Share

chapter five

    PAG-GISING ni Joan, magaan na ang kaniyang pakiramdam, mabuti na lang at hinahatid-sundo siya ni Mark kaya hindi na s'ya napapagod masyado sa pagmamaneho, ang ipinagtataka lang niya ay bakit? dahil ba sa magkaibigan sila at nag-aalala lang ito sa kanya? ito ang tanong niya sa kaniyang sarili. 

    "Hay naku, pasalamat na lang ako at ginagawa niya 'yon" kaya tumayo na siya at nag-asikaso na nang kaniyang sarili. 

    Nang matapos ay dumeretso siya sa study room, kung saan laging naroon ang kaniyang papa. Bago pa man siya makapasok ay may narinig na siyang nag-uusap sa loob. kaya tumigil muna siya at nakinig. 

    "Salamat, Mark sa pagbabantay mo sa anak ko, what can i do without you?" anito, 

    "it's nothing sir, it's my job. Hindi ko din po kayang  pabayaan ang anak niyo dahil kaibigan ko na siya since high school, kaya mahalaga rin siya sa akin." sagot ni Mark sa matanda. 

    "Isa rin 'yan sa advantage sa trabaho mo, magkaibigan kayo kaya hindi na mahirap sa'yo ang pakisamahan ang anak ko," kaya bumaling ang matanda sa drawer ng kaniyang lamesa at may kinuha kinuhang isang sobre at inabot ito kay mark. 

    "This is your bonus for having a good job, salamat talaga mark" muling pasasalamat nito sa kaniya. napangiti lang si Mark dito.

    "it's nothing sir, pero hindi po ako tumatanggap ng pera personally, paki forward  na lang po sa bank account ko." paliwanag niya.

    "Ganoon ba, okay i'll tell my secretary, you may go now baka magising na si joan." wika nito, habang ibinabalik ang sobre sa drawer.

    "Sige po, tito. See you later." aniya, tumalikod na s'ya at naglakad patungo sa pintuan. Nang bubuksan na nya ang pinto ay may biglang kumatok, nagtaka siya kaya binuksan niya ito. Nagulat pa siya makita niyang si Joan ang nakatayo sa harap ng pinto

    "Joan! kanina ka pa diyan?" kinakabahang tanong niya sa dalaga.

        "No, ngayon lang," pagsisinungaling nito. "Anong ginagawa mo dito, buisness again with papa?" pa-inosenteng tanong niya kay Mark. 

    "Y—yeah...okay na, nakapag breakfast ka na?" pag-iiba ni Mark ng usapan. 

    "Hindi pa e, sabay na tayo" nakangiti pa rin niyang wika kay Mark. "Wait for me here at babati lang ako kay papa." aniya, kaya pumasok na siya ng study room at binati ang ama. 

    "Good morning, papa!" bati niya rito sabay yakap ng mahigpit.

    "Good morning din, hija. kumusta naman ang tulog mo?" tanong naman nito sa anak.

    "Masarap naman ang tulog ko papa, Ikaw? kumusta naman ang buisness with mark, pansin ko lagi siyang nandito, at lagi kayong magka-usap." aniya, habang pinagpapalit ang tingin sa dalawang lalaki.

    "Maayos naman ang buisness namin," pagsisinungaling nito sa anak.

       "Really papa, talaga bang buisness ang pinag-uusapan niyo?" anito, habang matiim na nakatingin bsa kaniyang ama. Dahil doon nagkatinginan si Mark at si Don Ronaldo.

    "Yes hija, Mark is a good buisnessman at hindi ako nagkamali na mag-invest sa company niya." patuloy pa din nitong pagsisinungaling sa anak. ngunit nakita niyang seryoso ang mukha ng anak.

    "Papa, you know i hate liars, tinuruan mo akong magsabi laging totoo, but why i feel that you are lying to me?" saad nito sa ama, nakatingin lang siya rito at sinusuri ang reaksiyon ng mukha, hanggang sa sumuko na ito. 

