Share

Notorious Mafia King Is My Boss
Notorious Mafia King Is My Boss
Author: Azia_writes

NMKIMB 1

(Jack And Kreiah is only 29 years old this time)

JACK'S POV:

"What are you doing here?" Walang emosyon kong tanong sa kakarating pa lang na si Rizhui pagkapasok sa opisina ko.

Wala itong kahiya-hiyang umupo sa may sofa na malapit sa direksyon ko at malamig din akong tinignan.

Akala mo naman madadala niya ako sa ganitong tingin lang. Baka gusto niyang tuluyan kong gawin ang pagpaslang sa kaniya.

'Yung wala ng halong pagpapanggap at sarili kong kagustuhan lang ang namamayapa sa aking sarili.

"Where's my wife and son? Don't lie to me Jack."

"Oh! That woman? Akala ko ba nag-divorce na kayo? Saka, I don't know either, kasama niya ba ako sa bahay niya ng mga panahong nagpapanggap kayong dalawa na nagkakasakitan?"

"We're not hurting each other. And she's still my wife. Tsk!" Salungat naman niya sa sinabi ko na agaran ko namang ikinakibit-balikat.

"Malay ko ba...saka wala akong alam sa pinuntahan ni Kreiah. Either in Japan or America. Hindi naman sa akin nagsasabi iyon, unang kasal nga ninyo hindi ko alam kung kailan nangyari. Tsk." Naparolyo pa ako ng aking mata at saka inisandal ang dalawang paa sa aking table.

Nilagay ko rin ang dalawa kong kamay sa likuran ng aking ulo at isinandal ito sa upuan.

Ginalaw-galaw ko pa ang upuan nang mahina lang habang pinagmamasdan si Rizhui na nakayuko. Nakalagay ang dalawang palad sa may noo niya. Nakadaupang palad ito at alam kong malalim ang iniisip.

Ganito naman ang laging ginagawa niya kapag may matinding problema ang bumabagabag sa kaniyang isipan.

"How about the agreement? Aren't you gonna tell her about that? You know Kreiah, she will totally freak out and kill you if you didn't tell her the truth."

"N-no..." Pailing-iling pa siya at ramdam ko ang takot mula sa kaniyang boses.

Nagpalabas na lang ako nang malakas na buntong-hininga at saka napatayo na lang nang maayos.

Pinagpagan ko pa ang likuran ko at muling tiningnan ang lalaking ito na nakayuko. Ni hindi man lang lumingon sa 'king direksyon.

'Ganito ba talaga ang pag-ibig? Nakakasuka naman pala...'

"What a pathetic love...that's why I really hate this sh*t."

"Mararanasan mo rin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa sa ngayon, pero darating ang araw." Makahulugan nitong aniya bago ako lingunin.

Nirolyo ko lang ang mata ko. "Hah! Whatever!"

"If kung matalo man ako sa pangalawang ulit na laban, ikaw na ang bahala na bawiin iyon sa kanila."

"Lol! You're not a notorious mafia boss for nothing Rizhui. If you die because of that sh*t, then prefer your second coffin. Ido-doble dead na kita." May halong pagbabanta kong sabi sa biglang lumabas sa bunganga niya.

Hindi ko gusto ang pinaparating nito, at mas lalong hindi ito gustong marinig ni Kreiah. Baka isang sapak lang sa lalaking ito, tulog na agad siya.

Ang sakit kaya nang babaeng iyon manampal o manapak.

"Tsk. I'm not kidding right here."

"Then me too." Matapos kong sambitin iyon ay bigla na lang siyang napatigil sa pagsasalita. Mas lalo siyang napayuko.

Samantalang ako naman ay pinagmamasdan lang siya nang mabuti sa paraan ng kilos niya.

"Masyadong madaya ang Herbert na iyon. Akala ko kaming dalawa lang ang maglalaban kaya pumayag ako sa gusto niya..." May napansin akong kakaiba sa mata ng lalaking ito ng lumingon na naman siya sa akin.

Is he really telling the truth?

"What gusto?"

"Sa isang secret arena na pagmamay-ari niya kami maglalaban. Tanging ako at siya lang ang nandon. But, I'm stupid to accept his godd*mn deal."

Gusto kong i-hot seat ang lalaking ito. Pero halata na ayaw niyang sabihin sa akin.

Kaya bahala siya. Buhay niya iyan! Mamatay man siya ay hindi ko na kasalanan.

Isa na rin itong kabayaran niya sa pag-angkin sa kakambal ko na wala akong kaalam-alam.

At hindi nararapat ang isang sikat 'lang' na mapabilang sa pamilyang Tomizara at Miller.

