JACK'S POV:
"HAIST! I'M F*CKIN' TIRED!" Paika-ika akong pumasok sa bahay. Pagod na pagod kong isinigaw ang katagang iyon bago mapatumba na lang sa sahig. Hindi ko man lang nakita na may matatamaan ang aking mukha. Oh! Sh*t!
"AWW!" Napapikit ako nang mariin. Hindi ko mahawakan ang noo na natamaan ng b'wisit na laruang kotse-kotsehan. Namamanhid ang aking paa't kamay. Hindi ko man lang magalaw kahit isa.
'Pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko ng magpahinga.'
"Haist..." Wala sa sariling sambit ko na naman at hindi na tumayo pa sa aking pagkakadapa. Dito na lang ako matutulog.
"Hoy! Uuwi ka na naman ng gan'yan ang kalagayan mo. Natatanga ka na naman ba, Jack?" Matinis na boses ang sumalubong sa akin at nagawa pa akong sabunutan sa aking buhok matapos niyang makalapit sa aking direksyon.
"Haist! Don't ruin my day, Froyd. Pagod ako!" Inis na singhal at pilit na ginagalaw ang aking kamay para pigilan siya na disturbuhin ako. "Gusto ko ng matulog..." Dagdag ko pa at muling pumikit. Dinadamdam ang malamig na sahig.
" Ano bang ginawa mo at pagod na pagod ka? Saka huwag ka humiga sa sahig. Malamig diyan! Hindi ka na bata, hoy!" Pagpupumilit pa nito na itaas ako.
Dahil sa malaki ako at matangkad, hindi niya magawa ang kaniyang gusto. Pandak kasi!
"Jack. Sa sofa ka humiga." May pagbabanta niyang saad pero hindi ko siya pinansin. Ayoko talagang umalis. Gusto ko lang dito.
"Pagod na pagod na ako...ganito ba mabuhay ang mga gwapo? P'wede ko na bang i-donate ang pagiging magandang lalaki ko?"
"Wow siya! Grabe siya! Hangin mo 'e. Nasan na ang Jack na walang modo at laging galit sa mundo?"
"Nasa impyerno. Pinapasundo ka na rin."
"'Yoko nga! Mas bagay pa siya sa impyerno. Kapatid niya ata si Satanas 'e."
" What did you say?" Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakadapa sa sahig. Pinagpagan ko pa ang aking buong katawan bago mapalingon sa lalaking ito na napalunok sabay ngiwi.
"Hehehe joke lang naman, Jack. H-hindi ka na nasanay..."
"Hindi. Kaya tigilan mo 'yan. Kung ayaw mong matuluyan sa akin." May pagbabanta kong saad at malakas na iginalaw ang aking kamao sa kaniyang ulo.
Mas lalong pumangit ang kaniyang itsura dahil sa ginawa ko. Pangi-ngisi lang ako at naglakad na para makapunta lang sa sofa na iyon.
"A-aray...ang sakit mo talagang manapok. T—bakal ba 'yang kamao mo?"
"Sana nga. Para natuluyan ka ng nawala. Ang daldal mo." Komento ko sabay ismid.
Umupo ako sa sofa. Nagdekwatro pero naiilang pa rin ako. May gusto akong gawin pero hindi ko maalala kung ano.
Sumandal ako sa headboard pero napalayo rin dahil hindi ako komportable. Pero biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari kanina kaya ibinagsak ko ang aking ulo sa itaas ng sofa at in-i-spread pa ang aking paa hanggang sa dulo nito.
Muli akong pumikit at ninanamnam ang bawat hangin na dumadaloy sa aking mukha. Pero napatigil din dahil sa lalaking ito na guguluhin na naman ang tahimik kong mundo.
"Hindi mo pa nga sa akin sinasabi ang nangyayari. Ano bang ginawa mo at pagod na pagod ka?"
" Maraming customer sa bookstore. Kaya ako ang nag-asikaso." Biglang lumabas sa bibig ko.
Kaya napamulat ako ng aking mata at napalingon agad kay Froyd. Halata sa kaniyang mukha ang pagkalito sa aking sinabi.
