Share

chapter four

BREATH in, breath out...Again, she breath in, and breath out, until she gets her body relax. She stance prior to shooting the bow, stand upright with feet shoulder width apart and feet at ninety degrees to the target.

She keep a relaxed grip on the bow handle,

she place the arrow on the bow and turn the bow so that it is the horizontal and the arrow rest is facing upwards.

Finger position.....

Draw....

Aiming...

Then she release it.

A perfect shot, then she do it again, hanggang sa maubos niya ang lahat nang pana na nasa kaniyang lagayan. Pagtapos n'on ay naupo muna siya at tumigin sa kanyang ginawa.

    "I always never missed." nakangiti niyang aniya, at muli siyang huminga nang malalim.

    Lagi niya iyong ginagawa kapag mayroon siyang suliranin, sa lahat nang pinag-aralan niya ito ang pinaka nagustuhan niya, pakiramdam niya na sa bawat pagbitaw niya ng pana ay naisasama niya ang kaniyang mga problema at isipin, ginagawa niya ito hanggang sa makuha niya ang tamang desisyon at gagawin.

Ilang minuto pa siyang naupo bago nagdesisyong umuwi.

    Habang nasa locker room tinignan niya ang kaniyang cellphone napakaraming missed calls at messages ang nakita niya, hanggang sa muli itong tumunog, tawag mula kay Mark kaya sinagot na niya ito. 

    "Hello, mark," sagot niya.

    "Thank goodness! mabuti at sinagot mo na, nasaan ka ba? nakaka ilang tawag na ko pero out of coverage ka, nag- aalala na ko," galit nitong sabi kay joan.

    "Im just here, at mandaluyong archery, sunduin mo ko hihintayin kita." at tinapos na niya ang tawag. 

    Mabilis naman niyang tinapos ang ginagawang pagpalit nang damit at lumabas na kaagad.

    Habang hinihintay si Mark, may mga napansin siya. 

    Isang lalaking kanina pa sumusunod sa kaniya at may dalawa na tila aligaga. 

    "This is not gonna be good!" aniya, kaya inayos niya ang bag at inihanda ang sarili, nang biglang niyakap siya nang lalaking kanina pa sumusunod sa kaniya at tinakpan ang kanyang bibig, para makapag-isip nang maayos pinilit niyang pakalmahin ang sarili. 

    Hinawakan niya ang lalaki sa kamay at tinapakan nang buong lakas ang paa nito, ginamit niya ang takong kaya halos mamilipit ito sa sakit, tila parang bumaon ang takong nito sa lakas ng kaniyang pagkakatapak.

Nakita niyang tumatakbong papalapit sa kaniya ang dalawang lalaki kaya bago nakalapit ang dalawa ay maliksi niyang sinipa ang mga ito. sapul sa tiyan at mukha ang mga ito. tila hindi pa siya nakuntento ay pinagsusuntok pa niya ang mga ito sa iba't ibang bahagi nang katawan. halos manlupaypay na ang mga ito dahil sa mga suntok na binitawan niya, tila hindi pa siya nakuntento, hinawakan pa niya sa buhok ang isang lalaki at buong lakas niyang  tinuhod ang mukha nito. 

      Nang bigla siyang hinawakan nang isang pang lalaki sa braso, agad niya itong hinawakan sa kamay at pinilipit ang braso nito, upang hindi na ito makalaban pa, binali niya ang buto nito, halos mawalan na nang ulirat ang lalaki dahil sa kanyang ginawa. 

    Tinignan niyang muli ang mga lalaki, at napa-iling na lamang siya sa mga ito, napalingon siya nang biglang may tumigil na sasakyan sa kaniyang harapan. lumabas ang driver nito at masaya siya ng makita niyang si Mark iyon.

    "Joan! agad itong lumapit at niyakap na  siya nito. Nakita ni Mark ang tatlong lalaking namimilipit sa sakit sa likuran.

   Ang isa ay duguan ang bigbig at ilong nito, ang isa naman ay hawak ang braso dahil sa bali ng buto at ang isa naman ay hawak ang paa dahil sa sobrang sakit na ginawang pagtapak ni Joan dito.

         "What happen here, sinaktan ka ba nila?" Tanong ni Mark na may pag-aalala, Natatawa namang inilapit ni Joan ang mukha sa mukha ni mark na tila gahibla na lang ang layo.

        "Sa itsura nila mukha ba nila akong nasaktan?" nakangising wika nito at naglakad pasakay nang kotse.

Muling tinignan lang ni mark ang tatlong lalaking namimilipit pa rin sa sakit na ginawa ni Joan. Kaya naglakad na siya pabalik nang sasakyan at umalis na sila.

    Habang nagmamaneho, panay ang sulyap ni Mark kay Joan. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Hindi nakatiis si Mark kaya tinanong niya ito.

    "Anong nangyari sa kanila, did you do that to them?" tanong nito sa kaibigan.