    "Fine! i hired Mark as your bodyguard, nagawa ko lang naman iyon kasi natatakot ako para sa kaligtasan mo, lagi akong natatakot lalo na kapag umaalis ka na ng bahay. Kahit alam kong sa opisina lang ang punta mo, natatakot pa rin ako" paliwanag sa kaniya ng kaniyang ama. mataman namang nakikinig lang si joan rito.

    "Im sorry, hija." hingi nito ng paumanhin.

    "Sorry for what?" aniya, na habang magkadikit ang kaniyang kilay.

    "Tungkol kay Mark, i know na nagtataka ka kung bakit lagi siyang narito at laging nakabuntot sa'yo, kasi iyon ang utos ko sa kaniya." saad niya sa kaniyang anak.

    "Paano n'yo naman napapayag siya napapayag na maging bodyguard ko?" tanong ni Joan, habang naatingin kay Mark.

    "Pumunta ako sa agency niya para sana maghanap ng bagong bodyguard mo, pero mismong si mark na ang nagpresinta na siya na ang kukuha nang trabaho, dahil magkaibigan naman daw kayo" pagwika n'on ay hinawakan niya ang kamay ni joan at niyakap.

    "I'm sorry anak, pero mas panatag ako na si Mark ang naging bodyguard mo, your friends kaya hindi na siya mahihirapan na pakisamahan ka." anito, saka hinawakan  sa magkabilang pisngi ang anak at tinitigan ang mukha nito. nais niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng anak. "Joan, princess. are you mad at me?" tanong nito.

    Tinanggal ni Joan ang kamay ng ama sa kaniyang mukha at hinawakan niya ito.

    "Hindi naman po ako galit, pero sana sinabi niyo, hindi naman ako magagalit kasi alam kong para sa kaligtasan ko ang iniisip niyo." aniya, at ska nilambing ang kaniyang ama. Sabay tingin kay mark na kanina pa nakatingin lang sa kanilang mag-ama at nakikinig.

     "Kaya pala lagi kang nakabuntot at lagi kang narito, dahil ikaw pala ang bodyguard kong buwiset ka!" sabay lapit kay Mark at pinagkukukurot sa tagiliran nito.Tawa lamang ng tawa si Mark at panay ang iwas sa kamay ni Joan. 

    "Sorry na princess, hindi ko naman kasi gustong magsinungaling sa'yo pero para mabantayan ka ng maigi, kailangan ko pa din kumilos nang normal sa harap mo. Ayaw kong mapressure ka sa presence ko bilang bodyguard mo." paliwanag ni Mark sa kaibigan. 

    "Fine! ang mabuti pa, kumain na tayo at nagugutom na ako, hindi pa naman ako kumain kagabi dahil sa sobrang pagod," aniya kay Mark.

    Kaya nagpaalam na muna siya sa ama at lumabas na sila ng study room ng kaniyang ama, habang papunta ng kusina, kinakalabit s'ya ni Mark ngunit hindi pa din siya tumitingin, dahil doon kaya patuloy pa din siyang kinakalabit nito, sa asar niya humarap siya rito at galit na tinanong.

    "Bakit ba kasi!" sigaw niya kay Mark at mataray na tumingin sa kaibigan.

    "Feeling ko kasi galit ka e, princess sorry na!" anito, habang magkasalikop ang mga palad at humihingi ng tawad.

    "Mark, hindi ako galit. Ang ikinagagalit ko e, nagsinungaling ka." aniya, sabay irap ng mga mata rito.

    "Sorry na, please forgive me." anito, nagulat na lamang siya ng idinipa ni Joan ang mga braso at tumingin sa kaniya at nagwika.

    "Hug me," ani Joan. nakita niyang nangunot ang noo nito at nagtanong, "What?"

    "Hug me! kung gusto mong mawala ang galit ko sa iyo." saad ni Joan na ikinangiti na lang ng binata. Kaya lumapit ito at niyakap ang kaibigan.  