Nagpalabas na lang ako ng mahinang buntong-hininga. "Alam kong itatanong mo rin kung bakit may bookstore sa sinabi ko, kaya uunahan na kita. Matagal na akong nagpatayo nito dahil gusto ko. Pero mahirap makahanap ng mga empleyado dahil sa ugali ko. Gets?"
Napatango-tango naman siya sabay hawak sa kaniyang baba. Nakaupo na rin siya ngayon sa bakanteng upuan.
"Bakit ba kasi hindi ka nagiging mabait sa empleyado mo? Pero sa customer mo para kang nagdilang anghel."
Ako pa ang sinisi. Dapat ang mga iyon ang sabihan niya. Hindi ko naman kasalanan kung gagawin ko iyon, hindi nila nirerespeto ang amo nila na sinu-swelduhan sila ng malaki. Pero sila naman ay todo landi, 'yung iba nagnanakaw pa ng libro na best selling tapos ibebenta ng mas mahal sa iba.
Hindi ko rin gagawin iyon kung walang dahilan. Hindi ako basta mananakit at mamahiya ng tao kung wala silang kamalian.
"Tsk."
"Paano kung isumbong ka ng mga iyon sa pulis? Ano na naman gagawin mo?"
" I have many proofs. Baka siya pa ang mahiya sa mukha ng pulis." Asik ko sa kaniya at muling umidlip.
" Anong proofs? Saan mo naman nakuha ang mga proofs na iyan saka makakatulong ba iyan sa kaso na isasampa sa iyo?"
" Of course! Hindi ako tanga, Froyd. Tandaan mo 'yan. Ang tagal na nating magkaibigan, hindi mo pa ako kilala. I have my own ways. Huwag mo na lang alamin pa ang proofs na iyon. Hahaba pa ang kwento. Kilala na kita, gusto ko ng magpahinga." Pagpapatigil ko sa maaari niyang sasabihin.
Hindi na lang siya kumibo sa kaniyang kinauupuan. Nanatili lang siya roon habang pinagmamasdan ako. Naiiling na lang ako at muling tinuon ang sarili sa pagtulog.
"Hindi ka ba kakain ng gabihan? Gumawa ako, medyo hindi nga lang tama ang lasa hehehe. "
" Kakain ako mamaya. Magpapahinga lang ako saglit. Ano bang niluto mo?" Mahina kong tanong sa kaniya.
" Ahh... Ayon sa nabasa ko sa google, tawag daw doon ay adobong manok. Natatakam kasi ako sa kulay kaya gumawa ako, sobrang tamis pala."
" Anong klaseng pagkakaluto mo sa adobo?"
" Sinunod ko lang ang procedure 'e. Pero namali lang ako sa isa."
" Ang ano?"
" Imbis na asin ang ilagay ko, asukal pala. Parehas kasing puti 'e kaya akala ko asin na siya."
" Tsk. Atleast you're doing great. P'wede ka ng itapon sa labas. Punyeta ka!"
" Grabe naman. Proud ka bang talaga sa akin o nanglalait ka?" Mala-emosyonal na tanong nito sa akin.
Kaya nilahad ko sa kaniya ang kanang palad ko at pinakita sa kaniya ang gitnang daliri ko.
"Hindi ba halata? Saka tigilan mo ako Froyd! Hindi ako makatulog sa 'yo 'e. Kung gusto mong matulog, maglapag ka na lang sa baba ng hihigaan mo. Huwag mo akong b'wisitin!" Inis na singhal ko at muling ibinalik ang aking palad sa aking mukha.
Imbis na magtampo na naman itong lalaking ito, ay natuwa pa sa kaniyang narinig. Any minute na lang talaga mapapatay ko na ang nasa harapan ko.
"SALAMAT!"
Malakas na sigaw niya at naramdaman ko na lang ang mga yapak niya na palayo sa aking direksyon. Napapailing na lang ako sa pagiging isip-bata ni Froyd at muling ibinaling ang sarili sa pagtulog ko.
'Sana ay hindi na siya mangialam pa sa aking pag-idlip.'
