cavite.Siya lang ang pinupuntirya ng mga ito.
Nagising si Crystal sa malakas ng tunog ng kanyang telepono. Hindi niya sana papansinin ito dahil inaantok pa siya ngunit ayaw tumigil ang pagtunog nito kaya kinuha na niya iyon. Nilingon niya si Jun-pyo na nakadapang nahihimbing pa sa tabi niya. Umungol ito noong muling mag-ring ang cellphone niya kaya kahit inaantok pa ay tumayo siya at lumabas ng kwarto."Ano?" antok na tanong niya na hindi manlang tinignan kung sino ang tumatawag.
"No!" mariing protesta ni Jun-pyo sa sinabi ni Crystal. Marami siyang nasabing hindi maganda rito ngunit ni minsan hindi niya ginustong umalis ito. Lahat ng nasabi niya ay bugso lamang ng damdamin."Why not? Bakit? kasama rin ba sa kontrata ba hindi ako pwede mag-resign?" mataray na tanong ni Crystal na naka halukipkip pa. Nakataas ang isang kilay nito at bahagyang nakangisi.
"Uhm.. Crystal. Ano? Ayos ba yung ginawa ko?" nakangiting tanong ni Bryan kay Crystal. Nasa isang coffee shop sila malapit sa tinitirahan ni Crystal. Tinawagan niya ang binata dahil gusto niyang magpasalamat dito.Humigop muna si Crystal ng mainit na kape. "Thank you, Bryan. Sobrang na appreciate ko yung ginawa mo." Ngumiti si Crystal sa binata at tinitigan ang mukha nito. "Ano bang pumasok sa isipan mo at ginawa mo 'yon? Paano kung na bash ka rin?"
"I have to go back to Korea," malungkot na sabi ni Jun-pyo isang gabi. Inalis ni Crystal ang tingin niya sa pinapanood na palabas at inilipat iyon sa binatang naka-unan sa hita niya. Nakapikit ito at nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Muling binalik ni Crystal ang mga mata sa pinapanood niya."Talaga? Kailan?" sagot niya. Nakaramdam ng lungkot si Crystal pero agad niya rin itong iwinaksi. Alam naman niya kasi na doon ang buhay ni Jun-pyo at hindi rito sa tabi niya.