    "Okay, sige tama na yan, pinapatawad na kita."  kaya lumayo na siya at naghanda na nang almusal nilang dalawa. 

    Nang makapaghain ay inaya na niya si Mark at sabay silang kumain, nang matapos naghanda na silang umalis.

    Habang nasa sasakyan, napapa-isip si Joan at tumingin kay Mark, napansin naman nito ang kaniyang ginagawa kaya sumulyap ito sa kaniya at nagtanong. 

    "Bakit may gusto ka bang sabihin?" tanong niya rito.

    "Mark, i know dad. hindi iyon kukuha nang bodyguard kung wala kami sa delikadong sitwasyon. Did he get another threats?" seryosong tanong ni Joan. kaya matapat naman siyang sinagot nito.

     "Oo at ang sabi ng papa mo mas malala ito kay sa nuong mga nakaraan at mas matindi pa at yung nangyari sa iyo kahapon yung mga lalaki, mukhang patikim lang nila  iyon. Baka sa susunod na may mangyari, baka mas delikado na. Kaya kailangan na kitang samahan kahit nasa trabaho ka, okay lang ba sa'yo. Alam kong ayaw mo nang ganoon, but we have to." paliwanag ni Mark dito.

    "Kung kinakailangan, pero nag-aalala ako." aniya, na ikinatingin ni Mark sa kaniya.

    "Saan naman?

    "Sa iyo, Mark baka manganib ang buhay mo dahil sa akin." nag-aalalang wika niya sa kaibigan.

    "Ganoon ba talaga ka tindi ang kompitensiya sa buisness ng papa mo para manganib kayo nang ganyan." nagtatakang tanong ni Mark kay Joan.

    "No, actually hindi naman kami ganito noon, nangyari lang ito nang may sinalihan si papa na isang organisasyon. Nang tumagal nagkaroon nang posisyon si papa sa organisasyon, kaya simula noon nagkaganito na kami, laging nanganganib. Sinabi ko na kay papa na kung maaari ay humiwalay na siya sa samahan na iyon," saad niya.

    "Anong nangyari ng sabi niya?" tanong ni Mark.

    "Sinubukan niya, pero ang sabi nang organisasyon mapuputol lang ang pagkakatali niya sa organisasyon kung wala na siya. Only his death can break the bind from the organization." Malungkot sa pahayag nito kay Mark.

    "Your dad is really messed up, hindi niya naisip na maaring manganib kayo dahil sa pagsali niya sa organisasyong iyon." wika ni Mark kay Joan.

    "Kaya nga pinilit ko din siyang intindihin. lalo na pagdating diyan, ayokong mag-away kami, ginawa kong lahat para hindi ako makadagdag sa bigat na dala niya. Pero pinipilit pa din niya ang magkaroon ako nang bodyguard." inis na aniya,

    "Well, father is always a father, Ang iniisip lang niya ay ang kaligtasan mo. Kaya hayaan mo na lang siya, isa pa ako naman ang bodyguard mo hindi ka na lugi." pabirong wika nito kay Joan.

    "Wow! so much confidence Mr. San Andres." natatawang wika niya rito.

    "Ofcourse,!" anito, "Malapit na tayo, hihintayin kita. Nasa pinakamalapit lang ako na coffee shop" aniya, "im one call away. so if you need something or something happen. call me okay?" bilin nito.

    "Copy sir!" pabirong sumaludo siya sa kaibigan at bumaba na siya nang sasakyan. Nang makapagpaalam, agad na siyang pumasok nang building. 

    

    NASA isang coffee shop si Mark na malapit lang sa building ng pinagtatrabahuhan ng kaibigan,  habang sumisimsim ng kape ay napapa-isip siya.

    "Kung nasa ganitong sitwasyon pala ang mag ama, hindi pala ako dapat magpabaya." wika niya sa sarili, kaya humigop muna siya nang kape at kinuha ang cellphone sa bulsa. "kung proteksyon ang kailangan nilang mag ama, iyon ang ibibigay ko, hindi ko ito kakayaning mag isa." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status