JACK'S POV:"Naks, 'a! Grabe sobrang laki at lawak naman nitong bookstore mo. May second floor pa para sa mga English Novel. Saka 'yung price–oww holly sh*t! 'E di ikaw na ang mayaman. Sana all na lang ako, may mga story ba na wolf din dito sa bookstore mo?" Naparolyo na lang ang aking mata sa pagiging madaldal ng lalaking ito. Sana hindi ko na lang siya sinama sa bookstore. Imbis na makakagawa ako nang maayos at walang pagkakamali, hindi! Dahil kay Froyd mabuburyo ang lahat ng gagawin ko. Bakit ba sobrang daldal niya? Hindi na lang niya hanapin pa ang kagustuhan niya.And what? About wolf? Sobrang laki ng banner sa second floor para sa mga section ng novels hindi niya man lang napansin."Tanga ka ba o tanga kang talaga? Sa laki ng mata mo hindi mo nakita. Baka gusto mong dukatin ko na lang 'yan. Wala rin namang pakinabang." May pagbabanta kong saad at itinaas pa ang aking
JACK'S POV:After 8 and ½ hours of my cleaning in tagalog novels, napahiga na lang ako sa sahig dahil sa sobrang pagod ngayong araw. Naramdaman ko ang lamig mula rito sapagkat hapon na.Hindi pa rin ako nakakalahati dahil may mga libro pa akong tinatapon sa sako na pinapatabi ko lang sa loob ng facility. At may iba rin na ayos pa naman kaso sira na ang front page at back page. Readable pa naman ang iba lalong-lalo na ang 'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo' ng pambansang bayani ng ating bansa na si Dr. Jose Rizal.Napag-isip-isip ko na rin na ipamigay sa mga nangangailangan ng mga libro na ito sa mga studyante. Kaysa itapon sa basurahan, baka magkaroon pa ng halaga. Sayang din naman at saka dapat iniingatan ang mga gawa nila. Hindi basta-bastang akda ito, doble ang kahulugan nito na masarap sa pakiramdam.Lahat naman ng nasa loob ng bookstore ay iniingatan at minamahal. Bagay lang sila, pero par
LINZEI POV:"Tao po! May tao po ba rito?" Malakas na sigaw ko mula sa labas nitong napakataas na 'JKM Bookstore'.Dalawang palapag ito at sa naalala ko ay English Novels ang nasa pangalawang palapag. At sa unang palapag ay mga Tagalog Novels naman. Minsan na akong nakapasok dito para bilhin ang mga libro na gusto kong makuha.Sobrang mahal ng libro na 'yon sa ibang store kaysa sa bookstore na ito. Abot kaya talaga ng mga mamimili. Minsan na rin itong muntikan na ipasara ng may-ari sa kadahilanan na maraming nangyari na hindi maganda.Kilala rin ang owner nito na nampapahiya ng mga empleyado. Trending sa social media ang pambabastos niya sa ka-ka-isang taon pa lang na si Samantha Evans. Marami akong nakita na negative comments tungkol sa post at mayroon din na positive.Hanggang ngayon ay wala pa ring nagrereklamo sa may-ari. Sa pagkakaalam ko na kapag may
LINZEI POV:"I-I'm... "Bago ko pa man sabihin ang aking pangalan sa lalaking nagngangalang Jack Krean.Bigla na lang may eeksena sa aming dalawa. Napalayo rin sa aking direksyon si Jack or Sir Jack. Hindi ko alam ang itatawag sa kaniya.Kaya nakaramdam ako ng pagkaginhawa sa paghinga, hindi katulad kanina na sobrang naninikip ang aking dibdib dahil sa kaniyang paglapit.Napalingon din ako sa aking likuran. Nakita ko ang isang lalaki na kakalabas pa lang sa kotse. Hindi siya ganon kalayuan sa aking height. Makapal ang buhok nito at medyo mahaba. May earring din na itim na maliit kaso iisa lang at nasa kaliwang bahagi ng kaniyang tainga.Nakasuot siya ng puting t-shirt at trouser. Ang pang-apak naman niya ay Nike na sapatos. Magkaiba sila ng kulay nitong si Sir Jack."Hoy Jack! Sino 'yan? Shota mo?" Patanong na wika ng lala