    "I told you mark, i learn to defend my self," aniya, nang hindi tumitingin dito.

    "Wow, such a badass!" puri niya rito. 

    "Pinilit ako ni dad na mag-aral ng self-defense, just incase in times like that, At saka alam mo naman kung gaano kasikat na buisnessman si papa, kaya possibleng maraming magtatangka sa buhay naming dalawa, maraming ahas ang nakapaligid." paliwanag ni Joan. 

    "Well that's good, pero s'yempre iba pa rin ang may bodyguard ka, ano man ang mangyari may titingin pa rin sa likod mo." saad ni Mark dito.

    Hindi na lang kumibo si Joan sa sinabi ni Mark, hanggang sa makarating sila sa mansyon, hindi na niya pinansin si Mark. 

    Naglakad na siya paakyat sa kaniyang silid, tinawag siya ni Mark ngunit hindi niya ito nilingon. dire-deretso siya sa kanyang silid. Pagpasok niya pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama, pakiramdam niya ay pagod na pagod ang lahat sa kanya, katawan, isip, pati na rin ang kanyang puso. 

          "Ano ba ang dapat kong gawin?" pumikit siya at sandaling nag-isip, hanggang sa umupo siya sa kama at kinuha ang bag kinuha niya ang cellphone at nag text. "Bahala na."

         

    "WHAT happen to her? hindi man lang niya ako nilingon pagtawag ko." aniya, sa sarili, aakyatin sana niya ito sa kuwarto pero tinawag siya nang kaniyang tito Ronaldo.

    "Mark, your here! i want to talk to you at my study room. come with me." seryosong sabi nito. Kaya walang nagawa si Mark kundi sumunod sa matanda, nang makapasok sila sa loob ay inilock nito ang pinto.

    "Come here, i want you to look at this." anito, at iniabot dito ang isang itim na box, na may itim na ribbon. "I just recieved that this afternoon, hindi ako natatakot Mark, natatakot ako para sa anak ko, i want you to look after her twentyfour-seven. hindi biro ang ginagawa nilang pagti- threat sa akin this past few days, those bastards never fight fair, they wanna stab me at my back, always make sure joan's safety." bilin nito sa binata.

    "Kailangan nating doblehin ang pag-iingat ngayon. This is much serious than before, ayos lang ba na dito ka na muna sa bahay maglagi para mas mabantayan mo siya. na-check na nila ang lahat pati cctv and alarms, kaya safe tayo dito sa loob.

    "Dont worry tito, i can stay here as long na kailangan n'yo ako, hindi kita iiwan" nakangiting sagot ni Mark. 

    "Salamat, hijo. i hope your guns is always loaded, if you need more i have lots in my storage, just tell me okay?" anito, habang tinatapik ang balikat niya. 

    "Yes tito." tango niya.

      "Okay sige mabuti pa umakyat ka na at magpahinga. just be alert, hindi natin masasabi kung kailan aatake ang mga ulupong na 'yon." palabas na si Mark nang tinawag siyang muli, "And mark, favor please, dont say this to my princess, i dont want to give her worries." paki-usap nito sa kaniya. tumango siya at sumagot.

    "I will tito, i will go now to have some rest." pagpapaalam niya dito.

    Dahil sa paki-usap ng matanda doon muna ulit siya natulog, para mas mabantayan si Joan, paakyat na s'ya nang hagdan ng may nagtext sa kaniya, kaya agad niya itong binasa. 

"Goodnight" nakasaad sa text message, dahil doon napangiti na lang si Mark sa nabasa kaya agad din niya itong sinagot.

"Goodnight too," and tap send. matapos n'on ay ibinalik niya ang cp sa bulsa at naglakad patungo sa kaniyang silid, nang mapadaan siya sa pinto nang kuwarto ni Joan, tumigil muna siya sa tapat nito.

    Akma sana niyang kakatukin ngunit nagdalawang isip siya. kaya hindi na lamang niya ginawa dahil baka natutulog na ito. 

    "Bukas ko na lang siya kakausapin, gusto ko rin malaman ang nangyari kanina, ngayon alam ko na kung bakit siya inatake nang mga lalaking 'yon, that threat," aniya, "I have to be ready cause i'm on war now." at pumasok na siya nang kaniyang kuwarto. 

    Pagkaligo niya ay nahiga na siya. dahil hindi pa siya inaantok. kinuha niya ang cellphone at tinignan ang lahat ng conversation nila ni "mysterious summer". 

"Siguro dapat h'wag muna kami magkita, nasa delikadong sitwasyon ako ngayon at ayoko siyang madamay. Ngayon na may espesyal na akong nararamdaman para sa kaniya, ayokong may mangyaring masama sa kaniya. kailangan kong mag-ingat." kaya ipinatong niyang muli sa side table ang cellphone at naghanda nang matulog. 

    "Goodnight my sweet summer, i hope we could see each other soon." aniya, at pumikit na siya yakap ang pag-asang balang araw, magkita na silang dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status