Isang kahiya-hiyang desisyon, ngunit ano bang meron sa pag-ibig kaya gagawin nila ang lahat para rito?

'Eww...'

"Tama nga si Kreiah sa sinabi niya noon na masyado ka talagang tanga at stupido." Matalim naman niya akong tiningnan matapos kong sabihin ang katagang iyon. Pero ngumisi lang ako at dahan-dahang lumapit sa direksyon ng lalaking ito.

"Yeah I know, my fault too. Masyado lang akong kampante at sobrang taas ng sarili na makakaya kong talunin ang lahat ng mga pinapapasok niya. But, no, I failed. Hah!" Nagpalabas pa siya ng buntong-hininga.

Napapailing na lang ako habang nakikita siya na ganito ang kalagayan.

"Bakit mo ba kasi ginagawa itong bagay na ito? You should focus only to your target, that Tria girl."

"I want to help my wife to lessen her plan. Gusto kong patayin ang lalaking iyon para pag-usapan naman namin ang problema namin. I hate this life without my precious love ones. Lalo na't buntis ang asawa ko at iniwan ako sa mga oras na ito."

"Oh! Please! Don't say any sweet words, like Ah!...h-holy! Nasusuka ako!" Inis kong singhal sa lalaki. Pero hindi niya ako pinansin.

Mabilis siyang tumayo sa kaniyang pagkakaupo. "I'm hella out of here. Dinadagdagan mo lang ang problema ko. Wala ka talagang maitutulong! Tsk!" Naglakad siya palayo sa direksyon ko.

Ang tanging ginagawa ko lang ay pagmasdan ang Rizhui na napakamot na lang sa ulo. Marahas niyang binuksan ang pintuan at ganon din ang pagkakasara.

Napangiwi na lang ako sa matinding tunog na idinulot nito.

Napapailing na lang ako at napag-isip-isip naman na umupo rin sa sofa na ito. Nagdekwatro pa ako at inilagay ang aking kaliwang kamay sa aking baba.

Napapamuni na lang sa mga nangyayari sa araw na ito.

Matindi talaga ang problema ng lalaking iyon. Kahit na notorious mafia boss pa siya at masyadong madaya ang kalaban niya. Mawawala rin ang pagiging sikat niya.

Hindi lahat ng mga mafia ay palaging nagwawagi. Hindi lahat ng mga kilalang tao sa mundo ay walang kahinaan, paano kung may mas matindi pa palang pangyayari noon na hindi sa akin masabi ni Rizhui?

Paano kung isa sa mga mahal niya sa buhay ay idamay ng Herbert na ito para mapapayag lang siya sa deal na iyon?

Hindi ako tanga para hindi makita ang bumabagabag sa utak ng lalaking iyon. Kahit hindi ilabas ng mismong bibig niya, mga mata naman ang nagsasabi ng katotohanan.

Ngunit ano? O ang best word na lang ay sino sa kanila?

Siguro kay Kreiah nga...'yun pa namang lalaking iyon ay nakilala si Kreiah na mahinhin at matulungin sa kapwa.

Hindi makikitaan na isa itong anak ng mafia at apo ng dating Mafia Queen na nagpapatakbo ng buong Mafia World. Na ngayon ay ipinasa na sa kaniya sapagkat siya ang nararapat.

Hindi naman ako, hindi ko kayang magkontrol ng ganito karaming organization. Patayin ko pa sila at siyang tama.

"Ahh! Ang hirap naman ng may lovelife! Nakakastress! P*ta!" Inis kong singhal sa aking sarili at napasandal na lang sa aking sofa.

Pero napabaling din ang aking tingin sa aking bulsa ng pantalon. Nasa loob nito ang aking telepono na ngayon ay nagtutunog.

Hudyat na may tumatawag. Gamit ang aking kaliwang kamay ay agad kong kinuha sa kinalalagyan nito ang cellphone ko.

Nang makuha ko na ay saka ko lang din ito sinagot. Dahan-dahan kong inilagay sa aking tenga at tahimik na nakinig sa kabilang linya.

Ilang segundo ko 'yung ginawa bago maisipang sagutin na lang din ang sinabi niya.

"Yeah I'm comin'. Wait for me before you do something stupid again. Understood?...Okay! Then I'll hang this up." Malamig kong sambit sa kabilang linya at naisipan na ngang tumayo na muli sa aking pagkakaupo.

Dumiretso ako sa paglalakad palabas ng aking opisina upang gawin naman ang trabaho ko bilang isang Mafia King.

'Yeah! Let me see how you feel when you watch how I kill an asshole. Prepare your coffin nigga.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status