JACK'S POV:"What's happening here?" Tanong ko sa mga nagkukumpulan na mga katao. Nakipagsiksikan pa ako para lang makapunta sa pinaka-main point ng eksena.Akala mo ay may concert sa labas ng bar ko. Hindi pa naman oras ng bukasan nito.Nakita ko ang isang lalaki na mataba pero ang braso at dibdib ay masasabi kong malaman pa sa malaman. Araw-araw ata itong nasa gym para magpalaki ng mga braso pero nakalimutan na paliitin din ang t'yan na akala mo ay may dinadalang bata.Nakahawak ito sa kwelyo ng lalaking hindi ko kilala. Naka-business attire ang lalaki habang nakataas ang kilay sa kaharap niya.Napansin ko na hindi pa nagsisimula ang labanan sa pagitan nila.Panigurado na mga customer ko ang mga itong nanonood at sila ay nag-aabang na sa pagbukas ng bar, kaso nga lang may dalawang kotse ang magkakasalpukan.Nainis ang lalaking masboy na
JACK'S POV:"So, let's start," panimula ko sa babaeng ito. Maaga pa naman at ang oras ng bukas nitong bookstore ay alas otso ng umaga. "Anong dahilan mo at gusto mong pumasok sa bookstore ko? Aside from the payment. Don't give me a lie reasons, I can sense it." Tanong ko sa kaniya at binantaan na rin para alam niya kung ano ba ang kaya kong gawin.Hanggang ngayon ang suot niya ay pang-lalaki. Wala naman sa aking kaso 'yon. Mas maganda ngang ganon para walang lumandi sa kaniya na mga malanding lalaki. Pupunta lang sa bookstore para magbasa ng kaunti saka kapag wala ng umaaligid sa librarian, gagawin nila ang pakay nila.Hindi ko magawang bigyan ng leksyon ang mga 'yon, dahil hindi ko pa nahuhuli. Hanggang tingin na lang ako sa mga mini camera na nakakalat sa bookstore.Kaya alam ko ang mga ginagawa ng mga empleyado ko at kayang-kaya ko itong isiwalat sa pulis kung maging dehado ako sa kanila.&
JACK'S POV:Alas n'webe na ako nakarating sa A.J.Y. Academy. Hanggang ngayon wala pa ring pinagbago ang paaralan. Ang uniform ay ganon at ganon pa rin.Violet with blue highlights. At logo ng isang bungo na pinalilibutan ng cobra. Representing the color of Yuazzer eyes. Pero ni isa sa mga ito ay wala pang violet na kulay ng mata. Hindi na nasundan pa ng mga ninuno nila.At kung magkataon man na mangyari man 'yon, siya na ang pinakamalakas. Sabi-sabi lang ng mga matatanda."You're here. Akala namin hindi ka makakapunta. You know, we just meet last last day and never talk." Nakangiting wika ni Ze.Ang tanging palatandaan lang kung sino si Aze at Ace ay ang nunal nitong si Aze sa kaniyang ilong. Hindi naman malaki pero kita pa rin.Magkasingtangkad lang sila at ang porma nila ay parehas lang din. Nakasimpleng polo shirt lang sila na hindi makapal at naka-maong s
JACK'S POV:Isang buwan na ang nakakalipas magmula ng imbitahan at dalhin ako ng dalawa sa sariling bar ko.Hindi na muli silang nag-abala pa sa akin. Kinausap lang nila ako para sa misyon na gusto nilang gawin ko, kapalit ng pagtulong sa nawawalang bagay na pagmamay-ari ng pamilya ko.Isa na rin 'yun malaking tulong sa akin. Baka sakaling mas mapabilis ang paghahanap ko sa letcheng kahon na 'yon. At malaman ko na kung ano ba ang kahalagahan no'n sa aming pamilya.Maski ako ay na-ko-curious sa laman. Ano kayang meron?Sa loob din ng isang buwan na 'yon nakikilala ko na nang mabuti ang empleyado ko. Magaling siya at kitang-kita ko sa mini camera kung paano niya banatan ang mga kalalakihan na nambabastos kapag naglilinis siya ng mga libro.Ginagawa niya talaga ang lahat para sa pamilya na kailangan siya. Nasa kaniya na talaga nakaatang ang lahat. Dahil siya ang